NAGISING na si Scarlett. Malakas na siya dahil sa tatlong araw na pahinga. Agad siyang tumayo at lumabas ng silid niya.
Nasa labas sina Astra at nagpupulong nang madatnan niya.
Napagpasyahan nina Astra na papalayuin muna si Scarlett sa Maynila. Kailangan nitong maglaylo para walang may makakakita sa kanya. Hindi na siya ligtas. At baka mapatay uli siya nina Regor kapag nakita siya nitong buhay.
"Anong meron dito? Bakit kayo nagtitipon ngayon?" tanong niya kina Astra.
"We have a meeting. Nagkasundo kaming lahat na magla-lie low ka muna Jasmine dahil hindi ka na safe rito sa Maynila. Huwag kang mag-aalala habang wala ka, kami na muna ang bahala sa lahat ng bagay na mga dapat mong gawin. At kami na rin muna ang bahala sa mga bagay na kinakailangan mong gawin gaya ng paghihigante kay Regor," paliwanag ni Astra. May point siya, it's for her safety.
"Pe...pero, Astra hindi naman ako mapapakali kapag kayo na muna ang gagawa nun. I think huwag muna kayo gumawa ng kahit ano. Dapat na pag-aralan ninyo muna lahat ang sitwasyon. Isang leksiyon ang nangyari sa akin. Kung hindi ako nagpadalus-dalos hindi ito nangyari sakin," nalukot ang mukha niya pagkatapos magsalita. Sinisi niya ang kanyang sarili.
"Sige, Jasmine. Gagawin namin ang gusto pero sa oras na kakailanganin naming maghasik ng takot sa target ay huwag mo kaming pigilan. Kukunti pa lang naman ang mga naitumba namin sa lahat ng mga taong nailista mo bilang mga galamay niya. "
"Okay. Basta dahan-dahan lang. Huwag kayong magpadalus-dalos gaya ng sinabi ko dahil baka ikapahamak niyo rin. Hindi ko na gusto na may isa pang madadamay o maaring mamatay," malungkot sagot ni Scarlett.
May kumatok at pinapasok ni Astra. Isang mataas at magandang babae. Maputi at sexy.
"Hi. Kamusta kayong lahat. I'm here dahil may gusto akong sabihin sa inyong lahat. Paumanhin dahil nakigulo ako sa usapan ninyo," wika ng babae. Umupo ito sa vacant seat.
"Hello, Trisha. Kamusta ang ipinaggagawa ko sa'yo? How's the target?"usisa ni Astra mula sa babae.
"Actually, he was doing fine. I always saw him in the Halimuyak club. Madalas siyang nandodoon. Nakita na niya ako roon pero not this real face. Di ba alam niyo namang isa akong costplayer kaya magaling akong mag-iba ng mukha ko."
"Talaga lang ha, nag-eenjoy siya ngayon."
"There's more, I also saw a guy. Guwapo at mataas. Maputi at matikas ang pangangatawan na parang Chinito,"dagdag pa ni Trisha.
"What? Nakita mo ang lalaking iyan na kasama ni—ng target?" singit ni Scarlett sa kanilang usapan.
"Yeah. Muntik na nga akong mahuli ng lalaki Jasmine. Ang kulit, he keeps on asking if kasamahan ko ba ang mga babaeng kumakalaban kay Regor."
"Paano mo natakasan si Ezekiel? May ginawa ka ba sa kanya?"
"Wala, I've just pretended na wala talaga akong alam. Mas naging makulit kaya nagmaang-maangan na lang ako."
"Buti naniwala siya sa'yo."
"Hindi pa nga e.Grabi ang kaba ko pero dahil sa natutunan ng lahat ng mga miyembro ng OMARE CORPs na huwag papahuli kahit Anong mangyari kaya ko nilabanan ang kauna-unahang kaba na naramdaman ko."
"Baka kinabahan ka lang Trisha dahil gwapo siya," sabat ni Astra habang natatawa.
"Nope. He's not my type. But he also said, gusto na daw niyang umalis sa grupo nina Regor. Ewan ko kung totoo nga ba ang sinasabi niya."
"Siya ang right hand ni Regor. Bakit naman niya gagawin iyon? Mas nauna pa nga siyang nagtrabaho kay Regor kaysa sa'kin," sagot niya kay Trisha.
"Baka naiinip na siya sa kakasunod sa lahat ng gusto ni Regor. Sino ba naman ang hindi maiinip kung puro lang naman kasamaan ang mga ginagawa niya, di ba?" singit ni Astra
"You have a point. Manmanan mo na rin si Ezekiel, malay mo magamit rin natin siya laban kay Regor," wika ulit ni Scarlett na ikinakuyom ng mga palad niya.
"Okay, that would be my mission."
"Good."
"Kamusta napala ang pakiramdam mo, Jasmine? Magaling ka na ba?" tanong ni Trisha.
"I'm,fine. Bumangon na nga ako. Masyado na akong naiinip sa kahihiga," pagbibiro ni Scarlett.
"Ang sabihin mo, baka gusto mo namang umalis. Tumigil ka ha. Umuwi ka na lang muna sa probinsya ninyo. Mas ligtas ka doon. Kunti lang naman ang nakaka-alam sa totoong pagkatao mo kaya safe ka roon", sabat naman ni Astra.
"Di ba mga kasamahan mas tama ang ating desisyon?" sunod niyang tanong sa lahat ng mga kasamahan nila sa Omare Corps.
Sumang-ayon naman ang lahat kaya wala na siyang magagawa pa kundi sumunod na lang.
"Astra, Pe...pero paano na kayo rito kapag wala ako?" wika niya ulit.
"Kami na ang bahala rito. 'Di ba tinuruan ninyo kami ni Sapphire na maging matapang at mautak kaya magaling na kami ngayon. Hindi naman nila ako papabayaan. Lahat ng miyembro natin ay susuportahan nila ako. Kaya huwag ka nang mag-aalala. Sundin mo si Sapphire na nag-lie low muna. Mas tama ang ginawa niya. Tatawagan naman kita palagi para araw-araw kang updated sa mga nangyayari rito. At kung may napapatay na naman kaming mga kasamahan nina Regor, panigurado ipapalabas naman iyon ng medya sa TV. Manood ka na lang ng mga balita," mahabang salaysay ni Astra sa kanya.
"Sige na nga, mag-iimpake na nga lang ako. Total, iyan ang sabi ninyo. Sige, sa ngayon susundin ko kayo. Basta sa tamang panahon ay babalik na kami ni Sapphire rito. "
"Very good,Jasmine. Mag-ingat ka rin doon. Ako na ang bahala na manmanan palagi ang target. I'll going to get close with him para mas madali kong malalaman kung ano ang mga kahinaan niya. At ang lalaking si Ezekiel naman, ako na rin ang bahala sa kanya. Just trust me," saad ni Trisha na napapangiti pa. Type ba niya si Ezekiel?
"Hmm. Paki-usap huwag mong saktan si Ezekiel. Kahit papaano ay may naitulong din naman siya sa'kin. Siguro may katotohanan naman ang mga sinabi niya pero dapat mong siguruhin muna kung totoo. Baka patibong lang iyon at inuutusan lang siya ni Regor."
"Huwag ka nang mag-impaki pa, kanina pa namin naihanda ang lahat ng mga dadalhin mo,"sabi ni Astra.
"Talaga? As in pinagplano niyo talaga ito? Grabi kayo ayaw niyo na ba talaga akong manatili rito?"
"Hindi naman sa ganun, gusto lang naman namin na maging safe ka."
"Tara sa kuwarto mo. Dapat na mag-iiba ka ng mukha mo. Dindo has already prepared the prosthetic na gagamitin mo. At mayroon ka nang ID at ticket sa eroplano. Iyon ang mukha mong gagamitin para hindi ka makikilala ng mga makakakita sa'yo."
"Wow, you're all prepared ha. Di ko 'to in-expect."
"Of course,mahirap nang may makakita sa'yo na buhay ka at ayaw naming manganib ulit ang buhay mo,"saad nito at inakbayan si Scarlett.
"Everyone, the meeting is now officially ended." Nagsilabasan na rin ang mga kasamahan nila.
"Trisha, pwede ka na ring umalis kapag gusto mo. Mag-iingat ka rin, okay? dagdag pa niyang sinabi.
"Yeah, hindi rin ako magtatagal. I have something to do. Bye, Astra."
Si Trisha ay isang dating private investigator na minsan nang nanganib ang buhay. Tinulungan din siya nina Sapphire at Jasmine noon kaya mas minabuti nitong sumapi sa grupo nila. Hanggang ngayon ay nagtatrabaho na rin naman itong isang pulis. Siya ang mata nila sa loob ng BJMP.
Hindi naman siya pinaghihinalaan ng mga kasamahan niya.She's just a typical woman,JO3 Trisha Cruz.
Pumasok na sina Astra at Scarlett sa loob ng kuwarto nito. Hinihintay sila ni Dindo.
"Oh. Heto na pala ang ipinagawa mo. It's all done," pinakita kaagad ni Dindo ang magiging bago niyang mukha. Maganda, parang mukhang artista. She likes it.
"Thanks Doc, salamat sa lahat-lahat. Kung hindi mo ako ginamot siguro patay na ako. Sana dumito ka muna. May iniutos na akong dapat na gawin ni Astra habang nandirito ka para hindi masayang ang mga araw mo rito. Mga bagay na dapat mong pagkaabalahan lang naman," sabi ni Scarlett.
"Walang anuman. Ako nga dapat ang magpasalamat. Kung hindi ninyo ako dinala rito, I think nasaktan na ako nina Regor. Aasahan mong tutulong din ako sa kanila habang wala pa kayo ng sinasabi mong si Sapphire. Mag-iingat ka sa lugar na pupuntahan mo," tugon ni Dindo kay Scarlett.
"Tama na ang drama. Isuot mo na iyan. Ihahatid ka rin naman ng mga iba pa nating kasamahan. Baka ma-late ka sa flight mo,"singit ni Astra.
"Basta mag-iingat ka roon. Paki-kamusta na lang ako sa Nanay mo Scarlett," dagdag pa niya habang inalalayan ang babae.
Inihatid naman siya nina Dindo at Astra sa may gate. Hindi naman sila pwedeng sumama. Ihahatid siya ng mga kasamahan nilang hindi pa nakikita ng iba.
Samu't sari ang emosyon niyang nadarama. Malungkot, naiinip at masaya. Pero mas mabuti nang umuwi muna siya sa kanila.
Makakasama na niya ang kanyang ina ng mas matagal. Miss na miss na rin niya ito. Mabuti rin na hindi niyon alam na uuwi siya para masurpesa niya ang kanyang ina.
Nakasakay na siya sa eroplano at malapit na rin itong lumapag sa airport ng Cebu. Excited na siyang mayakap ang kanyang ina.
Kung hindi pa siya nabaril ay hindi siya makakauwi. May advantage din naman kahit papa-ano.
"Woah! Tiyak na masu-surpriae talaga si Nanay. I miss you so much, nay. Malapit na akong makarating. See you soon, nay," usal niya habang dinadama ang paglapag ng eroplano.
Nakalapag na ang kanyang sinakyang eroplano. Pagkalabas ng airport ay wala na siyang sinayang na oras.Kaagad siyang sumakay sa taxi at nagpahatid sa bahay nila. Nasa bayan sila nakatira at malayo iyon sa lugar nina Amore. Siguro kung magkikita sila roon ay isang himala at tulak ng tadhana.
Nang makarating si Scarlett sa kanilang bakuran ay tinanggal muna niya ang kanyang suot na prosthetic masks.Di pwedeng Makita iyon ng nanay niya dahil magtataka ito.
Kumatok na siya at kaagad namang bumukas ang kanilang pintuan. Sumungaw ang nanay niya.
"Sino po ba? Ha—Anak, ikaw? Scarlett, anak ko," sunod-sunod na wika ng kanyang ina saka dali-dali siya nitong pinapasok at mahigpit na niyakap.
"Anak, bakit hindi mo ako sinabihan na uuwi ka sana nasundo kita at nakapaghanda ako," sunod pa nitong sabi. Mahigpit silang nagkayakapan kaya ramdam niya na kumirot ang bandang kanang dibdib niya.
"May masakit ba sa iyo?" Puna ng nanay niya ng hindi siya nagsalita. Masakit nga pero ayaw niyang sabihin para himatayin ito.
"Wal naman Nay, I miss you."
"Akala ko meron, I miss you too, anak."
Kumalas na sila sa pagyayakapan. Naupo siya sa sofa.
"Hindi na ako tumawag at nagsabi sa'yo dahil gusto kitang e-surprise.
Naluluha na ang kanyang nanay."Anak naman, alam mo subrang saya ko ngayon."
"Ako rin Nanay, okay lang kung hindi mo ako nasundo at nahandaan ng pagkain o kung ano. Masaya na akong nakauwi at nayakap ko na ulit ang pinakamaganda kong nanay."
"ASOS, nambola pa. Bakit ka pala umuwi,di ba ang sabi mo busy ka sa mga trabaho mo?"
"Natapos ko na ang mga trabaho ko nay. Sige na gutom po ako. Gusto kong matikman ang luto ng nanay ko. Na miss ko kaya iyon. Mamaya na tayo ulit mag-uusap. Siguro tatagal pa naman ako rito kaya mas maraming araw na magkakasama tayo, hindi ba?"
Agad namang nagluto ang kanyang ina. Nagluto ng mga paborito niya.
Pumasok na muna siya sa kanyang kuwarto. Kahit nawala siya sa kanilang bahay ay pinanatili pala ng kanyang ina na maging malinis ang kanyang kuwarto.
Inilapag niya lahat ng mga gamit niya sa kabinet.
Humiga siya sa kanyang kama at ninamnam ang matagal nang pakiramdam na ninanais niya. Mas masarap talagang nasa mismong bahay mo talaga.
"I really miss my home. Ang sarap mahiga sa kama ko," parang batang nangingiti.Kinapa ang dibdib at bumuga ng hangin.
"How can I find Amore here in Cebu?Basi sa paraan niyang magreply at sumagot sa tawag ni Astra. Parang nasa malayo siyang lugar, kukunti ang signal. Na— I remembered,she told me last time na sa isang isla siya pumupunta, pero hindi ko alam." Natampal niya ang kanyang noo.
Maya-maya narinig na niya ang kanyang ina na tinatawag na siya para kumain na ng dinner. Natakam kaafad siya at lumabas. Nagsalo silang dalawa na kapwa masaya.