IKATLO AT HULING session na ngayon ng pagsasanay nina Dindo. Magkasama muli sina Dindo at Astra. Magaling na ang babae dahil hindi naman malalim ang sugat niyang natamo kaya madaling naghilom ang daplis nito sa balikat.
Nasa gym na silang dalawa.
"What should we do first Astra?" tanong ni Dindo sa babae.
"Of course, we are going to perform warm-up exercises. It's the first most essential part in doing such physical activities, hindi ba? Sige na, humanda ka na," seryoso nitong sagot sa kanya.
Napangiwi naman si Dindo ng marinig ang sinabi ni Astra. Matalino nga siyang tao pero ngayon ay parang wala siya sa katinuan. Obvious naman na warm-up ang una nilang gagawin. Ito iyong pinaka-basic pero napaka-useful na part ng pag-iinsayo.
"First thing, we are going to do a jog. Magja-jogging tayo paikot doon sa may oval ng dalampung beses pagkatapos niyan ay mga curl-ups at boxing naman. Saka natin sisimulang sanayin ang mga basics and fundamentals of martial arts. Okay ka na ba?" seryoso nitong sabi.
Napalunok naman si Dindo ng marinig ulit ang sinabi ni Astra. Kinakabahan na naman siya.
Kahit mahirap ay kakayanin niya ito. Mas mabuti na 'to kaysa wala naman siyang gagawin sa hideout. Pampalipas oras lang naman ito kumbaga.
"Ready?" tanong nito habang kinikilatis ang kabuuan niyang awra.
"Kaya ko 'to, kaya ko!" usal niya sabay buga ng hangin.
Napangisi naman si Astra ng marinig na bumubulong-bulong siya.
"Talagang kakayanin mo 'to dahil kapag hindi tatawanan lang naman kita. Alam mo kapag hindi mo ito mapagtatagumpayan na pagsasanay ay ngangahulugan lang na bakla ka," pagbibiro ni Astra sa lalaki habang natatawa.
"Lalaki ako. May girlfriend din ako. Ipapakita ko sa'yo na kaya ko 'to!" nagmamalaking wika nito saka nauna nang lumabas at nagtungo sa field.
Malawak ang field na kinaroroonan ng oval. Kakayanin kaya niya na mag-ikot ng dalampung beses dito? Tingnan na lang natin, lalaki naman siya kaya gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para hindi mapahiya.
Nandodoon na silang dalawa starting line.
"Tatakbo na ba tayo?" Kaagad niyang tanong sa babae.
"Huwag muna, huwag atat. Iuunat muna natin ang ating mga binti at paa. Magwawarm-up tayo ng pinaka-light lang muna. Saka sunod iyong jogging medyo mabilis na ito eh, papalakasin nito ang endurance mo. Kapag maganda ang endurance mo ay maiiwasan mong mabilis mawalan ng hangin sa katawan. At dapat kapag tumatakbo ka, lumalanghap-buga ka ng hangin. Okay ba iyon?"
"Sige," Nag posisyon na siya para magwarm-up. Sinusunod lang niya ang mga ginagawa ni Astra.
"Okay, done! Sige na. Ready!" Sabi ni Astra na nagposisyon na sa starting line. "Pagsinabi kong go, takbo ka na rin ha. Katamtamang bilis lang. Para hindi ka kaagad mahihingal, okay ba?"
"Okay!"
Suminyas na si Astra. "GO!" sigaw nito kaya nagsimula na silang mag-jogging.
Magkasabay naman silang dalawa na mag-jogging noong una pero kalaunan ng mga panlabing-limang ikot na ay naiwan na si Dindo. Mahina pa ang kanyang cardiovascular endurance kaya kulang siya sa hangin.
Nauna nang matapos ni Astra ang pang dalampung ikot niya habang ang kay Dindo ay panlabing-walo pa lang.
Para sabay silang pumasok ay sinamahan na lang ulit ni Astra si Dindo na mag-jogging hanggang matapos nito ang dalampung ikot.
Masyado itong hiningal. Napapatalon-talon siya para makalanghap ng hangin.
"Inhale ... Exhale... lang Dindo. Huwag kang tumigil sa paghinga at pagbuga ng hangin baka mahilo ka," suhestiyon nito sa lalaki.
"Ayos ka lang ba?"Nag-aalalang tanong nito kay Dindo ng makitang subra itong namula.
"Yes, I'm fine. Alam ko namang gawin iyon. I'm a doctor kaya don't bother to advise me about that!" sarkastikong sagot niya kay Astra.
"Ow? Sinasabihan lang kita. I know na doctor ka pero alam mo ang tao minsan ay nakakalimutan ang mga dapat gawin kapag napa-praning na. Tss. Diyan ka na nga. Mauuna na ako sa loob. Doon na kita hihintayin."
"Nakakainis ka Astra, bakit mo na lang ako palagi pinapahirapan at pinag-iinitan ng ulo? Humanda ka sakin mamaya," wika niya saka nag-killer smile.
Pagpasok niya sa loob ng gym ay nakita niya si Astra na nagbo-boxing. Malakas itong sumuntok sa punching bag dahil parang umaaso ang mga alikabok sa tuwing tumatama ang mga pinapakawalan nitong suntok.
"I think your fine now! Hurry up and get your gloves. Let's make it hurry. Di ba gusto mong matuto ngayong araw ng martial arts? Huwag mo namang sabihin na gaya rin tayo ng dati na hanggang warm-up at boxing lang?"
"Okay. Heto na. Isusuot ko na Boss," pang-aasar niya.
"Okay. Don't call me Boss, nakakairita pakinggan."
"Nakaka-irita ba talaga? Eh, sa palagay mo sa tuwing pinapahirapan mo ako, hindi rin ganu'n ang nararamdaman ko?"
"What do you mean? Pinapahirapan ba talaga kita? No way!"
"No way mo mukha mo! Para sa kaalaman mo ngayon lang naman magtatapos ang pagsasanay na ito. Wether it will be successful or not basta na gawa ko na ang part ko."
"Really?"
"Yes. Mabuti nga na matatapos na 'to para makapag-focus na ako sa mga mission ko. Sige na. Isuot mo na ang mga gloves mo. Bilis baka iiwan kita rito, iyan ba ang gusto mo?" sarkastikong sabi ni Astra sa lalaki.
Sinuot naman ni Dindo ang kanyang gloves, pumwesto siya sa harap ng punching bag na nasa kabila ni Astra at pumakawala na rin ng malalakas na suntok dahil naiinis siya sa babae. Hindi nga niya alam kung bakit pero iyon ang nararamdaman niya para dito.
"Good. Dapat ganyan ka lakas. Good job at parang gumagaling kana. Keep it up. After this we will going to proceed on practicing the basics and fundamentals of martial arts," puri ni Astra.
Mas nadagdagan pa ang inis niya ng makitang ngumiti ang babae.
"What's wrong with me?" usal ni Dindo saka pumakawala ng isang malakas na suntok.
"Okay. It's enough! Magpahinga muna tayo ng five minutes," sigaw ni Astra sa kanya habang siya ay panay lang suntok sa punching bag.
Nauna nang lumabas si Astra. Tumungo ito sa may kotse at kumuha ng dalawang bottled water.
Bumalik siya sa loob ng hindi lumabas si Dindo.
Nandodoon pa rin ito sa ring at nagbo-boxing.
Pinawisan na ito ng husto at kahit pawisan ay makikita pa rin ang guwapo nitong pigura.
He's looks very manly. Nakatitig lang si Astra sa lalaki saka nagkibit-balikat, umupo sa may upuan sa gilid ng ring.
"t's enough Dindo. Uminom ka muna ng tubig. Bibigyan kita ng 15 minutes break. Minsan ko lang ito gagawin para sa isang sinasanay ko. Dati nga walang pahinga ang mga dati kong trainees."
"I don't want to take a break. Ubusin mo na ang tubig na iniinom mo, I want to start our final practice," seryosong sagot nito kay Astra.
Astra's mouth twitch. Hindi siya makapaniwala na ngayon pursigido na talaga ang lalaki para makapagsanay na ng martial arts.
Inubos na nga ni Astra ang iniinom niyang tubig saka sumensyas sa lalaki na sumunod ito sa kanya. Doon sila sa kabilang area magpa-practice.
Sumunod naman si Dindo sa babae. Nagpunas lang ito ng pawis pero hindi na uminom ng tubig na binigay ni Astra sa kanya kanina.
Nakarating sa sila kabila.
Nakangisi na naman si Astra habang nakatayo sa unahan ni Dindo.
"Let's do it. Be ready," sabi nito sa lalaki.
"I'm ready," seryoso nitong sagot sa babae.
Nagkakatitigan silang dalawa habang sinusuyod ang magiging unang galaw ng bawat isa.
"Good! Just position your self and follow what I do. Dapat na ma-memorize mo ito. Ang bawat galaw ko ay dapat na tandaan at pag-aralan mo. Mamaya titingnan ko kung may alam ka na sa mga basics steps."
"Sure!"
Nagsimula na si Astra na i-demo kay Dindo ang mga basic steps and fundamentals of martial arts.
Mabilis naman itong natandaan ni Dindo dahil naka-focus masyado ang utak niya sa itinuturo ni Astra sa kanya.
"Congrats. May improvement ka na. Next, you need to know the disarming techniques. Dapat na malaman mo 'to para malabanan mo ang sinumang kaaway. It's the best way to escape from your enemies."
"Okay. I'm ready."
"Una, susugurin kita at papakawalan ng mga suntok at sipa. Dapat na magawan mo ng paraan na maiwasan at malabanan ang mga iyon, ready?"
"Yes, I'm ready!"
Agad na pumakawala ng sunod-sunod na suntok at sipa si Astra. Magaling at nailagan ito ni Dindo at nalabanan niya si Astra.
"Good! Medyo magaling ka na. Next is, paano kung paano ka makakawala sa kaaway kong sinasakal ka niya."
"Okay!"
"Dito ako sa likod mo Dindo at sasakalin kita. Find a solution on how to fight me. Dapat na magawan mo ng solusyon na mapaalis ako sa pagkakasakal ko sa'yo. Gamitin mo iyong nalalaman mo kanina," wika ni Astra na nasa likuran niya.
"But how? Turuan mo muna ako. Sige na!"
"Okay, ganito ang gagawin mo, ako muna ang magde-demo. Tumayo ka rito sa likod ko at ikaw iyong kaaway ko. Sinasakal mo ako at may hawak ka na kutsilyo o baril kaya ganito ang dapat na gawin," wika niya saka puwesto na.
"Okay."
"Una, hahawakan ko ang iyong kamay ng mahigpit. Pangalawa ay sisikuhin kita para mapaatras ka. Huli, ay sisipain kita at susuntukin para mabitawan mo ang hawak na baril o di kaya'y pwede kitang buhatin at ibagsak sa sahig. Depende na rin sa'yo kung ano ang gagawin mo sa susunod para hindi kita maitumba sa sahig."
Napangisi naman si Dindo sa huling sinabi ng babae, tila may ibang plano itong binabalak.
"Are you ready?"
"Yes!"
Puwesto na si Astra sa harapan ni Dindo. Sinakal kaagad siya ng lalaki at naglaban silang dalawa. Hindi iyon ganuon ka lakas dahil demonstration pa lamang. Natapos ang demonstration kaya magsisimula na sila sa practice proper.
"Okay, do your best Dindo. Talunin mo ako!" wika nito habang hinahamon ang lalaki.
"Talaga lang ha. Watch and learn baby," sagot ni Dindo saka tumawa.
"Anong tinatawa-tawa mo riyan?" tanong niya saka hinigpitan ang pagsakal kay Dindo.
Pinipilit naman ni Dindo na hawakan ang kamay niyang nakapulupot sa leeg niya saka sunod ay naisipan niyang sikuhin niya sa tagiliran si Astra pero hindi niya nagawa.
"Oh, come on Dindo, bilis gumawa ka na nang paraan, bilis!" panunuya ni Astra habang pangiti-ngiti.
"Everything, pu-wede ko bang gawin?" tanong nito na nauutal dahil mahigpit siyang hinawakan ni Astra sa leeg.
"Yes, sure. Depend your self man. Ito naman hindi ba ang purpose kung bakit ka nagsasanay nito ay para maipaglaban mo ang sarili mo laban sa mga kaaway kaya gawin mo ang naisipan mong gawin. Just to protect your self," sagot nito sa kanya.
Agad namang nag-isip ng gagawin si Dindo dahil parang mauubusan na siya ng hangin.
Sinipa niya kaagad ang paa ni Astra saka pinagsusuntok at sinipa ang babae.
Magaling si Astra kaya nailagan niya lahat iyon.
Inataki ulit siya nito at na-corner na nga siya ni Dindo at pinilit niyang makawala rito kaya hindi inaasahan na matumba sila pareho. Nadaganan ni Dindo si Astra.
Napalunok ng laway niya si Astra ng magtama ang mga mata nilang dalawa.
Napangisi lang si Dindo na tila ba sinadya para matalo ang babae. Ito na siguro ang pinaplano niya kanina pa.
Tinitigan din niya at nginitian ang babae kaya hindi nito nakayang itulak siya. Mabigat siya.
"Dindo, tumayo ka nga ang bigat mo. Sige na please," sabi nito na may tunong pagmamakaawa. Weakness niya iyon kung alam lang ni Dindo.
"Eh, kung ayaw ko? Anong gagawin mo?" sagot nito sa kanya habang nakangisi. Gusto talaga niyang asarin si Astra. Nasasayahan siya sa tuwing ginagawa niya ito.
"Eh, ano nga ba ang gagawin ko?" sagot din nito saka napangiti ng may pinaplano din.
"Okay. Just do what you think is best, Astra ," nakangising sagot nito sa babae.
"Are you sure na gagawin ko 'to? Okay lang sa'yo? Baka pagsisisihan mo?" mataray na sabi ni Astra habang nakataas pa ang isang kilay.
* Ano ba kasi ang pumasok sa utak nitong si Dindo, bakit ayaw niya pang umalis sa ibabaw ko? Arggh. Pagsisisihan niya talaga itong gagawin ko. Jusko, first time ko 'tong gagwin sana uubra, bahala na.* Pumikit siya.
"Oh, ano na? Wala naman pala eh, kaya talo ka na. So, I win kaya pwede na akong umuwi ng bahay anytime na gusto ko o pwede pagkatapos dito ay—" naputol na ang sasabihin niya ng halikan siya ni Astra. Madiin iyon, malambot ang mga labi nitong dumampi sa kanya mga labi. She's a good kisser, hindi siya makapaniwala.
Sa halik na iyon ay nawalan siya ng focus kaya mabilis siyang itinulak ni Astra. Nakaalis ang babae at napangisi na tumayo.
"Just forget about that damned kiss, part lang iyan ng self defense. So, practice is done. Congratulations at napagtagumpayan mo na. Let's go back sa hideout at maghintay muna ng utos mula kay Jasmine kung talagang papayagan ka nang makauwi sa inyo."
Hindi pa rin makapaniwala si Dindo sa ginawa ni Astra kanina. Kung bakit siya nito hinalikan.
"I like her kiss. Oh, no! No! Stop! It's just a part of our practice kaya walang meaning iyon," usal niya saka sumunod na kay Astra palabas ng gym.
Agad na silang sumakay sa kotse at agad naman itong pinaandar ni Astra.
Nakangisi lang ito sa kanya at nang sulyapan niya sa side mirror ay nakita niya ulit ang labi na kulay rosas ni Astra at talagang napapalunok siya.
"Hey, why are you staring my reflection on the side mirror, ha?" tanong ni Astra ng makita siya nito. Kanina pa pala ito nakatitig sa kanya mula sa side mirror ng kotse.
"Nothing. Sige na. Bilisan mo na para mabilis tayong makarating sa hideout. I need to packed up my stuff there," sagot niya saka sa labas na tumingin. Baliw na siya kung isipin pa rin niya ang nangyari kanina.
"Sure! Pero tatawagan ko muna si Jasmine, just wait for her go signal," sagot nito sa kanya saka tinawagan ang babae.
Sumagot sa tawag si Scarlett at nagtanong kaagad ni Astra na kung pwede na nilang pauwiin si Dindo.
"Bakit? Magaling na ba siyang makipaglaban?" tanong nito sa kay Astra.
"Oo, magaling naman. Muntik na nga akong matalo eh."
"Anong muntik na matalo, natalo na nga eh," sabat ni Dindo.
"Please, be quiet! Hindi ikaw ang tinatanong ni Jasmine. Kaya shut up!"
"Hoy, bakit kayo nag-aaway ni Doc. Dindo? Ha?"
"Wala, iyon. Oh, ano pwede na ba siyang umuwi?"
"Uhmm. Sa'yo ko na lang ibibigay ang pagpapasya. Total ikaw naman ang nandiyan at nakikita ang performance niya kaya ikaw na ang mag-decide."
"Okay. Sige, bye!"
" Mag-iingat kayong lahat. Bye!"
"Yes! So pwede na akong umuwi mamaya?" masayang tanong ni Dindo kay Astra. This is it, Malaya na siya ulit gawin ang mga gusto niya at namimis na niya ang trabaho sa hospital.
"Sige, umuwi ka na. Mas mabuti pa nga dahil wala na si Doc. antipatiko!"
"Are you sure? " Tinawanan siya ni Dindo. "Baka ma miss mo lang ako kapag wala na ako sa hideout niyo?" pabirong wika ni Dindo. Napailing na lang si Astra at biglang binilisan ang pagmaneho ng kotse.
"Tse. Sinong baliw ang makaka-miss sa'yo? Asa ka pa!" ganti rin Astra sa sinabi niya.
Hindi na sila ulit nagkaimikan hanggang sa makarating sila sa hideout.
Nauna nang pumasok sa loob si Dindo. Excited na ito na mag-impake ng mga gamit niya.
"This is it, uuwi na ako sa bahay," masayang wika niya saka pumasok ng kanyang kuwarto at nagligpit na nang mga gamit niya.
Samantalang si Astra naman ay tinungo ang mga kuwarto ng mga kasamahan niyang mga nasugatan para kamustahin ang mga kalagayan ng mga ito.
May mga hindi pa masyadong magaling sa mga nasugatan kaya kakailanganin pa nila ang tulong ni Dindo for almost one week pa kaya hindi pa ito pwedeng umalis ngayon.
"What should I do? Paano ko sasabihin kay Dindo na huwag munang umalis? I know na kapag sasabihin ko iyon pagtatawanan niya ako at sasabihing pinipigilan ko siya. Hay naku, nakakainis!" usal ni Astra habang napapakamot sa ulo niya.
"What's wrong with you? Bakit parang hindi maipinta ang mukha mo? Ayaw mo 'kong umalis no?" wika ni Dindo na bigla na lang sumulpot sa tabi niya.
"What? The hell, no! Ang assuming naman nito, kala niya guwapo na talaga siya para pigilan. Tse!"
"Ow? Really? Just kidding! Siguro hindi pa ako pwedeng umalis dahil hindi pa sila lahat okay eh, kaya papagalingin ko muna sila bago ako umalis. Ayaw kong makonsensya kapag may masamang mangyari sa kanila, hindi ba?"
"Okay! Mabuti naman kung ganun! Diyan ka na nga, ayaw kong makaharap ang isang doctor na antipako akala niya kase ang galing-galing na niya dahil naturuan na, hay naku. Makaalis na nga!" wika nito sa tumalikod na agad.
Napahawak naman sa ilong niya si Dindo. Nagagalit na naman siya sa sinabi ng babae.
"Why I am acting like this? God, nasisiraan na ba ako ng bait? Oh no! " wika ni Dindo saka napailing na lang.
Ano na Dindo? Anong nangyayari sa'yo?