KASALUKUYANG nasa Alpha Mouhiere Empire at nakaupo sa kanyang truno si Regor, may kung anong iniisip.
Nasa loob siya ng kanilang organisasyon. Siya ang tinaguriang hari ng kanilang organisasyon. Ang kanilang grupo ang itinuturing na mga batikan sa larangan ng mga ilegal na gawain, pagbibinta ng mga ipinagbawal na gamot, pagbibinta ng mga babae at pati na ang child trafficking. Iyan ay iilan lang sa mga sakop na negosyo ng kaniyang organisasyon.
Naalala niya ang araw kung saan nagawa siyang traydurin ng kanyang pinakamamahal na alaga. Walang iba kundi si Amore. Akala niya habang buhay na niyang hawak sa leeg si Amore, pero nagkakamali siya, she's been his greatest rival now.
Galit din siya sa babae dahil nagawa nitong tulungan ang half-brother niya, si Liam.
Ipinapapatay niya ito dahil gusto niyang masulo ang lahat ng pamana niyong natanggap mula sa mga yumaong magulang. Lumaking masama at sakim si Regor kagaya ng kanyang tunay na Ama, na isa ring drug Lord noong nabubuhay pa.
*Sige habulin niyo sila! Huwag kayong tumigil sa paghahanap sa kanilang dalawa. Dalhin ninyo ng buhay si Amore at kung maaari patayin niyo na lang si Liam, maliwanag ba?*
"G'ddamit! Bakit mo ito nagawa sa'kin Amore? Magbabayad ka. Hahanapin kita kahit saan kapa magtago o kahit saang sulok pa iyan ng impyerno! Akala ko ikaw na ang nag-iisang tao na mapagkatiwalaan ko. Nagkamali lang pala ako. Bakit?" galit na galit na wika ni Regor. Siya pa talaga ang may ganang manumbat.
Ipinagbabato lahat ni Regor ang mga bagay na kanyang nakikita at nahahawakan. Galit na galit siya. Tila umaapoy ang kanyang mga mata at umuusok naman ang kanyang ilong sa galit.
Natigil lang ang ginagawa niya ng pumasok si Scarlett, may balita itong dala para sa kanya.
"Excuse me Boss, may nakita kaming gamit ni Amore. Ito ang kanyang cellphone, napulot namin sa paligid ng bahay niya. Wala namang ebidensya rito maliban sa mga pictures niya, at walang ibang nakarehistro na mga numero na maaari naming ma-trace up. Wala din pong simcard at memory card ang cellphone na ito," pahayag ng kanyang tauhan. Nakita nila ang naiwan nitong cellphone.
Nakita niyang umigting ang mga panga nito. His dark brown eyes burst into anger,guwapo sana kaso demonyo.
"Punyimas! Papaanong wala? Sige, maghanap pa kayo ng mga taong maaari ninyong tanungin. Ang doctor na kaibigan ni Amore, si Dindo Ruiz. Baka may-alam siya. Siya na lang ang natitirang alas natin. Hanapin niyo siya at dalhin dito sa harapan ko. Maliwanag?"
"Yes Boss! Babalitaan kaagad kita kung nahanap ko na siya. Sige mauna na po ako," paalam nito.
Pero bago pa makalabas si Scarlett ay muli siyang nagsalita.
"Scarlett, gawin mo ang lahat at ipakita mo sa 'kin na tapat ka bilang alalay ko. Ayaw ko ng traidor sa panig ko. Hindi ako mangingilin na patayin ka! Huwag mong tularan si Amore!" Paalala ba ito o pagtatangka?
"Opo."
Tuluyan nang umalis si Scarlett. Siya ang kanang kamay ni Amore noon. Tapat siya sa kanyang amo pero sino kaya ang mas papanigan niya ngayon lalo na't wanted kina Regor si Amore? Mahalaga sa kanya ang trabaho niya dahil ito lang ang tanging bumubuhay sa kanyang ina.
Pagkarating niya sa sasakyan agad niyang dinukot ang kanyang cellphone at may tinawagan.
"Hello. Oo, magtipon kayo ngayon sa hideout may importante akong sasabihin. Ipatawag ang lahat. Sige, papunta na ako."
Mabilis na pinatakbo ni Scarlett ang kanyang sasakyan. Pagkarating sa bahay niya ay agad siyang nagpalit ng damit at sumakay sa kanyang kulang itim na motorsiklo. Ito ang ginagamit niya sa tuwing may ibang lakad. Kung sa Alpha Mouhiere Empire siya patungo ay formal ang kanyang gawi at suot at nakasakay sa kulay blue na motorsiklo.
Pagkatapos ng tatlumpong minuto nakarating siya kaagad sa sinabi niyang hideout.
Isinuot niya ang kanyang maskara. Nandoroon na at nakatipon na ang kanyang mga kasamahan. Hindi niya ipinaalam ang kanyang tunay pagkatao at mukha sa kanyang mga kasamahan.
Bawat isa ay nakatago sa likod ng kani-kanilang maskara at code name. Tanging si Sapphire lang ang may access sa mga identity ng mga miyembro.
Omare Corps ang tawag sa kanilang samahan. Ito ay samahan ng mga sinasanay na mga kababaihan upang maging magaling sa pakikipaglaban, maipagtatanggol nila ang mga sarili at pamilya.Sinasanay sila sa paraang martial arts at pakipagpatayan. Sila ang mga kababaihang itataya ang mga sarili buhay upang ipagtanggol ang mga inaapi at inaabusong kababaihan. Girl power!
Pumasok na siya sa loob at yumuko naman ang lahat ng mga kasamahan niya bilang paggalang sa kanya. Siya ang itinuturing nilang right hand at ikalawang leader kung wala si Sapphire. Si Sapphire ang pinakapinuno. Jasmine naman ang pangalan niyang ginagamit sa tuwing nandoroon siya.
"Magsi-upo na ang lahat. Naririto ako upang ipa-alam sa inyong lahat na may bago tayong misyon."
"Ano iyon Jasmine?" Si Astra ang nagtanong.
"Ang misyon na ito ay ang pagbabantay kay Doctor Dindo Ruiz. Nanganganib ang buhay niya. Kung pwede niyo siyang dalhin dito ay dalhin niyo. Hindi na siya ligtas na gumala kahit saan. May i-a-asign akong bantay niya. Sampung kababaihan, alam kong magagaling kayo at dapat na huwag niyo akong biguin. At may sampo rin akong uutusan na magmanman sa kilos ni Regor Marcial. Kilala niyo naman siya hindi ba?"
"Bakit po? Ano ang kasalanan ni Dindo Ruiz kina Regor?" Kuryusong tanong ng isa niyang kasamahan.
"Wala siyang kasalanan pero gusto siyang ipadukot ni Regor at may masama silang balak kay Dindo Ruiz, huwag na kayong magtanong nang kung anu-ano pa. Basta gawin ninyo ang iniuutos ko," paliwanag niya.
"Opo Jasmine, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya."
"Magaling! Dapat na gawin natin ang lahat. Wala pa si Sapphire at parang matatagalan pa siyang makabalik dito. Kaya tayo muna ang gagawa ng mga misyon niya."
"Nasaan ba siya? Bakit hindi siya nagpa-alam na mawawala siya."
Bumuntong-hininga muna siya. Kahit na si Scarlett hindi alam kung kailan makakabalik si Sapphire, wala silang komunikasyon.
"Hindi ko rin alam. Baka may mahalaga lang na pinuntahan," tumango-tango naman ang mga kasamahan niya.
Kahit wala si Sapphire, kaya naman nilang patakbuhin at protektahan ang kanilang samahan.
"Sige, umalis na kayo. Kailangan na mabalaan o makuha niyo si Dindo. Do the best plan kung kinakailangan. Mag-ingat kayo!"
"Yes Jasmine," sagot ng mga kasamahan niya.
Mabilis na tumalima ang sampung kababaihan na kanyang inutusan. Ibinigay niya ang picture at address ni Dindo. Mas mabuting mabilis nila itong mabalaan. Nasabihan na rin niya ito ng mga dapat gawin. May plan A, balaan ang lalaki. Plan B, dukutin at dalhin sa hideout.
Pagkatapos ay umuwi muna siya sa isa pa niyang bahay. Marami siyang bahay na tinitirahan. Ito ay isa sa bahay niya na alam ni Regor.
Nagpalit siya ng ibang damit at sumakay sa isang kulay Blue na motorsiklo. Marami siyang motor dahil ibinigay ito sa kanya ni Sapphire.
"Kamusta na ang ipinapagawa ko sayo Scarlett? Ayos na ba?" wika ni Regor na sumulpot galing kung saan.
"Ha? Bo-boss Regor ikaw pala. Pa- paanong nakapasok ka sa bahay ko?" Nauutal niyang tanong. Nagulat siya. Hindi niya inaasahan na matutunton siya ni Regor at kung paano nakapasok ang lalaki sa bahay niya.
Nagkibit balikat lang ito. Humalakhak pagkatapos. Sounds like dracula.
"Ako pa ba? Siyempre ang kagaya ko maraming paraan. Dinalaw lang kita rito dahil nais kong alamin kung kamusta na ang ipinapagawa ko sayo."
"I'm doing my best, don't worry Boss."
"Siguraduhin mo lang na sa akin ka kumakampi dahil sa oras na malaman kong kay Amore ka pa rin kumakampi papatayin kita. Naiintindihan mo ba ako? Bibigyan kita ng isang linggo para dalhin sa harapan ko si Dindo," wika ni Regor habang pinipisil ang mukha ni Scarlett.
"Opo. Hindi kita kayang traydurin. Maasahan mo. Dadalhin ko siya sayo."
"Dapat lang. Dahil kung hindi, alam mo na."
"I know it, don't worry you can trust me. I will send him to you as you wish."
"Alright, I will not forget about it. See to it your still on my side, or else I will kill you, b***h!"
Scarlett smirk, halos mapa -ikot siya ng mata sa subrang inis. Marami naman itong mga tauhan bakit siya pa ang inuutusan nito? Maybe he's testing her loyalty towards him, just the matter.
"I'll go, have your words spoken."
Tuluyan nang umalis si Regor. Pabalang niyang isinara ang pintuan.
"Nakakainis ka Regor! Hindi mo ako mauuto. Dati mo pa iyan sinasabi sa 'kin pero wala naman. Hindi kita papanigan kahit patayin mo pa ako. Wala ka nang ginawang mabuti puro na lang kasamaan, kailan ka pa mamatay? Wala akong paki sayo. Magdusa ka!" Napasigaw siya. Hindi naman iyon narinig ni Regor dahil narinig niyang umalis na ang sasakyan nito.
Galit na galit si Scarlett.
Kinuha niya ang lumang cellphone ni Amore at binuksan. Nakita niya roon ang mga larawan nilang dalawa. Maliban sa ibang larawan ay wala nang naka-save. Nandodoon lahat sa memory card pero wala pa rin namang ebidensyang makukuha doon. Kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa bulsa at ti-next ang lumang numero ng babae. Wala ang simcard nito kaya nagbabakasakali siyang nadala ng babae.
Napabuntong hininga siya sabay tingin sa kanyang cellphone. Napaluha siya nang dumako uli ang kanyang mata sa lumang cellphone ni Amore. Nami-miss niya ito dahil sa tanang buhay niya ito lang ang naging kaibigan niya. Ito rn ang nagbigay sa kanya ng lahat na mayroon siya ngayon.
"Sana maka-reply ka na Amore. Miss na kita kaibigan. Aasahan mong ako muna ang magiging mata at tenga mo laban kay Regor. Magbabayad siya sa mga ginawa niya sayo at sa lahat ng mga inosenteng tao na pinatay niya nang walang kalaban-laban,"usual niya. Naikuyom niya ang mga kamay sabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.
Pinahiran niya ang kanyang mga luha at kinuha ang isa pang cellphone na ginagamit niyang pantawag sa ina niya na nasa Cebu. Doon niya iyon pinanatili dahil taga-roon ang ina niya. Nakapunta lang ito sa Maynila ng maghanap ng trabaho at nang makapag-asawa.
Tinawagan niya ang kanyang ina. Nakokontento na lamang siya na marinig ang boses ng ina. Delikado ang sinuong niyang trabaho kaya kinakailangan niyang ilayo ang ina. Ito na lang ang natitirang mahalagang tao sa buhay niya kaya pinakaiingatan niya ito ng husto.
"Hello nay, kamusta ka riyan?" agad na bungad niya.
"Heto mabuti naman. Maayos ang kalagayan ko. Nakapagpa-check-up naman ako sa tuwing schedule ng check-up ko. Anak, mahal na mahal kita. Salamat sayo anak," may pag-eemote ang boses nito.
"Mahal na mahal din kita nay."
"Napakabait mo talaga. Napakaswerte ko talaga na ikaw ang aking naging anak. Nak, kailan ka ba uuwi rito sa Cebu? Nami-miss na talaga kita, subra," sabi nito na puno ng galak sa boses nito. Miss na siya ng kanyang Ina.
"Nay naman. Sa susunod na siguro. Busy ako sa trabaho ko ngayon. Marami akong mga dapat gawin at mga tatapusin."
"Ganun ba?"
"Salamat din nay dahil ikaw ang ibinigay ng panginoon sa'kin bilang magulang ko. Alam mo kung buhay si tatay magiging masaya rin siya. Huwag kayong mag-aalala at hahanap po talaga ako ng magandang tiyempo na makauwi riyan. Sige nay, bukas po ulit ako tatawag. Mag-iingat kayo riyan. Bye."
"Sige. Mag-iingat ka rin. Bye anak."
Kahit papaano ay gumaan ang kanyang kalooban.
Tumunog ang kanyang cellphone na ginagamit na kontak ng kanyang mga kasamahan sa Omare Corps.
"Hello? Oh ano na? Anong nangyari sa ipinapagawa ko sa inyo?" Usisa niya.
"Napilitan po kaming gawin ang plan B dahil ayaw niyang maniwala at baka daw kakunchaba kami nina Regor. Ayan po tulog pa. Binabantayan po namin siya ng mabuti Jasmine. Huwag kang mag-aalala maayos naman ang kalagayan niya."
"Mabuti. Sige, bukas na ako pupunta riyan. Magaling at naunahan ninyo sina Regor.Bye!"
Ibinaba na niya ang kanyang cellphone. Tumungo na siya sa kanyang silid. Pagod siya sa buong araw na trabaho. Nakahilata na siya sa kanyang kama pero hindi pa siya dinadapuan ng antok. Nag-isip na lang siya ng mabuting alibi sakaling kokomprantahin na naman ulit siya ni Regor.
"Argh! Nakakainis! Bakit pa ba kasi ako naipit sa ganito ka komplikadong sitwasyon? Amore, please bumalik ka na, I need you right now." Napasuntok na siya sa kama niya. "Nakakainis, nakakainis... Paano ba kasi kita mapapatay kaagad Regor?" parang baliw siyang sinasabunutan ang kanyang unan.