KABANATA 7

2063 Words
Pasipol-sipol si Tiyo Gusting habang naglalagay ng karatula sa labas ng bahay niya, na nagkakarenderya na sila. Napa-alam na din naman niya ito sa mga kaibigan pero mas mainam na may makakita pa ng karatula, mas marami ang mahihikayat na bumili ng ulam. Sila pa lang ang naunang magkakarenderya sa kanila at hangad niyang magiging successful itong negosyo na sisimulan nila. Nilinis niya rin ang mga paligid ng kubo, hindi lang naman ito maliit na kagaya sa nakikita natin. Malaki ito at kasya ang 10 tao. Nilagyan niya rin ng mga upuan sa loob. Dito na lang niya muna naisipan na papasukin ang mga kakain. Bukas gagawa na lang siguro sila ni Liam ng bago para mas marami ang mga makakakain. "Ayos na ang lahat. Hmmm, mabi-believe talaga sa 'kin sina Amie at Yam. Siguro ni enjoy jud silang duwa sa isla. Nindot baya ang isla, siguro nag-okay na silang duwa. Maayo gani kun mao ana. Hay naku! Naunsa siguro silang duwa nga murag iro og iring man kanus-a, nya kanus-a sweet man kaayo. Hays kalagot oy!"usal ni Gusting. Nasabi lamang ni Tiyo Gusting dahil sa kanyang napuna kina Amore at Liam. May nahahalata na ba kaya siya? O Wala pa? "Tao po! Gusting, aba na-a nakay karenderya dinhi? Papapalita 'sa ko bi. Maganda naman talaga ang may karenderya na dito, tiyak na maraming bibili. Mabuti at ipapagsasabi ko na meron na dito para dadagsa ang tao rito,"anang kapitbahay nila. "Ay. Oo, mayra gani ni nga e negosyo. Anong ulam ang bibilhin mo?" "Ito lang oh,"sabay turo sa gusto niyang ulam. "Paano mo pala nalaman na nagkakarenderya na kami ngayon?" "Sos, sa asawa ko, siya nga ang nag-utos sa'kin na bumili. Siya nga pala, kanino 'tong negosyo? Sayo ba o kay Amie?" "Ah, kay Amie 'to. Sinabihan ko kasi siyang huwag nang bumalik sa Maynila at dumito na lang dahil alam mo namang napakasalimuot ng pamumuhay roon. Mas mabuti na dito sa isla kahit papaanong paraan tiyak na mabubuhay ka talaga." "Ay, oo nga. Tama ka diyan Gusting. Ang anak kong si Lita ay gusto talaga makapunta roon, ewan ko kung ano ang kanyang nakita roon, sabi niya kasi mabilis daw ang pera roon. Naku talaga. Napagsabihan ko na eh ayaw pa rin makinig." "Ha? Ay sos, huwag mo nang payagan. Napakadelikado roon. Dito na lang siya magtrabaho, pwede naman siyang makatulong kay Amie. Sasahuran siya ng pamangkin ko kapag nalaman niya ito. Dito na lang siya. Magandang bata pa naman iyan." "Sige. Sasabihin ko sa kaniya na dito na lang magtrabaho sa inyo." "O siya sige. Mabuti nang may kasama rito sa bahay si Amie sa tuwing pumapalaot kami ng kanyang asawa ng sa gayun ay hindi na maiinip at pangarapin ulit na bumalik ng Maynila." Pagkatapos ng usapan nila ay tumalikod na rin ang kanyang kapitbahay. Marami ang mga naging customer ni Gusting ng umagang iyon. Halos hindi siya makakuha ng tiyempo na makaupo man lang dahil marami talaga ang bumibili at kumakain. Siya na ang taga-hugas ng pinggan at naging serbidor ng pagkain. Gusto man niyang umupo pero hindi pwede. Nananakit na ang kanyang binti at likod. Bakit pa kasi niya pina-alis ang dalawa ayan tuloy siya ang nagkakandakuba sa trabaho niya? Mabuti sana kung naririto na ang dalawa. Hindi pa siguro naisipan ng dalawa na bumalik na sa bahay nila mula roon sa isla na pinuntahan nilang dalawa. Heto na naman parating ang mga grupo ng mga mangingisda. Ilang minuto pa lang siyang nakakaupo, tatayo na naman at magsi-serve ng mga pagkain. Gusto niya ng negosyo kaya wala siyang ibang choice kundi ang magtrabaho para kumita mula rito. "Hay naku. Naunsa naman to silang darwa oy. Hindi na talaga naawa sa'kin, ako pa itong matanda ako pa ang nagtatrabaho rito. Sige na lang total ako ang nag-isip nitong negosyo at ako na rin ang nagsimula kakayanin ko na lang ito,"usal na naman niya. Gustong magreklamo pero no choice talaga. "Heto na ang order ninyo. Kamusta ang huli ngayon?"tanong niya sa kapwa mangingisda. "Maayos naman Mang Gusting, sana huwag na kayong pumalaot kasi nauubusan mo kami ng isda. Ang galing niyo po kasing manghuli. Dito na lang po kayo at magkarenderya. Masarap naman po pala kayong magluto kaya mas naging idol pa kita,"pabirong sagot ng isang binatilyo na sumasama sa kanyang ama sa pangingisda. "Aba. Boliro ang tunto. Ako, magaling mangisda? Hindi na nga eh. Dati "oo"pero ngayon mahina na ang tuhod ko. Napapagod na nga ako na nandito lang ako nagsi-serve ng pagkain." "Kayo pa ba? Malakas pa kayo sa kalabaw kaya ayos lang iyon,"sagot uli ng binatilyo. "Sana nga umuwi na ang pamangkin ko at ang asawa niya para makapagpahinga na ako kahit saglit lang. Nakakapagod din pala itong negosyo na ito. Magluluto ka, magsi-serve at maghubugas ng mga plato. Mas mahirap pa sa pangingisda" "Bakit po nasaan sila Amie?"tanong ng isa pang mangingisda. "Nandoon sa Tinagong isla. Alam niyo namang paborito niya iyong puntahan!" "Ganun ba? Nandiyan na pala sila oh. Kararating lang nila sa daungan. Makakapagpahinga ka na Mang Gusting,"wika nito ng makita ang pagdating ng dalawa. "Hala ang guwapo naman pala talaga ng asawa ni Amie. Totoo iyong usap-usapan,"pahayag ng binatilyo. "Ay salamat naman. Oo, nga guwapo. Parang anak mayaman pero magaling din siyang mangisda noong sinamahan niya ako. Siya na ang partner ko ngayon sa pangingisda." Buong puso nitong pagmamalaki. Malaki ang maitutulong ni Liam sa kanya, mula sa pagtatapon at paghahatak ng lambat. "Ang suwerte mo Mang Gusting, guwapo na masipag pa. Ang galing naman,"paghanga rin nito. "Oo nga."Tipid niyang sagot. Hinintay niya ang dalawa na pumanhik na sa bahay nila. "Magandang araw po sa inyo," bati ni Amore sa mga taong kumakain. "Magandang araw rin sa iyo Amie," sagot nila. "Magandang araw rin sa inyo," bati rin ni Liam. "Magandang araw sayo pogi,"sagot ng mga ito. Nagkatawanan naman sila dahil doon. Pagka-alis ng mga nagsipagkain ay pinapasok muna sila ni Gusting sa loob at pinapalit ng mga damit. Naligo sila at pumalit sa pagsi-serve ng pagkain. Nagpahinga muna si Gusting dahil subra itong napagod. Nagluto muli ng mga pagkain si Amore dahil na ubos talaga ang pagkain na niluto ni Gusting kanina. Nasarapan talaga ang mga bumibili at naninibago sa bagong karenderya. "Mahal, maghahanap muna ako ng signal ng cellphone ko. Tatawagan ko lang ang kaibigan kong si Dindo, saglit lang naman ito. Ikaw muna ang bahala rito ha."Paalam nito at dali-dali na umalis. "Sige." Kinuha din ni Liam ang kanyang cellphone. Wala siya ni isang contact man lang. Nakalimutan na niya ang mga contacts nga mga kaibigan noon. Paano niya kaya makukuha ang mga pera niya kung hindi naman siya makaka-alis dito sa isla? Sinusubukan talaga niya na matandaan ang numero ng mga kaibigan niya sa States pero walang pumapasok sa utak niya. Isinuksok na lang niya muli sa bulsa ang cellphone niya at tinungo ang mga bumibili ng pagkain sa labas. SAMANTALANG, si Amore naman ay kakahanap pa lang ng signal. Mahirap talaga makahanap ng signal isla. Ang sarap na talagang patayuan ng cell site para gumanda man lang ang signal. Sa wakas nagkasignal na siya. Tinawagan niya agad si Dindo pero hindi naman ito makontak. Naalala niya si Scarlett, naalala rin niya ang numero nito kaya ito na lang ang e-tin-text niya. Siya na lang ang kanyang tanging paraan para makapagplano ng mabuting gawin kung handa na siyang bumalik at makipagtuos kay Regor. Bumalik na siya ng bahay pagkatapos. Hindi pa naman nagreply si Scarlett. Medyo masama ang tingin na ipinukol sa kanya ni Liam. Nagtaka siya kaya nilapitan niya ito at tinanong. Gusto sana niya itong pagalitan pero ng makita niya na papalabas ng kwarto nito ang kanyang tiyo ay niyakap na lang niya si Liam. Nagulat si Liam sa kanyang ginawa. Hindi niya inaasahan na yayakapin siya ni Amore mula sa likuran niya. Masarap sa pakiramdam, sana totoo ito at hindi pagpapanggap lang. Tumikhim lang si Tiyo Gusting ng makita sila sa ganuong position saka naunang lumabas ng bahay. "Hey, what are you doing? pabulong na tanong ni Liam sa kaniya. "Wala lang. Akteng siyempre, alangan namang nilalambing kita dahil totoo. Nakita tayo ni tiyo kaya no choice ako kaya ginagawa ko 'to,"depensa niya. "Okay. Akteng na kung akteng wala akong paki-alam. Sige, ikaw naman ang mag-asikaso sa mga bumibili. Ako naman ang tatawag sa mga kaibigan ko."Paalam nito. "Saka mga 30 minutos na siyang nakikipag-usap sabi daw saglit lang."Bulong-bulong nito pero narinig naman ni Amore. "Ha? Anong pinagsasabi mo? Wala kasing signal kaya natagalan akong maghanap no! Ikaw kaya try mo?" "Kunwari ka pa. Sabi mo si Lysander lang sa puso mo eh kung makapag-usap kay sino ba iyon? Ang tagal mo!" "What? Si Dindo? Kaibigan ko lang iyon. At anong paki-alam mo sa 'kin? Mind your own business. Okay?" "Fine. Sige, ikaw na roon. Iidlip lang ako saglit, hindi na ako tatawag sa mga kaibigan ko. Inantok ako bigla. Sarap matulog sa kama lalo na't walang katabi." "Tse. Ang ingot mo talga, aking Mahal,"pabiro nitong sabi. Lumabas na si Amore at siya naman ang umasikaso sa mga bumibili. Ang dami pa rin kasing bumibili. "Oh, kamusta naman ang pagpunta ninyo sa isla? Bati na ba kayo?"Usisa ng tiyo niya. "Mabuti naman po. Nagka-ayos na po kaming dalawa." "Eh, bakit kanina parang nagtatalo na naman kayo?" "Wala po iyon, nagbibiruan lang po kaming dalawa. Ayos lang po talaga kami." "Pero alam mo Amie, sa mga mag-asawa, anak ang nagpapasaya. Sana magka-anak na kayo ng asawa mo. Bente-singko ka na at pwede ka nang magka-anak. Gusto kong makita ang magiging apo ko. Bigo man akong makapag-apo sa sariling anak ko pero sayo na lang ako kumakapit. Gusto ko nang masilayan ang magiging anak ninyo. Tiyak na mga guwapo at magaganda ang mga ito." "Ha? Tiyo naman, sa dinami-rami ng pwede ninyong hilingin bakit apo agad? Wala pa po sa plano namin ni Yam na magka-anak. Gusto ko pang i-enjoy ang sarili ko. Saka na po kapag hindi na kami busy at mahirap ang buhay ngayon. Mahirap na may anak ka at wala kang matinong trabaho,"pagdadahilan ni Amore. "Sabagay tama ka. Kayo ang bahala, basta gusto kong makita ang magiging apo ko. Sana sa madaling panahon na. Excited pa naman ako,"wika nito habang pangiti-ngiti. "Tiyo, naman. Humiling lang muna kayo ng iba huwag na muna ang apo. After 5 years na siguro 'yan." Wala na talagang maisip na dahilan si Amore kaya kung anu-anong mga alibi ang sinabi niya sa kanyang tiyuhin. Nahihirapan na talaga siya dahil baka maghinala na talaga ito na hindi sila totoong mag-asawa. Malabo namang mangyari na mabibigyan niya ng apo ang tiyuhin dahil wala namang relasyon ang dalawa. Nauubusan na talaga siya ng rason mabuti lang may bumili na naman kaya inasikaso ng kanyang tiyuhin. Muntik na talaga siyang ma-corner nito. Pumasok na lang siya ng bahay para hindi na siya muli matanong ng tiyuhin at talagang uulit-ulitin na naman niyon ang kahilingang magka-apo. "Nakakainis ka talaga Tiyo Gusting. Ano ba ang pumasok sa utak mo at apo na ang hinihingi mo sa'min, sa'kin? Wala kang magiging apo. Wala!" Pumasok siya sa kuwarto at nakita niya si Liam na natutulog. Nairita uli siya ng makita ang lalaki. Kung hindi naman dahil sa lalaking ito hindi siya nagsisinungaling sa tiyuhin niya ngayon. Sana wala siya sa ganitong sitwasyon. Pinagmasdan na naman niya muli ng maigi ang mukha ng lalaki. May napansin siya sa mukha nito kaya lumapit siya. Malapit na malapit ang mukha niya sa mukha ng lalaki. Nagulat siya biglang bumukas ang mga mata nito at nagtama na naman ang kanilang mga mata. Ngumiti ito sa kaniya. "Hey, mahal what are you doing? Ninanakawan mo ako ng halik no? Sabi ko na nga ba, na..."naputol ang kanyang sasabihin ng sinampal siya ni Amore. "Sorry. Nakita ko lang kasi na may lamok sa mukha mo kaya sinampal kita. Sorry aking Mahal ha,"pilit na ngiti ang pinakawalan ni Amore. Balak talaga niyang asarin ang binata. "Anong lamok? Wala naman ah. Kunwari ka pa. Siguro nahuhulog ka na sakin no?" "What?"ultimong salita ang naisagot niya at lumabas nang kuwarto dahil parang pinamulahan siya ng pisngi. Tumungo siya sa dalampasigan at nagmuni-muni. Kinastigo ang sarili. "Nakita niya kayang namula ang pisngi ko? Ano ba Amore, anyari sayo? Huwag kang tanga. Ikaw na ang maysabi na walang mahuhulog sa isa't-isa dahil pagpapanggap lang ang lahat!"pinagalitan niya sa huli ang kanyang sarili. Umiibig na ba ang manhid niyang puso?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD