KABANATA 34

1744 Words
MALUNGKOT ang bawat umaga nina Liam at Tiyo Gusting simula nang umalis si Amore sa isla. Nagtampo ang matanda dahil sa ginawa ni Amore na pag-iwan sa kanilang dalawa ng walang pag-paalam bago ito umalis. "Tiyo, bakit po ba kayo nagagalit na umalis si Amie dito sa isla?" tanong ni Liam, nasa labas ng bahay habang nakaupo sa may papag at umiinom ng kape kasama ang matanda. "Alam mo namang hindi ligtas ang Maynila. Maraming tao ang mga nandoon na hindi mo alam, malay mo nakasalubong mo lang ay snatcher o 'di kaya'y killer. Kaya ayaw kong bumalik pa siya sa Maynila, kung pagluluto lang naman pala ang magiging trabaho niya doon e' sana dito na lang siya. Ito nga ang rason kung bakit ako nagpatayo ng carinderia," malungkot na pahayag ng matanda. "Ganun po ba? Alam ninyo matapang na babae si Amie at walang may magkakamaling saktan siya. Magtiwala lang po tayo sa kakayahan ng asawa ko," sabi nito sa matanda para kahit papaano ay gumaan ang kalooban nito. "Bakit mo kasi pinayagang umalis? Hay naku, kung hindi lang sana ako naglasing noong gabing iyon, 'di sana siya umalis dito sa isla at napigilan ko siya," wika ng matanda. "Hindi ko naman siya pinayagang umalis pero sadyang mapilit talaga siya Tiyo kaya wala na akong magawa pa para pigilan siya," sagot niya sa kay Gusting. "Sana wala ngang masamang nangyari sa kaniya. Ayoko nang mawalan ulit ng pamilya. Namatay na ang kakambal ko kaya ayoko rin na pati siya ay mawala sa akin. Wala na akong maituturing na kayamanan bukod sa kaniya," bumuntong-hininga siya. "Nangako ako sa ina niya na aalagaan ko siya kapag umuwi siya sa isla at mas tumindi ang pag-aalala ko nang mamatay ang ama niya." "Bakit po? Ano po ba ang totoong nangyari sa ama ni Amie?" kuryusong tanong niya sa matanda. "Pinatay ang ama niya ng mga hindi kilalang tao. Mga walong taong gulang pa lamang siya noon. Oo, napakabata pa niya noon kaya hindi pa niya alam ang gagawin sa oras na iyon, nagkaroon pa nga siya ng trauma. Nagkataon noong nagpunta ako sa bayan at nakita ko sa TV ang balita. Pagkakita ko sa batang umiiyak ay nalaman ko agad na si Amie iyon. Binigyan kasi ako ng kapatid ko ng larawan niya ng bata pa siya at iyon na rin ang huling pagkikita namin ng kanyang ina. Simula noong nangyari iyon ay takot na akong umalis pa siya ulit sa isla. Hinanap ko siya sa Maynila at dinala ko siya rito pero sadyang mapilit siya at nang mag-18 siya, nagpaalam siyang umalis. Pitong taon siyang pabalik-balik sa Maynila. Ewan ko kong nagsasabi siya ng totoo sa'kin tungkol sa naging trabaho niya roon." "Ganun po ba? Huwag kayong mag-alala matapang siyang tao at siguro nalagpasan na niya ang anumang trauma na sinapit niya noong bata pa siya." "Bakit wala ba siyang mga naikuwento sa'yo? Asawa mo siya kaya dapat pinaalam niya sa'yo ang mga nakaraan niya. Hay naku, mahilig talaga siyang magtago ng mga bagay-bagay tungkol sa pagkatao niya." "Wala siyang naikuwento na mga bagay maliban lang sa wala na siyang mga magulang, ikaw lang ang natitira niyang kapamilya at ang pagkamatay ng ama niya pero hindi detalyado ang mga sinasabi niya. Ewan ko sa asawa ko Tiyo, napaka misteryoso niyang tao." "Talagang misteryosong babae, masayahin kapag nakikita mo pero kapag nag-iisa parang daig pa nito na pasan niya ang mundo," pagbibiro ni Tiyo Gusting. Nakuha na nitong ngumiti kahit kunti. "Tama ka Tiyo. Pasaway talaga ang asawa ko. Huwag kayong mag-alala ipapa-alam ko talaga sa inyo kapag nakatawag na siya sa'kin. Puwede niyo na siyang pagalitan ng bonggang-bongga." "Ay talaga lang, pagagalitan ko talaga siya." "Huwag na po kayong malungkot, tatawag din po siya at sana maisipan na niyang umuwi na lang dito sa isla." "Sana nga, chef daw siya sa isang restaurant. Bakit malaki ba talaga ang sahod ng pagiging chef? Kung bakit bumalik pa siya roon. Meron naman ditong carenderia at maganda naman ang takbo ng negosyo." "Malaki rin naman. Hindi ko lang alam ko magkano iyong exact amount." "Teka lang, saan ba talaga kayo nagkita? Ang pagkakaalam ko kasi dati wala siyang nubyo at hindi siya nagpapaligaw ng basta-basta lang at noong nakaraang mga buwan ay dinala ka niya rito at sinabing asawa ka niya. Itong si Amie talaga!" "Talaga ba? Hindi niya iyan nasabi sa'kin, ang cute pakinggan Tiyo. Pero alam mo namang sa guwapong lalaki kong 'to edi nakuha ko agad ang puso ng pamangkin mo." "Aba'y loko. Saan ba talaga kayo nagkita? Totoo bang sa restaurant na pinagtatrahuan niya?" "Opo, masugid po kasi akong customer doon at simula noong nakita ko siya ay araw-araw ko na siyang pinupuntahan at kinukulit hanggang sa makapagpalagayang loob na kaming dalawa,"wika ni Liam na puno ng pagsisinungaling. Napipilitan talaga siyang magsinungaling ng bonggang-bongga. Ayaw rin naman niyang pareho silang pagagalitan ng matanda. Go na go siya sa pagsisinguling at pag-imbento ng kung anu-ano. Paniwalang paniwala naman ang matanda. Panay tango lang ang ginagawa nito habang nagkukuwento si Liam. "Ay, mga kabataan ngayon ay mahilig sa mga instant, pati pagpapakasal ay instant na rin. Hindi na nagpapaalam sa mga magulang o guardian nila." "Huwag po kayong mag-alala at sa susunod gusto naming ikasal ulit at invited na kayo Tiyo." "Aba, dapat lang ah. At gusto ko mabigyan na ninyo ako ng apo. Mas magiging masaya na talaga ako dun." Hindi talaga mawala sa isipan ng matanda ang paghihiling ng apo. Napangiti lang si Liam at malabo talagang mangyari iyon. Wala pa silang maituturing na commitment ni Amore kahit nakapagpahayag na sila ng kanilang nararamdaman. "Ay, tama na nga itong kwentuhan Yam, aalis muna ako at pupuntang bayan. May bibilhin ako, ikaw na muna ang bahala rito sa bahay at sa carinderia natin." "Teka lang po, magpapadala po sana ako ng load. Para kapag nag text o tumawag si Amie ay may pangreply ako." "Sige, halika sa loob. Paki-lista sa papel ng load na gusto mo at number mo na rin. Hindi ko iyan masasaulo dahil makakalimutin na ako dala na siguro ito ng katandaan ko". "Opo!" PUMASOK sa loob ng bahay si Liam at naglista ng number niya sa papel at ibinigay sa matanda. Pagkatapos ay lumabas at tumambay sa carinderia. "Kuya, bakit nga pala umalis si ate Amie?" tanong ni Lita. "May trabaho siya roon kaya siya bumalik ng Maynila. Bakit mo naman na tanong?" "Wala lang, kasi hindi ko pa nasabi sa kaniya na sa susunod na linggo na ang pasukan namin. Maging busy na ako sa bayan. Si Nanay ang papalit sa akin dito kapag wala ako para tuloy ang trabaho." "It's a great idea. Pwedeng-pwede talaga. " "Salamat Kuya." "I think, you better go home, para makapag handa ka sa darating na pasukan." "Next week pa naman po iyon, may oras pa naman ako para makatulong dito sa carinderia." "Nakahanap ka na ba ng boardinghouse mo sa bayan?" "Hindi pa nga po, saka na lang siguro pag nandoon na ako." "Ay! Hindi pwede 'yan, sige na umuwi ka na muna at pumuntang bayan para makahanap ka ng matitirahan mo roon. Mahihirapan ka kapag hindi ka pa nakahanap ng matutuluyan habang nag-aaral ka roon." "Sige po. Ang bait ninyo talaga. Pareho kayo ni Ate Amie, bagay talaga kayong dalawa. Salamat muli Kuya Yam!" "Teka lang, heto gamitin mo itong pera para down payment sa boarding house mo. Maliit lang ang 2, 000 pesos kaya pagpasensyahan mo na," wika nito sabay abot ng pera. Tinanggap naman ito agad ni Lita. "Aba, ang laki na po nito. Sige po, pakilista niyan sa utang ko." "Anong utang? Bigay ko 'yan sa'yo. Sige na, mag-ingat ka." "Sige po, salamat po. Bye Kuya," masayang paalam ni Lita saka umalis na. Napangiti lang si liam. "Pabili po ng ulam Kuya pogi," anang kapit bahay nila. "Iyan lang po," sabay turo ng ulam na gusto niya. "Sandali lang," wika niya saka kinuhanan ng ulam ang babae. "Heto na," sabay bigay at tanggap na rin ng bayad. "Salamat po," sabi niya pagkatapos. "Salamat din sayo pogi," wika ng babae na may pakindat pa. Tumawa lang si Liam sa ginawa ng babae at natawa na rin ang babae dahil sa ginawa niya. Umupo si Liam at dinukot ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Pinasadahan niya, walang signal at mas lalong walang text o miss calls galing kay Amore. Tiningnan na lang niya ang mga larawan nilang dalawa. Nalungkot siya ng makita ang mga larawan na sila'y kapwa masaya. "I miss you Am, sana nasa mabuting kalagayan ka at malayo ka kay Kuya Regor. Kahit kapatid ko pa siya makukuha ko talaga siyang patayin kapag sinaktan ka niya," wika niya habang pinagmamasdan ang kanilang larawan noong birthday niya. Napangiti na lang ulit siya ng makita ang sunod pa nilang mga larawan. Naalala niya ulit ang mga nangyari mula noong tinulungan siya nito ng makita siyang duguan doon sa gubat hanggang sa dinala siya nito sa isla. "Thank you for all of your help with me Am, salamat sa panginoon at inibigay ka niya sakin," wika niya saka inilapag muna ang kanyang cellphone. MAY bumibili sa carinderia kaya kailangan niyang asikasuhin. "Pabili po nitong adobong manok at sinigang na baboy." "Okay po, sandali" "Yam, parang ilang araw na yatang wala si Amie, nasaan na ba siya ngayon?" "Ah…nasa Maynila siya ngayon. Bumalik po kasi siya sa kaniyang trabaho." "Ah, ganun ba. Sige, salamat. Aalis na ako. " "Sige po, salamat din." Samantalang nakauwi na nang bahay nila si Lita. "Nay, aalis po ako sa ngayon. Maghahanap na ako ng boarding house sa bayan para matutuluyan ko sa darating na pasukan." "Sige. Bumili ka na rin ng bigas at gamot. Nagkasakit ang tatay mo, nitong umaga lang siya nilagnat kaya wala tayong makakain mamaya." "Nay, may bilihan naman po rito ng bigas. Puwede po bang mangutang na lang muna kayo kina Kuya Yam, sakto lang po kasi itong dala kong pera, sabihin ninyo na lang sa kaniya na ibabawas sa sahod ko." "Sige, gamot na lang ang bilhin mo anak. Mag-ingat ka. Mabuti naman kung makatapos ka na dahil makakatulong ka na sa amin." "Opo nay, nagsisikap ako sa pag-aaral para sa inyo." Kumaway si Lita at umalis na. Pagsapit ng hapun ay pumunta ang ina ni Lita kina Liam, mangungutang siya pero sa halip ay binigyan siya ni Liam ng pera at mga natirang pagkain. Masaya itong umuwi. Masaya rin si Liam na makatulong sa kapwa niya kahit sa maliit na bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD