CHAPTER 06

1969 Words
CHAPTER 06 Pagkatapos kong pakinggan si Zaydel sa music room ay pinili kong mauna sa room namin. Abot langit na yata ang ngiti ko dahil sa nakita kanina. Sobrang dreamy ni Zaydel! Para siyang vitamin ko sa umaga, he's now my new brand of vitamin! Para akong lumulutang sa ere habang naglalakad sa tahimik na hallway. Marami naman akong naging crush before pero kakaiba ’to. Kakaiba kasi si Zaydel. “Ang ganda ng ngiti natin, ah?” puna sa ’kin ni. . . sino nga ba ’yon? Hindi ko kasi tinatandaan ang name kapag hindi guwapo. It's not worth it. I smirked ang flipped my hair just like what they are doing in a commercial. “It’s natural! Maganda kasi ako,” maarte kong ani. I winked at him before I sashayed into the not so busy hallway. “Iba ang ngiti natin, ah? Ano'ng nakain?” Salubong sa ’kin ni Rhea pagpasok ko sa room. Palagi siyang nauuna sa ’kin kaya pagdating ko ay nasa upuan na niya siya. Dahil good mood ako ngayon, hindi ko muna sisirain ang umaga niya. I put my channel shoulder bag on my disk before sitting comfortably. Rhea is smiling widely while pulling her chair near mine. Sa itsura niya, halatang makiki-chismis na naman ang bruha. “What happened sa clubbing ninyo kagabi? ’Yung ngiti mo kasi kakaiba. Ano? May nabingwit ka ba?” usisa niya sa ’kin. Inilapit niya pa ang sarili kaya nginisihan ko siya. “Hindi ko na kailangan mamingwit dahil sa ’kin na mismo lumalapit ang grasya,” sabi ko sa kanya. “Gandang-ganda sa sarili, ah? Ano'ng nabingwit mo? Panot na billionaire?” Napairap na lang ako sa mga pinagsasabi ni Rhea. “Mukha ba akong pumapatol sa gano’n?” singhal ko sa kanya. Panira naman ng umaga ’to! Palibhasa walang lovelife. “Bestfriend kita pero mukha kang pumapatol sa gano’n.” I immediately glared at her. “Rhea? Baka gusto mo nang mamatay? Libre ko na ang kabaong at kape.” Tumawa siya at sinampal ang braso ko. “Ang pangit mo naman magbiro, Nicole.” Pagak siyang tumawa habang niyayakap ang braso ko. “Nag-change ako ng vitamin.” I smirked at my best friend. Her forehead creased sa out of context kong sinabi. Halata ang pagtataka sa mukha niya na mas lalong nagpangisi sa ’kin. From nagtatakang face napalitan ito ng gulat. Her eyes widened and her mouth formed a perfect o. “Oh my gosh!" Nanlalaking mata na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Dumapo ang kamay niya sa bibig para sapuhin ito. Ilang beses din siyang nagpakurap-kurap bago muling nagsalita. “Buntis ka!” malakas niyang sigaw. I immediately glared at her. Konti na lang talaga at ipupulupot ko na ang golden chain ng chanel bag ko sa leeg niya! “Lumayas ka sa harap ko,” seryosong sabi ko sa kanya. Sa lakas ng sigaw niya, lahat ng mga kaklase ko ay napatingin sa ’min. Uhaw na uhaw pa naman ang mga 'yan sa chismis! “Buntis? Sino?” “Buntis ka, Nicole?” Ang isang kaklase ko ay lumapit pa talaga sa ’min para lang mang-usisa. “Magtataka pa ba tayo? Eh, dakilang flirt ’yan, eh.” Inirapan ko na lang ang mga kaklaseng cheap ang buhay. Dahil maganda ako hindi ko na lang sila pinatulan. “Lumayas ka nga sa harap ko! Chismoso ka,” singhal ko sa kaklaseng lumapit. “Joke lang ’yon, ito naman, eh.” Si Rhea sa mga kaklase namin. Nakangisi na parang asong ulol naman na nag-peace sign si Rhea sa ’kin. Muling niyang hinila ang chair niya sa original arrangement nito para lumayo sa ’kin. Dapat lang na dumistansya siya, baka mamaya magtawag ako ng ambulansya dahil sa lakas ng bunganga niya. Ipapatahi ko ’yan! “Ito na, Madam,” natatawang aniya habang lumalayo sa ’kin. Hindi ako natutuwa sa tawa niya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. “Ang ganda mo po ngayon, Madam,” dagdag niya. I will not consider it as pambobola kasi true naman. “Alam ko.” Inirapan ko siya bago kinuha ang cellphone sa bag. Manonood na sana ako ng Asia’s Next Top Model nang biglang pumasok ang baby ko— si Zaydel. Mabuti na lang at dumating na siya bago pa tuluyang masira ang mood ko rito. Ngumiti ako nang malapad. Saglit kong pinasadahan ng palad ang buhok at inayos ito. I licked my lower lip and bit it to make it more reddish. “Hi, Crush!” masayang bungad ko sa kanya. Umupo ako nang maayos, I crossed my legs and straighten my back. I also waved my right hand for a cute hi. Bayolente kaagad ang singhapan ng mga kaklase ko, lalo na kay Rhea na katabi ko lang. Sabay-sabay ang pagbaling nila sa ’kin na para bang may kung ano sa ’kin. It's like their time stop because of me! Well, magtataka pa ba ako? Gan'yan naman lagi ang effect ko sa kanila, eh. Si Zaydel naman ay natigilan sa sinabi ko. I saw how his brows furrowed, kulang na lang ay magdugtong na ang makapal niyang kilay. Napaawang labi niya at puno nang pagtataka akong tiningnan. He was left standing there, nagulat sa magandang bungad ko sa kanya. Pa-cute akong ngumiti sa kanya habang pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko. “Upo ka na, masyado ka namang stunned sa beauty ko.” I chuckled and winked at him. I heard the loud gasps of my classmates for the nth time because of my aggressiveness. Sunod-sunod ang bulungan nila na para bang mga bangaw. I frowned when I saw Zaydel got his cold expressionless face back. Sobrang dali nawala sa mukha niya ang gulat. Sa itsura niya, para bang wala akong ginawang pagbati. “Crush? Ano’ng kalokohan ’to?” Sinundot ni Rhea ang tagiliran ko. Sa sobrang bilis niyang nakalapit ay hindi ko namalayan. Kinurot niya ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tinapik ko ang kamay niya at inginuso sa kanya ang upuan niya para bumalik na siya roon. “Behave, dog!” I said irritatedly. “Takte! Hindi kita kaibigan, nakakahiya kay, Zaydel!” Saglit niya pang tiningnan ang lalaki sa tabi ko na ngayon ay busy na sa pagsusulat ng kung ano-ano sa notes niya. Magsasalita pa sana si Rhea pero pinigilan ko na siya. Didiskarti pa ako kay Zaydel ang gulo-gulo niya! Kakausapin ko pa ’yung tao, eh. “Bumalik ka nga muna sa upuan mo! Mamaya na ako makikipagkwentuhan sa ’yo,” sabi ko kay Rhea bago hinila ang armchair para mapalapit kay Zaydel. It made a noise as it scratches on the floor kaya parang mababali na ang neck ng mga classmates ko katitingin sa ’kin at kahihintay sa mga steps ko on how to flirt with my crush. Inirapan ko lang ang mga inggrata, wala silang confidence kaya inggit sila. I know half of the population ng mga girls na nandito ay may gusto kay Zaydel— including me. At sa ilang buwan kong palihim na pagsulyap sa kanya, marami akong nakitang secretly na naglalandi at nagpapapansin sa kanya. Be it outside or inside the campus. Ang lame ng mga moves nila kaya hindi tumatalab kay Zaydel. Dumami rin ang mga feeling matalino just to get close to him and have his attention. Mga feeling maraming alam, ’yung magtatanong kunwari para lang maka-usap siya. Ilang ulit ko na ring nasaksihan na may ibang bigla na lang nadadapa sa hallway para magpapansin sa kanya. At dahil gentleman naman itong isa, tinutulungan niya ang mga maarting walang class kung mag-acting. Ow, kiddos! Watch me flirt effectively on a different way. “Thanks sa paghatid sa ’kin kagabi sa mansion, ah!” Sinadya kong lakasan ang boses para marinig ng mga cheap. Lumalaki ang mga tainga nila kaya alam kong nakikinig sila. Dahil sa sinabi ko ay muli silang napabaling sa ’kin. Tinaasan ko sila ng eyebrows at isa-isang pinasadahan ng tingin para makita ko ang inggit na inggit nilang mga reactions. Kasisimula ko pa lang maglandi, lamang na agad ako sa inyo. Paano ba ’yan? “Kung wala ka kagabi. . . hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa ’kin,” malambing kong ani sa Zaydel na kunot na kunot ang noo. I immediately heard their whispers but I don’t care. Expected ko nang mag-iingay ang mga bubuyog at hindi nga ako nagkamali. “Ang landi talaga.” “Nakaka-irita, ang arte-arte! Pati si, Zaydel tinira na rin.” “’Di ba may issue pa sila ni Khaizer before? Saka kay, Rex din. Tapos ngayon si, Zaydel naman?” “Desperada masyado, siya pa ang nag-initiate eh, no?” I saw how Zaydel's face changed. From expressionless to an irritated one. Ang cute niyang mairita! I glared to all of them. Ayaw siguro ni Zaydel sa mga chismosa. Buti na lang hindi ako mahilig sa chismis. Well, kasi naman ang kagandahan ko ang palaging pinagchichismisan nila. Mas lalo ko pang nilapit ang chair ko sa kanya. I smile widely nang bumaling siya sa ’kin sa ginawa kong paglapit. Pinagdikit ko ang upuan naming dalawa. Sa lapit ko sa kanya ngayon, nagtatama na ang mga braso namin. Ngisi lang ang isinukli ko sa kanya nang samaan niya ako ng tingin. “Distance, Nicolette,” he said with his baritone voice. Dama ko ang diin ng titig niya sa ’kin. Kung nakamamatay lang ’yon ay malamang nakabulagta na ako sa floor. Nakanguso akong umiling, “My yaya told me that I should stick to my dreams,” I told him. Tinaasan niya ako ng kilay, “And then?” Psh, sungit! “That is why I’m sticking to you kasi ikaw ang dream ko!” I smiled playfully at him. Sinubukan kong tingnan ang mga sinusulat niya sa notebook kaso mabilis niya itong inilayo sa ’kin. Ngumuso ako dahil wala man lang effect ang banat ko sa kanya. Napabuntonghininga siya sa mga ginagawa ko. Imbes na matuwa ay mukhang nairita pa siya sa ’kin. Mabuti na lang at gumana ang brain cells ko at bigla akong may naalala. “Crush, patulong—” “Dang! Stop calling me that!” obviously annoyed, he said. Ngumuso ako at humalukipkip. Ano ba’ng gagawin ko sa Zaydel na ’to? “Fine, I'll call you, MG na lang.” Pinaglaruan ko ang dulo ng buhok. Mabuti na lang at wala pa ang lecturer namin. Sana hindi na siya pumasok para masulit ko si Zaydel ngayon. Muling nangunot ang noo niya sa sinabi ko, “MG?” he asked. Nakangisi akong tumango sa kanya. “MG, short for, Malditong Gentleman!” I winked at him. Muli ay malalim siyang napabuntonghininga. Sa isip niya siguro ay nagsisisi na siya why he entertained me. Irresistible kasi ang beauty ko kaya ganun! “I have my name,” aniya sabay iwas ng tingin. He even move his chair just to get away from me! "Yeah right, MG! Patulong naman sa assignment natin, oh. It’s so hard kasi, hindi ko ma-gets. . . parang ikaw lang.” Ibinulong ko ang huling sinabi pero alam ko namang narinig niya. “You should take memory plus gold, wala tayong assignment,” he said while looking at the blackboard. My lips parted a little, medyo napahiya ako roon. Pati mga classmates ko na nakarinig ay pinagtawanan ako. “Tapos na ’yon, Nicole. We already checked it last Friday, remember?” Kung abot ko lang si Rhea ay siniko ko na kaagad siya. Dinugtongan niya pa talaga! Kainis! bawas points ’yon! I sighed. Inayos ko na ang upuan at ibinalik sa dating puwesto. Mamaya ko na lang guguluhin si Zaydel, mag-iipon muna ako ng banat. Napatingin ako sa bintana at nakita ang dumidilim na langit. Sana naman hindi umulan, my morning is too good to ruin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD