PAGKARATING nina Liam at Ezekiel pati na ng mga kasamahan nila sa pinakamataas na palapag ng building ay siya namang pag-alis ng isang helipad sa rooftop ng lumang gusali. Napamura silang lahat. Hinanap nila kahit saang sulok si Amore maging si Dindo pero wala. Malakas ang kutob ni Liam na nakuha ng kapatid niya si Amore. Naiyak siya habang tinitingala ang papalayong helipad. Naikuyom niya ang mga palad sa sobrang galit. "Mahal, sinabi ko na kasi sayo eh, tuso siya at ngayon mas magiging tuso siya. Saan kita hahanapin kong totoong nakuha ka niya?" usal niya saka ikinuyom ulit ang mga palad niya. "Amore—" sigaw niya. Lumapit ang mga kasamahan nila sa kanilang kinaroroonan."Wala kaming nakitang ibang tao kahit saang sulok ng lumang gusali. Hinalughog na namin ang buong paligid." "U

