KABANATA 37

2013 Words
"CONGRATULATIONS Britney, you're the best fashion model I've ever known," walang habas na puri ni Regina sa kaniya. Si Regina ang manager niya, at the same time her number one fan. "Thank you so much Regina. Siya nga pala, nasa mga magazines na ba ang mga pictures ko?" nakangiting tanong niya sa manager. "Of course. Ikaw pa ba? Sikat ka na girl. Sikat ka na sa buong mundo sa larangan na tinahak mo, congratulations again," wika ni Regina saka niyakap si Britney. Yes, she has already a lot of things she dream before, at ngayon sikat na siya sa buong mundo. Pero kasabay ng kasikatang natamo ay nalulungkot pa rin siya dahil hindi na siya pinapansin o tinatawagan ni Dindo. Kakabalik lang ni Dindo sa pamilya niya at trabaho agad ang inatupag nito, hindi nito nagawang tawagan si Britney. Busy siya sa ngayon dahil nakatambak ang mga trabaho niya sa hospital. "Pero…bakit hindi ako magawang tawagan o kamustahin ni Dindo. 'Di ba sikat na ako sa buong mundo? Hindi rin malabo na nasa balita ang pangalan ko ngayon," puno ng pagkadismaya ang mukha niya. "Nakakainis na siya. Hindi siya magtataka na baka isang araw ay iiwanan ko na siya," naiinis na wika ni Britney. "Hep hep! Maybe he's busy. You're such a negative thinker. Don't blame him for having no time for you because you also did." "Regina, alam mo namang busy din ako. I sacrifice a lot of things para sa pangarap ko at alam mo 'yon." "Absolutely, so understand him, his career too. Kababalik lang niya sa hospital kaya malamang busy siya." "Yeah, exactly. Siguro busy siya, pero kahit na miss calls wala akong natanggap. Dati nagpapadala pa siya ng mensahe kahit hindi ko iyon narereplayan agad. Bakit parang nag-iba na siya?" "I don't know. Baka nasawa sa'yo o nakahanap ng bagong girlfriend," pagbibiro nito sa kaniya. "Paano na 'yan? Joke!" "Regina, huwag mo akong inisin. It's my big day, so better let's have fun." "Sure, it's better than to think about negativity." Umalis silang dalawa at pumunta sa isang sikat na bar at nagparty hanggang magsawa. Pampatanggal stress na rin nila sa napaka-hectic nilang schedules. "Woohh, I really miss to go on party, yeah!" sigaw ni Britney, she's tipsy. Panay ang lagok niya ng alak. "Hey, stop it. And hang-over mo bukas ay talagang pagsisihan mo," saway ni Regina sa kaniya. "Wala… akong pakialam, naiinis ako kay Dindo kaya maglalasing ako hanggang gusto ko, 'diba wala tayong ganap tomorrow?" wika niya habang sinisinok na. "Oo, wala nga pero kapag sumakit ang ulo mo ay talagang malaking ganap. Tumigil ka na sa pag-inom. Umuwi na tayo." "A…ayoko. Uminom ka rin diyan, mamaya na tayo uuwi. Pabayaan mo na lang ako…" "Pe…pero Britney,hindi naman madadala sa paglalasing ng pagtatampo mo sa kaniya. Bakit ayaw mong tawagan para malaman mo ang dahilan kung bakit hindi siya tumatawag sa'yo." "Ayoko, galit ako sa kaniya. Baka nga totoo ang sinabi mo na may iba na siya. Dati hindi niya nakakalimutan na tawagan ako kahit busy kami pareho." "Tama na, lasing ka na. Umuwi na tayo. Huwag kang gumawa ng eksena rito dahil baka makita ka ng media at pinagpyestahan ka. Ilalagay mo pa sa alanganin ang buhay at career mo." "Hindi! Hindi ako uuwi, dito lang ako. Yeah, let's have fun, wooooh," tanggi niya saka tumayo at sumayaw. Napakamot at napailing nalang si Regina dahil sa ginagawa nito. Kinakabahan siya na baka may makakita sa kanila at mailagay sa iskandalo. "What should I do to stop her?" usal ni Regina na napahawak na sa noo niya. Hindi pa rin tumitigil si Britney sa ginagawa nito. Nag-isip na siya ng paraan para mapauwi si Britney at nang maiwasang maiskandalo, tiyak ang maganda niyang career ay talagang maglalaho kapag may makakita na naglalasing siya ng husto. Nilapitan niya si Britney at binulungan. "What? May media? Saan?" naibulalas ni Britney na huminto sa pagsasayaw. "Basta merong media kaya umuwi na tayo. Sige na, let's go." "Tss! Nakakainis na mga media iyan. Wala nang hindi ginawa kundi mangialam sa buhay ng iba. Bakit ba pinapakialaman ko ba sila, ha?" Pilosopo nitong sabi, parang gusto niyang kalabanin ang mga taga-media. "Tara na umuwi na tayo. Bilis na Britney. Let's go." "Okay, pero parang matutumba ako, please help me, Regz!"Napakamot sa kanyang batok si Regina. Inalalayan niya si Britney at ipinasakay sa kotse. WALA namang media, at gawa-gawa lang niya, laking pasasalamat niya ng napaniwala niya ang babae. Inuwi siya ni Regina sa bahay nito. "Paano kita bubuhatin? Britney, wake up," wika ni Regina habang ginigising ang babae. "Hmmm, dito na lang ako sa kotse matulog. Iwan mo na ako Regz, thank you," sagot niya na ayaw pa rin lumabas ng kotse. "OMG. Hindi puwede. Ang labo mo, inom-inom ka tapos hindi mo kaya. Nakakahiya ka, sige ka kukuhanan kita ng picture o video tapos ipapadala ko kay Dindo. Sige ka, hmmm," wika ni Regina para takutin si Britney. "What? No. Okay, lalabas na ako," sagot ni Britney saka lumabas na ng kotse. Muntik na itong matumba dahil na out of balance. "Dahan-dahan lang. Aalalayan kita. Ihahatid na kita sa kuwarto mo," iginiya na siya ni Regina..mabuti lang at maasahan ang kaibigan niya. "O---kay." Pagkarating nila sa kuwarto niya ay diretso ang bagsak ni Britney sa kaniyang kama. "Hey, Britney…," tawag ni Regina sa kaniya saka tinapik-tapik nito ang mukha ni Britney. Tulog na siya kaya iniwan na lang siya nitong natutulog. In-i-lock niya ang pinto at umuwi ng sariling bahay. SA KABILANG DAKO, halos hindi makakuha ng oras si Dindo para makapagpahinga dahil marami siyang mga pasyente na dapat operahan. "Is the operating room ready?" tanong niya sa mga kasamahan. Mayroong na aksidenteng bus at marami ang mga sugatan na kailangang maoperahan kaagad. "Yes, doc. Everything is ready. Let's go," anang kasamahan niya. Natapos ang buong araw niya na ginugol lang sa hospital ang oras niya. Ito ang rason kung bakit hindi niya makuhang kontakin si Britney. Subrang busy niya na hindi niya na naalala ang babae. Nang umuwi siya ay parang lantang gulay naman siya. Pagkahiga niya ay nakatulog siya agad sa subrang pagod. Hindi rin naman pareho ang oras na bakante nila. Kung araw rito sa Pinas gabi naman doon. KINABUKASAN ng magising si Britney dama niya ang sakit ng kanyang ulo. Parang mabibiyak sa subrang sakit. "Aray! I hate this," wika niya habang nakahawak sa kaniyang ulo. Sino nga ba ang dapat niyang sisihin? Kundi walang iba, ang sarili niya. Gusto niyang tumayo pero masakit talaga ang ulo niya. "Argh, hangover is real," wika niya saka tumayo na. Tumungo siya sa kusina at kumuha ng maiinom na tubig. "Omg, masakit pa rin ang ulo ko. What should I do?" usal niya habang nakaupo sa silya sa kusina. Narinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone bumalik siya sa kuwarto at kinuha mula sa bag ang kaniyang cellphone. Excited pa siyang tiningnan, baka si Dindo na ang tumatawag. Pero hindi, it's Regina. "Hello, what's the problem? Why did you call me? May gimik ba?" Kaagad niyang tanong sa babae. "Wala. Kinakamusta lang kita kung okay ka lang. I guess hangover is real, hindi ba?" "Oo. Nakakainis nga eh. Naglasing lang ako sa wala at heto pa ang sakit ng ulo ko," dismayado niyang wika. "Talaga? Kasi 'yan ang napapala ng mga matitigas ang ulo. Nakakahiya ka kagabi," natatawa nitong sabi. "Ha? Bakit ano ba ang mga ginawa ko kagabi?" Really? Wala siyang matandaan. "Sumayaw ka lang naman ng tudo at may pasigaw-sigaw ka pang nalalaman. Ang baduy mo." "OMG... Nakakahiya nga. Baka may nakakita sa akin na media. Lagot ako," bigla siyang kinabahan. "So far wala naman. Kung hindi ka nakinig kagabi e di wala ka nang magandang kinabukasan," natawa ulit si Regina, "nakakaloka ka girl. May maganda bang naidudulot ang paglalasing mo ha?" Gusto niyang asarin ang kaibigan niya, pero totoo naman ang sinabi niya. "Salamat naman kung ganun. Siyempre wala. Ang sakit ng ulo ko parang mabibiyak sa subrang sakit," laglag ang mga balikat niyang napabuga ng hangin. "Magluto ka ng mainit na sabaw para matanggal ang hangover mo." "Okay, gagawa na ako ng soup. Ayaw ko nang marinig ng sermon mula sa'yo. Mas lalong sumasakit ang ulo ko. Bye—" "Sige, bye." At agad na niyang pinutol ang tawag. Umupo muna siya sa couch saka inisip ang mga nangyari kagabi. Hindi niya naalala ang lahat pero nagsisisi na siya kung bakit siya naglasing. Tumayo na siya at pumunta ng kusina. Nagluto siya ng almusal at mainit na sabaw.Pagkatapos niyang magluto ay agad naman siyang kumain at humigop ng mainit na sabaw. Sa bawat higop niya at unti-unti na rin nawawala ang sakit ng ulo niya. "Hmm, ang sarap. Kung hindi pala ako na hang-over ay hindi na ako makakain ng lutong bahay," wika niya habang humihigop ng sabaw. Bigla niyang na realized na may kasalanan din naman talaga siya, masyado siyang busy sa career niya. "Naging kampante ako ng husto without knowing na napabayaan ko na ang relasyon naming dalawa," sunod niyang wika. Nahimasmasan na siguro siya sa kahibangan na iniisip niya. Katatapos lang niyang kumain at narinig niya muli na tumunog ang kanyang cellphone pero hindi niya iyon sinagot. Para sa kaniya ay si Regina lang at mangungulit lang sa kaniya. Ipinagpatuloy niya ang paghuhugas ng mga pinagkainan niya. "Living in a simple life is fun compared to what I have now. I'm so busy," usal niya saka tinungo ang pinaglagyan niya ng kaniyang cellphone.Nagulat siya na ang laman ng miss calls niya ay si Dindo. Dalawampung miss calls ang nakita niya. "OMG. Paano na 'to hindi ko nasagot. What should I do now?" wika niya habang nagagalit sa sarili niya. Nang hindi tumatawag ang boyfriend niya ay tudo emote siya, pero nang tumawag na, pa hard to get pa siya at kung anu-ano pa ang iniisip niya. Tinext niya muna ang lalaki para malaman niyang puwede siya nitong tawagan ngayon. Gabi sa Pinas kaya baka natutulog na ito.Hindi nagrereply ang lalaki kaya tulog na siguro ito. Napaupo siya sa couch at nalungkot ulit. "Kasalanan ko 'to, ang tanga mo talaga," naiinis niyang wika habang naka pamewang. Nakatayo siya at pabalik-balik sa paglalakad. Biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Sumilay ulit ang ngiti sa labi niya ng makitang nagreply na si Dindo. "I'm so sorry for not contacting you, maraming trabaho ang tumambak sa'kin. Ako kaagad ang gumawa ng lahat ng mga major operations sa hospital. Kamusta ka na? I really miss you." Nireplayan niya ito agad matapos mabasa ang reply ng lalaki. "Ayos lang ako love, I miss you too. I'm s sorry rin kung nawalan ako ng time sayo at wala akong naitulong para sa pagpahanap sa yo noong nawala ka." "Ayos lang iyon. Alam mo namang mahal na mahal kita. Naiintindihan ko naman na ang lahat ng mga ginagawa mo ay para sa career mo. At okay lang naman ako noong nawala ako. Hindi ako sinasaktan ng mga kumidnap sakin." "Talaga? Baka may nakilala ka nang ibang babae. Baka malaman ko na lang na may iba ka nang gusto. Hindi ako papayag." "Naku, Wala. Ikaw pa rin ang mahal ko. Kaya huwag kang mag-aalala. I'm sorry kung hindi ako makatawag sa'yo. Pagod pa rin ako dahil buong magdamag akong nasa hospital. At heto kakalabas ko lang ulit sa hospital. Kanina sana tumawag ako dahil nasa byahe ako, pero hindi mo nasagot." "It's okay, love. Ako ang dapat na humingi ng sorry. Hindi ko kase sinagot ang tawag mo, inakala kong si Regina lang at kukulitin lang ako ng kung anu-ano." "Okay lang. Basta mag-ingat ka riyan palagi. I saw you in the news. Congratulations love, sikat ka na. This is it nakilala ka na sa buong mundo kaya proud ako sayo. " "Thank you so much, love. Sige na, matulog ka na riyan. Text mo nalang ako kapag hindi ka na busy ha. I love you. " "Okay. Ingat ka riyan, I love you too, love." Masayang-masaya siya dahil nakatext na niya ang boyfriend niya. Goodbye what ifs at pagdududa. Goodbye headache from a hangover. One text is enough to heal the brokenhearted.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD