KABANATA 44

2361 Words
"GOOD morning," bati ni Dindo kay Amore. Nagkakape ito sa may garden. Hawak nito ang cellphone at kung may sinong inaabangang tumawag o mag-tetext. "Good morning din, tara kape tayo," yaya nito. Umupo si Dindo sa upuan na nasa harapan niya at ngumiti." You really forget? Hindi na ako nagkakape." Tumawa naman si Amore ng maalala ang dahilan kung bakit. "Anong tinatawa-tawa mo riyan?" "Wala. Secret!" "Kumusta na pala ang pagpapanggap mo? Ayos pa rin ba? I think you should stop it as soon as possible, baka mahalata ka niya at alam mo na. I'm just concerned about you Amore," pangaral nito sa babae matapos niyang kulitin. Ngumiti lang si Amore. "I'm fine. Hindi ko naman ito ginawa kung hindi ko kaya. Isa pa malapit ko nang makuha ang lahat." Paninigurado nito. "Okay. I think pababalikin ko na lang dito si Astra. You need her as well," sabi ni Dindo. Parang gamit na hiniram na kailangan na niyang isauli, 'di yata maganda. Nababaliw na ba siya? Kunot ang noo ni Amore. "Huh? Bakit naman? Hindi ka pa ligtas. Dudukutin ka pa rin nila dahil gusto nila akong makita. Pero one thing na nagpabobo sa kanila ay nasa harap na nila ako." At bigla itong ngumiti ng nakakaloko. "Siguro hindi kayo vibes no? Nag-aaway ba kayo? O nahuhulog ka na sa kaniya? At paano na lang si Britney 'pag nagkataon?" biro lang naman iyon ni Amore pero parang natahimik bigla ang lalaki. "Oy, totoo ba? Ayiee," panunukso pa nito. Natawa si Dindo. "What? No, I'm not!" "Weeh? Inaaway mo daw eh Ang kulit-kulit mo pa. Aba kapag hindi ka magiging mabait sa kanya ay talagang pababalikin ko siya dito sa hideout. Bahala ka na lang sa sarili mo na ipagtanggol kina Regor." "Oy, teka lang. Maiba tayo ng usapan. Kamusta na kayo ng knight and shining armor mo? Kayo na siguro no?" Ito na naman ang nanukso. "Hey. Aba kanina ikaw iyong topiko ngayon sa'kin naman? Oo, kami na kaso LDR. Konting panahon na lang at mamumuhay na tayo ng matiwasay." "Oo nga eh. I hope so. Sana makulong na si Regor. Bakit pala hindi niyo na lang siya pinapahuli sa mga pulis?" "Hindi naman siya makukulong. Marami siyang galamay sa loob at labas ng piitan. Tapos maimpluwensyang tao kaya makakalabas din agad." "Ganun ba? Ay nakakainis siya pati ako tuloy dinamay pa." "Kamusta na pala kayo Britney. Kailan kayo magpapakasal? Engaged na kayong dalawa kaya better na magpakasal na kayo." "Wala pa raw siyang balak. She wants to fulfill her dreams first. Ayun sinusuportahan ko na lang siya. Ewan ko ba sa kanya bakit gustong-gusto niya talaga ang pag mo-modelo." "Ah. Hayaan mo na lang. Kahit matagal pa naman siguro kaya mong hintayin dahil mahal mo siya, hindi ba?" Tango lang ang naging sagot nito sa kanya. Papalapit na rin sina Scarlett at Astra sa kanila. "Good morning," bati ng dalawa. "Ang sarap matulog," ingos ni Scarlett. "Umupo kayong dalawa. Gusto niyo na magkape? Siyempre magtimpla kayong dalawa," sabi nito saka tumawa. Tumawa na rin ang dalawa kahit corny ang joke ni Amore. "Am, halika ka muna. May sasabihin ako sayo importante. Please, excuse us first," paalam ni Scarlett saka lumayo silang dalawa kina Astra at Dindo. Silang dalawa na lang ang naiwan. Saglit na tumahimik ang paligid sa pagitan nila. "Ash, maganda ba ang tulog mo kapag nandito ka?" walang maang na tanong niya sa babae. Ngumiti lang ito saka kunwari nag-isip. "Sa totoo lang oo, tama ka. Maganda ang tulog ko kapag nandito ako at hindi kita makikita ng mga mata ko". Ouch! Saklap nun a. Napangiti naman si Dindo. "Well, ibabalik na kita dito if ito ang gusto mo. Hindi na kita pipilitin na maging bodyguard ko. Forget everything about me. At iyong cash advance mo don't worry. Hindi mo na kailangan bayaran. Ayos lang." Umismid lang siya. "Okay. Much better. Iyon lang ba?" Bumalik na sina Amore at Scarlett. "Saan ba kayo pumunta?" tanong ni Astra. "Well, where going to have some game. Para sulit ang Sunday na magkasama tayong apat." "Mga dalawang oras lang naman ang ilalaan ko kasi aalis na ako agad. I need to do my mission," sabad ni Amore. "Ano naman ang laro na yan? Marami ang sasali? O tayo lang apat?" tanong ni Astra ulit. Tahimik lang si Dindo. "Paramihan ng maasintang target. Practice sa firing at the same time laro na rin. Para may pakinabang. At ang premyo ng may pinakamaraming natamaang target ay may 100,000 saka one week vacation. Ayos ba iyon?" paliwanag ni Scarlett. "By pair ito ha," she added. "Scarlett tayo na lang ang magka-partner please," ingos ni Astra sa babae. "May partner na ako. Saka si Amore di siya sasali. Siya lang ang scorer. So bali 10 kapares ang sasali kasama ka at ng partner mo. Si Doc Dindo na lang kaya." "Ayoko. Ano namang alam niya. Ang hirap kaya niyang turuan dati. Ayaw ko na. Hindi na ako sasali!" "Okay. Payag ako. Marunong na ako don't worry," anang Dindo. Medyo kampante siyang makakatama siya. "Oh ayon naman pala eh. Mayroon kayong tig-sa-sampung bala. Kaya ang pinakamataas na maasintang target ay dalawampu. Tara na, let's go!" Nasa field na sila. Nakapuwesto na ang ilang mga kasamahan nila. Ang sama ng tingin ni Astra kay Dindo pero nginitian lang siya ng lalaki. "Humanda ka 'pag natalo tayo. Babayaran mo ako ng 100, 000. Sige ka!" Tumawa lang ito sa kanya. "Mukhang pera ka Ash. Wala ka nang ibang iniisip kundi pera," pagbibiro nito. Kaya nakatikim siya tuloy ng isang tadyak. "Okay let's start. One, two, three go," sigaw ng nagsilbing taga-organisa ng laro. Pumuwesto na si Astra. Itinuon na nito ang armas sa target niya ganun din si Dindo. Nakatama siya ng siyam. Nadaplisan lang ang isa kaya hindi ito nalaglag sa pinag patungan. Umupo muna siya sa may damuhan saka pinanunood ang lalaki na nag-aasinta pa rin. Hindi siya makapaniwala ng bilangin ang natitirang target. Dalawa na lang at baka mauungusan siya ng lalaki. "Paano siya gumaling sa pagbaril? Noon alam ko hindi siya marunong," usal niya saka tumayo. Tapos na si Dindo at walang may natira sa target nito. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahiya. Ngumiti ito sa kaniya. "Okay na. I'll do my best para sa'yo," makahulugang sabi nito saka umupo sa tabi ni Amore na nag-i-iskor. "Wow. I see you. Ang galing mo naman Dindo. Sa nakikita ko rito sa listahan ko. Kayo pa lang ang may pinakamaraming natamaang target," sabi ni Amore. "Talaga? By the way, puwede bang magtanong tungkol kay Astra?" "Bakit, ano ang gusto mong malaman na tungkol sa kaniya?" "Bakit palagi siyang nangangailangan ng pera? May utang ba siya?" "Wala. Sadyang malakas lang talaga manghingi ang nanay niya. Galit daw ito kapag hindi mabigyan ng pera. Iyon lang daw ang malaking rason bukod sa breadwinner siya sa pamilya." "Ah. Ganun ba. Salamat Amore." "Tulungan mo na lang siya kung anong meron ka. Huwag mo nang awayin. Hindi mo lang alam na kahit anong tapang at astig niya. Malambot pa rin ang puso niyan." Natahimik bigla si Dindo sa narinig niya. "LAHAT ng kalahok ay pumarito na dahil i-a-announce ko na ang mga nanalo. Lima ang mananalong grupo este lahat na lang para masaya. Ang champion ay sina Astra at Dindo, pangalawa..." sunod-sunod na anunsyo sa mga nanalong pair. Napatalon at niyakap ni Astra ang lalaki pero agad naman itong kumalas. Nahiya siya sa ginawa niya ng maalala na minaliit lang niya ang kakayahan ng lalaki. Natapos ang laro na lahat ay kapwa masaya dahil lahat ay may premyo. Nauna na ring umalis si Amore dahil may gagawin na naman ito. Parte pa rin ng misyon niya. Parang hindi na nga ito nagpapahinga. "Congratulations Doc Dindo and Astra," bati ni Scarlett. "Kailan kayo babalik ng bahay ninyo? Ngayon na rin ba?" Nanalo rin sila ng second place sa laro. "Ano ka ba Scarlett. Siya lang ang babalik sa bahay niya. Dito na ako simula ngayon. Hindi na ako ang bodyguard niya. Maghahanap na siya ng bago," sagot ni Astra. "Hindi puwede. Ang utos ni Amore ay sasamahan mo siya pauwi. Okay ba? Saka feel free to contact us if inaaway ka ni Doc." "Ano?" "Okay? Sige na. Doc isama mo na siya. Bye, Ash. See you next time around," sabi ni Scarlett. Wala na siyang magawa kundi sundin ang utos ni Amore. Lumabas na sila ng hideout. Sumakay na siya sa motor niya. Umangkas na rin si Dindo. Pero walang imikan ang dalawa. Ang laking himala. Hanggang sa nakarating na sila sa bahay nila. Hindi na nang-asar si Dindo kaya nakahinga na siya ng maayos. Sa isip niya mas mainam nga. Baka pinagalitan ni Amore kaya nagtino. Sa kabilang banda, kung may mga nagkakasaya ay mayroon ding nalulungkot. NGAYONG araw ay buo na ang desisyon ni Liam pero puno pa rin siya ng pag-aalinlangan. Marami siyang pangamba pero kapag nasabi na niya ang tungkol sa nililihim nila ay magiging malaya na siya na sundan sa Maynila ang nobya, pero paano? Telling the truth is harder compared for being broken. Paano nga ba simulan ni Liam ang pagsasabi ng katotohanan sa matanda ng hindi ito mabibigla o magagalit? Simula ng umalis si Amore sa isla ay hindi na siya kailanman napanatag. Kinukonsensiya siya sa araw-araw na paglilihim sa matanda. Sa bawat araw na nagtatanong ang matanda ng tungkol kay Amore ay wala siyang magagawa kundi ang pagtakpan ang lahat ng tungkol sa nobya. Kasalukuyan siyang nasa dalampasigan at naglalakad-lakad. Gusto muna niyang pag-isipan ng mabuti ang magiging desisyon niya. Nalilito na talaga ang utak niya. Ang bilis lang naman magtapat pero mahirap para sa kanya na makitang masasaktan ang matanda. He need to think more about it. Hindi siya pwedeng magpadalus-dalos ng basta-basta. "Oh come on Liam, what should you do now?" Kinakausap niya ang kanyang sarili. Nakaabot na siya sa kaniyang tambayan na malaking bato pero hindi pa rin niya maisip kung paano siya magtatapat. "Kung magtatapat ako, tiyak na magagalit si Tiyo Gusting pero kung magsisinungaling ako tiyak na magagalit pa rin siya sa oras na malalaman niyang nagsisinungaling lang kami ni Amore. I hate this situation, naiipit na naman ako sa gitna at parang hindi ako makakaalis," usal pa rin niya. Humugot siya ng isang malalim na hininga saka bumuga. Humiga siya doon sa malapad na bato at nagmumuni-muni. At sa hindi niya namalayan ay nakatulog siya. "Liam ananak gumising ka muna, kamusta ka na?" anang pamilyar na boses sa kanya. Iminulat niya ang kanyang mga mata. "Mommy, bakit nandito ka?" Ngumiti ito sa kanya. "Alam ko kasing nalulungkot at nalilito ang isipan mo ngayon, anak" saad nito. Marahan niyang niyakap ang kanyang ina. "Mommy, what should I do? Do I need to tell the truth or keep on lying for our sake?"tanong pa niya dito. "Anak, mas nakakabuti na magpakatotoo ka. Sabihin mo ang buong katotohanan. Oo, walang sinuman ang natutuwa sa ginawa ninyo pero sa paglipas ng panahon ay mapapatawad ka rin." "Salamat Mom, I miss you so much. Thank you," sabay yakap ulit sa ina niya. "Sige anak, hinihintay na ako ng Daddy mo. Basta do what is right, okay?" pagkasabi niyon ng kanyang ina ay tila nalulusaw na ang imahe nito habang nakangiti sa kanya. "Mo…mommy," sigaw niya habang pinipigil ang pagkawala ng imahe ng ina niya. Nagising siyang hapung-hapo. Napahawak rin siya sa kaniyang dibdib. "Akala ko totoong nandito si Mommy. Panaginip lang pala. Pero she's right," wika niya ng mabalikan na ng katinuan. Umuwi na siya ng bahay at nadatnan niya si tiyo Gusting na nagtitimpla ng kape. "Ay toto Yam, ito inumin mo ang kape. Naku ang aga-aga pa yata ng lumabas ka at nagpunta sa dalampasigan. Ang ginaw- ginaw pa dun. Ito inumin mo na para mainitan ang sikmura mo," alok sa kanya ng kape ni Gusting. "Salamat po," tugon niya saka kinuha ang tasa ng kape. Umupo sila sa may papag. Agad na napansin ni Gusting ang lungkot sa mukha niya. "May problema ka ba? Tila malungkot ka yata ah?" "Kasi po may gusto sana akong sasabihin sa inyo pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan" "Bakit? Ano iyan? Tungkol ba kay Amie?" "Sa aming dalawa po. At sana huwag po kayong magalit sa kung anong ipagtatapat ko sa inyo" "Bakit ano naman iyan? Nag-away ba kayong dalawa?" "Hindi naman po pero may nagawa po kaming kasalanan sa inyo" "Ano nga sabihin mo na. Naghiwalay ba kayo? Ano?" "Hindi po pero... Ikakagalit niyo po ito" "Hindi ako magagalit. Sige sabihin mo na. Pakiusap!" "Kasi, niloko po namin kayo na mag-asawa kaming dalawa pero ang totoo at hindi." Saglit na natigilan ang matanda sa kanyang narinig. Hindi ito makapaniwala sa kanyang sinabi "Ano? Nagpapanggap lang kayong dalawa sakin? Paano na ang hinihingi kong apo? Gusto pa naman kitang maging asawa niya. Bakit ninyo ako niluko?" "Pero magkasintahan po kami. Sa ngayon hindi ko pa kayo mabibigyan ng apo pero sa susunod ay tutuparin ko na po." "Aba ay luko itong batang 'to. Sige pagbibigyan ko kayong dalawa ngayon. Pero siguraduhin mong mabibigyan niyo ako ng apo balang araw ha." Mabuti na lang at hindi masyadong nagalit ang matanda. Nakahinga na rin ng maluwag si Liam ng mga sandaling iyon. Hindi niya inakala na hindi ito magwawala sa tuwing malaman nitong nagsinungaling silang dalawa. "Sige na, ubusin mo na ang kape mo. Hindi naman ako masyadong nabigla. Dati ko pa namang nahahalata na parang hindi kayo mag- asawa pero hindi ko na lang pinansin. Anong plano mo sa ngayon? Susundan mo ba siya sa Maynila?" "Opo. Pero baka magalit siya. Ipinagbilin ka kasi niya sa akin. Aalagaan daw kita rito habang wala siya." "Huwag na. Kaya ko pa naman. Sige, kung nakapag desisyon ka na, siya, sige kahit anong oras ay maaari ka namang umalis." "Salamat po, hindi kayo galit sa akin…sa amin." "Asus. At bakit naman ako magagalit? Siguro magagalit ako kung kahit relasyon ay wala kayong dalawa. Baka pinagsamantalahan mo lang ang aking pamangkin." "Aba. Hindi po. Hindi ko po iyon magagawa." "Sige. Pasok na muna ako sa loob ng bahay." "Sige po." Naiwan siyang nag-iisa sa labas. Nakahinga na rin siya sa wakas dahil wala na siyang dapat itago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD