KABANATA 20

3250 Words
MALAPIT na ang kaarawan ni Liam kaya nag-iisip ng magiging surpresa si Amore. "Ano kaya ang pwede kong maging surprise gift kay Liam, iyong hindi OA. Baka mahalata niya na umiiba na ang ihip ng hangin sa utak ko. Pag nagkataon na malalaman niyang nagkakagusto na ako sa kanya tatawanan lang ako nu'n." Una niyang kinuwenta sa utak niya. Ngumuso siya at nag-isip ulit. "Tama.Birthday party at ipagluluto ko siya ng mga favorite foods niya then I will buy some gifts. Okay na siguro kaysa wala." "Ate Amie, ano ba ang iniisip mo? Parang ang lalim niyan ah? May problema ka ba?" tanong ni Lita ng mapansin siyang natutulala. "Ah. Wala naman. Nag-iisip lang kasi ako ng pwede kong gawin sa linggo. Ano kasi, kaarawan ni kuya mo Yam. Balak ko sanang magpa-birthday kaya nag-iisip ako ng mga pwedeng gawin sa birthday niya. May mai-sa-suggest ka ba Lita?" "Hmm. Sa palagay ko Ate Amie, magluto kayo ng mga paborito niyang pagkain, iluto mo din siya ng cake." sagot nito. "Good idea. Thank you." "Saka may palaro para sa mga bata. Ako na ang bahala sa palaro. Expert ako du'n." "Pwede 'yan. Para masaya." "Ibili mo siya ng mga regalo, like damit, relo, sapatos, pabango. Sa simpleng bagay Ate Amie ma-aappreciate niya iyon dahil Mahal ka niya, hindi ba?" nakangising wika ni Lita. Tumpak ang mga naisip niya sa mga suhestiyon ni Lita. "Sige,gagawin natin iyon. Pero secret lang natin 'to ha. Two days na lang at kaarawan na ni Kuya mo Yam kaya wala kang pagsasabihan ha. Gusto ko siyang i-surprise," nakangiting tugon naman ni Amore. "Ate, ako na siguro ang mamimili ng mga lulutuin para pagpunta natin sa bayan bukas eh makapaghanap ka ng mga possibleng panregalo niyo sa kanya." "Very bright idea, may boyfriend ka na ba Lita?" Umiling ang dalagita.Wala pa sa isip niya iyon. Naitanong lang din naman ni Amore kasi marami siyang alam. Kababasa niya lang ng w*****d kaya nagka-idea siya. "Mahal na mahal ninyo siguro ang isa't-isa no? Ang sweet niyo kasi araw-araw. 'Pag magkaka-boyfriend ako gusto ko 'yong tipo ng lalaki na kagaya ni Kuya Yam. Mabait, masipag, maalaga at higit sa lahat ay guwapo pa," sunod pang wika ni Lita. Labis ang paghanga niya sa dalawa. Bigla naman siyang natigilan. Sweet nga silang tingnan pero ang totoo fake lang ang lahat. Pagpapanggap lang. "Ah... Talaga? Parang hindi naman ganun. Sige mas mabuti pa. Bukas hindi muna tayo magkakarenderya. Pupunta tayo ng bayan. Dumaan ka dito bukas para sabay na tayong umalis. Gagawa lang ako ng listahan ng mga dapat bilhin bukas." "Sige Ate, excited na ako. May bumibili ako na ang bahala roon. Sige, alis na po ako," paalam nito dahil aasikasuhin muna niya ng mga bumibili. Naiwan siyang nasa kusina at nagmo-monologue. Kinakausap na naman niya ang kanyang sarili. "Sana effective itong surprise na t'o. Sana magugustuhan niya. Pero para saan to? Mag-e-effort ako para sa kanya? I'm just an ordinary friend, iyong stranger na minsan lang siyang tinulungan. Amore ano ba? Ang labo mo. Gawin mo na nga lang iyang mga gusto mong gawin, usal niya. "Hey, are you okay? Sinong kausap mo rito?" tanong ni Liam mula sa kanyang likuran. Bigla naman siyang nagulat dahil sa pagsulpot ni Liam. "Narinig kaya niya ang mga sinabi ko?" Wala may kinikwenta lang ako. Mga dapat bilhin para sa karenderya. Mga dapat lutuin para sa susunod na araw. Bakit naman?" mabilis niyang naisip na alibi. "Ganun ba?By the way sa linggo na pala ang birthday ko Am, gusto ko sana punta tayo sa Tinagong isla. Gusto kong makasama ka doon para at least masaya ang araw na iyon,pwede ba?" "Huh? Sa araw? O sa gabi?" mabilis niyang tanong. Paano na ang birthday party na naisip niya kung pupunta sila doon sa araw? "Hmm. Sa gabi na lang siguro para hindi mainit. Ayaw kung ma-sunburn ka at mas mainam kapag gabi maganda naman ang ambiance ng place. Magka-camping tayo. Di ba ang cool?" Nakangiting turan nito. "That's a good idea." "Kailan ka ba pupunta ng bayan? Sasama ako sa'yo, bibili ako ng mga beer, sa araw ay gusto kong makipag-inuman kay Tiyo Gusting. At ang mga matitira na beer ay dadalhin natin sa Tinagong isla. Okay ba iyong plano ko?" "Ha?Bukas kami pupunta sa bayan. Talagang gusto mo sumama ka sa amin? Pero kasi walang magbabantay rito sa karenderya dahil isasama ko si Lita." "Really?" Nalukot ang mukha nito sa narinig. "Maiwan ka na lang dito at samahan mo na lang si Tiyo Gusting. Day off niya bukas sa pangingisda kaya siya na muna ang magbabantay rito, alam mo naman na mabilis siyang mapagod kaya dito ka na lang. Kami na ang bahalang bumili ng mga inumin. Sabihin mo na lang ngayon ang mga gusto mong bilhin dahil ililista ko na ngayon para hindi ko makalimutan." Napangiti at napakamot ng batok niya si Liam. Hindi talaga siya papayagan ni Amore na umalis ng isla. At isa pa paano na lang ang surprise niya kung makikita lang naman siya nito na bumili ng panregalo sa kanya. "Ah, wala naman bukod doon sa beer. Hindi naman kahit kailan naging special ang birthday ko. Simula kasi ng mamatay ang mga magulang ko, hindi na ako nagsi-celebrate ng birthday. Umiinom lang ako ng beer ayos na. Kaya iyan lang ang gusto ko ngayon. Hindi naman mahalaga ang handaan ang importante na buhay ako at patuloy na mabubuhay," seryoso niyang tugon kay Amore. Bigla namang na touch si Amore sa tinuran ng lalaki. Hindi niya akalain na ganun ang sasabihin nito. Malayo pala sa in-i-expect niya ang gusto ng lalaki. Pero buo na ang kanyang plano. Magkakaroon si Liam ng birthday party, sa ayaw at sa gusto nito. "Are you okay? Bakit naging seryoso bigla ang pagmumukha mo? May mali ba sa sinabi ko Am?" "Hmm. Wala naman pero totoo ba iyon? Grabi ka naman. Pero sa linggo maghahanda tayo kahit kunti. Hindi kasi pwede sa'min na hindi nagsi-celebrate ng birthday, kaya this time dapat na mag-enjoy ka." "Huwag na kayong mag-abala pa." "Basta. Sa ayaw o sa gusto mo maghahanda ako. Alam mo kapag hindi tayo maghahanda ng kahit kaunti lang mahahalata iyon ni Tiyo Gusting na nagpapanggap lang tayong mag-aasawa dahil wala akong paki alam sa kaarawan mo. Kaya huwag ka nang tumanggi." "Sige na nga. Alam kong the best ang lahat basta ikaw, idol kaya kita at—" "At ano Liam? Ba't mo pinutol ang dapat mong sasabihin ha? Ano ba iyon? Sige na sabihin mo na. Please," nag-beautiful eyes pa siya rito. "Wala na. Nevermind. Joke lang sana iyong huli kong sasabihin kaya huwag mo nang pansinin. Sige sa labas lang ako. Tutulungan ko na muna si Lita sa karenderya. Tapusin mo na lang muna ang mga inililista mo. Baka hindi mo iyan matatapos kapag nakikipag-usap ako sayo." Agad na pumanhik palabas ang lalaki kaya sinimulan na niya ang maglista ng mga gusto niyang bibilhin. May gusto rin siyang bibilhin para sa Tiyo Gusting niya, kay Lita at sa sarili niya. KINABUKASAN ay maaga pang dumaan si Lita. Tulad ng napag-usapan nilang dalawa ay sabay silang tumungo sa bayan para mamili. Nang makarating sila sa bayan ay naghiwalay muna sila. Sa super market agad pumaroon si Lita para makabili agad ng mga preskang gulay, mga rekados at iba pa. Samantalang si Amore naman ay sa mga department store pumunta. Namili siya roon. Sa mahigit isang oras na pag-iikot sa mga department store at sa isang mall ay natapos na niyang bilhin lahat ng mga gusto niyang bilhin. Medyo nakaramdam din siya ng pagod sa kakaikot. Bumili na rin siya ng mga inumin at pagkatapos ay tinawagan si Lita. Nakatapos na rin daw ito ng pamimili kaya napagpasyahan nilang magkita na at kumain ng pananghalian. Pagkatapos ay umarkila ng masasakyan dahil ang dami nilang pinamili. Daig pa nila ang mga komprador ng mga gulay at ng kung anu-ano. Hindi na nila ito kayang bitbitin gamit ang dalawang kamay. "Ate, ang dami kung binili, eh kasi ang mura lang ng mga iyan. Malaki din naman ang hawak kong pera kaya tinudo ko na. Saka 'pag hindi naubos lutuin hindi naman agad iyan masisira kaya pwede pa naman natin iluto para sa karenderya. Siya nga pala. Lahat ng ingredients sa gusto mong gawin na cake nandiyan na rin," wika ni Lita na nagkakandakuba sa mga bitbit na plastic ng mga pinamili niya. "Very good Lita. Maaasahan ka talaga. Sige na sakay na. Umarkila talaga ako ng sasakyan para ihatid tayo sa pampang papuntang isla." "Eh, Ate hindi ito kaya kung bangka lang ang sasakyan natin papunta sa isla. Kailangan na naman natin mag arkila ng mas malaki. Ang bibigat kaya ng dala natin. May mga case pa pala ng beer at soda oh." "Hindi iyan problema. May yate ako sa pampang. Madali lang iyan. Siguro hindi naman iyon masamang sakyan, hindi ba?" "Wow, ang galing. Oo nga ate. Ang yaman mo naman pala. Akalain mo iyon mayroon kang yate. Sa pagkaka-alam ko mayayaman lang ang may kayang bumili nu'n. Sana kung naging mayaman lang kami hindi na si Tatay magpapalaot kahit na may bagyo pa." "Huwag kang mag-aalala. Sa darating na pasukan mag-aaral ka. Ako ang bahala sa lahat ng gastusin. Ang gawin mo nalang ay pumasok at mag-aral ng mabuti. Para din iyan sa pamilya mo at sa iyong sarili na rin. Anong kurso ba ang gusto mo?" "Talaga Ate? Gusto ko maging teacher. Pero kung totoo ang mga sinabi ninyo. Maraming salamat po. Pangako mag-aaral ako ng mabuti. Ako na siguro ang kauna-unahang teacher ng isla." "Very good. Gusto ko iyang attitude mo. Sige, sagot kita. Malapit na pala tayo sa pampang. Magbabayad na lang ako ng mga magbubuhat ng mga dala natin. " "Opo." Masayang-masaya si Lita habang papalapit na sila sa pampang. Talagang gusto niyang mag-aral. Ipinabuhat na lang nina Amore ang lahat nilang pinamili at isinakay sa kanyang yate. Mahigit dalawang buwan na rin naman itong nandito sa pampang. Iniwan niya kasi ito sa kanyang katiwala. Kaya mas mainam na dalhin niya ito sa isla. Agad naman silang nakarating. Dumiretso na silang dumaong sa daungan ng mga mangingisda. Kapag sumakay kasi sa bangka at magpahatid sa ibang daanan sila dumadaan kaya sasakay pa sila ng tricycle ng sampung minuto bago makarating. Mas mabuting sa yate na lang sila sumakay dahil direkta na at mas mabilis pa. Nang makita ni Liam ang yate ay alam niyang kay Amore ito kaya dali-dali siyang pumaroon. Ang ibang nakakita ay nagtaka kung kanino iyong yate. First time niya kasing dinala iyon doon sa isla pero alam na rin iyon ng Tiyo Gusting niya dahil nuon ng pumunta sila sa bayan ay ipinakita na niya ito. "Mahal ba't mo naman dinala rito ang yate mo? Di ba ang sabi mo doon lang iyon sa pampang?" agad na usisa ni Liam kay Amore. "Wala lang. Ang dami kasi naming pinamili. Mabigat kung sa akupahang bangka kami sasakay. Sige na. Itali mo na nga muna ang tali nitong yate baka makalimutan natin at anurin ng alon. Joke lang," nakangising wika ni Amore. Nakuha pa niya mag-joke ng napaka-corny. "Okay. Joke na ba iyon,Mahal?" "Ayiee, ang sweet niyo talagang tingnan ate Amie at kuya Yam. Hmmm.. mauna na po ako. Ate, uuwi na rin siguro ako ng bahay. Masyado akong napagod. Bukas aagahan ko nalang na bumalik para matulungan kita. At sa sinabi ko ako na ang bahala doon. Dadalhin ko na lang ito sa bahay para magawa ko na at ma-ready para sa linggo." Pagpmamalaki nito. "Ate sarapan mo sa paggawa ng cake ha. Paborito ko kasi ang flavor na iyon," pabulong na wika niya pero may tunong pagbibiro. "Sige. Salamat ulit. Mag-ingat ka." "Opo. Basta ang plano ay dapat na maisakatuparan ha. Bye,Ate Amie." Napangiti na lang si Amore habang pinagmamasdan na lumalayo si Lita. Kapag kasama niya ito at hindi niya mapipigilang mapatawa at mapangiti dahil sa likas itong madaldal ay palabiro pa. "Aba, ang saya mo ngayon ah, hindi ka pa ba napagod sa ginawa ninyong pamimili sa bayan. Ba't subrang dami ng mga pinamili ninyo?" "Basta. Tulungan mo na lang akong dalhin lahat ng mga iyan. Ang dalawang case ng beer dito na lang muna iyan sa yate. Ang mga gulay at karne at itong lahat na nasa plastic bags ang dadalhin natin sa bahay. Ang daming plastic dapat na hindi iyan kumalat at baka makapagmulta tayo." ARAW na ng linggo kaya maagang nagising si Amore. Nagluto siya ng mga gusto niyang lutuin. Maaga pa naman dumating si Lita kaya mabilis nilang naluto ang lahat ng mga lutuin nila. Huli niyang niluto ay ang cake. Masarap siyang magluto at marami siyang alam na klase ng pagluluto. Hindi naman siya nag-aral ng Culinary Arts pero dahil mahilig siya sa pagluluto ay naging malikhain siya para makapag-aral ng sarilinan lang. "Wow, ate ang sarap ng mga luto mo. Sorry, tinikman ko lahat. Kukunti lang naman. Bakit hindi kayo naging Chef ang sarap niyo pa namang magluto." Paulit-ulit na puri sa kanya ni Lita. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na. Hanga talaga ang dalagita sa husay niya sa pagluluto. "Wala lang. May bagay talaga kasi akong tinuunan ng pansin", sagot niya rito. "Ang sabihin mo mas inuna ko pa ang pagbubuntot at pag-iimbestiga kay Regor. Hmm, hindi mo maiintindihan Lita, basta ganun iyon," usal niya sa loob-loob niya habang pinagmamasdan ang dalagita. "Sige po. Nagsisipagdatingan na ang mga bisita. Tiyak na magtataka si Kuya Yam nito." "Asikasuhin mo muna sila ha. Dalhin mo na ang mga pagkain doon sa mesa para makakain na ang mga naririto." "Ate, dapat na magpi-prayer muna tayo at dapat na nandiyan si Kuya Liam para i-blow ang mga candles sa cake niya pagkatapos niyang mag-wish saka tayong lahat kakain." "Ow, sige. Pero,pakihanda ng lamesa. Salamat." "Sige po. Tutal luto naman iyang cake kaya tawagin mo na si Kuya Yam. Para masimulan na ang party. Ihahanda ko na muna ang mesa," suhestiyon ni Lita. Ang galing niya. Palibhasa ganito ang mga nangyayari rito sa kanila kapag may birthday party. "Oo nga. Nakalimutan ko tuloy." Natawa siya. Nakalimutan pala niyang gisingin ang birthday boy. "Tatawagin ko na siya. Si Tiyo Gusting ba nasa labas na?" "Opo. Excited nga po sa surprise ninyo kay Kuya eh. Hindi daw niya ito sinabihan na may pa ganito ka eh." "Sige." Tinawag na ni Amore si Liam. Kagigising lang pala nito. Alas otso na nang umaga ito nagising at parang himala namang nangyari. "Liam, mag-ayos ka na. At lumabas, hinihintay ka na nang mga bisita mo. Di ba birthday mo ngayon?" nakangiting saad ni Amore. "Huh? Nag-invite ka ng mga kapitbahay? Hala. Pero hindi pa ako nakaligo. Maghihilamos pa lang ako. Saglit lang," wika nito saka pumuntang kusina at naghilamos. Sinundan naman siya ni Amore. "Okay lang iyan. Hindi naman nila halata na wala ka pang ligo sa lagay mong iyan. Ang guwapo mo pa rin," pakiming wika ni Amore. "Sure ka? Sige lalabas na lang ako. Sabi mo ha?" "Sure, halika na." Paglabas nila sa may mesa ay napakarami na nang mga kapitbahay nilang nandiyan. "Magandang umaga po sa inyong lahat. Pasensya na at napaghintay ko po kayong lahat," anito sa mga bisita. "Mag-pray na tayo", singit ni Lita at ito na rin ang nagsimula ng panalangin. Kumanta ang lahat ng Happy birthday songs. "Make a wish and blow the candles," sigaw ng mga batang nandodoon. Nagwish nga siya saka hinipan ang mga candila. "Sige, kainan na. Huwag po kayong mahihiya. Marami pong pagkain. Umupo lang po kayo sa mga upuang nandiyan sa may mga kubo po pwede din kayo doon umupo," wika ni Amore. Nakangiti pa rin si Liam habang pinagmamasdan ang dalaga na halos wala pang pahinga dahil mula kanina pa itong nagluluto at nag-aayos ng birthday niya. He is very happy and he's been surprised. Ito pala ang sinabi sa kanya ni Amore noong nakaraang araw. Pagkatapos niyang asikasuhin ang lahat niyang mga bisita ay sinundan na niya sa kusina si Amore. Naghuhugas na naman ito ng mga pinggan. Baka daw sakaling may mga dumating pa ay may magamit pa na mga pinggan. "Am, ako na naman ang gagawa ng mga hugasin. Magpahinga ka muna. Am, thank you for this. Nag-abala ka pa talaga at nag-effort ng tudo. Hindi mo naman ito dapat ginawa pa. I'm so very glad that you made my day very special. Pinaramdam mo ulit sa'kin ang isang birthday party na meron ako noong buhay pa ang mga parents ko. Salamat." "Hmm.. huwag ka nang magdrama diyan. Dapat lang naman na special ang araw na ito. Sana sa birthday ko may pa ganu"n ka rin. Aasahan ko din iyon!" "Huh? Bakit kailan ba ang birthday mo? " "Secret lang iyon. Basta matagal pa. Siguro makaka-alis pa ako rito sa isla saka makakabalik ulit. Ganun pa katagal." "Am, huwag ka na lang umalis. Ang saya naman dito oh, maraming sumusuporta sayong mga kababayan mo. Matiwasay ang pamumuhay at malayo sa gulo, hindi ba? "Liam, pero—" tanging wika niya saka bumuntunghinga. "Alam mo naman na hindi pa mapapanatag ang isip ko hanggat hindi ko pa nakukuha ang hustisya na gusto ko. Hoy, huwag na muna nating pag-usapan ang mga bagay na iyan. Birthday mo 'to ngayon kaya don't worry about that muna," pag- iiba niya ng usapan. "Okay basta mamayang gabi pupunta tayo sa Tinagong isla." "Sige ba," sagot niya. "May ibibigay din naman akong regalo mamaya sayo eh. Hmm.sana magustuhan mo rin ulit." Natapos ang buong araw na lahat ay masaya. Si Lita na nagplano ng palaro sa mga bata at matatanda ay napagod din. Nauna na itong nagpaalam sa kanilang dalawa. Sila na lang at si Tiyo Gusting na ayon nakatulog na rin sa kuwarto nito dahil sa subrang kalasingan. Silang dalawa ang naghugas ng lahat ng mga pinagkainanan. Pagkatapos ay nagpahinga muna dahil may tatlong oras pa naman sila bago pumunta sa isla. Masyadong napagod si Amore kaya ng humiga ito sa kama ay nakatulog agad. Malaya lang siyang pinagmasdan ni Liam. "Salamat Am, I'm so very happy and thankful for this birthday presents. I don't really expected this," napapangiti siya. Hindi naman siya makatulog kaya inayos na lang niya ang mga gusto niyang dalhin. Mas mabuti nang kompleto ang lahat nang madadala nila. Kinuhaan niya na rin ng jacket si Amore dahil tiyak na makakalimutan na naman nito na magdala nang jacket at giginawin na naman ito ulit gaya ng nakaraan. Masaya silang pumaroon sa isla. Hinintay muna nilang magising si Tiyo Gusting para makapag-paalam sa matanda. Pagkarating nila ay nagsiga sila agad. Naglatag naman ng banig si Amore para kanilang maupuan. Nagtagay silang dalawa ng dala nilang beer. Masayang nagkuwentuhan. Saka maya-maya ay tumayo siya at pumunta siya sa yate at kinuha ang dala niyang regalo. "Here, buksan mo. Sana magustuhan mo. Maliit lang naman na bagay iyan. Kaya sana okay lang iyan sayo?" wika ni Amore saka ini-abot ang isang kahon. "Ano 'to? Am naman, nagpa-birthday ka na nga para sa'kin tapos may regalo ka pa?Thanks again. Baka masanay ako nito ha. I think hindi na 'to parte ng pagpapanggap." "Sos, huwag kang magdrama. Siyempre wala ka pang ibang bagong damit, sapatos at relo kaya ibinili kita. Cellphone pa lang naman ang una kong nabili para sayo, wala namang ibang ibig sabihin ang mga iyan, di ba?" "Okay. Thanks. I think maginaw na rito tara du'n na lang tayo sa loob ng yate mo. Maganda doon na lang tayo magpatuloy ng inuman. Para kapag aantukin ka makakatulog ka agad, Tara na." "Sige."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD