IMINULAT ni Amore ang kaniyang mga mata ng may maramdaman siyang kakaiba. Pakiramdam niya ay hindi lang siya ang taong nasa loob ng silid na kinalalagyan sa kaniya ni Regor. Sinubukan niyang kapain ang nasa likuran niya. Tao ang nakapa niya. Kinabahan siya bigla. Hindi siya maaaring magkamali si Liam ang nasa likuran niya at nakagapos rin kagaya niya. "Li…liam, Ikaw ba talaga 'yan?" tanong niya sa mahinang boses. Hindi sumasagot ang lalaki. Malamang wala pa rin itong malay. Sinubukan niyang makawala ang mga kamay niya mula sa pagkagapos pero masyadong mahigpit ang pagkatali ng lubid sa mga kamay niya. Napapamura siya sa sarili niya. Parang gusto niyang umiyak pero hindi maaari. Magmumukha siyang kaawa-awa sa mata ni Regor. Kahit anong mangyari ay magpakatatag siya para sa hinahangad

