BUMALIK sa club si Mariposa at nagsayaw. Ito na ang huling gabi na gagawin niya na pagsasayaw sa club.Ngayon ay itutudo na niya ang planong pagkikipaglapit sa lalaki.
Plan is all planned.
Narito rin si Regor at nakaupo sa kaniyang puwesto.
Mapapakagat-labi na naman sa tuwing gumigiling-giling at naglalaro ng sayaw sa pole ang babae.
Maputi, sexy at makinis ang balat nito kaya mas lalong nakakaantig sa puso ng mga lalaki.
Maraming mga mata ang natatakam sa nakikita nila, pero alam nilang si Regor ang nilalapitan ng babae kaya natatakot silang lapitan ang babae.
Ganito ang mga tipo niyang babae. Ang babaeng mahinhin at sexy kapag gumalaw.
Habang sumasayaw ito ay talagang sinasadya nitong ipakita kay Regor ang legs at cleavage niya para mas makuha niya ang loob nito. Kung ito lang naman ang nakakapagpasaya sa puso ng isang lalaking uhaw ay itutudo na niya.
Nilapitan niya si Regor at basta-basta na lang umupo sa harapan nito kagaya ng mga ginagawa niya dati.
Pagkatapos ay tumayo ulit at sumayaw sa harapan niya.
Napangisi naman ng abot tenga si Regor dahil sa ginagawa niya. Ang tunto aliw na aliw talaga.
"Sige lang mag-enjoy ka habang may oras ka pang magpakasaya," sabi ni Mariposa sa kaniyang isipan.
Hindi naman siya nahalata ng lalaki na ang sakit ng mga paningin na binitawan niya para rito.
"Hey, Mariposa, how are you?" tanong niya sa babae.
Ngumiti lang ito sa kaniya.
Lumapit si Mariposa sa kaniya at bumulong. "I'm fine. How about you, handsome?" sagot niya saka unti-unting bumabalik sa may stage saka nag-flying kiss pa sa kaniya.
"I really want her," wika ni Regor habang ngingisi-ngisi.
Sumayaw nang sumayaw si Mariposa. A very seducing sexy dance na parang tutulo ang laway ni Regor sa ginagawa niya. Kitang-kita ang mga kislap ng mga mata nito.
Grabi ang ngisi nito at kasabay ng pagbuga ng usok sa entablado at pagtatapos ng musika ay basta na lang dumilim ang stage at pagkabalik ng ilaw ay wala na ang babae. Ito ang palaging scenario sa loob ng club kapag sumasayaw siya. May mga pasabog na hindi nila inaasahan.
Pagkatapos nitong sumayaw ay agad na itong pumunta sa mesa ni Regor.
"Hey, I miss you so much Mariposa, akala ko hindi ka na magso-show dito. Buti na lang dahil bumalik ka. Alam mo ba na hinahanap kita kahapon."
"I'm sorry. Busy ako kahapon, handsome at pinauwi ko na muna si nanay sa Samar kase kapag dito siya, hindi talaga ako makakalabas kasama ka dahil kailangan ko siyang bantayan."
"Ow? Really? Mabuti naman kung ganun. Maayos na ba ang kalagayan niya ngayon?"
"Oo, mabuti na ang lagay niya. Doon ko nga muna siya papatirahin para hindi siya mag-alala sa akin. Di ba mas maganda iyon?"
Full of drama na naman. Ang galing ng palusot niya. Kailangan niyang sabihin ang mga ganitong bagay para kung hanapin ng lalaki ang sinabi niyang ina ay hindi nila ito matatagpuan.
"So, puwede na tayong lumabas mamaya?" tanong ni Regor sa kaniya.
Ngumiti siya at muling nagsalita. "Sure," malambing niyang sagot.
"So, dahil sasama ka rin lang naman sakin mamaya. Puwede bang kunin mo na lang ang maskara mo. Nakita ko na naman ang mukha mo noong nakaraan, kaya kunin mo na lang, puwede ba?"
"Sure. Pero bawal kung ipakita sa lahat. Alam mo na pinapangalagaan ko rin ang dignidad ko. Kaya puwede mamaya na lang? Paglabas natin."
"Okay. By the way, mga anong oras puwede ka nang lumabas?"
"Handsome, mga 10:00 PM pa eh. Okay lang ba sa'yo ang maghintay ng matagal?"
"Ayos lang basta ikaw," sagot nito.
"Tara, let's enjoy the drinks. Uhmm, Gusto ko uminom ng ladies drink. Pero o-order muna ako ha. Just wait for me," sabi niya sa lalaki at pumayag naman ito agad.
Umalis muna siya at tumungo sa backstage. May kinuha siya roon. Ang bag niya at ang mga gamit.
Naglalakad na siya pabalik ng may humila sa kaniya pabalik doon sa madilim na bahagi ng stage.
Kinabahan siya bigla. Pero hindi siya nagpatinag. Walang dapat na manakit sa kaniya sa loob ng club dahil puno siya ng security.
"Sino ka ba? Anong kailangan mo sa'kin?" sarkastikong tanong niya sa humila sa kaniya.
"Amore, ako ito si Scarlett. Hoy, ano ba ang binabalak mong gawin? Huwag kang sumama sa kanya," sabi nito sa kaniya. Si Scarlett lang pala ang humila sa kaniya.
"Scarlett, papaanong—"
"Kababalik ko lang kanina. Sorry hindi ko pinaalam sa inyo at lalo na sa'yo. Ayaw mo naman kasi along payagan na bumalik dito sa Maynila."
"Scarlett, kailangan ko nang bumalik sa mesa ni Regor. Baka maghinala siya. Sige na. Hindi ako galit sa'yo dahil bumalik ka pero talagang magagalit ako sa'yo kapag hindi ka pa umuwi. Delikado ka rito."
"Don't worry. Nakasuot din naman ako ng prosthetics. Walang nakakakilala sa akin," paninigurado nito.
"Sige na. Bumalik ka na sa hideout. Magkita na lang tayo mamaya. Sige na, bye."
"Mag-ingat ka rin. Sige, bye!"
Agad na bumalik si Mariposa sa table ni Regor.
Medyo tipsy na ang lalaki ng balikan niya.
"Saan ka ba pumunta Mariposa? Alam mong pinag-alala mo a…ako. Umupo ka na ulit sa tabi ko. Paano na 'to medyo na lasing na yata ako, okay lang ba na magkasama tayo kahit lasing ako?"
"Sure. Okay lang. Kahit lasing ka alam mo ang pogi mo pa rin naman," wika ni Mariposa. Tumabi siya sa lalaki.
"Talaga? Salamat. Iyan talaga ang gusto ko sayo eh. I like you Mariposa,"sagot nito na tuwang-tuwa naman sa pambobola niya.
"Tss, pogi ka ba? Gusto raw ako? Eww,nakakasuka ka!" usal niya.
"Anong binubulong-bulong mo?"
"Ah...Wala naman. Sabi ko kase siguro mas mabuti pang lumabas na lang tayo. Ihahatid na lang kita sa bahay mo."
"Ayaw ko sa bahay. Gusto ko sa Alpha Mouhiere Empire ako umuwi, doon ko nararamdaman na may silbi ako sa mundo. Alam mo wala na akong pamilya at kahit kailan hindi ko naramdaman na may pamilya ako," madiing sabi nito, naipakuyom pa niya ang mga palad niya.
"Bakit naman? Nasaan na ba sila?"
"Wala na. Patay na silang lahat. Pati ang nag-iisang step-brother ko. Hindi nila ako mahal. Hindi—," wika nito at napasubsob sa mesa. Inalalayan naman niya ang lalaki para ipakitang nag-alala siya rito.
"Huwag mo sabihing hindi ka nila mahal, walang pamilya o magulang ang hindi nagmamahal sa mga anak nila," hinagod niya ang likod ng lalaki.
"Oo, sa iyo siguro ramdam mo ang may nagmamahal, sakin e wala. As in WALA."
"Huwag mo nang sabihin. Nandito naman ako, kaya naman kitang alagaan at mahalin," wika niya pero parang masusuka siya sa mga binitawan niyang matatamis na salita.
Tumango-tango lang si Regor. Lasing na talaga ito. "Marunong din palang malungkot ang taong 'to. Bakit ba? Ito ba ang rason kung bakit naging halimaw ka ngayon? At marami ka ng nasaktan at kinitilan ng buhay? Kawawa ka naman pala Regor," usal niya. "Pinaglihi ka kasi sa sama ng loob."
Lango na ang lalaki. Hindi na nito kayang umupo ng maayos.
"Hey, handsome wala ka bang tauhan na puwedeng tawagan? Ipahatid na lang kita. Bukas na lang tayo lalabas na magkasama."
"Ihatid mo na lang ako sa Alpha Mouhiere Empire, sige na,"usal nito.
"Okay, pero hindi ko alam ang lugar na sinasabi mo," pamaang na sabi niya.
"Sige na. Alalayan mo na lang ako at sa kotse ko na sasabihin."
"Sige," sagot niya saka tinawag agad ang mga kasamahan niya para dalhin ang lalaking lasing.
SAMANTALANG si Scarlett ay hindi pa bumabalik sa hideout nila. Patuloy pa rin pala siyang nagmamanman sa labas ng club.
Nasa parking lot siya, sabi kasi ng mga kasamahan nila ay ihahatid daw nila si Regor sa Alpha Mouhiere Empire dahil lasing ito.
Nagtago siya sa likod ng isang itim na kotse na nandoon.
Nakita niyang papalabas ng club sina Maripusa.
Parang dadaan ang mga iyon sa puwesto niya kaya umalis siya doon at nagtago ulit sa likod ng isa pang sasakyan.
Malaki ang pagkabigla niya ng may kung sinong humawak sa balikat niya.
Napalunok siya. Sa isip niya ay isa itong kalaban o kaya'y tauhan ni Regor.
"Si…sino ka? Anong kailangan mo?" kinakabahang tanong niya sa kung sino ang humahawak sa balikat niya.
Tumikhim muna ito at boses lalaki. Mas lalong kinabahan si Scarlett. Ito na ba ang katapusan niya?
Paano kung tauhan ito ni Regor at mabisto siya nito.
"Miss, parang familiar ka. Puwede bang humarap ka sa akin," wika nitong lalaki.
"At bakit ako haharap sa isang kagaya mo? Huh?"
"Basta, you looks familiar with me. At ang boses mo ay parang si Scar—," hindi na nito na ituloy ang mga sasabihin dahil mabilis pa sa alas kwatro ang kamay ni Scarlett na tinakip sa bunganga ng lalaki.
Nanlaki naman ang mga mata niya ng makilala ang lalaki. Si Ezekiel ito, at labis na naman ang pagtataka niyo sa ginawa.
May mga taong dadaan kaya wala na siyang magawa kundi ilapit ang mukha niya sa lalaki para magmukhang naghahalikan sila.
Nang lumingon siya ay nakaalis na ang sasakyan nina Amore.
Nagalit siya bigla at binitawan na niya si Ezekiel.
"How dare you, pakialamero ka, kita mo na, umalis na iyong sasakyan na binabantayan ko kanina," galit niyang wika sa lalaki.
"Teka lang, kilala mo ba sila? Shall I say kilala mo ba si Regor?" kuryusong tanong nito sa kaniya.
"Shut up, diyan ka na. Wala akong oras na makinig o makipag-usap sa'yo," mataray niyang sagot.
"Ganyan ka ba talaga ka suplada Scarlett?" tanong nito na ikinabigla niya.
"What did you say? Hindi kita kilala. Diyan ka na nga," wika niya saka umaktong tatalikod na nang hablutin ng lalaki ang kamay niya pabalik sa may kotse kaya napasandal siya roon.
"Akala ko namatay ka na talaga pero noong may kung may sinong pumukol sa ulo ko ay napagtanto ko na baka buhay ka at heto ka ngayon sa harapan ko," mangiyak-ngiyak na sabi ng lalaki. Niyakap siya nito ng mahigpit.
"Ano ba, bitawan mo ako. Ano ba ang mga pinagsasabi mo? I'm sorry, I'm not Scarlett, or shall I say I'm not the one you're referring to," mataray niyang sagot.
Ayaw niyang aminin na siya ito dahil baka nasa kay Regor pa rin in ang tiwala nito at iyon ang magiging dahilan para mamatay na talaga siya ni Regor.
"No, I won't. Nangako ako sa sarili ko na sa oras na makikita kitang muli ay sasama na ako sa'yo. Ayaw ko nang kumampi o magtrabaho kay Regor."
"Argh! Please, let me go. I don't know what you are talking about, okay?"pagkasabi niya ay agad niyang tinulak ang lalaki at iniwan na niya ito.
Sinundan siya ni Ezekiel at pinilit na pinapasakay sa kotse nito. "Sumakay ka na. Ihahatid na kita. Dali na. Kahit hindi mo aminin sa akin na ikaw si Scarlett ay masaya pa rin ako dahil buhay ka. I miss you so much," wika nito habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan.
"Tss! Miss yourself. Ayaw kong sumakay sa kotse mo. Hindi kita kilala. Papara na lang ako ng taxi," sagot niya sa lalaki na panay rin ang sunod sa kaniya ng sasakyan nito.
Galit na galit na siya sa ginagawa ng lalaki. Konting pasensya na lang ang tinitimpi niya at talagang mabunutan na niya ito ng baril.
Huminto ang sasakyan ng lalaki sa tabi niya. Bumaba ang lalaki at mabilis siya nitong kinarga at ipinasok sa kotse nito.
Hindi siya nakapaghanda kaya hindi siya naka panlaban.
Isinara agad ng lalaki ang kotse pinto ng kotse nito at pinaharorot ng takbo.
Hindi niya mahanap ang baril niya na isinukbit sa bewang niya.
"Anong hinahanap mo? Ang baril mo ba? Don't worry nasa akin. Kinuha ko kanina para hindi mo iyon magamit laban sa akin."
"What? Pa-paanong nakuha mo iyon ng hindi ko naramdaman?"
"Basic lang. Nagpupumiglas ka kasi kaya hindi mo namalayan. Alam mo kahit na ibahin mo pa ang mukha mo. Halata ka pa rin na ikaw si Scarlett."
Nanggagalaiti na siya sa galit at kulang na lang at agawin niya ang manibela sa lalaki pero kapag ginawa niya iyon ay talagang aksidente ang sasapitin nilang dalawa.
"Huwag ka nang magalit wala namang akong balak na iba sa'yo kundi isang bagay lang ang gusto kung malaman mula sa'yo. Kasapi ka ba ng mga Omare Corps?"
Natigilan siya ng marinig ang tanong nito.
Nagtaka siya kung bakit nito nalaman ang tungkol sa grupo nila.
"Wala akong alam. Puwede ba ibaba mo na ako na ako, saan mo ba ako dadalhin?"
"Magmamanman lang sa labas ng Alpha Mouhiere Empire. Inihatid ng babaeng nagngangalang Mariposa si Regor at kailangan natin silang sundan pagkatapos nilang maihatid si Regor doon. Duda kasi ako sa motibo ng babae, parang nilalapitan niya si Regor. Pero kung ano man ang motibo niya at wala akong pakialam doon ang mahalaga ay buhay ka," paliwanag nito. Kinurot pa nito ang pisngi niya. "See, Scarlett?"
Napailing na lang siya at inihanda ang sarili sa ano ang puwedeng mangyari mamaya.
"Subukan mo lang akong ipahamak Ezekiel dahil kahit sa impyerno tutugisin kita," usal niya.
Inihinto ni Ezekiel ang kaniyang sasakyan sa hindi kalayuan.
Hindi pa nakakaalis ang kotse nina Mariposa. Siguro pinapasok siya sa loob.
"Ano naman ang gagawin natin dito?"
"Just wait, malalaman mo iyon mamaya."
"Puwede ba naguguluhan ako sa'yo. Hindi kita kilala at huwag mo nang ipilit ang gusto mong sabihin sa'kin dahil wala akong alam."
"Kung hindi ka si Scarlett, sino ka? Huh? Multo? Hmm… Alam mo hindi ako naging kanang kamay ni Regor kung hindi ako mautak. Huwag mo na kasing itanggi. Sige na, please, aminin mo na," nagpa cute pa ito sa harapan niya.
"Sarap sapakin." Umirap siya at inihilig ang ulo niya sa kabilang dako ng kotse.
"Ano ba ang gagawin ko para umamin ka, ha? Hahalikan ba o yayakapin kita? Alam mo mas dumagdag pa lalo ang paghanga ko sa'yo dahil sa tapang mo. Akalain mong buhay ka pa. Alam mo nakita ko na puro patal ang mga natamo mong tama ng baril sa katawan pero heto ka buhay ka. Hindi talaga ako makapaniwala Scarlett. I salute you for being so brave."
"Ang ingay mo. Andiyan na ang kotse nina Mariposa. Palabas na nang Alpha Mouhiere Empire" naibulalas niya.
Napakagat labi siya nang matantong gumawa siya ng isang pagkakamali na tiyak mabubuko na siya.
"Oh, di ba? Ikaw talaga ito. And I think tauhan mo si Mariposa, ano?"
"Okay, fine. Oo na. Aamin na ako. Kaya puwede pwede ba umalis na tayo. Sundan na lang natin ang kotse niya. Talaga bang kakampi ka sa'min at aalis ka na kina Regor?" tanong niya rito at talagang sinigurado niya ito.
"Of course, matagal na akong naghahanap ng mga bagong kakampi. At ikaw na iyon. I want to live in a normal life kaya hindi ko na sasayangin ang panahon na makapag bagong buhay na."
"Oh, well. Sige, pero bago kita papayagan na sumama sa grupo namin ay dadaan ka muna sa isang pagsubok. At malalaman mo lang iyan sa susunod na araw," sagot niya.
"Sure. I will, gagawin ko ang lahat para sayo," sagot nito at napakindat.
"Hoy, anong para sakin, ang kupal nito. Hoy, sabi mo kanina para sa sarili mo. Argh, ang engot mo."
"So, let's go. Saan pala tayo tutungo?"
"Uhmm, sa bahay mo muna. Hindi pa kita puwedeng dalhin sa Hideout namin. Magpapa-alam pa ako sa pinuno namin, okay ba? Sa bahay mo ako matutulog."
"What? Sa bahay? Hindi puwede eh, nandoon ang mga kapatid ko ngayon. At baka ano pa ang mga sasabihin nila."
"Bakit ayaw mo? Sige, kalimutan mo na lang ang hinihiling mo sa akin. Sige, baba na lang ako sa kotse mo."
"Hoy 'wag, sige na nga. Sumama ka na sa bahay namin, pero paano ang mga damit mo?"
"Well, ibibili mo naman ako, 'di ba? Dumaan muna tayo sa bukas na department store. At kalimutan mo na muna ang tungkol kay Mariposa. Saka na lang natin pag-usapan ang lahat ng mga nangyari pagkatapos na ako'y mabaril ni Regor. "
"Okay," sagot nito saka pinaharorot na ang sasakyan nito.
Kahit anong tago at tanggi ay talagang mabubuking ka. Mabubuking ka nang taong matagal ka ng kilala.
Hala ka Scarlett, paano na iyan? Paano mo sasabihin kay Amore na gusto ng sumapi ni Ezekiel sa grupo ninyo?
Binilhan siya ni Ezekiel ng mga gamit.
Mabuti lang ng dumating sila sa bahay ng lalaki ay mga tulog na ang mga kapatid nito.
Sa guest room siya pinatulog ng lalaki. At kinabukasan at maaga namang umalis. Naka-timing siya at hindi siya nakita ng mga kapatid ng lalaki.
Tinawagan niya si Amore at ipinaalam niya ang tungkol sa hinihinging permiso ni Ezekiel na sumali sa grupo nila.
Ang sagot naman ni Amore ay payagan ang lalaki at bantayan niya muna ang maaring gawin nito.
"Oh, ano na? Payag na ba ang lider ninyo? Alam kong mga babae kayong lahat pero hindi naman big deal sa akin iyon."
"Oo, tatanggapin ka raw namin pero isang chance lang ang maaari naming ibigay para sa'yo. Kapag tinraidor mo kami ay wala na kaming magagawa para hindi ka parusahan ng karampatang parusa dahil sa iyong pagtataksil," paalala ni Scarlett sa lalaki .
"Yes, salamat. Mas gusto ko ito at mas gugustuhin ko dahil kasama na kita ulit."
"Ano kamu? Hoy, gising baka nanaginip ka lang. Ihatid mo na nga ako sa hideout at nang maipakilala na kita sa mga kasamahan ko," sagot niya sa lalaki na panay ngiti lang.
Ano kaya ang nangyari kay Ezekiel? Bakit abot tenga ang ngiti nito mula pa kahapon nang aminin ni Scarlett na siya nga ito at hanggang ngayon ay hindi mawala ang mga ngiti nito.