KABANATA 39

2399 Words
NASA biyahe sina Scarlett at Ezekiel. Medyo malapit na sila sa hideout ng magtext si Amore na gusto niyang makita agad ang lalaki. "Sino ba ang nagtext sayo?" kuryusong tanong ni Ezekiel. "Ang pinuno namin. Bilisan na raw natin dahil may kailangan siya sa'yo," aniya. "Okay," sagot nito saka binilisan ang pagmaneho. After 15 minutes they finally arrived. Agad na binuksan ng mga kasamahan niya ang gate at tumuloy sa loob ang kanilang saksayan at agad na pinarada sa may garahe. Nakatitig ang lahat ng mga kasamahan niyang nagbabantay. Ang mga ito ay parang nangungusisa ang mga tinging binibitawan. Alam niyang curious ang mga ito kung bakit may kasama siyang lalaki dahil sa pagkakaalam ng lahat bawal ang lalaki sa grupo nila. "Mga kasama, alam kung nagtataka kayo kung bakit may kasama akong lalaki, huwag kayong mag-aalala kaibigan ko siya. Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa inyo ang lahat," pakli niya saka ngumiti. "Ah, ganun ba Jasmine? Naiintindihan namin. Sige na, siguro siya ang hinihintay ni Sapphire," sabat ng isa niyang kasamahan na pinutol nito bigla ang pagsasalita. "Sige," tipid niyang sagot. Umalis na sila at pumasok sa isang silid. Doon ang tanggapan nila ng bagong kasapi. Pinihit ni Scarlett ang pintuan saka pumasok na agad. Nakaupo sa swivel chair at nakatalikod ang babae ng madatnan nila. "Siya na ba ang pinuno ninyo?" kuryusong tanong ni Ezekiel. Nagtaka siguro siya kung bakit may patalikod effect pa ito. "Oo, sige, umupo ka muna. Iiwan muna kita dahil gusto ka niyang makausap ng sarilinan," sabi nito saka lumabas agad ng silid. Tahimik na umupo si Ezekiel sa silya na inilaan para sa kaniya. Gusto na talaga niya magsalita, nang magsalita ang babaeng nakatalikod. "Ano ba ang totoong pakay mo bakit gusto mong sumanib sa grupo namin?" agad nitong tanong. "Gusto ko nang magbagong buhay at gusto kong makasama si Scarlett," sagot niya sa tanong ng babae. "Iyon lang ba? Ang babaw ng dahilan mo. Alam mo bang puwede ka naming patayin gayundin kung magiging spy ka lang laban sa amin. Hindi kami madaling nagtitiwala sa mga lalaki at maging sa tulad mo na isang kanang kamay ng isang demonyong si Regor," aniya. "Magtiwala ka. Kaya ko kayong tulungan. Lahat ng alam ko tungkol sa kaniya ay sasabihin ko. Lahat-lahat alang-alang sa kagustuhan kong makasama si Scarlett. Hindi mo naman kailangan na magtiwala agad pero sisikapin kong pagkatiwalaan ninyo ako," paninigurado nito. "Talaga ba? Anong nangyari sa'yo, bakit bigla mo na lang naisip na kumawala kina Regor? Maliban sa mga nasabi mo na?" "Ayoko na sa mga ginagawa niya. Dati napilitan lang naman ako na magtrabaho sa kaniya dahil matindi ang mga pangangailangan ko noon. At mas galit ako sa kaniya nang binaril niya si Scarlett at nang akala ko namatay ito. Matagal na akong may gusto kay Scarlett pero hindi ko masabi ng diretso sa kaniya dahil hindi niya ako pinapansin." "Are you confessing yourself right now, Ezekiel?" nakakatawang tanong ng babae sa kaniya. "If it is, then I am," sagot nito sa babae. "How brave you are, hindi mo pala alam na naririnig ang mga usapan natin sa mga intercom sa bawat silid dito? It's okay, personal matter naman iyon, 'di ba?" "Talaga? Oh my God," wika niya saka kinakabahan agad. "Ay…ang swerte mo, hindi ko pala na ON ang intercom. Sorry, kinakabahan ka ba?" pagbibiro nito sa kaniya. Bumuga muna si Ezekiel ng hangin saka sumagot. "It's okay, ayos lang ako. So, what? Kung marinig o malaman man niya mas better para malaman niya na may gusto ako sa kaniya." "Wow, nakakainggit. Pero handa ka bang ibuwis ang buhay mo para kay Scarlett kahit anong mangyari?" "Oo naman siyempre!" "So, what if mapapahamak siya ng dahil sa iyo o sabihin nating dahil sa pagsanib mo sa amin? Anong gagawin mo?" "I won't let it to happen, if ever na saktan siya ulit ni Regor ay talagang hahamakin ko ang lahat at sasaluhin ko ang lahat ng bala para maligtas lang si Scarlett laban sa kanya," paninigurado niya. "Aba, mabulaklak na mga salita, pero paano kung ako ang mapapahamak anong gagawin mo? Ililigtas mo rin ba ako kagaya ng gagawin mo kay Scarlett?" "Oo, siyempre naman. Kahit na sino ay ayaw ko nang mapahamak ng dahil sa kagagawan ni Regor o ninuman." "Bravo! Well, I guess you'll passed the first trial. Ang susunod ay malalaman mo lang kung ano iyon. Pero sa ngayon ay may hihilingin akong pabor sa'yo at sana tulungan mo ako." "Sure, ano iyan?" "Bali, hindi pa ako nakapagpakilala sayo," sabi nito na unti-unting inikot ang upuan pa harap. "Let you guess who I am?" Wala namang pumapasok sa utak niya na kahit anong idea kung kilala ba niya ang babae. "By the way, I'm Mariposa," sabi nito sa kaniya at naglahad ng kamay. Agad naman niyang tinanggap ang kamay nito at nakipag-shake hands na rin. "Na shock ka ba? I'm so sorry." "Oo nga eh. Nakita lang kita kahapon sa club at inihatid mo pa si Regor sa Alpha Mouhiere Empire, ang lapit lang pala ng mga kaaway niya sa kaniya pero wala siyang kaalama-alam. Ang bobo din naman pala niya minsan," natawa siya. "Well, dahil nakapasa ka sa unang pagsubok may ibibigay akong misyon sa'yo." "Ano iyon?" "I want to enter the Alpha Mouhiere Empire at unti-unting wawasakin ito, pero kailangan ko ng mga mata sa paligid. Iyon lang ang misyon mo, look out at mata at tenga ko, easy, right?" "Sure, I will,"sagot niya. "Siya nga pala kailan mo gustong pasukin? Ngayon na ba? Pero mag-ingat ka. Kahit duwag ang mokong na iyon ay tuso rin siya minsan at kapag galit ay mas tuso pa." "I know it already but I will be wiser than him," she said sarcastically with a matching killer smile. "Okay. Siguro kailangan ko munang ituro sa'yo ang lahat ng mga pasikot-sikot sa loob ng Alpha Mouhiere Empire saka ang mga lagusan at mga silid doon." "Sige!" Nagpatuloy silang dalawa sa pag-uusap at tinuruan ng mga pasikot-sikot sa loob ng Alpha Mouhiere Empireni Ezekiel ang babae. Oo, alam na niya iyon pero mas pinili niyang makinig sa itinuturo ng lalaki para hindi siya mahalata nito na may alam na siya roon. Naninigurado lang siya na baka kay Regor pa rin kumakampi ang lalaki at nagpapanggap lang itong umaanib para masalakay sila ng mga kaaway. NANG matapos silang pag-aralan ang mga pasikot-sikot doon ay ipinalabas na muna siya ni Amore at pinakuhaan kay Scarlett ng magiging silid niya sa hideout sa tuwing nandoon siya. "Oh, heto ang magiging silid mo kapag nandito ka. Wala na ibang vacant, kaya sa katapat ka na lang kuwarto ko. Buti nga 'yan kapag may kailangan ka kumatok ka lang agad," saad ni Scarlett. "Wow, salamat. Ang bait naman pala ng lider ninyo. Akala ko kanina kung mamatay na ako sa interview pa lang pero ayos lang. Ang ganda ng mga tinanong niya," ngingisi-ngisi pa ito saka kumindat sa kaniya. "Bakit, anong mga tinanong niya?" kuryusong tanong ni Scarlett sa lalaki. "Secret, sa akin na lang iyon." "Tse, kahit kailan wala kang kuwentang kausap. Diyan ka na nga. Magpapahinga lang ako. Inaantok ako, hindi ako nakatulog ng maayos sa bahay ninyo kagabi." "Sorry. Okay, take your time to rest," wika ni Ezekiel. Hindi na sumagot ang babae at pinagsarhan na siya ng pinto ng babae. Naiwan siyang nakangiti habang nakasandal sa dingding. Ang saya talaga niya kapag inaasar niya si Scarlett. Ang baduy ng diskarte niya, subrang luma. Puwede naman niyang ligawan agad, pero anong ka corny-han pa ang ginagawa niya. SAMANTALANG nagbihis ng maganda at sexy na damit si Mariposa. Tumawag kasi si Regor at inaanyayahan daw siya na maglunch sa labas. Siyempre pagkakataon na naman niya ito. Kaya game na game siya sa pakikipaglaro sa mortal niyang kaaway. Nadaanan niya si Ezekiel kaya kinausap na niya muna ito. "I will go, makikipagkita ako kay Regor. Dito ka na lang muna or else puwede mauna kang pumunta sa Alpha Mouhiere Empire, niyaya pa kasi niya akong lumabas." "Okay. Mag-ingat ka. See you there, akitin mo siya nang maayos para payagan ka niyang pumasok sa loob ng kaharian niya. Sige, good luck." "I will. Sige, pakisabi na lang kay Scarlett na huwag na siyang lumabas o sundan ako. Alam mo na hindi siya ligtas na gumala. Sige, bye!" Pagkasabi niya ay umalis na agad ito. Sumakay lang siya sa taxi para sabihin na wala siyang sariling kotse. Alam naman niya ang meeting place nila ni Regor kaya doon na siya nagpahatid. Mas nauna na pala roon si Regor at nakaupo na ito sa may mesang napili nito. Nakita naman siya nito agad kaya tumayo ito at hinintay siya na makalapit sa kaniya. "Hi." "Hello." "Please have a sit," wika ni Regor saka kinuhanan siya ng upuan at pinauna siyang umupo. Ang gentleman niya, sana kung ano ang ipinapakita niya sa babae ay ganun din ang tunay nitong ugali ay tiyak na marami ang magkandarapa na mahalin siya pero hindi eh, taliwas talaga. "Thanks. By the way, handsome kanina ka pa ba?" "Hindi naman. Mga 10 minutes pa lang akong nandito. Masyado kasi akong excited na makita ka at makapagpasalamat sa ginawa mo kahapon ng gabi. Thank you for your concern at hinatid mo pa ako sa Alpha Mouhiere Empire." "Wala iyon. Hindi ko naman kase puwedeng iwan ka na lang doon lalo na't kaibigan kita." "Salamat ulit. Teka lang kaibigan lang ba ako para sa'yo? Akala ko ay—" "Ano? Ikaw ha, baka lung ano iyan ha?" nakangising wika ni Mariposa. "Ah, nothing. Sige na mamaya na natin yan pag-usapan. Umorder na muna tayo ng pagkain saka natin ulit pag-usapan ang tungkol diyan." "Sure!" "Waiter," tawag ni Regor sa waiter saka lumapit ito sa kanila at nagbigay ng menu. "Anong order mo?" "I cup of rice at beef steak. Wala na akong gustong kainin," pakunwari siyang nahihiya. "Okay, heto sa akin," sabi ni Regor saka itinuro mula sa menu ang gusto niya. "Ito lang po ba ninyo?" ulit na tanong ng waiter. "Oo, iyan lang sa akin," sagot ni Mariposa. Tumango lang din si Regor. "Kindly wait for a few minutes ma'am and sir, your food will be served," nakangiting wika ng waiter saka tumalikod na. Nginitian lang niya ang lalaki. Kahit sa loob-loob niya ay parang gusto na niya itong sakalin o patayin. They both enjoyed their lunch or sabihin natin na si Regor lang ang nag-enjoy. PAGKATAPOS nilang kumain ay niyaya siya nitong manood ng sine. Second time na siya nitong niyaya kaya go na rin siya dahil baka maaakit niya si Regor doon. Dati naman siyang labas-masok doon pero ngayon may iba na siyang pakay para roon. "Gusto mo ba manood tayo ng sine Mariposa?" "Sure, alam mo kapag ikaw ang kasama ko handsome napapanatag ang loob ko. And I feel safe in your side," pagdadrama niya. "Of course, you will be safe in my arms. Sige na, umalis na tayo para makakuha tayo ng VIP tickets. " "Sure, ano bang panoorin natin?" "I like action movies. Ikaw ano ba ang gusto mo? Baka ayaw mo, edi doon tayo sa kung anong gusto mo," anito. "Well, pareho pala tayo ng gusto. Sige manood tayo ng action movies." "Wow. Hindi ko 'yon inaasahan sa isang babae na mahilig sa action movies. Let's go," inakbayan siya nito. Nakakuha sila ng VIP tickets. Naupo sila sa kanilang puwesto. Madilim kaya maraming mga kakaibang pangyayari. Magkatabi sila kaya naghihintay siya ng puwedeng mangyayari. Baka kasi sunggaban siya ni Regor ng halik. Hindi puwede na mangyari 'yon dahil si Liam nga hindi pa naka score sa kaniya kahit isang halik, maunahan pa siya ng Kuya niya. "Mariposa, okay lang ba sayo na tawagin kitang darling?"tanong ni Regor sa kaniya. "Sure, puwede naman. Bakit ba iyan ang gusto mong itawag sa'kin?" "Kasi alam mo siguro hindi ko na to palalampasin. Ganito kasi—" sabi nito saka humarap sa kaniya si Regor. OMG, hahalikan na ba siya nito? "Ano iyon handsome?" Napapalunok siya. "Gusto kita at sana huwag mong tanggihan ang nararamdaman ko," sabi nito saka unti-unting lumalapit sa kaniya. Gusto man niya itong itulak pero baka maghinala ang lalaki. Whatever it takes hindi siya kailangan na mahalin ng kaaway niya. "Ah… ano ba, nasa sinehan tayo handsome, kaya huwag mo na akong halikan. " Hindi siya pinakinggan ni Regor. Patuloy ito sa paglapit ng mukha niya at bigla siya nitong hinalikan pero inilag niya ng kunti kaya tumama lang ang halik ni Regor sa pisngi niya. "Ano ba?" medyo tumaas ang boses nito. "Isa lang naman ang hinigingi ko. Ang ganda ng lips mo," ingos ni Regor. Mas nairita siya sa ginawa nito. "Sa susunod na lang. Hindi pa naman kita sinasagot. Puwede ba, huwag kang makulit?" "Argh," nasuntok ni Regor ang gilid ng upuan niya. Kinalma ang sarili. "Okay I'm sorry," bawi nito. "Handsome, manood na lang tayo ng pelikula ang ganda," wika niya. "Puwede ba akong makabalik sa Alpha Mouhiere Empire, alam mo ang ganda roon. I want to be with you and I will be your princess too," pag-iiba niya. "Sure, pero kapag hinayaan mo akong halikan ka sa mga labi mo. Isang beses lang naman, at pagkatapos noon ay isasama na kita roon. At kapag sinagot mo ako gagawin kitang reyna ng palasyo ko." "Buwesit ka Regor. Ang tuso mo talaga. Sa simpleng bagay lang hindi mo ako pagbibigyan. Yuck nakakasuka," sabi niya sa kaniyang isipan. Nagtatalo ang isipan niya at ang puso niya sa gagawin niya. "Oh, ano na? Pumayag ka na ba? Dahil after this movie lalabas na tayo at isasama na kita sa Alpha Mouhiere Empire. Kung ayaw mo, di kita pipilitin," sabi nito sa kaniya. "Okay, payag na ako," nakangiting wika nito kahit na ayaw niya talaga. Kung ito ang susi para makapasok sa Alpha Mouhiere Empire ng matiwasay, why not take risk, hindi ba? "Sure?" Masayang tanong ni Regor. "Of course. Alam mo namang gusto kita. Kaya pagbibigyan kita," sagot niya saka inilapit ang mukha sa lalaki. "Pero pikit ka muna." "Sure," pumikit ito, binasa niya ng tubig ng daliri niya at dinampi sa bibig ni Regor. "You like my kiss?" "Of course, it's sweet. Thank you Mariposa." Mabuti na lang at natapos na ang movie. Lumabas na sila at agad na sumakay ng kotse ni Regor. Dinala siya nito sa teritoryo niya at pagkatapos ay ipinahatid na siya nito kay Ezekiel, dahil may importante raw itong pupuntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD