MAY isang salu-salo na pupuntahan si Regor. Kaarawan kasi ng isa niyang ka-sosyo na si Konsehal Ismael Chavez. Kilala itong huwaran na Konsehal pero nasa loob ang kulo. Isa rin itong drug protector ng lugar. Sumakay na siya sa kanyang bagong kotse. Idinaspatsa na niya ang unang kotse. Well, madaling magpalit katulad ng mga babae niya. May bago na naman siyang babae. Sa club niya ito nakilala, sa mismong Halimuyak clubhouse. Minanmanan din nina Astra ang babae. At hanggang ngayon ay under surveillance din. Well, gold digger is everywhere when opportunity comes. Eh, wala naman siyang mapapala kay Regor. Kaunti na lang ang pera nito dahil nasa kay Amore ang mahigit kalahati nito. "Let's go." Utos niya sa mga tauhan niya. Tatlong sasakyan ang kasama niyang naging convoy niya. Walang bin

