NAKATULOG si Ezekiel sa gilid ng kama na hinihigaan ni Scarlett. Napagod siya sa kababantay sa dalaga. Binantayan niya ito buong magdamag. Unti-unting iminulat ni Scarlett ang mga mata niya. Ganitong scenario ang nabungaran niya ng minsan ng manganib ang buhay niya. Puro puti ang nakikita niya sa paligid. Hindi siya sumigaw dahil alam niyang safe naman siya. Kumilos siya pero masakit ang braso niya. Namamaga pa ito dahil katatapos pa lang itong maoperahan. Nagising sa pagkakatulog si Ezekiel "Don't move. Masakit pa ang braso mo!" saway nito sa kay Scarlett. "Nasaan ako?" mahinang tanong niya. "Nasa hideout ka particular sa room mo. Ginamot ka ni Dindo. Mabuti nga at nandito siya. Gutom ka na ba? Ikukuha kita ng makakain." Puno ng pagsusuyo ang boses nito. "Huwag na muna. Nasaan si

