NAKA-UPO si Regor sa upuan niya. Napapangiti pa siya habang sinasariwa ang pagkamatay ng babae. Hinihintay niya ang pagdating ng mga tauhan niyang inutusang itapon sa ilog ang bangkay ni Scarlett.
Pumasok na ang mga ito. May ngiti sa mukha na humarap sa kanya. Kahit sila ay masaya rin sa pagkawala ng isa sa spy sa grupo nila.
"Naitapon niyo na ba ang bangkay ni Scarlett sa ilog? Sigurado ba kayong napakain niyo na sa mga buwaya roon?" tanong ni Regor sa kanyang mga tauhan. Hindi pa rin siya mapakali pero masaya siyang nabawasan ang mga taong gusto siyang traidurin.
Gusto niyang masigurado na patay na nga ang bababe. Para sa kanya kung wala ka nang silbi sa buhay niya ay parang basura ka na lang niyang itatapon. Ang sama-sama ng ugali niya. Walang katulad.
Nakangisi ang mga ito. "Yes, Boss. Sino pa ba ang mabubuhay sa ganuong tama ng baril? Patal lahat ng tama niya at matindi ang pagdurugo ng mga sugat niya kaya hindi na siya mabubuhay pa. Isang malaking himala na kung mabubuhay pa siya," wika ng isa sa mga tauhan niyang inutusan. Siguradong-sigurado talaga siya.
"Tama boss, hindi na siya mabubuhay pa. Magtiwala ka sa amin."
"Sige. Heto ang mga letrato. Hanapin mo ang mga ito. Mag-hire ka nang mga tauhan para mapadali mo ang paghahanap sa kanilang tatlo. Heto ang pera, doble na iyan kaya pagbutihin mo ang trabaho mo. Maliwanag ba?" napangisi siya pagkatapos. Iba talaga ang nagagawa ng pera, marami ang napapaikot nito, at sa masamang paraan pa.
Ngumisi rin ito. Hayok ang laman sa pera. Di bali nang gumawa ng masama mabuhay lang ang pamilya sa maling paraan. "Ayos boss. Ganire ang gusto ko. Malaking salapi!" tugon ng tauhan niya saka ngumisi ulit.
"Tamang-tama, kailangan ko ng pera," sabat ng isa.
Ganid sa pera pero sa samasa naman nanggaling. Kung alam iyan ng pamilya niya na sa masamang gawain nagmula ang pinapakain niya siguro hindi nila iyon malulunok pa. Buhay talaga.
"Sige, labas na."
Agad namang tumalima ang kanyang tauhan. Nakatanggap na ito ng suhol kaya banayad ang mukha nito ng lumabas. Napakalaking ulol. Dahil sa pera nagpapaalipin sa isang demonyo na gaya ni Regor. Gagamitin lang sila ng lalaki, pagakapos echapwera na lang.
May tumawag naman agad kay Regor at siya namang ikinagalit niya.
"Ano? Patay na si General Cruz? Paanong nangyari iyan? Kahapon kakatawag lang niya sa akin at nagawan na niya ng paraan para makapuslit tayo ng mga druga sa loob ng bilangguan na hindi nalalaman nang ibang mga kapulisan at Jail officers.Paanong nangyari ito?"galit niyang usisa sa kausap niya. Walang mapagsidlan ang galit niya. Gusto niyang sumabog sa galit.
"Ha? May mga tumambang sa sasakyan niya? Papaano?" mas lalo pa siyang nagalit ng marinig sunod na sinabi ng kausap niya.
"Sino daw ang mga posibleng gumawa nito sa kanya? Ano may nakakita na witness at mga grupo ng mga kababaihan ang tumira sa kanya? Inutil, mga babae lang naman ah, wala ba siyang mga body guard na kasama?" galit na dismayado ang boses niya ng huli.
"Meron? ...Oh patay rin? Argh. Goddamn it! Sige. Huwag na lang muna natin ipuslit iyon sa loob ng bilangguan. Hanapan niyo na lang ng ibang buyer. Dapat na huwag mabakante ang ating negosyo."
Napabato ni Regor ang isang flower vase na nasa harapan niya dahil sa subrang galit at pagkadismaya. Malaking halaga ang katumbas ng transaksiyon na iyon kaya labis siyang naghihiyang. Malaking pera na sana nabulilyaso pa.
"G'ddmamit! Sino ang mga kababaihan na iyon? Humanda kayo kung ako ang binabangga ninyo, mabuti lang kung mga kaaway lang kayo ni General Cruz at kung hindi magdasal na kayo at tiyak na sasabog ang mga bungo ninyo sa oras na magkaharap na tayo. Huwag ninyong ubusin ang pasensya ko," galit na galit siya sa nangyari.
Gusto niyang tirisan sa mga kamay niya ang mga kaaway niya o kaaway ni General Cruz. Malaki ang mapi-pera nila sana kung natuloy iyon, marami ang mga buyers sa loob ng bilangguan kaya galit na galit siya dahil ang pera ay naging bula pa.
Mula sa labas may kumakatok sa pinto. Pinakalma muna niya ang sarili bago nagsalita.
"Pasok! Ano ang kailangan mo?"
"Boss, may nagpapabigay nitong sulat sayo, heto po," wika nito sabay inaabot ang isang subre. Wala itong kaalaman-alam dahil ibinigay lang ng kartiro ang sulat sa kanya. Ayon sa nagpapa-abot ng sulat ay ibigay kay Regor. Sumunod lamang ito sa utos niya.
Maganda ang balot ng subre at mabango. Binuksan kaagad ni Regor at binasa. Nanlaki ang mga mata nito. Parang gulat na gulat siya sa kanyang nabasa.
"Boss, ano po ba ang laman ng sulat na iyan? Parang gulat na gulat ka po ah," tanong ng tauhan niya na walang kaalam-alam.
"Si... Sino ang nagbigay ng sulat na ito? Sino?" sigaw niya sa kanyang tauhan. Nalilisik ang mga mata niya.
"Bakit boss? May nagpabigay lang po dito na kartero, at sabi niya may nagpapa-abot daw at sa inyo ito pinapabigay kaya dinala ko sa inyo. Akala ko maganda ang balita riyan pe...pero hindi pala." Natakot na rin ito kay Regor baka siya ng balingan nito ng galit.
"Sino kaya ang nagpadala nito? Bwesit. Humanda siya sa'kin," ikinuyom niya ang mga palad sa subrang galit.
"Wala akong alam boss. Pasensya na po. Sa susunod titingnan ko muna bago ibigay sayo."
"Goddamn it! Umalis ka na sa harapan ko baka ikaw pa ang mabalingan ng aking galit. Sige, labas!"
"Opo, Boss!" Mabilis itong lumabas dahil sa takot.
Binasa niya ulit ang sulat.
*Akala mo ba Regor patatahimikin kita? Kahit sabihin mo mang patay na ako ay aalis pa rin ako sa hukay at maniningil sayo. Tandaan mo iyan, sa oras na maniningil na ako huwag kang magtago harapin mo ako. Kung totoong hari ka ng mga hari ay harapin mo ako. Ituring mo man akong multo ay uusigin ka pa rin ng aking paghihigante...ha ha ha*
"Goddamn it! Ikaw ba ang nagpadala nito Scarlett? Papaanong buhay ka pa? Maraming bala ang tumama sa katawan mo at nang pinulsuhan kita wala ka nang buhay. Sino ka bang hayop ka? Huwag mo akong kalabanin dahil hindi ako mangingilin na tadtarin ka ng bala," galit na galit na wika niya saka napakuyom ang kanyang mga palad.
Pinunit niya ang sulat at itinapon sa basurahan.
Nawiwindang na siya sa mga nangyayari. Masyado siyang naguguluhan sa tuwing iniisip niya ang laman ng sulat.
Sino ba namang multo ang maaring magpadala sa kanya ng sulat? May multo bang nakakapagsulat ng ganun? Hindi siya ang tipo na naniniwala sa mga multo.
Tumayo siya at lumabas. Gusto muna niyang mag-relax at para makalimutan ang tungkol sa sulat na iyon.
"Hmm. Regor? Inuusig ka na ba ng konsensya mo? Sa ginawa mo kay Scarlett?" usal ni Ezekiel na nagsawalang kibo lang ng daanan siya ni Regor sa may garahe.
Mabilis niyang tinungo ang kanyang kotse at sumakay. Pinaharorot niya ito ng takbo. Nagtaka nga ang kanyang mga tauhan kung bakit ito umalis ng ganuong wala ito sa sarili niya.
Kahit na siya ang itinuturing na right hand ni Regor sa ngayon ay parang nawawalan na siya ng gana na pumanig sa lalaking ito. Simula ng malaman niya na ito ang pumatay kay Scarlett ay wala na siyang gana na makipagtrabaho rito.
May lihim na pagtingin si Ezekiel kay Scarlett dahil maganda ang dalaga. Humanga din siya sa galing nito sa pakikipaglaban at ang pagiging wise ng babae. Kaya pa nga siya nitong talunin sa lahat ng bagay, mas astig sa kanya si Scarlett kaya humanga siya rito ng husto pero hindi pa lang niya ito na pormahan namatay na agad.
Kaya nga niya kinuha ang bangkay ng dalaga sa dalawa niyang kasamahan dahil gusto niyang ilibing iyon sa lugar na siya lang ang may alam pero kahit sa huling hantungan ay nawala pa ang babae. May kumuha rito, kaya ngayon ay nalulungkot pa rin siya at parang hindi makapaniwala.
"Ezekiel, may impormasyon na kaming nakalap tungkol sa dumukot kay Dindo Ruiz, mga grupo daw ng mga kababaihan. Naka-maskara ang mga iyon kaya hindi nila nakilala. May mga witness na nagsalita ng bigyan namin ng pera. Sa ngayon nag-iimbestiga pa rin kami. Pwede ko din ba ito agad sabihin kay Boss Regor?" sabi ng isa niyang kasamahan.
"Huwag na. Ako na ang bahalang magsabi sa kanya. Wala naman siya rito, umalis. Parang galit na naman iyon. Siguro dahil hindi natuloy ang transaksiyon sa loob ng kulungan dahil namatay si General Cruz, tinambangan ng mga armadong mga kababaihan kanina lang," sagot niya. Gusto muna niyang pag-aralan ang kaso ni Dindo.
"Tika lang Ezekiel, anong sabi mo? Mga kababaihan din ang gumawa noon? Baka iisang grupo lang ang pinagmulan nila, di ba?" sabat nito.
"Siguro, pero hindi pa naman lumalabas ang kongkretong balita tungkol doon. Sige,pwede ka nang umalis," tugon niya. Wala siyang plano na pag-usapan ang tungkol sa mga babae. Para sa kanya mas mabuting may mga kumikilos para kalabanin si Regor.
"Sige Ezekiel. Mauna na ako,"wika nito saka umalis na.
"Sige, salamat!" pahabol niyang tugon.
"Mga kababaihan? Sino kaya ang mga iyon? Kailangan ko din itong alamin. Baka makakatulong sila sa akin. Mas mabuti nang pinatay nila si General l Cruz, ang sama naman talaga niyang tao. Ang sakim gaya ni Regor!" wika niya saka umalis na rin.
SAMANTALANG nakarating na si Regor sa isang bar. Madalas niya itong puntahan noon pero nitong mga nakaraang taon ay hindi na, masyado na siyang busy sa mga illegal na negosyo.
Maraming tao ang nasa loob kaya masyadong maingay. Pumili siya ng isang bakanteng mesa at doon na umupo. Um-order agad siya ng maraming alak. Gusto niyang magpakalasing ng subra para mabura sa isipan niya ang laman ng sulat. Hindi siya apektado sa laman ng sulat pero nagtataka siya kung kanino galing.
Agad niyang ininom ang alak na ibinigay sa kanya ng bartender. May lumapit naman kaagad na babae sa kanya. Sexy at subrang hot. Yummy!
"Hi, handsome. Can I share with your table? Can I?" nakangiting wika ng magandang babae sa kanya.
"Sure. You can. Alright, have a seat," nakangising sagot niya. Deni-demonyo na naman siguro ang utak niya. Gusto nito ang mga sexy na mga babae. Pampawala ng stress.
"Hmm. Thanks! Bakit ka ba naglalasing ng ganyan? Ang dami mong in-order na alak ah. Di ba iyan masama sa kalusugan mo? Sayang ang guwapo mo pa naman," sensual na sabi ng babae.
Concerned sa kanya ang babar. Kung alam lang nito kung sino ang kaharap niya ay di na lang siya nagsabi ng ganun, it's useless.
Parang ahas na gustong manuklaw ang galaw nito na lumipat ng upuan at tumabi kay Regor. Type iyan ni Regor. Sa mukha nito ay hindi naman nagtatrabaho sa club. Parang mayaman naman tingnan. Siguro isa s mga socialite na palaging pumupunta sa Halimuyak.
"It's okay. Sanay ako na magpakalasing ng ganito. Hmm... by the way, are you a one call away woman or shall we say..." pinutol niya ang sasabihin. Nilagay ng babae ang hintuturo niya sa bibig niya.
"Shhh...Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo. Hindi ako katulad ng sa iniisip mo. I'm just here to have fun, that's all. I'm sorry for sitting beside you. Okay, I will go back to my seat," nakangiting wika ng babae.
"Ow. I'm so sorry. Mali pala ako. Sige, aalis muna ako. I'll go to the restroom for a while. Then, kukuha ng ka-table na ibang girl," wika nito saka umalis.
Kumaway ang babae sa kanya.Di pa nakuntento sa babaeng sumabay sa kanya sa table niya at maghahanap pa Nge iba.
Naiwan ang babae na naka-upo. Nang maka-alis na si Regor ay siya naman itong umalis at lumabas na. Ayaw na niyang hintayin si Regor baka mayroon na itong nakakalampungan na mga babae sa restroom or kahit saang sulok pa ng club.
"I saw the target here in the club, what should I do?" sabi niya sa kanyang kausap sa cellphone.
"Wala kang gagawin. Ano ang nahalata mo sa kanya?" tanong ng nasa kanilang linya.
"Parang balisa siya. Marami nga ang in-order niyang alak. Balak yata niyang magpakalasing ng subra. Ayon siya ngayon sa C.R. Sige, aalis na ba ako rito?" pahayag niya.
"Oo, umalis ka na diyan. Nakita niya ba ang mukha mo?" tanong nito sa kanya.
"Oo, pero huwag kang mag-aalala naka-prosthetic ako. Iba ang mukha ko na ginamit. Sige. Babalik na ako diyan. Bye." Pinatay na niya ang Cellphone niya.
Sino kaya ang babae at anong purpose nito kay Regor? Bakit ito lumapit sa lalaki?
Umalis na ang babae. Nang bumalik sa mesa niya si Regor ay nagtaka ito na wala na ang babaeng naki-share sa kanyang table.
Kumuha na lang siya ng mga ka-table na babae at uminon ng uminom. Sky is the limit daw!Gusto niyang makalimutan ang kamalasan sa araw niya.