KASALUKUYANG nasa gym na naman si Liam. Kasama niya si Michael. Gusto niyang magpalakas at makaalam ng iba't-ibang klase ng self-defense at technique sa pakikipag-away. Gusto niyang maging handa para sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Hindi siya kailangang magtagal sa US dahil mapapahamak ang nobya. Naghire na rin si Michael ng personal at professional trainers nilang dalawa. Gusto rin kasi ni Michael na makaalam ng self-defense. "Yeah. Thanks bro," wika nito na nakasuot na ng akmang damit para sa pag-eensayo. Nagsuot din ito headgear para iwas na mapuruhan kapag masipa o matamaan ang ulo nito. "No. Problem bro," saka ngumiti. "They are our trainers for today. I hope you'll gonna have fun," wika ni Michael. Ipinakilala nito kay Liam ang magiging trainer nilang dalawa. "Okay. Let's star

