KABANATA 60

1971 Words

KASALUKUYANG nasa dalampasigan si Tiyo Gusting. Kakapanaog lang niya sa bangka na galing sa pangingisda. "Amie!" tawag niya sa pamangkin. Nasa tubig ito. Nasa bewang na nito ang tubig. Hindi siya pinapakinggan ng babae. "Amie!" Medyo nilakasan niya ang pagtawag. Lumingon ito at ngumiti pero patuloy sa paglalakad patalikod hanggang nasa leeg na nito ang tubig. Tinakbo niya ang kinalalagyan nito pero nahuli na siya. Isang malakas na hampas ng alon ang tumangay rito. Napahagulgol siya ng makitang wala na ito. "Amiiieee!" Hapong-hapo na nagising si Tiyo Gusting. "Ang sama ng panaginip ko," wika niya habang sapo ang dibdib. Maliwanag na sa labas ng tingnan niya. Dali-dali siyang bumangon at tumungo sa kusina para magmumog. Nagsalang na rin siya mangkok para mag-init ng tubig. Naupo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD