NASA Halimuyak Clubhouse na naman si Regor. Dito siya ngayon tumatambay dahil nadala na siya roon sa unang tambayan niyang club. Lalo na't may bago na naman siyang natitipuhang babae rito.
Humanga siya sa ganda ng hubog ng katawan ni Mariposa at hindi siya titigil hanggang hindi niya ito nakukuha.
Lahat nang gusto niya ay kaniyang nakukuha kaya ngayon ay wala na siyang sasayanging panahon para maisakatuparan ang mga plano niya.
Pero paano kaya niya makukuha si Mariposa? Kung siya lang naman pala ang gusto nitong paikutin sa mga palad nito. Sino kaya sa kanilang dalawa ang magtatagumpay?
Nakaupo sa may harapan ng stage si Regor, ito ang area na inakupa niya para makita ng malinaw si Mariposa kapag nagsimula nang sumayaw sa stage.
Nag-order siya ng iinuming alak at paunti-unti niyang linagok ito habang naghihintay sa babaeng lumabas na nang stage.
Napapangisi na siya kahit wala pang imahe ng babaeng nakikita.
Nakita niyang unti-unting dumarami ang mga tao sa loob ng club na indikasyon na malapit na lumabas si Mariposa para sumayaw sa stage.
Malakas ang naging palakpakan ng umusok bigla ang stage at unti-unting lumalabas ang mga magagandang binibini. Ang pinakahuling lumabas ay si Mariposa na nakasuot ng skin tone na damit na akala mo ay wala siyang saplot.
Nagniningning ang mga mata ni Regor habang pinapanood ang ganap sa itaas ng entablado.
Nagpalakpakan ang mga kalalakihan na nandoon din sa bar.
Sino ba kasi ang hindi makukuha ang pansin? Ang ganda ng hubog ng katawan nito, sa balakang palang ay sulit na tingnan at maging ang dibdib na malaki at matipuno. Saan ka pa ba makakahanap ng ganun ka sexy na babae? Edi sa harap na nila mismo—si Mariposa.
Sumayaw ito at naglaro ng mga exhibition sa itaas ng pole.
Napatayo na si Regor sa kinauupan niya dahil aliw na aliw siya sa ginagawa ng babae.
Bumaba mula sa pole at sumasayaw papunta sa kaniyang mesa ang babae. Nagpagiling-giling ng balakang sa harap ng mesa niya, sunod itinapak nito ang kaliwang paa sa mesa ng lalaki.
Napapalunok naman si Regor sa subrang pagkamangha.
"Hi, handsome, miss me?" pabulong na wika ng babae sa kaniya.
"Yeah, I miss you beautiful," pabulong din nitong sagot.
"Miss, dito ka naman samin sumayaw, unfair na sa kaniya lang. Pareho naman kaming nagbabayad ah," sigaw ng mga kalalakihan sa 'di kalayuan ng mesa ni Regor.
Nginitian ni Mariposa ang mga kalalakihan at binalingan ulit si Regor."Handsome, just wait for a while. I'll be back soon," wika nito saka nag-flying kiss sa kaniya.
Sinalo naman iyon ni Regor at nag-flying kiss din sa babae.
Sinalo din ng babae at ngumiti.
"I like you Mariposa and I want you to be mine," usal niya saka nagkiller smile.
Si Mariposa naman ay sumayaw sa harapan ng mga kalalakihan na tumawag sa kaniya.
Tuwang-tuwa naman ang mga iyon. Mga lango na pala sa alak ang mga iyon.
"Sige pa Miss, sumayaw ka pa," sabi nitong isa sa kaniya.
"Sure!" sagot niya habang sumayaw at unti-unti nang bumabalik sa mesa ni Regor.
Nakangisi na naman ito ulit sa kaniya. Tila nababaliw sa kaniya.
"Wow, you're really amazing Mariposa. Can I ask your permission to go to somewhere after the show?" sabi ni Regor sa kaniya.
"Let's talk about it later, I need to go up stage to finish the dance," sagot nito saka unti-unting umakyat sa stage.
Pagkarating nito sa stage ay nagsilabasan na rin ang mga kasamahan niya kaninang mga babae at saka sumayaw ng pang finale.
Matapos nilang sumayaw ay umusok ulit at pagkawala ng usok ay naglaho na rin silang lahat.
Tumagay muna si Regor ng alak habang hinihintay ang paglabas ng babae.
Nasa backstage naman sina Mariposa at nagbibihis.
"GOOD job everyone. Ang gagaling ninyong sumayaw. Magmanman lang kayo sa paligid. I'll be gentle in my moves para makuha ko talaga ang loob ni Regor," sabi nito.
"Yes, Mariposa. Magbabantay kami. Galing mo rin. Sige, mag-ingat ka!"
"Huwag kang mag-alala nandito lang kami kapag kailangan mo ng back up. Ang ganda ng bago mong prosthetics, makakapagpalaglag panga kapag makita ng mga kalalakihan," sabi pa nitong isa sa kaniyang kasamahan.
"Sige, lalabas na ako. Kayo na ang bahala na bayaran ang manager ng club."
Lumabas na si Maripusa.
Nakasuot ito ng fitted red dress na above the knee, bagay sa kaniya dahil mas tumitingkad ang kaputian niya.
"Wow, your so sexy Mariposa," puri ni Regor sa kaniya. "By the way, payag ka bang lumabas at magdinner kasama ako?" sunod nitong tanong.
"Well, gusto ko talaga sanang sumama sa'yo pero hindi pwede walang magbabantay sa nanay ko, may sakit pa rin siya eh. I think tomorrow morning I can go with you. I hope you'll understand me," dakilang alibi ni Mariposa.
"Ow? Sige, bukas. Susunduin kita. Bigyan mo ako ng address mo. Okay ba?"
"Sure!" sagot niya. Wala naman siyang address na maibibigay kaya nag-isip muna siya ng plan A at plan B.
Plan A, ibigay na lang niya ang number niya para makontak ng lalaki o plan B, sa mall na lang sila magkikita para hindi na ito magtanong ng bahay nila.
"Ah, sorry handsome, bawal kong sabihin ang address ko. Heto na lang ang contact number ko," wika niya saka iniabot ang kaniyang calling card. "Or else sa Victory Mall na lang tayo magkikita, okay ba iyon?"sabi niya, sana maging sapat na dahilan niya para kay Regor.
"Sure. Pwede. Salamat sa number mo, tatawagan na lang kita bukas kung saan tayo magkikita."
Ngumiti na man ng napakaganda si Mariposa. At ngumiti rin pabalik si Regor.
Sandali silang nagkatitigan, mata sa mata. Hindi naman malalaman ni Regor na siya ito dahil nagsuot siya ng contact lense para maiba ang kulay ng mga mata niya.
"Wow, ang ganda ng mata mo Mariposa, it's glittering!" puri nito sa kaniyang mata.
Ngumingiti lang si Mariposa.
Biglang tumunog ang kaniyang cellphone kaya umalis muna ito sa tabi ni Regor at sinagot ang tawag.
Ang kasamahan lang pala niya ang tumawag. May nakita raw silang kasamahan ni Regor na nagmamanman sa paligid.
Pinaalam lang nito na dapat na siyang umalis sa club ngayon din.
Tinapos na niya ang tawag at bumalik na sa mesa ni Regor.
"Oh, what's wrong? Bakit parang malungkot ang mga mata mo?" puna ni Regor sa kaynya. May pa iyak-iyak effect pa siyang nalalaman.
"Kasi, katatawag lang ni Nanay. Pinapauwi na niya ako. Hinahanap na niya ako. Eh, gusto ko pa sanang makasama ka kaya lang kailangan ko nang umuwi," mangiyak-ngiyak na sagot niya sa lalaki. Naniwala naman ito sa kaniya.
"Okay, just go home. Take this money," wika nito saka nag-abot ng pera. Ang laki ng halaga.
"Thank you so much for this, malaki na itong halaga. Sige, bye!" wika niya saka humalik sa pisngi ni Regor.
"Okay. See you tomorrow Mariposa, ingat!"pahabol nitong sabi .
Nanatili lang si Regor sa kinauupan niya at inubos muna ang kanyang in-order na mga alak.
Nagtataka siya sa ikinikilos ng babae pero hindi na lang niya iyon pinansin.
Pumara ng taxi si Mariposa, dito siya sasakay para kapag may sumunod sa kaniya ay hindi siya mabibisto na nagpapanggap lang siya.
"Umalis na kayong lahat diyan sa club at bumalik na sa hideout. Ayos lang ako, at sa apartment ako tutuloy ngayong gabi," sabi niya sa mga kasamahan. May hidden camera sila sa bawat katawan nila kaya malaya silang makapagcommunicate sa isa't-isa.
"Opo, mag-ingat kayo. Umalis na naman iyong nagmamanman na tauhan ni Regor. Nag-iisa lang naman ito kanina," pahayag ng kasamahan niya.
Napatingin naman sa kaniya ang taxi driver. Akala siguro nito ay nababaliw na siya dahil may kinakausap siya at nakamaskara pa rin siya.
"Ma'am, ayos lang ba kayo?" tanong nito ng mapuna siya.
"Ah, opo. Okay lang po ako. Pasensya na galing kasi ako sa party kaya hindi ko pa natatanggal ang maskara ko," sagot niya.
"Ah, ganun ba? Ang ganda naman ng maskara ninyo. Bagay sa inyo."
"Teka lang, tatanggalin ko na lang Manong," wika niya.
"Ay, huwag na ma'am maganda naman at bagay sayo," puri nito.
"Wow, talaga? Salamat po!"
"Oo naman. Siya nga pala, saan po kayo bababa ma'am?"
"Sa may Golden Gate Apartelle Manong, doon ako nakatira."
"Sige ma'am, medyo malapit lang naman pala."
"Oo nga."
Nakarating na siya sa labas ng apartment niyang kinuha. Maganda ang apartment na napili niya.
"Bye, manong driver salamat sa paghatid sa'kin," wika niya saka bumaba na.
"Ma'am, sukli ninyo sa 1k," sabi ng driver saka iniaabot ang sukli niya.
"Huwag na. Keep the change Manong," nakangiting wika niya saka tumalikod na agad.
"Wow. Salamat po ma'am," pahabol na wika ng taxi driver.
PUMASOK na siya sa loob ng apartment niya. Napagod siya sa kasasayaw kanina.
Kailan pa ba niya naging kahiligan ang pagsasayaw? Dati nga naiirita siyang sumayaw kapag sa school program pero ngayon ay talagang pinag-aralan niya para lang sa paghihigante niya.
Tinanggal niya ang maskara at ang prosthetics niya at inilapag sa mesa na katabi ng kama niya.
Napagod siya kaya agad siyang humilata sa kama niya at pumikit ng mata.
"AMORE mag-iingat ka kay Kuya Regor. Hindi ka niya patatawarin sa tuwing malalaman niya na nagpapanggap ka lang pala at nasa harapan ka na niya ngayon," sabi ni Liam sa kaniya na puno ng pag-aalala.
Nakaupo ito sa gilid ng kama niya.
Napabalikwas siya dahil nagulat siyang si Liam ang nagsasalita sa gilid niya.
"Li…Liam? Bakit ka nandito? Paano mo ako nahanap? Papano na si Tiyo Gusting? Bakit mo siya iniwan?" sunod-sunod niyang tanong sa lalaki.
Ngumiti lang ito sa kaniya.
"Oy, sumagot ka!"
"Hindi ko naman siya iniwan basta mag-ingat ka. Dahil sa oras na may masamang mangyari sa'yo talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko!"
"Oo, nag-iingat naman ako ah. I'm almost there, don't worry about me!"
"Sige, aalis na ako. Basta lagi mong tandaan na mahal na mahal kita. Maghihintay ako sayo—" sabi nito saka unti-unting naglaho kasama ng mga usok.
"Liam, huwag mo akong iwan, mahal na mahal din kita. Liam, huwag kang umalis, Liam—" wika niya habang umiiyak.
NAPAHAWAK si Amore sa kaniyang dibdib dahil sa nanaginip lang pala siya.
"Panaginip lang pala. Akala ko totoo na, I miss you Liam," wika niya saka tumayo mula sa pagkahiga.
Lumabas siya para uminom ng tubig.
Napaupo siya sa may upuan doon sa may kusina at napaisip.
"Liam, I'm sorry for leaving you in the island, I hope you'll remain in there. Huwag ka sanang mag-isip na umalis doon at hanapin ako dahil baka mapapahamak ka lang. Bantayan mo ang Tiyo ko, alam kong galit iyon sa ginawa kong pag-alis pero kapag nandiyan ka ay mawawala rin iyon kahit papaano. Hanggat naniniwala siyang mag-asawa tayo ay buo pa ang paniniwala ko na mapapatawad ako ng Tiyo sa pag-alis ko. Please," sambit niya habang umiiyak. Kung anu-ano nalang ang mga nasabi niya.
"Iniisip din kaya ako ni Liam araw-araw? Dahil ako ay iniisip ko siya minu-minuto at nakatatak na siya sa puso ko. Paalam Lysander, kakalimutan na kita dahil ikaw din lang naman ang bumigo sa'kin ng mga pangako mo. Alam mo masaya na ang puso ko kahit papaano dahil nakilala ko siya. Sana kung nasaan ka man ay masaya ka na rin sa piling ng babaeng minamahal mo." Pinahid niya ang mga luha niya.
Nakaramdam siya ng pagkaantok kaya bumalik na siya sa paghiga.
Napangiti siya bago pumikit ng mga mata.
"Mahal na mahal kita Liam kaya pangako, mag-iingat ako para sayo. Sana mag-iingat ka rin diyan," usal niya saka nakatulog muli.