KABANATA 42

2008 Words
NAPAUNAT si Dindo ng magising siya. Napasarap siya ng tulog. He feels so very comfortable to be in the house of Astra. Lumabas na siya and he's freakin out. Nagluto ba kamu? Ang guwapo niya tingnan habang nakasuot ng apron. Nagmukha tuloy siyang Chef at hindi doctor. "Yeah, hmm. It so delicious," puri nito sa nilutong ulam. Magaling naman pala magluto ang lalaki bukod sa egg omelette na niluto niya ay nagluto siya ng adobong manok na nilagyan ng coke. Naamoy ni Astra ang niluluto ni Dindo kaya napamulat siya agad ng mga mata at natakam. The breakfast is all ready. Kinatok ni Dindo ang pintuan ni Astra para tawagin ito. Hindi naman agad siya pinagbuksan ng babae. Sa likod ng pinto ay inamoy-amoy muna ni Astra ang hininga baka bad breath siya. Ayaw niyang mapahiya sa lalaki. Nang matantong hindi mabaho ang hininga niya ay saka niya pinagbuksan ng pinto ang lalaki. Nagulat pa siya ng makitang nakangisi lang ang lalaki kahit matagal niya itong pinagbuksan. "Why are you staring me like that? May dumi ba sa mukha ko?" she asked. "Nothing, I've just noticed that even you're just wakin' up, your still beautiful," he answered with a smirk. "Tse. I need to eat. Bawal sa'kin mga ganiyang pasaring." Agad na kinuhanan siya ni Dindo ng upuan na katapat ng upuan nito. Kumuha ng pinggan si Astra at nagsalin ng pagkain at walang prenong kumain. Gutom lang talaga siya. Kanina pa siya natatakam sa niluluto ni Dindo kaya para sa kanya this is it. "Hey, hinay-hinay lang. Baka mabulunan ka." "Sanay na ako sa ganitong paraan ng pagkain," sagot niya saka sumubo ulit ng pagkain. Hindi niya maikaila na ngayon lang ulit siya nakakain ng lutong bahay. Puro na lang kasi siya instant noodles at sa lahat ng instant na lang nakasalalay ang buhay niya. Ngayon lang siya nakatikim ng masarap na lutong bahay kaya ititudo na niya. Kung hindi lang siya naging busy sa mga trabaho sa Omare Corps ay hindi naman niya napapabayaan ang kalusugan maging ang sarili niya. Hindi bala ang papatay sa kanya kundi ang mga chemicals sa loob ng katawan niya na makukuha niya sa mga instant foods. Pinapanood lang siya ni Dindo habang kumakain. Panay pa rin ang kain niya. Hindi niya alintana na nakatatlong pinggan na siya ng nakain. Napapadighay pa siya. Inabutan naman siya ni Dindo ng tubig saka pagkatapos ay huminto na siya sa pagkain. Nabusog na siya. "So, what's next? Tapos na akong kumain. Ihahatid na ba kita sa Hospital na pinagtatrabahuan mo sir?" Umangat na siya ng ulo. "Ah-ah, mamaya na. Hindi ka pa nga natutunawan ng mga kinain mo. Wala naman akong operation ngayon. I think I'm gonna stay here," nakangising wika nito. "What? Are you crazy? Minsan na kita pinagbigyan ah, sumusubra ka naman yata, sir?" "Stop calling me, sir, napaka-formal at ang badoy," saway niya. "Eh, ano naman ang itatawag ko sayo, Doc?" "Argh, at mas ayaw ko iyang marinig galing sa'yo. Just call me my name." "Okay." Tumayo na ito at iniligpit na ang mga pinagkainan nila. Sinundan naman siya ni Dindo at tinulungang maghugas ng mga pinagkainan nila. "Bakit ang taray mo sa'kin? Kahit noong nasa hideout ninyo pa ako. What's wrong with you?" wika ni Dindo mula sa likuran niya. Huminto sa paghuhugas ng pinggan si Astra saka humarap sa kanya. Inilapit nito ang bibig sa tenga ni Dindo. Kakaiba naman ang dating niyon para kay Dindo. Nanayo ang mga balahibo niya. He forgot his girlfriend for a sudden. "Anong paki mo?" bulong nito sa tenga niya. Bigla siyang natauhan at nadismaya sa narinig niya. Akala pa naman niya maganda ang sasabihin ni Astra. He assumed something that he even don't know why! Natapos na si Astra sa paghuhugas ng pinggan. Naligo na rin ito dahil pinaglalagkitan na ito ng kanyang pawis. Si Dindo ay nasa sofa lang at nanatiling nag-iisip. "Ano ba ang nangyayari kay Dindo? Why he's making me as his bodyguard? Magaling naman siya makipaglaban ah. Ano kaya ang nakain nito at bakit ayaw niyang umuwi. Oh, at bakit ko naman siya iniisip?" Parang tanga siyang kinakausap ang kanyang sarili. Naiinip siya sa lalaki pero hindi niya naman maiiwasan kahit anong iwas niya. Ang lalaki kasi ang lumalapit sa kanya. Nakatapos na siyang maligo. Sinuot niya ang bath rob na nandodoon. "Kung minamalas ka nga naman, sana dinala ko na lang pala ang pamalit kong damit. Ays, nakalimutan ko. Nakakahiyang lumabas ng nakaganito." Kumakatok mula sa labas si Dindo. Nag-ikot siya ng mata. "Astra, please open the door, I need to used the comfort room. Are you already done?" "Just wait," sagot niya saka binuksan na ang pintuan. "Labas na. Bilis!" wika nito saka itinulak siya saka dali-daling isinara ang pinto. "Tse. Anyari dun?" Nakapagbihis na si Astra ng lumabas ng comfort room si Dindo. Maganda na ang aura nito. "I need to go. May pupuntahan ako ngayon kung hindi ka papasok sa hospital edi dumito ka na lang. Safe ka naman dito, hindi ba?" "What? Ayaw ko sasama ako sa'yo. Boring dito." "Bakit? Ano naman ang gagawin mo doon sa pupuntahan ko, aber?" "Wala. Sasama lang ako. Natatakot ako rito. Please." Nainip man si Astra sa kakulitan ng lalaki ngunit wala na naman siyang magagawa. "Saan ka ba pupunta?" Pangungulit nito. "Sa bahay. Dadalawin ko sina tatay at magbibigay ako ng pera doon. Isasama kita sa isang kondisyon." "Anong kondisyon?" "Walang alam ang pamilya ko sa totoo kung trabaho at ang alam nila ay sa opisina ako nagtatarabaho. Kapag tinanong ka nila iyon lang ang alam mo, maliwanag?" "Sure," nakangising sagot nito. "Okay. I'll wait for you. Maligo ka na at nang makaalis na tayo. I need to check my motorcycle first. Iyon ang gagamitin natin." Pagkasabi ay tumalikod na agad si Astra. Naiwang napailing si Dindo. Naligo nga siya at nag-ayos ng sarili. Tapos na ring e-check ni Astra ang motorcycle niya. Maayos ito kaya tinawag na niya si Dindo para makaalis na. "Here, gamitin mo itong extra helmet ko," wika ni Astra sabay abot ng itim na helmet. "Isuot muna at nang makaalis na tayo." Agad na pinaandar ni Astra ang motorcycle niya at sininyasan na si Dindo na sumakay na. Sa likod na bahagi ng subdivision sila dumaan. Para kung may mga nagbabantay na tauhan ni Regor sa entrance ay mailangan nila. "Ano ba? Humawak ka sa baywang ko. Mahuhulog ka sa ginagawa mong iyan Dindo," saway ni Astra sa lalaki. "Okay," saka humawak sa baywang ni Astra. Para-paraan lang ba ito ni Dindo o sadyang takot siyang sumakay ng motor? Mabilis ang pagpatakbo ni Astra ng motor kaya mabilis silang nakarating sa isang lumang bahay. Medyo malaki at may maraming nakatanim na halaman sa paligid. May puno ng mangga sa bakuran at sa ilalim ay may upuan. "Ito na ba ang bahay ninyo?"agadniyang tanong. "Huwag kang maingay, ipaparada ko muna ang motor sa gilid." Lumabas mula sa loob ang isang dalagita na kamukha ni Astra kaya natitiyak niyang kapatid ito ng babae. "Ate," masayang tawag ng dalagita sabay yakap kay Astra."Sinong kasama mo? Boyfriend mo ate?" sunod nitong tanong. "Aba, hindi. Kaibigan ko iyan. Nasaan sina nanay at tatay?" Pag-iiba agad niya ng usapan. "Sa loob," sagot nito saka nauna nang pumasok. "Hmm. Dindo, be ware of your mouth. Hmm. Zip it, okay?" "Okay." Nagsimula nang maglakad papasok si Astra sa loob ng bahay. Sumunod naman si Dindo sa kanya. "Magandang tanghali nay, tay," bati nito sa mga magulang. "Magandang tanghali din po sa inyo ma'am at sir," sunod na bati ni Dindo. Nagsitaasan naman ang mga kilay ng ina ni Astra habang ang ama niya ay tahimik lang na tumango-tango ng ulo. "Hijo, umupo ka," ani ng ama niya. Hinila ng nanay niya si Astra papuntang kusina. "Hoy, sino iyang kasama mong lalaki? Huwag mong sabihin na boyfriend mo iyan. Hmm?"usisa ng kanyang ina. "Hindi po inay, amo ko po at kaibigan na rin." "Amo? Sa opisina?" "Oo." "Okay. Parang mayaman naman kaya okay lang." "Sige nay, babalik na po ako doon sa sala. Baka mailang si sir Dindo kay itay" pakunwari niyang babalikan si Dindo. "Teka, ang pera ibigay mo na ngayon pa lang ha. Baka makalimutan mo ibigay mamaya," paninigurado nito. "Heto po, 50,000 pesos iyan. Nagloan po ako para makapagbigay ako ng 50, 000 sa inyo." "Sige. Bumalik ka na doon," wika nito at itinulak na siya. Wala man lang thank you mula sa nanay niya. Tumalima naman siya agad. "Grabi talaga si nanay. Pera lang ang laman ng utak ni hindi nga ako kinamusta kong okay lang ako. Kailan pa kaya nay?" Napahinto siya bigla ng makitang masayang nagkukuwentuhan sina Dindo at ang ama niya. "Close na silang dalawa? As in agad-agad?" Usal niya. Napailing pa siya. Nakita siya ng tatay niya kaya sininyasan siya nito na maupo sa tabi nila. Sumunod naman siya at naupo sa gilid ng upuan ni Dindo. No choice maliit ang kanilang sofa. "Aba, anak bakit ngayon mo lang isinama sa bahay natin si Dindo? Sana matagal ko nang nakilala ang magiging manugang ko," wika ng kanyang ama na tuwang-tuwa pa. Napalunok siya sa kaniyang narinig. Ano daw magiging manugang? "Malabo po iyon tay, may girlfriend or fiancee na si sir Dindo," sabad niya Tumawa lang si Dindo sa sinabi niya. "Ano ba? Umalis na lang tayo," tiim-bagang sabi niya kay Dindo. "Ah, itay, hindi na po kami magtatagal. May pupuntahan pa po kasi kami pagkatapos. Heto po tanggapin niyo huwag niyo ipa-alam kay nanay may pera na iyon at heto ang para sa tuition ni Nene. Sige tay alis na po kami," paalam niya. Halos ipagtutulakan ni Astra si Dindo palabas ng bahay nila. "What's wrong with you? Nakikipag-usap lang naman ako sa tatay mo tapos ikaw galit na galit na sakin? Ano ba ang masama doon?" "Wala. Kaya kung ayaw mong iwanan kita dito sumakay ka na sa motor ko at nang maihatid na kita sa bahay niyo." "Oh, no. Ayoko sa bahay. Gusto sa bahay mo. Masarap ang tulog ko doon." "Baliw. Umuwi ka na sa inyo. Mauubos ang supply ko na pagkain kapag nandun ka sa bahay ko. Kailangan kong magtipid." "Ako ang bahala sa pagkain. At mamaya ibibigay ko na ang cash advance mo na 50, 000. Sige na, please." Napangisi naman si Astra sa narinig niya. "Deal or no deal?" "Of course deal. Basta ikaw ang magpoprovide ng mga pagkain. At ang 50,000 ko. Ayos na iyon!" Ang laki na nga ng hinihingi niyang sweldo. Aba masyado na siyang abusado ah. "Okay, sakay na. Dadaan muna tayo sa Supermarket. We need to buy vegetables, fruits, meat and etc." "Okay, basta ikaw. Lahat ibibigay ko," sagot ni Dindo. "Tse. Sabihin mo kamu namimiss mo lang ang girlfriend mo." *Kung alam mo lang Astra mas namimiss kita kaysa kay Britney* Mabilis na pinaharorot ni Astra ang kanyang motor. Nakarating sila agad sa Supermarket. Namili at umuwi agad. "Here is your 50, 000 pesos," ibinigay agad ni Dindo ang pera niya kaya napatalon siya sa di inaasahan. Napangiti lang si Dindo sa ekspresyon niya. Tumunog ang kanyang cellphone. Si Amore nangangamusta, alam na pala nito na nasa bahay niya si Dindo. "Ayos lang naman. Ikaw kamusta ang plano niyo?" "Everything is going good. Labas-pasok na ako sa Alpha Mouhiere Empire. At Tinulungan ako ni Ezequil." "Good, magre-report pa rin ba ako diyan?" "Huwag na muna. Si Dindo na lang ang bantayan mo. I'll pay you for it." "Huwag na. Siya na daw magbibigay ng sweldo ko. Mayaman naman itong kaibigan mo." "Sige. Naibalita niya sakin na muntikan na daw siya matangay ng mga tauhan ni Regor buti na lang nandiyan ka at tinulungan mo siya. Salamat ha. Sige, mag-iingat kayo. Bye." "Bye." "Sino ang kausap mo sa cellphone mo? Boyfriend mo?" "Hindi ah. Wala akong boyfriend at wala akong time para doon. Si Amore lang iyon. Malisyuso!" "Ow? Sorry," sagot nito saka napangiti. Iniwan na siya ni Astra dahil pumasok na ito ng kuwarto niya para magbihis. Naiwang nakaupo sa sofa si Dindo habang nakangiti ng wala namang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD