KABANATA 22

2150 Words
KAGIGISING lang ni Amore. Napasarap ang kanyang tulog dahil marami ang nainom niyang beer kagabi. Bumangon siya at tumungo sa labas ng kwarto niya sa loob ng yate. Hinanap kaagad niya si Liam pero wala na iyon sa labas. Bumaba siya sa yate at nakita niya ang lalaki na nandoon lang pala sa may isang malapad na bato naka-upo at parang nagmumuni-muni. Nilapitan niya ito. At naupo sa tabi ni Liam. "Hey, they're something bothering you? Akala ko kung nasaan ka na? Akala ko iniwan mo na ako habang natutulog pa ako." Hindi siya nito pinansin. Kumunot ang noo niya. May problema na naman siguro. Malamang suplado, e. "Tara na mag-ayos na tayo ng mga gamit. Umuwi na tayo baka nag-aalala na si Tiyo Gusting sa'tin, medyo tanghali na rin. Grabi pala ang tulog ko. Pero okay lang dahil wala naman akong hang-over," tuloy-tuloy niyang wika. Medyo napadaldal siya. Maganda kasi ang gising niya. "Okay, let's go home." Nagsalita rin sa wakas, baka wala ng sa mood kanina. Tumayo na silang pareho.Naglakad patungo sa yate. "Amore, thank you so much, hindi ko pa rin maubos isipin na ginawa mong special ang birthday ko." Masaya si Liam, kahit papaano ay ginawa niya ang kanyang best para mapasaya siya nito.Tulad ng sabi nito, siya lang ang nag-abalang maghanda sa birthday niya dahil hindi na siya nagsi-celebrate mula noon. "It's just nothing. You're welcome, Liam. Let's go." "Doon na lang tayo mananghalian sa bahay ni Tiyo Gusting. Magluluto ako ulit ng paborito mong pagkain. Ano pa ba ang mga paborito mo?" nangingiting tanong ni Amore sa kanya. Daig pa naman nito ang girlfriend ni Liam kung umasta. Wala naman sila sa harap ng mga tao pero parang nasanay na siya pagpanggap man o hindi. "Wala, dahil lahat ng niluluto mo ay gustong-gusto ko. Every foods you cook are all special. Balak ko nga sana balang araw ay kunin kitang personal Chef ko. Wala kang kasing galing kung pagluluto lang ang pag-uusapan." Wow, it's a compliment galing sa lalaki. Sumaya bigla ang puso niya. "Sure ka ba?Grabi Chef lang ang gusto mo sa'kin? Tss!" kunwari nagtampo pero biro lang naman niya. Natawa si Liam sa naging reaksiyon niya. "Siyempre, bakit ano pa ba ang gusto mo? Ha? Ano?" "Wala. Nevermind. Umuwi na nga tayo baka iba na naman ang iisipin ni Tiyo Gusting kung bakit hindi pa tayo nakaka-uwi." Umuwi silang dalawa na kapwa masaya at nag-enjoy. Simpleng bagay lang naman ang ginawa nila, inuman at kwentuhan lang naman. Wala namang ibang nangyari bukod doon. Puno naman sila ng respeto sa isa't-isa. Pagpapanggap nga di ba? Ano pa ang aasahan mo? Pagkarating nila sa may daungan ay kaagad nilang nakita si Tiyo Gusting na nakaupo sa papag at kumakain ng tanghalian. NAKANGITI naman si Tiyo Gusting habang paparating sina Amore at Liam galing sa Tinagong Isla. Siguro may kung anong kakaiba na talaga itong iniisip. Iba kasi ang ngiti nito, parang nakakaluko at nanunukso. "Ahem. Siguro nag- enjoy talaga kayo ano? Tinanghali kasi kayo ng uwi," bungad nito sa dalawa habang medyo natatawa. "Kamusta ang pagpunta niyo sa Tinagong Isla?" "Well, of course Tiyo Gusting," sagot ni Amore. Tama talaga ang hinala nila nag -isip na naman ng hindi maganda ang Tiyo."nag-inuman at kwentuhan lang naman." "Magandang tanghali po Tiyo," bati ni Liam "Aba, talaga ang ganda ng tanghali ko kasi baka successful na ang hinihiling ko sa inyo," nakangising wika nito. Ang paghingi na naman ng apo ang nasa isip nito. Malabong-malabo iyon na mangyari. "Tiyo, malabong mangyari iyon. Wala pa sa plano namin ang gusto ninyo. Baka sa susunod na lang po iyon. Huwag po kayong makulit," agad naman na sagot ni Amore. Hindi naman alam ni Liam ang pinag-usapan nilang magtiyo. "Ano po ba ang ibig ninyong sabihin Tiyo? Parang na curious tuloy ako?" sabat ni Liam, na walang ka alam-alam. "Ang ibig kung sabihin ay kung successful na nakabuo na kayo ng magiging anak ninyo, gusto ko na kasing makita ang maganda at guwapo kung mga apo. Tumatanda na ako kaya gusto ko munang masilayan ang mga apo ko bago ako malagutan ng buhay," seryosong saad nito. Muntik masamid si Liam. "Talaga po ba?" napakamot siya ng batok. "Baka huwag na muna Tiyo kasi hindi pa namin napagplanuhan," tumingin siya kay Amore. "Baka next year kapag hindi na busy. Huwag naman po kayo magsalita na parang 'di na kayo aabot bukas, malakas pa naman kayo kaya antay lang po ng kunti Tiyo at matutupad iyong kahilingan mo," pagdadahilan ni Liam. Tila nabigla siya pero ang galing niya na maghanap ng alibi. "Sige na nga lang. Hay naku, basta sa susunod na taon ha. Ipangako ninyong dalawa iyan. Magtatampo na talaga ako sa inyo. Sabi mo sa'kin Amie umuwi kayo rito para dito bumuo ng pamilya ninyo, tapos ayaw niyo pa naman pala kaagad magka-anak," dagdag pa ng matanda na may tunong pagka-dismaya. Inakbayan siya ni Amore. "Tiyo naman. Sige na po papasok na po muna kami sa loob ng bahay. Gutom na gutom na po kase kaming dalawa," pag-iiba ni Amore ng usapan. "Oo nga Tiyo," pagsang-ayon ni Liam. "Nakakagutom na talaga. Sige po. Saka na lang po natin pag- usapan ang tungkol diyan. At sisiguruhin kong kambal agad ang magiging anak namin ni Amie, di ba Mahal?" wika ni Liam, aba ang loko nangako pa. Malabo naman iyon mangyari. Napatango na lang si Amore kahit napilitan lang. Wala naman siyang choice, pero paano mangyayari na maging totoo iyon? "Sige. Aasahan ko iyan. Huwag ninyo akong biniguin ha. Sige, kumain na kayong dalawa, marami ang niluto kung ulam. Paborito ninyong dalawa iyon," naging masaya na ang matanda mula sa narinig. Lagot silang dalawa. Inakbayan naman ni Liam si Amore. Sana ganito na palagi. Sana totohanan na ang lahat at hindi na pagpapanggap. Pumasok na sila sa loob ng bahay. "Here, kumain ka na. Magbibihis na muna ako kaya susunod na lang ako sayong kumain," wika ni Amore at inilapag sa mesa ang mga pagkain. "Thanks. Mamaya ka na lang magbihis. Kain na Mahal, alam kung pareho tayong gutom na gutom na. Samahan mo na ako," pagpipigil ni Liam sa kanya. "Okay, mamaya na nga lang," sabay silang kumain. Wala silang imikan. Medyo naiilang sila sa isa't-isa dahil siguro sa sinabi kanina ni Tiyo Gusting. "Ahem," tikhim ni Liam. As if daw nabilaukan siya para lang kumibo si Amore. "Are you okay? Heto ang tubig. Bakit ka naman nabilaukan, tingin ka nang tingin sa'kin tapos mabibilaukan ka na? Bakit pangit ba ako?" pa simpleng biro nito kay Liam. "Okay lang ako. Hindi ka pangit, sa katunayan ang ganda-ganda mo nga eh. Mala-diyosa ang ganda mo,Am," tugon ni Liam sa kanya saka kinuha ang iniabot niyang tubig. "Asus. Nambola ka pa. Tungkol nga pala sa sinabi kanina ni Tiyo Gusting huwag mong pansinin. Ang engot lang nu'n ba't ba kasi paulit-ulit niya iyong sinasabi at talagang pinarinig niya pa sa'yo? Alam mo namang malabo naman talagang mangyari iyon? Wala tayong relasyon kaya hindi magiging totoo iyon, asa pa siya," wika ni Amore saka nagsubo ng pagkain. "Uhmm. Aba pwede naman natin totohanin iyon sa susunod. Kapag hindi ka na binalikan ni Lysander, pwede naman sigurong ligawan na lang kita. Nangako na kasi ako kay Tiyo Gusting na sa susunod na taon ay magkakaroon na tayo ng baby. Alam mo naman na nangako na tayo sa kanya. Nakakahiya kapag biguin natin siya," nakangising wika nito. Pagkarinig niyon ni Amore ay talagang nabilaukan ito. Nang hawakan ni Amore ang baso ay sakto namang nahawakan iyon ni Liam. Nandoon na naman ulit ang nararamdaman niyang parang may kung anong kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya papunta sa kanyang puso niya. Ilang sandali na kapwa sila natigilan at nagkatitigan. In love na ba talaga siya kay Liam? Nang maubo na siya ulit saka na lang nila napansin na nagkakatitigan pa pala sila at nanatili sa ganuong posisyon. "Am, I'm so sorry. Heto na ang baso ng tubig. Okay ka lang ba? Pasensiya at iyon ang mga sinabi ko. Nabigla ka pa tuloy. Sorry, nagbibiro lang naman ako nang sinabi ko iyon," pagpapaliwanag niya. "Ah, okay lang ako. Oo, nga nabigla nga ako. Bakit ba naman kasi nasabi mo iyon kanina? Liam huwag ka ngang magbiro ng ganun. Imposible naman talaga kasing mangyari iyon. Wala naman sigurong patutunguhan ang pagtulong ko sayo at isang pagpapanggap nga lang ito. Ewan ko ba kung seryoso ka sa mga sinasabi mo? Saka wala pa naman sa isip ko ang mga bagay na tulad ng mga iniisip mo. Paghihigante pa ang nasa isipan ko ngayon kung paano ko makukuha ang hustisya na nais ko," wika nito saka tumayo na. Tinigil na niya ang pagkain. Napailing na lang siya. Ayan, naging bitter ulit si Amore dahil sa mga kalokohan niya. Si Liam na lang ang naiwang nagligpit ng mga pinagkainanan at naghugas ng mga ito. Pumasok sa kanilang kwarto si Amore at nagbihis ng bagong damit. "Ano ba ang pinagsasabi niya kanina? Totoo kaya na liligawan niya ako next year? Sana nga huwag na ngang bumalik si Lysander. At baka pagbibigyan ko na siya sa gusto niyang ligawan ako. The mere fact I like him, pero wala pa talaga sa isip ko ang magmahal. Ayoko ko rin na sagutin siya dahil baka mapahamak siya. Alam kung hindi niya ako papabayaan at baka mapaano pa siya. Baka mapatay siya ulit ng kapatid niya. Nakakalito na talaga. Sana nga mas mapadali na makaalis na ako dito sa isla para makalimutan ko na siya. Iyan ang mabuti kong gawin para maprotektahan sila ni Tiyo," wika niya. Parang baliw siyang kinakausap ang sarili niya. Pumasok na rin si Liam sa kwarto nila dahil tapos na rin itong magligpit at maghugas ng mga pinagkainan. "Are you okay? Am, tungkol nga pala sa sinabi ko kanina, joke lang iyon," patuloy nito. "Paki-abot ako ng tuwalya ko. Maliligo ako bago matulog ang init kasi ng panahon," dagdag pa nito. "Heto," iniabot niya ang tuwalya. "Okay lang ako. Don't worry about me. Inaantok na nga rin ako kaya matutulog din ako," tugon niya habang hindi nakatangin kay Liam. Kinuha ni Liam ang tuwalya at pumunta ng banyo. Naligo siya at saka bumalik na rin sa kanilang kuwarto. Nang madatnan niya si Amore ay tulog na ito. Pinagmasdan muna niya ito habang tulog. "Am, kung alam mo lang kung gaano ako kasabik na masabi sayo ang tunay kung nararamdaman Am, I love you. Sana nga huwag nang bumalik pa si Lysander para maging akin ka na lang. Sabihin man nilang ang damot kong tao pero iyan ang gusto ko. Tanggap kita kahit sino ka Amore. I like your personality and all about you. Sana huwag ka na lang umalis at maghigante sa kapatid ko," wika niya mula sa isipan niya. Nawala ang kaniyang antok kaya lumabas na lang siya. Nandodoon sa labas si Tiyo kaya nakipagkuwentuhan na lang siya sa matanda. "Tiyo, pwede ba tayong mag-usap? May gusto lang po akong itanong sa inyo," saad niya. "Ano iyan Yam, nasaan nga pala si Amie?" tanong ni Tiyo Gusting sa kanya. "Natutulog sa loob ng kuwarto. May-alam po ba kayo tungkol sa nangyari sa Daddy ni Amie? Bakit po siya namatay? Hindi po nga kasi sinabi sa'kin ni Amie ang buong kuwento kung bakit," wika niya. "Sabi niya sa'kin may pumatay sa ama niya. Nang mamatay ang ina niya dahil sa sakit ay silang dalawa na lang ang naiwang magkasama. May negosyo daw ang ama niya at marami ang kumukontra doon dahil naging isang sikat na negosyante ang Daddy niya. At hanggang isang araw ay nagulantang na lang siya sa isang balita na may pumatay sa Daddy niya. Natagpuang patay iyon sa isang gubat. Nang malaman niya ay agad daw niyang pinuntahan iyon. Muntik na nga rin siya mapahamak dahil may gusto ring pumatay sa kanya. Mabuti lang daw ay may tumulong sa kanya. Hindi na nga lang niya naaalala ang lahat pagkatapos noong araw na iyon. Kinalimutan na daw niya ang masakit na ala-alang iyon," mahabang salaysay ni Tiyo Gusting. Hindi naman nito alam ang lahat, nakikibalita lang din naman siya noon. "Ganuon po ba? Ang lungkot naman pala ng nakaraan niya. Kaya pala naging ganito siya ka tapang ngayon," nasambit ni Liam. "Ano ang sabi mo Yam?" tanong ni Tiyo. "Wala ho. Sige baka naisturbo ko po kayo. Nakikita ko naghihikab na kayo. Siguro gusto na ninyong matulog?" "Oo nga. Inaantok na nga ako. Sige, matutulog na muna ako. Mamaya na tayo ulit mag-usap. At mas mabuting si Amie ang tanungin mo tungkol doon, siya lang naman ang may mga alam sa lahat ng nangyari." "Sige po," maikli niyang tugon. "Kaya pala ganuon na lang ang gusto niyang makapaghigante sa taong pumatay sa ama niya. At ano naman ang kinalaman ni Kuya Regor doon? Siguro wala naman maliban sa nagkagalit sila dahil sa'kin, dahil sa tinulungan ako ni Amore, " usal niya saka bumalik sa loob ng bahay para magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD