KABANATA 43

3276 Words
MAS naunang nagising si Astra at naghanda ng sarili dahil unang araw ng trabaho niya bilang bodyguard ng lalaki. Samantalang si Dindo naman ang naatasang magluto ng kanilang almusal dahil hindi nagluto si Astra. Sanay na rin kasi itong hindi nag-almusal. Kumain muna sila bago aalis. Ito iyong pangalawang pagkakataon na sila ay kumain ng magkasama. Pagkatapos nilang kumain ay nagsipaghanda na silang dalawa para maaga pang makapasok sa trabaho niya si Dindo. "Saan ako sasakay, Ash? Sa motor mo pa rin ba? Or shall I buy a new car for you?" "What? Siyempre sa motor ko. Bakit marami ka bang pera na bibili ka pa ng bagong sasakyan? Huwag na. Kung ayaw mo edi huwag." "Oops, ito naman hindi mabiro okay sasakay na ako sa motor mo. Sige na aalis na tayo." Napailing lang si Astra at pinaandar na ang motor niya. Umangkas naman si Dindo. "Saan ang hospital na pinagtatrabahuhan mo?" Ibinulong lang ni Dindo sa kanya at alam na niya ito agad. "Okay, I'll drove you there." Nakarating na sila sa harap ng hospital. "So, aalis na ba ako?" pamaang na tanong ni Astra sa lalaki. "Ano? Huwag kang umalis, body guard kita kaya dapat nasa tabi kita palagi. Malay mo makapasok sa loob ng hospital ang mga tauhan ni Regor!" "Tse, ang engot. Okay. Mauna ka na at ipaparada ko pa ang motor ko sa parking lot doon sa likod!" "Sige. Room 212 ang office ko. I'll wait you there. Bilisan mo ha. That's an order, okay?" Nayayamot na si Astra sa ka-echosan ng lalaki kaya inirapan na lang niya ito bago iwan. May nakakita pala sa pagdating nila at agad na nagtanong kay Dindo kung sino ang kasama nito. Isa itong nurse na kasamahan niya. "Good morning doc, sino ba ang kasama mo? Siya na ba ang sinasabi mong nakababatang kapatid?" "Ah, iyon? Hindi. Bodyguard ko siya!" "Huh? Bodyguard? Weeh, nagbibiro ka siguro doc. Pa-paanong bodyguard mo ay babae? Sana kukuha ka ng lalaking body guard para mabantayan ka ng husto." "Don't underestimate her, magaling siya sa lahat. Be friends with her, okay?" "Okay doc. Pero para sa'kin mas maganda siya kompara kay ma'am Britney in her own way." "Oops, huwag mong isama ang girlfriend ko sa usapan. Mahal ko iyon at hindi ko siya kayang lokohin." "Siyempre alam ko po yun. Matagal na ang relasyon niyo at LDR pa pero na-i-manage niyo nang mabuti. Sige doc, Mauna na po ako." "Sige. Bye." Pumasok na rin si Dindo sa opisina nito. Naiparada na din ni Astra ang motor niya. Nagtext ang kapatid niya at nangangamusta kaya nireplayan niya muna bago pumasok ng hospital. Hinanap niya ang room 212 at nainip siya dahil medyo matagal niyang nahanap. Almost half an hour din ang paghahanap niya. Nayayamot siyang kumatok sa pintuan nito. Binuksan naman agad ni Dindo ang pinto. "Bakit ang tagal mo? Saan ka pa ba pumunta? Huh?" "Oh, galit ka ba? Ako nga ang dapat na magalit. Natagalan ako sa kakahanap ng room na ito. Okay na ba?" sagot ni Astra sa lalaki saka pasalampak na umupo sa swivel chair na nasa harap ng mesa nito. "Okay fine. Sige dito ka lang muna. I have to go to in the operating room. Safe naman doon kaya dito ka na. May operation kami ngayon. Sige." "Okay," tipid niyang sagot saka umismid. "Paki ko ba sa sayo." Kinuha na lang niya ang cellphone at naglaro ng ML pero nang tumagal ay nagsawa din siya sa kakalaro. Inantok siya bigla kaya gusto niya sanang lumabas at lumanghap ng hangin para mawala ang antok niya na dala siguro ng aircon sa loob ng silid ng maalala na bawal pala dahil baka hahanapin na naman siya ng lalaki at pagdiskitahan. "Ano ba ang boring dito. What should I do? Tawagan ko kaya sina Scarlett, pero baka busy sila. Huwag na nga lang." Napatayo siya at napatungo sa may kabilang dako ng silid, may secret bed pala sa likod ng kurtina. Siguro dito si Dindo natutulog kapag subrang napapagod na ito. Mula sa may maliit na mesa ay nakita niya ang isang picture frame. Larawan iyon nina Dindo at Britney. Kinuha niya ang frame at tinitigan ng husto. "Ang ganda naman pala ng girlfriend niya. Parang model ang dating. Siguro kapag lalaki ako at ganito kaganda ang girlfriend ko hindi ko na hihiwalayan 'to. Jackpot na ako sa ganitong babae. Ang swerte naman pala ng mokong na 'yon," wika niya saka napapalatak. Parang nawala na naman ang antok niya kaya umalis na siya doon at bumalik sa kinauupan niya kanina. Kinuha niya ulit ang cellphone at nagbasa ng online stories. Medyo adik din kase siya sa mga genre na Action-Romance. Nasa kalagitnaan na siya ng pagbabasa ng bumalik si Dindo. Tapos na siguro ito sa kanilang operation. "Hey, ayos ka lang ba dito? Uhm, baka inaantok ka pwede kang matulog sa secret bed ko. Hawiin mo lang ang mahabang kurtinang iyan ay makikita mo na sa likod ang sinasabi ko," agad nitong wika na hindi pinansin ng babae. Tudo basa kasi ito eh saka kinikilig pa. Lumapit si Dindo sa kanya saka tinapik ang balikat niya dahilan na nagulat siya. "Ano ba? Alam mo bang may binabasa akong online story? Nakakainis ka, ayan tuloy nasira na ang gana kong magbasa," ingos niya sa lalaki. "Ano ka ba? Bodyguard ang trabaho mo hindi ang magbasa ng kung anu-ano!" "Aba, makapagsalita 'to parang wala na akong rights ah. Alam mo ba na subrang bored ako rito na halos ikamatay na ang mga cells at tissues sa buong katawan ko? Palibhasa'y gusto mo lang ang laging nasusunod di porque na binabayaran mo ako," sabi nito saka akmang lalayas ng hablutin ni Dindo ang braso niya dahilan para mapasubsob siya sa dibdib nito. Pumipiglas siya pero ayaw naman siyang bitawan ng lalaki. "Saan ka pupunta? Ito ba ang itinuro sa iyo ng mga magulang mo na aalis na lang basta-basta kapag may kausap ka?" Tumawa siya ng napaka-sarkastiko bago nagsalita. "Aba, Mr. Dindo Ruiz huwag mo namang idamay ang mga magulang ko sa galit mo sakin. Gumaganti ka ba dahil ng nasa hideout tayo palagi kitang sinusungitan? Huh?" "I think hindi naman dahil doon. Basta sa tuwing inaasar kita parang ang saya lang sa pakiramdam. Sana dati ko pa ginawa!" "Ano? Bitiwan mo na ako. At baka mapipilitan akong baliin iyang braso mo," banta niya rito. "Ayaw ko nga. Sige subukan mong kumawala hanggang gusto mo!" at talagang tinutukso pa siya nito. Hindi nila namamalayan na bukas pala ang pinto kaya pumasok na lang bigla si Lyca ang kasamahan ni Dindo na isang nurse. Nanlalaki ang mga mata nito at napatakip ng bibig ng makita sila sa ganuong sitwasyon. Agad na naitulak ni Astra si Dindo ng makita ang nurse. "Doc, I'm sorry po. Pumasok na lang ako kasi nakabukas ang pinto. Sorry po talaga," paghingi ng paumanhin ng nurse. Samantalang na shock din sila pareho dahil may nakakita sa kanila at baka kung anong isipin nito at mas malala ay magsumbong sa girlfriend niya. "Ah, anong dala mo?" "Mga papers po na dapat ninyong pirmahan. At saka Doc may emergency meeting kayo mamayang 4:00 pm." "Okay, sa labas na lang tayo mag-uusap." Tumango naman at sumunod na lumabas ang nurse. Samantalang si Astra at nakahinga na rin. "Bwesit na tao ka Dindo. Akalain ba namang gagawin mo iyon? Nakakainis ka. Baka magsumbong iyon sa girlfriend niya at ako pa ang magiging dahilan ng pag-aaway nila. Hell no, ayokong masangkot sa gulo," napatampal na siya sa kaniyang nuo. Habang sina Dindo at Lyca naman ay nag-usap tungkol sa nakita niya kanina. "Lyca, about pala doon sa nakita mo kanina baka na misunderstood mo. Natapilok lang siya at nasalo ko kaya mukhang kakaiba ang dating para sayo. Please, huwag mo itong sabihin kahit kanino at mas kay Britney." "Sure. Tikom 'ang bibig ko. Pero I can't deny na bigla akong kinilig ng makita kayong ganuon. Ay sorry po talaga doc, opinion ko lang naman iyon." "It's okay. Iyon lang ba ang sasabihin at papi-pirmahan mo sakin?" "Opo. Babalikan ko na lang mamaya para kunin ang mga documents at titiyakin ko na pong kakatok na po ako. Sige Doc, "nahihiya siyang lumabas. "Sige." Inaantok na talaga si Astra sa kakaisip sa nangyari. Narinig niyang papasok na ulit sa silid si Dindo kaya nagkunwari siyang natutulog para hindi na siya kukulitin ng lalaki. "Kita mo lang. Nakatulog agad at ang tigas ng ulo. Sinabi ko na kapag gusto niyang matulog ay doon sa secret bed ko," wika nito saka agad na binuhat ang babae. "The hell what is he doing? Ibaba mo ako Dindo. Hey!"wika ni Astra sa loob-loob nito pero hindi nagpahalata na nagpapanggap lang siyang tulog. Parang gusto niyang sumabog sa inis at pagkahiya sa ginawa ng lalaki. Bakit ba kailangan pa nitong buhatin siya Kung pwede lang siya nitong gusingin. Marahan naman siyang inilapag ni Dindo sa higaan. Hiyang-hiya na talaga siya pero pinipigil lang niya dahil kapag nagkataon mas mapapahiya pa siya. Tinitigan siya ni Dindo ng mabuti na parang sinusuri ang bawat anggulo ng mukha niya. "Ang ganda mo pala lalo na kung tulog at hindi nag susungit sakin. Ewan ko ba bakit laging mainit ang ulo mo sa akin? Baka ipinanganak ka sa buwan ng Pebrero kaya tuyuin ka," wika nito saka bahagyang natawa pero pinigil lang niya. Habang rinig na rinig naman iyon lahat ni Astra at patuloy pa rin na nagpipigil. May mga tumatabon na buhok sa mukha niya kaya siguro naisipan ng lalaki na hawiin ito at iyon na ang hindi niya natiis at mabilis niyang hinawakan ang kamay lalaki. Nagulat naman ang lalaki. Napalunok ito bigla. At tumayo saka kinalma ang sarili. "I'm sorry nagising ba kita? Sorry hahawiin ko lang sana ang tumatabong buhok sa mukha mo." "Anong right mo para gawin iyon?" "Ah. Wala naman. Sige matulog ka lang diyan. Pipirmahan ko pa kase ang mga documents," sagot nito habang nakakamot sa batok niya. "Okay. Pwede bang lumabas saglit. I need to unwind myself at saka nagugutom na ako. Body guard nga trabaho ko pero kung gutom ako eh wala ako sa mood." "Ganun ba? Sige sabay na lang tayo mag-lunch. And by the way tumawag sina Mommy at Daddy kanina na ipapakilala daw kita sa kanila mamaya so doon tayo magdi-dinner!" "Anu kamu? Ako ayoko nga. At bakit pa? Baka i-underestimate nila ako bilang bodyguard mo. Huwag na lang. Ikaw na lang mag-isa mo. Bukas na lang kita ng umaga susunduin dahil babalik muna ako sa hideout!" "Iyan ang ayaw ko. Remember ako ngayon ang boss mo at hindi si Amore." "Okay!" "Tara let's go. Gutom na rin ako" Ayon umalis na silang dalawa para maghanap ng restaurant. Kumain silang walang imikan pagkatapos bumalik na rin sa hospital. May tumawag kay Dindo at nagsabi na nag-move ang emergency meeting nila ng ala-una kaya mas maaga itong makapag -out sa trabaho. "Tara, isasama kita sa meeting dahil pagkatapos ay diretso na tayong aalis papunta sa bahay. Maliwag ba? I don't need to hear any arguments, okay?" "Okay!" Sumunod naman si Astra sa lalaki. Hindi na ito tumutol pa, sawa na siya sa kakabangayan sa lalaki at wala naman siyang magagawa. "Good afternoon doc," bati ng mga nurses na nakasalubong nila na nginitian lang ni Dindo. Ang mga mata ay nakatingin lahat sa kanya na parang nag usisa kung sino siya. Hindi niya ito pinansin sa halip ay mabilis lang siyang naglakad habang sumusunod sa lalaki. Ang ilan ay nagbubulungan-bulungan na parang mga ewan. Mga marites! Nakarating agad sila sa meeting. At agad namang natapos. Mga 30 minutes lang naman pala. Hindi niya na pinakialaman kung ano ang mga pinag-usapan ng mga iyon. Lutang kasi siya. Iniisip lang naman niya ang mga gagawin mamaya sa bahay nina Dindo. Paano siya makiharap sa mga magulang nito baka sakaling tanungin siya ng mga ito kung bakit siya ang ginawang bodyguard ng lalaki na gayunpaman babae naman siya. "Let's go. Mas mabuting maaga pa tayong makaka-alis. Di ba sabi mo pupunta ka pang hideout mamaya so pagkatapos nating mag-dinner tutuloy na tayo doon. Timing naman dahil pinayagaan akong mag- day off bukas." "Huh? Ano?" gulat niyang tanong "Oo, I miss Amore kaya timing di ba? Sige na, don't worry mabait mga magulang ko. Tumahimik ka nalang mamaya dahil ako na ang bahala magpaliwanag sa kanila." Tumango na lang siya at sumunod sa lalaki saka kinuha ang motor nito sa likod. Mabilis silang nakarating. Nasa tapat na sila ng malaking bahay nina Dindo. Parang kinabahan ulit siya. "Are you okay? Parang balisa ka ata ah? Don't worry hindi sila nangangain ng tao," pabirong wika ni Dindo saka unang pumasok ng gate dahil pinag buksan na sila ng mga katulong ng bahay. Masayang pumasok ng pintuan ng bahay si Dindo, sumunod lang siya at hindi nagpahalata na kinakabahan. "Oh, hijo mabuti at nandito ka na. I miss you so much. Bakit ngayon ka lang umuwi. Nag-aalala tuloy kami sayo. Ay teka, siya na ba ang sinabi mong bodyguard?" "Yes, mom. Siya si Astra," pakilala ni Dindo sa kanya."Astra si Mom." Ngumiti lang siya. At ginantihan lang din siya ng ngiti ng mommy ni Dindo. "Medyo maaga pa sa sinabi kong dinner. Halika kayo mag-merienda na lang tayong tatlo," yaya ng mommy ni Dindo. "Mom, where is Dad? Umalis ba siya?" "No, he's in the backyard. He's playing golf with his friends." "Ah, punta muna ako doon mom. Kayo na muna ang bahala kay Astra." Napalunok naman si Astra sa narinig niya. Hindi niya kayang mag-isa. Nahihiya siya sa mommy ni Dindo. "Ash, be a good girl. Si mommy na muna ang bahala sayo ha. I'll be back later," wika nito saka tumalikod na agad. "Pe- pero..." Ngumiti naman ang mommy ni Dindo kay Astra. "Don't worry hija. Tara mag-merienda muna tayo at magkwentuhan na lang." Tumango lang siya at sumunod sa mommy ni Dindo. Umupo silang dalawa sa may mesa sa may garden. Maganda at maaliwalas ang lugar. Magandang tambayan. "Sige na kainin mo na ang cake sa plato mo. Huwag kang mahihiya sa akin. Alam mo malaki ang pasasalamat ko sa iyo. Dahil kung hindi daw dahil sa iyo ay na-kidnap ulit ang anak ko noong nakaraang araw. Kaya welcome ka talaga sa bahay namin," masayang turan nito. "Ah, wala po iyon. Tinulungan ko lang po siya dahil iyon ang trabaho ko." "Sige na kumain ka na. Just call me Auntie Vilma. Sige na." "Opo, Auntie Vilma. Salamat." Tumunog ang cellphone ng mommy Vilma ni Dindo. "Hija, please excuse me first." "Hello, hija Britney. Kamusta ka na? I miss you so much. Kailan ka uuwi dito? Nandito ngayon si Dindo sa bahay pero nakipaglaro sa Daddy niya ng golf. Congrats nga pala sa bago mong achievement. I'm so very proud of hija. Sige sasabihin ko sa kanya na tumawag ka. Okay bye. Ingat ka dyan palagi." Ibinaba na ng mommy ni Dindo ang tawag. Bumalik na siya sa kaniyang upuan. "Hay naku, napaka-komplikado ng sitwasyon nila. Malayo sa isa't-isa at saka parehong busy," wika nito saka nag buntong hininga. Ngumiti lang siya dahil wala naman siyang masabi. "Hija, ikaw ba ay may boyfriend na? Siguro meron naman dahil maganda ka. At baka magselos sa anak ko ha. Naku, hindi ba mapapahamak diyan ang anak ko?" "Huh? Ah. Wala po. Safe po siya," sagot niya na biglang nagulat sa biglaang tanong ng mommy Vilma ni Dindo. "Ah. Mabuti naman. Eh, bakit? Ang ganda mo kaya, siguro maraming nanliligaw sayo." "Eh, wala po. Hindi ko pa po iyan priority. Pinapa-aral ko pa kasi ang kapatid ko." "Aba, mabait na ate. Oh, siya-siya tigilan na natin ang pag-uusap ng mga personal na bagay. Iba na lang. Paano nga pala kayo nagkakilala ng anak ko?" "Ah, sa---" naputol ang sasabihin niya "Sa medical mission namin mom. Doon ko siya unang nakilala," singit ni Dindo. Natapos na pala silang maglaro ng golf. Kasama na nito ang medyo may edad na lalaki na kamukha niya kaya obviously ama niya ito. Yumuko siya tanda ng paggalang sa daddy ni Dindo. "Siya na ba ang sinasabi mong girl body guard hijo? Ay, hindi lang naman pala siya pang bodyguard lang pang model pa. Aba hijo mana ka talaga sa akin. Mahilig sa magaganda." "Ahem. Renato nandito ako. Nakikinig sa usapan niyo. Mas mabuti pa ay kumain na lang tayo ng dinner." Napanganga si Astra sa narinig. Kakakain lang nila ng meryenda pero ngayon mag-didinner na naman. "By the way hijo. Tumawag si Britney kanina. Hindi ka daw makontak so sakin siya tumawag. I think after dinner tawagan mo siya. Kapag hindi magtatampo iyon. Okay?" "Yes mom!" Kahit busog pa si Astra ay kumain pa rin siya. Nakakahiya namang papaiwan siya. Kumain sila at masaya palang kasama ang mga magulang ni Dindo. Nawala na ang kaba niya. Pagkatapos nilang kumain ay agad na nagpa-alam si Dindo sa mga magulang nito. Hindi sana sila pinayagan na umalis pero wala na silang magawa para hindi payagan ng mga ito. Mapilit si Dindo kaya pumayag na lang ang mga ito. Kasalukuyan na silang papunta sa hideout. After an hour nakarating na sila doon. "Baba na. Mauna ka nang pumasok," sabi ni Astra saka tumuloy sa likod upang iparada ang motor niya. Nagulat nga ang mga kasamahan nila ng makita silang dalawa na papasok sa hideout. "Oh, nandito kayo? Bakit hindi kayo nagsabi. Wala na sigurong pagkain. Kakain lang namin ng dinner eh," sabi ng kasamahan nilang nagbabantay. "It's okay. Tapos na rin kami. Nandito ba si Amore?" unang tanong ni Dindo. "Opo. Nasa kuwarto niya." "Eh, si Scarlett?" sabad ni Astra. "Oo, nandodoon din." "Sige. Mauna na kami," sagot ni Astra saka mabilis na tumungo sa kuwarto ni Scarlett. Habang si Dindo doon naman ang punta kay Amore. Kumatok si Dindo sa pintuan ng kuwarto ni Amore. Binuksan naman agad ng babae ang pintuan. "Yes, anong---? Dindo ikaw pala. I miss you," wika nito sabay yakap sa lalaki. "Oy, bakit nandito ka? Anong naisip mo para bumalik dito? Si Astra ba kasama mo?" "I miss you too. Grabi di pa ako nakaka sagot sa mga tanong mo. Yes, nasa kuwarto siya ni Scarlett. Naisip ko lang dahil day off ko bukas." "Kamusta ka na pala? Patuloy pa ba akong pinapasundan ng mga tauhan nina Regor?" "Oo, kaya mag-ingat ka. At nagsumbong sa akin si Astra na sinusungitan mo daw siya. Bawal iyon ha. Sa susunod na malaman ko pababalikin ko na siya rito sa hideout. Sumosobra ka na yata sa pag-away sa kanya," wika nito na may tunong pagbabanta. "What? Nagsumbong siya sayo? Humanda siya sakin!" "Oops, bawal ang iniisip mo." Nagkamot siya ng batok. " Okay,"wika niya saka ngumisi. "Ikaw kamusta? Kamusta na ang pagpapanggap mo? Hindi pa ba niya nahahalata hanggang ngayon?" "Hindi pa. Magaling yata ako. Kamusta na kayo ni Britney? Kailan ang kasal niyo? Invite mo ako ha!" "Ah, we're fine. Ow, speaking of her. Tatawagan ko pa pala siya. Sige bukas na lang ulit tayo mag-uusap!" Tumango na lang at ngumiti si Amore. Kinuha niya ulit ang cellphone. Kakatawag lang kasi niya kay Liam. Nasa tinagong isla si Liam kaya nagkatawagan ulit sila. Samantalang si Astra ay nakigulo sa kuwarto ni Scarlett. "Oy, kamusta naman ang maging bodyguard ng isang guwapong doctor?" "Okay lang. Minsan nakakainis. Alam mo namang antipatiko iyon eh." "Hahaha. Kaya mo iyan. Tulog na tayo." "Sure dito ako matutulog sa kuwarto mo?" "Sure!" Namiss talaga ni Astra na makabalik sa hideout nila at makakasama ang mga kasamahan. More than one week din siyang nawala rito kaya na miss niyang nandirito. Mabuti pa rito kahit mahirap ang trabaho pero nag-eenjoy siya 'di tulad na nasa bahay siya at kasama si Dindo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD