KALALAPAG lang ng eroplanong sinakyan ni Britney sa NAIA. She's the girlfriend of Dindo, a sophisticated brat leaving in States. Matagal na silang magkasintahan at sa katunayan ay malapit na sana sila maikasal kaso hindi natuloy dahil nga sa dinukot si Dindo.
Nagpa-plano na si Dindo na mag-propose sa kanya kapag natapos na nito ang kontrata bilang isang modelo. Which is hindi alam ni Britney ang Plano niya, it's a surprise.
Nakasuot siya ng kulay beige na short at tube sa pan-itaas. Naka-shades habang bitbit ang bag sa kanang kamay. Wala naman itong ibang dala.
May bahay naman sila rito sa Maynila na paminsan-minsan lang niya inuuwian at may care taker lang na namamahala dahil baka anytime ay maisipan niyang umuwi.
Umuwi lang naman ulit siya ng Pinas ng malaman ang balita na ang kanyang fiancee ay na-kidn*pped.
Masyado siyang nag-aalala kay Dindo kaya pinili niyang umuwi ng Pinas kahit na may mga importante din siyang ginagawa roon. Isa siyang modelo kaya busy din siyang tao.
Siguro mamamalagi lang naman siya ng dalawa o tatlong araw dito dahil magsisimula na ulit siyang magmomodelo, kaka-signed lang ulit niya ng panibagong kontrata.
Sinundo siya ng kanilang driver at direktang umuwi sa kanilang bahay.
Masyado siyang pagod at may jet lag. She need to rest for a while. Bukas na lang siya pupunta sa bahay ng mga magulang ni Dindo para usisain ang mga iyon ng mataman tungkol sa nangyari. Hindi siya mapakali noong pinaalam siya ng mga magulang nito through chat. Hindi na nga niya nareplyan dahil sa subrang busy niya.
Bakit pa ba kasi siya natitiis ni Dindo na wala na nga siyang time sa nubyo?
Pero hindi naman talaga matuturuan ang puso. Kahit Long Distance Repationship sila ay nakuha pa rin nilang patatagin ang kanilang relasyon. Malaki ang tiwala nila sa isa't-isa kaya hanggang ngayon ay sila pa rin. Baliwala ang layo ng distansya nila sa isa't-isa para ipagpatuloy at palaguin ang pagmamahalan nilang dalawa.
KINABUKASAN ay tumungo siya sa bahay ng mga magulang ni Dindo. Nais niyang magsiyasat. Masyado na siyang nabahala sa kalagayan ng nobyo.
"Tita, Tito, kamusta kayo? Kamusta na rin ba ang tungkol sa pagdukot kay Dindo? May lead na ba ang mga pulis? I can't live without him, at mas lalo na ngayon na may masamang nangyari sa kanya. Tita, Tito ano na po ang sabi ng mga pulis?" sunod-sunod na tanong niya sa mga parents ni Dindo. Subra siyang nag-aalala kaya di niya malaman ang gagawin.
"Hija, huminahon ka. Wala pa silang lead tungkol sa mga dumukot kay Dindo pero huwag kang mag-aalala, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para mahanap ang aming anak. Hindi sila tumitigil sa pag-iimbistiga," tugon ng mommy ni Dindo
"Hija, umuwi ka na muna sa bahay ninyo. Tatawagan ka naman kaagad namin ng Tita mo kapag may balita na tungkol sa pagkawala ni Dindo. Ayaw namin na ma-stress ka. Masama sa image mo iyan bilang isang modelo. Kailan ka pa ba umuwi ng Pinas?" tanong ng ama ni Dindo.
"Tito, I can't just sit and nothing to do. Magha-hire din po ako ng private investigator para mas mapadali na mahanap ang boyfriend ko. Kahapon lang ako umuwi rito. I'm so very busy kasi kaya kahapun lang ako nakahanap ng way na makauwi. I can't stay here longer because anytime I will be going back in States," sagot niya habang mangiyak-ngiyak na.
"Hija. Sige na, magpahinga ka na lang sa bahay ninyo. Alam namin na pagod ka pa at alam din namin na wala ka pang na-eenjoy na break mula sa trabaho kaya don't stress your self, okay?"
"Opo, Tita. Thanks. Okay, I'll go first. Basta hahanap din ako ng paraan para makatulong na mahanap si Dindo. May ipinangako pa siya sa'kin noong huli kaming nagkausap kaya sana walang masamang mangyari sa kanya. Sige po. Kayo din po huwag din po kayong magpaka-stress. Mauna na po ako."
Inihatid na siya ng mga ito hanggang sa labas ng gate. Ipinapakita lang din ng mga magulang ni Dindo na hindi sila nalulungkot pero sa loob nila halos madurog na ang kanilang mga puso dahil sa lungkot at pagkabahala sa pagkawala ng kanilang anak.
Wala pang lead ang mga pulis kung sino ang mga pwedeng dumukot kay Dindo at kung ano ang mga motibo ng mga ito. May mga witness na nakakita ng pagdukot pero wala namang matibay na ebidensya ang mga pulis para matunton at malaman kung sino ang mga iyon.
Magaling ang mga dumukot kay Dindo dahil walang itinirang ebidensya. Malinis ang pagkagawa ng pagdukot sa kanya. Hindi din na trace up ang sasakyan na ginamit ng mga kidnappers.
Umuwi na matamlay si Britney.
Tinungo niya ang kanyang kuwarto at nahagilap agad ng mga mata niya ang isang malaking kuwadro na nakasabit sa dingding. Ito ang unang naging picture nila ni Dindo ng unang date nila.
Napangiti naman siya kahit papaano. At ginunita na lang ang masayang ala-ala na sila'y magkasama
*Love, nasaan ka na ba? Alam mo sana love sa pag-uwi kong ito sasabihin ko na sayo na handa na akong pakasalan ka. I am ready to be your wife and to spent the rest of my life together with you, pero ito pa ang nangyari ngayon. You are now missing. I miss you so much love. Sana nasa mabuting kalagayan ka pa rin. Sana hindi ka nila sinasaktan.*
Kinakausap niya ang larawan nilang dalawa. Masyado siyang nagdamdam.
* Here, ang ganda talaga ng gift mo sakin last two months ago. Alam mo dala ko rin ang gift ko sayo. Ibibigay ko rin ito sayo, sana magustuhan mo rin. Sana nasa mabuting kalagayan ka love. Sa oras na sinaktan ka nila hindi ko talaga mapapatawad ang mga kumidnap sayo*
Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Ang manager niya ang tumatawag. Agad naman niyang dinampot ang kanyang cellphone na nasa mesa.
"Hello, why did you call me Regina?"
"Britney, are you okay?" tanong nito, napansin siguro niya na matamlay ang boses ng dalaga.
"Yes, I'm fine. Why did you call me?" ranong niya ulit kay Regina.
"Good news, you are going to join the Victory Fashion Models, you are qualified and now you are one of their run away models. Next week, please go home, don't miss this opportunity ha. Okay that's all, bye. Take care. Muahhh," balita ng kanyang manager.
Dapat ba niya itong ikatuwa o ikalungkot?
Nasa alinlangang sitwasyon siya ngayon. Napa-upo siya sa kanyang kama at nag-iisip.
Kung pipiliin niyang manatili pa rito sa Pinas at tutulong sa paghahanap kay Dindo mawawala naman ang opportunity na minsan niya nang pinangarap ng husto. Kung uuwi siya sa States at itutuloy ang pagmo-model maaari namang mawala sa kanya si Dindo.
Gumugulo ang isip niya. Hindi niya alam kung ano ang magiging top priority niya between the two. Ang career ba niya o ang taong mahal niya?
Napahawak na siya sa kanyang ulo. Kinuha niya ulit ang kanyang cellphone at may tinawagan. Ito na siguro ang kinuntak niyang private investigator.
Wala na siyang ibang maaaring gawin kundi ang kumuha ng private investigator. Ayaw niyang umasa sa mga pulis dahil ang tagal na nang kaso na 'to pero hanggang ngayon ay wala pa ring update. Ang tulin ng takbo ng imbestigasyon. Ultimong k********g hindi mahanapan ng ebidensya. Ang lalamya namang kumilos dahil may mga protocol silang sinusunod at ayaw nilang padalusdalos.
Matapos niyang maka-usap ang private investigator ay humiga na lang siya sa kama at tiningnan na lang ang mga larawan nila ni Dindo. Kaunti lang ito dahil bihira lang sila nagkakasama.
"Ang guwapo mo talaga dito sa mga pictures mo love. I miss you so much," wika niya saka tuluyang nabitiwan ang kanyang cellphone. Nakatulog na siya na may malungkot na kalooban.
Kinabukasan ay nakipagkita siya sa private investigator na kinuha niya.
Wala pa rin daw itong ibang ebidensya na nakalap maliban sa mga nakita ng mga witnesses. Mga grupo ng mga kababaihan ang dumukot sa lalaki. At hanggang ngayon wala pa siyang bagong impormasyon. Masyadong magaling ang mga gumawa nito. Planado ang ginawang pagdukog kay Dindo.
Sa loob ng limang araw ay ganun pa din ang takbo ng kaso. Hindi pa rin natutunton ang mga dumukot sa lalaki kaya kahit masakit sa kalooban ni Britney ay pinili niyang bumalik ng States upang gawin ang gusto niyang na-aayon sa career niya.
Ayaw niya itong sayangin. Isa itong magandang opportunity para mas makilala sa buong mundo kaya itutudo na niya.
Nagpaalam naman siya sa mga parents ni Dindo at sumang-ayon naman ang mga ito sa naging pasya niya. Ayaw din naman nilang masira ang career ng dalaga.
Ipinagkatiwala na lang muna niya ang paghahanap sa nubyo niya sa kinuha niyang private investigator. Mahal niya ang nubyo pero mas mahal niya ang kanyang career. Ayaw niya itong mawala kagaya sa pagkawala ngayon ni Dindo.
Note: No offense sa mga words na ginamit kong paglalarawan sa mga pulis sa itaas.
"Ang lalamya namang kumilos dahil may mga protocol silang sinusunod at ayaw nilang padalusdalos." It's only based on my opinion and observation about the k********g case of Dindo, nothing to do their job.