KABANATA 6

2326 Words
NAGING maganda ang unang pagsasama nina Amore at Liam sa isla. Nawala na ang galit ni Amore sa lalaki ng sabayan siya nito sa paglangoy at paliligo. "Am, siya nga pala, hindi ka pa ba nagugutom? Malalim na ang gabi. Siguro kailangan na nating umahon mula rito at kumain na. Mas lumalamig na ang tubig at baka mapulikat ka sa matagal na pagbababad. Umahon na tayo," yaya ni Liam kay Amore na walang sawa sa kapaliligo. Nakaramdam na siya ng matinding gutom dahil mahigit tatlong oras na silang nagbababad sa tubig. "Okay, let's go. Namamanhid na nga ang mga paa ko," sang ayon niya sa binata. "Magsisiga na rin kaagad tayo ng apoy para mawala ang panlalamig natin," dagdag pa niya. "That's a good idea, Am." Umahon sila at nanguha ng mga tuyong kahoy sa paligid. Marami silang nakuha kaya sasapat na iyon para magtagal ang kanilang campfire. "Ako na ang magsisiga. Mayroon naman akong dalang lighter kaya mabilis lang ito. Magbihis ka na muna at susunod na ako. Ang ginaw na lalo dahil sa hangin. Sige na," nag-aalalang wika ni Liam sa kanya. "Okay. Thank you," lihim siyang napahanga dahil sa concerns nito sa kanya. Malamig nga ang simoy ng hangin sa kinaroroonan nila kaya marapat lang na magbihis na siya. Kung hindi ay mangangatal siya sa ginaw dahil hindi pa sila nakagawa ng campfire. Agad namang tumalima si Amore at pumasok na sa kanyang tent. Nagbihis kaagad siya at nilabhan ang kanyang mga basang damit. Nakasuot lang siya ng blouse at short. Ito lang ang tanging nadala niyang damit kaya wala na siyang magagawa pa kahit na lamigin siya. Nakalimutan niya kasing magdala ng jacket. Masyado siyang na excite kanina dahilan para hindi nakadala ng kaniyang jacket o anumang mahabang pantakip sa katawan. Binalikan niya si Liam at ang lalaki naman ang pinagpapalit niya ng damit, tapos na itong magsiga kaya sa harap siya ng campfire pumuwesto para maibsan ang ginaw na kaniyang nararamdaman. "Wait lang, ihahanda ko Muna ang mga pagkain, saka na ako magbibihis." "Liam, magbihis ka na. Ako na ang bahalang maghahanda ng mga pagkain. Iihawain ko rin itong mga dala kong liyempo saka marami naman akong dalang ulam. Kaya ako na ang bahala rito. Bumalik ka na lang kaagad para makakain na tayo." "Sige," tipid nitong sagot saka tumalikod na. Nadismaya siya ng hindi man lang siya nagawang tingnan ng lalaki, ang sexy kaya niya sa suot niya. At bakit naman siya mag-eexpect nang ganun? Kabaliwan. Kaagad namang bumalik si Liam at umupo sa tabi niya. Ramdam niya ang lapit nila sa isat-isa, sa isip niya, what if magjowa sila. Nagdi-date pero mabilis naman niyang iwinaglit sa isipan niya. Malabo iyong mangyari, as in. Napangiti si Amore ng hindi niya inaasahan. "Liam? Ano ba ang pumasok sa utak mo at nito lang ang bait mo na sa'kin at sinusunod mo na lahat ng mga utos at gusto ko?" usal niya. Napailing na lang siya bigla. Parang baliw na naman siyang nag-iisip ng mga bagay tungkol kay Liam. "Hay naku! Amore stop it. Mas mabuti pang isipin mo ang mga plano mo laban kay Regor," kastigo niya sa sarili niya. "Hey, may iniisip ka ba? Malayo ang tingin mo at parang litaw ang utak mo!" puna ni Liam na kanina pa pala nakatitig sa kaniya. Hindi niya napansin dahil talaga namang lumilitaw ang isipan niya. Kanina pa siya nito tinititigan at natatawa ito sa reaksiyon ng mukha niya. "Ah... Wala naman. Oh, heto kain na tayo," mabilis niyang sagot nang makabalik sa katinuan ang utak niya. "Thanks. By the way, tuloy na ba ang plano mo after three months? Babalik ka na ba talaga sa Maynila? Papaano na ako rito?" tanong nito, parang lumamlam ang mga mata nito. Paano siya? Malaki na si Liam, at hindi na niya kargo ang lalaki. May sariling desisyon na siya sa kaniyang mga gustong gawin, pwede naman siyang umalis na lang ng isla. Ano ba kasi ang pumipigil sa kaniya para hindi umalis? "Oo, itutuloy ko," sagot niya. "Oy, anong paano ka? 'Di ba sabi ko dito ka na lang at bantayan mo si Tiyo Gusting. Wala ka namang mapapala kung sasama ka sa akin sa Maynila. Mapapahamak ka lang doon." "At bakit naman? Si Kuya Regor ba ang kinatatakutan mo?" "Hindi ako takot sa kaniya. Baka ikaw." "Ako? Hindi ako natatakot sa kaniya. Minsan ko na siyang natalo noong kabataan namin. Pero siyempre hindi pa siya ganito ka sama kagaya ngayon. Ewan ko kung anong pumasok sa utak niya bakit niya ito ginagawa." "Kasi sakim siya. Kung mapapatunayan kong siya talaga ang pumatay sa Daddy ko, tiyak na papatayin ko rin siya. Kung buhay ang inutang buhay rin ang kabayaran," wika niya saka ngumiti ng napaka-sarkastiko si Amore. Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Liam. Hindi siya makapaniwalang ganito katindi ang galit at pursigudong maghigante si Amore kapatid niya. "Really? Talagang gagawin mo iyon? Sa nakikita ko sa pagkatao mo Am, hindi mo kayang pumatay ng tao. Maamo ang pagmumukha mo at may ginituang puso ka kaya alam kong marunong ka rin magpatawad. Huwag mong ilagay sa mga kamay mo ang hustisya," paalala nito. Parang si Daddy niya rin ito kung magsalita. Wala na siyang magagawa pa, sinimulan na ito ni Regor kaya gusto niyang tapusin. Napa-ikot siya ng mga mata. "Ano ka'mu? Ako mabait? Hindi a." Natawa pa siya. Hindi talaga sila maniniwalang mabait siya dahil lahat ng mga ginawa niya bago makarating sa kalagayan niya ngayon ay hindi naman mabuti. But she had no regrets, mas pipiliin niya ang ngayon kaysa magbulagbulagan lang. "So, pakitang tao lang ang lahat ng kabutihan mo sa'kin? Kung hindi sana noong una pa lang, hindi mo na ako tinulungan, at pangalawa hindi mo sana ako isinama nang tumakas ka. Bakit hindi mo ako pinabayaan?" Umismid siya. "Tsk! Ang drama mo. Siyempre ayoko rin namang bangungunutin ng konsensya ko dahil pinabayaan kita." Napangiti naman si Liam. "See, mabait ka pa rin, Am. Don't deny it." "Tama na ngang usapan 'to. Kain na lang tayo. O, heto kainin mo. Nganga ka nga!" wika niya saka sinubuan ng inihaw na baboy ang bibig ni Liam. "Aba, huwag mong gawin 'to palagi ha at baka masanay ako. Baka hahanap-hanapin ko 'to. Alam mo Am, gusto ko talaga ng may nag-aalaga sa'kin." "Pwede naman habang nandito pa tayo sa Cebu at nagpapanggap bilang mag-asawa. Gagawin ko iyon pero ang kundisyon huwag kang ma-in-love sa'kin. Talo ang ma-fall. Pagpapanggap lang ito kaya be a wise man," paalala niya ulit. Sumubo siya ng pagkain saka pangiti-ngiti lang na tumatanaw sa mga alon na nagsisihampasan sa dalampasigan. "Ay grabi ka! Fine. No falling in love," sumimangot si liam. "Oo na, alam ko iyon, si Lysander lang kasi ang laman ng puso at isipan mo eh." "Yeah, exactly. I'm done eating. Ikaw ba?" Baling niya kay Liam, busog na busog siya. At gusto niyang ibahin ang usapan, ayaw na niyang marinig ang pangalan ni Lysander. "Yeah. I'm full already." "Okay," pagkasabi niyon ni Liam ay agad niyang kinuha ang mga pinagkainan at sakto namang nahawakan din ni Liam, dumapo sa kamay niya ang mainit at malambot na palad ng lalaki. Nakaramdam sila parehong kakaiba init sa kanilang balat. Kaagad namang binawi ni Amore ang kaniyang kamay. "Ah… Am, ako na lang ang bahalang maghuhugas nito. Diyan ka na lang sa harap ng siga para hindi ka ginawin pa," wika ni Liam, dali-dali niyang niligpit ang kanilang pinagkainan. "Sige, Liam. Thanks." KAHIT na nasa harapan siya ng campfire ay giniginaw pa rin si Amore pero sinisikap niyang tiisin iyon. Pabalik na rin si Liam mula sa paghuhugas nito ng kanilang pinagkainan. Natanaw siya nitong nakaupo habang niyayakap ang sarili. Medyo malayo sila sa dalampasigan kaya maginaw ang hangin, kung nasa malapit lang ay makakaya ang ginaw dahil may halo itong warm air kahit papaano. "Maginaw ba? Wait lang. May dala akong jacket ipapahiram ko na lang iyon sa'yo. Teka lang at kukunin ko," saad ni Liam. "Huwag na. Matutulog na lang ako," pagtatanggi niya. Nahihiya rin kasi siyang manghiram ng gamit ng lalaki. "Sure ka? Kahit na. Maginaw pa rin. Wait lang kukunin ko." Hindi na naka-angal pa ang dalaga dahil mabilis nang umalis ang lalaki at kinuha ang jacket nito. Mabilis naman itong bumalik sa kinaroroonan niya. "Here," wika ni Liam sabay abot ng kaniyang jacket. "Pero paano ka? Magiginawan ka rin niyan." "I'm fine. I can endure the cold air, besides pwede ko namang bahagyang isara ang dala kung duyan. Used it." "Thanks." "Pero pagpasensiyahan mo na. Hindi ko pa nalalabhan iyang jacket ko. Iyan iyong binigay mo sa'kin nang nasa bahay mo pa ako. Pero kahit walang laba mabango pa naman iyan. Tiisin mo na lang kung ayaw mo nang amoy ng pabango na ginamit ko dati hanggang ngayon na nandiyan pa rin." "Okay lang," wika nito saka inamoy ang jacket. "Hmm. Ayos lang 'to. Very manly naman nang amoy pero cool. Thanks ulit," sinuot na niya ito. Sa wakas hindi na siya giniginaw, sumaya na ang puso niya este kalamnan niya. "You're welcome. Sige na. Pumasok ka na sa tent mo at matulog na. Dito na ako sa labas. Gumawa naman ako kanina ng duyan at doon na lang ako matutulog. Sige na. Alis na." "Hmp. Ano ba? Huwag mo nga akong itaboy ng ganiyan. Oo na, sige na, matutulog na ako. Sure ka na diyan ka matutulog sa duyan? I think maginaw diyan dahil na sa'kin ang jacket mo." "Okay lang. As I told you already pwede kong bahagyang isara ang zipper nito. Hindi na ako giginawin dito. Pasok na sa tent mo at matulog ka na. Malalim na ang gabi." "Okay po sir!" tumalima na siya. Inaantok na rin naman siya, kanina pa. Pinaunang pinapasok ni Liam si Amore sa loob ng tent nito saka siya tumungo sa kaniyang duyan. Nilagyan niya muli ng maraming kahoy ang siga para hindi agad mamatay ang apoy para maiwasang dapuan siya ng mga lamok. HUMILATA na si Amore sa kaniyang higaan pero ayaw pa rin siyang dapuan ng antok. Ang kaninang naramdamang antok ay nawala. Iniisip na naman niya muli si Liam at ang nangyari kanina nang aksidenteng mahawakan ng lalaki ang kanyang kamay. Hindi maalis sa isip niya na may kung anong kuryente ang dumaloy sa kanyiang kamay ng mga sandaling iyon. Napabalikwas siya, napaupo at napahiga muli pero ayaw pa rin siya tantanan ng kaniyang utak na isipin ang nangyari kanina. Tila pabalik-balik sa kaniyang isipan at hindi siya patutulugin. Bumabalik din sa isipan niya nang una silang magkita. "Nakakainis. Patulugin mo na ako. Wala akong kasalanan sa'yo Liam kaya please stay away from my mind. Nakakainis ka na. Wala akong paki-alam sa'yo. Argh!" parang baliw niyang kinakastisgo ang sarili. Kung si Amore hindi makatulog si Liam ay ganun din. Sumasagi din sa isipan niya ang nangyari kanina. Kahit ipikit niya ang kaniyang mga mata, mukha pa rin ni Amore ang kaniyang nakikita. Hindi niya alam ang dahilan pero parang magaan ang kaniyang kalooban sa babae, noong una lang nilang pagkikita ang naging suplado siya. Inakala lang niyang kasabwat ito ni Regor sa pagpapatay sa kaniya. "Bakit ba? Anong meron sa'yo Amore bakit palagi ka na lang sumasagi sa isipan ko maging sa panaginip ko? Sino ka ba sa buhay ko?" usal niya. Napagdesisyunan ni Liam na bumagon mula sa duyan at pumunta sa may dalampasigan. Lumusong ulit siya sa tubig at lumangoy-langoy. Gusto niyang mapagod para dapuan siya ng antok. Nakarating siya sa pinakamalalim na bahagi ng tubig kaya nagpasya na siyang bumalik sa mababaw na porsiyon ng dagat dahil baka mapulikat pa siya. SAMANTALANG, bumangon din si Amore at naglalakad-lakad sa may dalampasigan. Sobrang na-miss niya itong isla. Mahigit isang taon na rin siya na hindi nakapunta rito dahil naging busy siya sa kakabuntot kay Regor. Na-miss din niyang magtampisaw sa tubig kaya ginawa niya ang gusto niyang gawin. Hinubad niya ang kaniyang tsinelas at iniwan sa may buhanginan. Maliwanag ang buwan kaya kitang-kita ang dalampasigan, kay gandang pagmasdan ng malilit na alon na kumikislap ang bawat paghampas nito sa dalampasigan dahil sa repleksiyon ng buwan sa tubig. Nakangiti siya habang ginagawa niya ito. Dati may kasama siya sa pagtatampisaw. Palagi niyang kasama si Lysander sa pagtatampisaw sa dagat kapag isinasama siya nang pamilya nito pumuntang dagat. Sila ang palaging magkalaro at magkasama. Parang sila lang ang nasa sarili nilang mundo. "Hey, Am. Bakit nandito ka? Hindi ka ba makatulog? Malapit nang mag-uumaga. Nararamdaman ko na. Mag-aala-una na," sigaw sa kaniya ni Liam na nasa tubig. Papaahon na rin ito ng makita niya si Amore. "Ha! Oh Bakit nandito ka rin? Hindi ka rin ba makatulog?" "Yeah. Kaya nga naligo ako ulit. Huwag ka nang maligo. Wala ka nang extra na damit. Baka lamigin ka pa." "I think so, hindi naman talaga ako maliligo. Tinatamad na akong magbabad sa tubig dahil ayaw ko nang umalis 'pag nakasimula na akong magbabad. Hoy, umahon ka na riyan." "I strongly agree," pasigaw na sagot nito sa kaniya. "May dala pala akong beer, tara inumin natin. Nakalimutan ko pala. Sana kanina pa. 'Di sana nakatulog na ako nang mahimbing. Apat na bote, so tig-dadalawa tayo. Ano, deal?" "Sure!" Umahon at nagpalit ng damit si Liam. May mga natitira pa naman silang mga ulam kanina kaya ito ang kanilang ginawang pulutan. Masaya nila itong pinagsaluhan. "Bakit hindi ka makatulog? Masyado mo bang iniisip ang plano mong paghihigante kay Kuya Regor?" "Not so, may mga bagay lang na ayaw akong tantanan eh," sagot niya. "What's that? May maitutulong ba ako?" "Nope, I'm fine. Hindi naman ako mamatay kung magiging anemic ako dahil kulang sa tulog," pabirong sagot ni Amore. Paano ba naman niya sasabihing si Liam ang gumugulo sa kaniyang isipan. Baka pagtawanan siya ng binata. "Exactly. Sa wakas, inaantok na rin ako. I'll go to sleep, good night." Napangisi si Amore."Good night, kahit mag-uumaga na." Hindi na sumagot si Liam sa biro niya. Baka saan pa aabutin ang lahat, kaya Amore matulog ka na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD