KASALUKUYANG binabagtas ni Liam ang isang masukal na daan. Nagpalinga-linga siya kung mayroong ibang tao ang nandodoon pero parang wala naman kaya kahit kinalabutan siya ay patuloy niya itong binabagtas. Wala naman siyang ibang puwedeng daanan kaya wala na siyang choice kundi ang tahakin ang ganitong daan. Habang patuloy niyang binabagtas ang daan ay may narinig siyang ingay at kaluskos. Mga ilang saglit ay may narinig siyang mga yabag at mga boses ng mga kalalakihan. Nagpasya siyang magtago at magmanman sa paligid. Mula sa tinataguan niyang puno ay nasaksihan niya ang isang kalunos-lunos na krimen. Isang lalaking may edad na nasa kuwarenta ang pinagtutulungan bugbugin ng tatlong armadong lalaki pero parang nagmamatigas pa rin ang lalaki kaya nung huli ay walang awang pinagbabaril nil

