KABANATA 45

1491 Words
MATAPOS magtapat ni Liam sa matanda ay tila nakaramdam na siya ng pagkailang. Naisipan niyang sundan si Amore sa Maynila pero alam niyang magagalit lang ito sa kaniya. Sumagi sa isip niya na mas mabuti na kung sa America siya tumungo. Marami siyang naiwan doon at pati na ang mga pera niya. Mas mainam na doon siya pumunta at magpalakas. Hindi man para maghiganti sa mga kasalanang ginawa ng kapatid niya kundi ang maging handa para matulungan ang nobya sa mga plano nito. Kasalukuyan siyang nagliligpit ng kaunting gamit na bigay sa kaniya ni Amore. Ang mga gamit na labis niyang pinapahalagahan. Kahit kaunti lang ito ang importante galing sa taong mahal niya. Marahan niyang isinilid ang mga gamit sa kaniyang bag pero hindi niya maiwasan na malungkot at makuhang maalala ang mga masasayang araw na kapiling niya si Amore. He misses her so much even a single moment he made to adore Amore secretly. He's deeply in love with her but he can't do what he supposed to do. He wants to protect his queen but in what way that can't compromise Amore's safety? Wala siyang tamang lakas para gawin 'yon. Naging emosyonal siya matapos niyang maisilid lahat ng mga gamit sa bag niya. "Amore, I'm sorry but I need to do this. I need to know what is behind my past and I promise I'll be there for you. Pagbalik ko gusto kitang makitang nakangiti sa harapan ko." Naisipan niyang mas makakabuti itong gawin kumpara sa sundan si Amore dahil madadagdagan lang ang problema ng babae kaya ayaw niya itong isturbuhin sa misyon nito, at isa pa he need to remember his past. Kung ano ang nangyari sa kaniya mahigit sampung taon na ang nakalipas. Pinahid niya ang kaniyang mga luha saka lumabas na sa kaniyang silid. Nasa labas si Tiyo Gusting ng nadatnan niya. Nagkakape ito at nakuha agad ang presensiya niya ng makita siyang tangay ang maliit na backpack niya. Malungkot na pinasadahan siya ng tingin ng matanda. Hindi ito nagsalita pero makikitang malungkot ang mukha nito. Kahit na siya ay malungkot din. Nilapitan niya ang matanda. He clear his throat first. "Tiyo, I'm sorry for what happened, I hope you'll understand me. At ngayon napagpasyahan ko na pong umalis at sundan sa Maynila ang nobya ko. Sa tamang panahon ipapaliwanag namin ang lahat sa'yo. Sana maunawaan ninyo ang pagsisinungaling namin sa inyo," anito. Humarap sa kaniya si Gusting. "Huwag kang mag-aalala Yam. Kahit mahirap para sa'kin na tanggapin ang mga nangyari na ay pipilitin ko pa rin na tanggapin. Ipangako mo sa akin na alagaan mo si Amie, ha." "Opo. Pinapangako ko,"paninigurado niya. "Sige. Kung buo na ang pasya mo ay ihahatid na kita sa bayan. Sana ay mag-ingat kayo roon. Puwede naman kayo makipag-ugnayan kay Lita para kahit papaano ay may balita ako sa inyong dalawa." "Opo, salamat Tiyo." Tinapos muna ni Tiyo Gusting usting ang pag-inom ng kape. Siya na ang nag-volunteer na ihatid ang binata sa bayan para makaluwas ito ng Maynila. Pero naisipan ni Liam na hindi siya dadaan ng Maynila dahil mahuhuli siya ng mga tauhan ni Regor. Sa Indonesia siya tatawid saka mula doon ay aalis papuntang America. NAKARATING na sila sa bayan. Malungkot silang pareho dahil sa balak niyang pag-alis. "Yam, mag-ingat ka sa iyong pag-alis," anang Tiyo Gusting. Malungkot pa rin ito. "Sige Tiyo. Mag-ingat ka rin. Huwag kang mag-alala. Magpapadala pa rin kami ni Amie ng pera. Kay Lita na po kami nakikipag ugnayan. Salamat Tiyo, mamimiss ko kayo. Kayong mga taga-isla." "Sige na. Umalis ka na. Kumuha ka na ng ticket para makakaalis ka na. Mag-ingat ka. Mauuna na ako. Balik na ako ng isla. Paki-kumusta na lang ako kay Amie. Pakisabi na umuwi na lang siya sa isla." "Sige Tiyo. Pangako balang-araw magkasama kaming uuwi rito. Sa pag-uwi namin bibigyan ka na namin ng apo," ngumiti siya. Nakita niyang lumiwanag ang mukha ng matanda. "Aba dapat lang. Sige, alis na ako. Mag-ingat ka.Maghihintay ako sa inyong pagbabalik." "Sige Tiyo. Salamat." UNANG umalis si Tiyo Gusting para bumalik ng isla. Naiwan siyang nakatayo sa may pier. Naisipan niyang hanapin muna si Lita o tawagan pero hindi niya alam kung saan nakatira ang dalaga sa bayan. Wala rin naman siyang load. Naghanap muna siya ng makakainan. Pagkatapos ay nagtanong-tanong kung saan siya makakasakay papuntang Indonesia. Nagmamadali siyang umalis ng makita niya sa 'di kalayuan si Lita. Hindi siya nagkakamali. Si Lita nga. Mabilis niya itong nilapitan. Malaki ang pagkagulat ni Lita ng makita siya. "Kuya Yam, bakit ka nandito sa bayan? Kailan ka lang lumuwas dito? Bakit?"sunod-sunod nitong tanong. "Aalis na ako, but before I left may ipaki-usap ako sa'yo. I hope you'll gonna help me," sagot niya. "Oo naman. Siguro susundan mo si Ate Amie sa Maynila, ano?" "Hindi. Aalis ako at pupunta akong America." "Huh? America? Anong gagawin mo roon?" "Oo sa America. Puwede ba muna tayong mag-usap kahit sandali? May mga mahahalagang bagay akong sasabihin sayo. Puwede ba?" "Sige Kuya. Ang gulo ng isip ko." Naghanap muna sila ng hindi mataong lugar. Nalito bigla si Lita sa mga pinagsasabi ni Liam. Umupo silang dalawa sa bakanteng bench. "Lita, ganito kasi...aalis ako rito at papuntang America. Sayo ko lang sasabihin ang lahat. I know malilito ka at naguluhan ang isipan mo sa mga sasabihin ko sa'yo pero ipangako mo pa rin sa'kin na pagkatapos ng mga ipagtatapat ko ay hindi magbabago ang pagtingin mo sa amin ng Ate Amie mo." Naguguluhan pa rin si Lita sa pinagsasabi niya. Hindi naman ito nagsalita pa ng magkuwento pa siya. Nanlalaki ang mga mata niya at nag-iiba ang ekspresyon ng mukha nito habang nakikinig sa mga ipinagtatapat niya. Naging speechless ito nang matapos nang sabihin ni Liam ang lahat. "Kuya Yam este Kuya Liam, totoo ba lahat ng sinabi mo? Hindi ba ako nanaginip lang?" "Yes, it's true. I need your help. Please." "O…okay, pero sa paanong paraan naman Kuya Liam?" "Padadalhan kita ng pera buwan-buwan, allowance mo at para kay Tiyo Gusting. Tulungan mo rin kaming pagtakpan ang sekreto namin. Maaari ba?" "Sige Kuya Liam. Tutulungan ko kayo. Malaki rin naman ang utang na loob ko sa inyo. Teka lang saan ka ba dadaan para makakaalis ka papuntang America?" "Salamat. Puwede mo ba akong tulungan na makahanap ng sasakyan papuntang Indonesia. Doon ako kukuha ng ticket para makaalis ng bansa para walang makakahalata sa pag-alis ko." "Sige, may kilala ako. Papatulungan kita na maihatid ka papuntang Indonesia. Tara na Kuya Liam. Baka matagalan ka pa sa pag-alis." "Salamat sa'yo Lita. Pasensya sa abala." "Don't worry Kuya Liam. Nakakapanibago talagang tawagin kang Liam, Kuya Yam. At saka si Ate Amie, Amore pala true name niya. Pero okay lang maganda pa rin naman." Sumakay sila sa tricycle papunta sa kabilang pampang. Maraming kakilala si Lita na nagbibiyahe papuntang Indonesia. Medyo may katagalan ang paglalayag nito pero mas safe naman kapag doon siya dumaan. "Nandito na tayo Kuya. Teka kakausapin ko muna ang kakilala ko. Maghintay ka muna rito. Isuot mo na lang ang shades mo. Babalikan kita agad." Agad na pinuntahan ni Lita ang kakilala niya. Mabuti lang at napapayag niya ito kaagad. Makakaalis na si Liam. Malaking tulong talaga ang dalaga. "Kuya ayos na. Puwede ka nang sumakay at nang makaalis na agad. Don't worry sa pamasahe na kausap ko na siya. Bibigyan ka na ng discount. Mag-ingat ka Kuya. Hihintayin ko ulit ang pagbabalik ninyo. Mamimiss ko kayo," sabi nito saka kumaway. "Sige. Salamat sa uulitin. Mag-ingat ka rin. Pasensya sa abala,"sagot niya saka kumaway rin pabalik. Pumasok na siya sa pampasaherong yate. Marami na talagang nakakaimbento na ang yate ay gawing pang byahe sa laot. Sa pagkakaalam niya kadalasan sa mga may yate ay privately owned ang mga ito. Umalis na si Lita. Hanggang ngayon ay gulong-gulo ang isipan niy. Hindi pa ma digest ng utak niya ang lahat ng mga nalaman. Nakahinga naman ng kahit kaunti si Liam. Malaki ang pasasalamat niya kay Lita. "Sir, saan ka ba pupunta sa Indonesia? Sa pier ka lang ba bababa or sa airport na?" tanong ng may-ari ng yate. "Sa pier po. Sasakay na lang ako papuntang Airport. Bakit po ba?" "Sige. Ako ang bahala. Kilala ka naman ni Lita kaya pagkarating mo roon ay ipapahatid kita sa kilala ko rin doon." "Salamat po," nakahinga siya ng maluwag dahil mabait ang may-ari ng yate. Nang makumpleto na ang dami ng pasahero ay umalis na sila. Habang nasa paglalayag ay hindi pa rin maiwasan ni Liam na malungkot. Gusto niyang umiyak pero nahihiya siya na baka may makakita. Ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata. Pinatatag ang kalooban ng mga sandaling iyon. Inisip niya na ang pag-alis ay hindi para sa pansariling kapakanan lang kundi para kay Amore. Nakatulog siya sa biyahe at ginising na lamang siya ng may-ari ng yate. Ipinahatid din siya sa airport. Mabuti na lang at may mga taong ginagamit ang Diyos para matulungan siya. Talagang hindi siya pinapabayaan ng maykapal. Tunay siyang pinagpapala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD