KABANATA 30

3896 Words
NAKAPAGPASYA na si Amore na mamayang gabi ay aalis na siya ng isla. Three months of hiding from Regor was finally over. Wala na siyang maisip na ibang paraan kaya siya na mismo ang gagawa ng plano niyang paghihigante sa lalaki na sa palagay niya ay may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang ama. Ngayong umaga ay tutungo siya sa bayan. Gusto muna niyang ipaalam kay Scarlett ang magiging desisyon niya. Papayag man ang kaibigan o hindi. Nagbihis siya at nag-ayos para umalis upang kitain si Scarlett sa bayan. Nakita naman siya ni Liam at nilapitan siya nito. "Am, biglaan naman yata ang pag-alis mo, sa bayan ka ba pupunta?", tanong nito sa kanya ng lalaki. "Oo, kikitain ko lang si Scarlett gusto ko siyang puntahan sa bahay nila. Bakit?" "Wala naman, sige umalis ka na para maaga pa. May ipapabili sana ako sayo pwede lang ba?" "Sure, pwede. Ano iyon?" "Here, inilista ko nalang", wika nito saka iniabot ang isang maliit na piraso ng papel. "Okay! Grabi talagang isinulat mo pa sa papel pwede mo namang sabihin agad," nakangising wika ni Amore. "Nahihiya ako eh, kaya ko isinulat ko na lang sa papel" seryosong sagot naman nito sa babae. "Sos, parang ewan to! Ito lang ba ang bibilhin ko?" tanong nito sa lalaki saka binasa ang naisulat ng lalaki sa papel. " Brief, sando, shades, shaver and boxer. Ito lang ba ang ipapabili mo?" bahagyang napangisi si Amore kaya tinakpan niya ang kanyang bibig ng isang kamay. "Am, naman. Bakit mo pa kasi binasa ang mga ipapabili ko, baka may makarinig nakakahiya" "Bakit ka naman mahihiya? Sige na nga, bibilhan kita ulit ng mga bagong damit. Ang mga bago mong damit kasi iyon lang ang niregalo ko noong birthday mo. Sige, alis na ako. Ikaw na ang bahala dito sa bahay at sa karenderya ha. Bye" "Sige, bye. Ingat ka!" Ngumiti lang si Amore at saka kumaway habang paalis na papalayo. Napangiti na lang si Liam, hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Amore. Sa kabilang dako, nakarating na si Amore sa bayan. Binigyan siya ni Scarlett ng address nito kaya mabilis lang niya nahanap ang bahay nila. Nasa harapan na siya ng bahay nina Scarlett. Kumatok muna siya at mabilis naman siyang pinagbuksan ng isang mag edad na babae. Tiyak na ito na ang ina ni Scarlett na minsan na niya kinuwento sa kanya. "Magandang araw po tita," nakangiting bati niya sa babae. "Magandang araw din sa iyo magandang binibini", nakangiting tugon din nito sa kanya. "Nandito ho ba si Scarlett?" agad niyang tanong. Hinahanap na niya agad ang kaibigan niya. "Bakit anong kailangan mo sa kanya?" "Dadalawin ko lang po siya sana dito dahil kaibigan niya po ako. Nandito ho ba siya?" "Ah, siguro ikaw iyong naikuwento niya sakin. Sige, halika pasok ka. Tatawagin ko lang muna siya. Ayon kase panay ang kakatulog niya. Bumabawi siguro iyon" Pinapasok na ng nanay ni Scarlett si Amore at saka pinaupo sa may sala. Tinawag na nito ang babae na panay tulog lang daw ang ginagawa. Siguro bumabawi ito ng lakas. Hindi naman talaga siya nakakapagpahinga ng maayos kapag nasa Maynila at trabaho ang inaatupag niya. Kumatok ang nanay niya sa may pinto at tinawag nito si Scarlett. Bumukas ang pinto at lumabas si Scarlett na naghihikab pa at napapatakip ng kamay sa bibig niya sa tuwing naghihikab ulit. "Nay, naman bakit mo ako ginising ang sarap pa po ng tulog ko!" ingos ni Scarlett na parang bata. "Hoy, umayos ka nga. May naghahanap sayo," pagkasabi niyon ng nanay niya ay agad siyang kinabahan. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Sino ba kasi ang maghahanap sa kanya dito? Napangisi naman si Amore ng makita ang reaksyon ng kaibigan niya. "Hey, ako lang 'to ang bisita mo, huwag kang mag-aalala," sabat ni Amore. Napatingin naman si Scarlett sa dako niya at napahawak naman bigla sa ulo niya. Hindi siya makapaniwala na ang bisita niya ay si Amore. Buti na lang at ang kaibigan niya dahil kung nagkataon na kaaway iyon paano niya ililigtas ang ina niya at mabubuking siya nito. Nagtaka naman ang nanay niya sa inasal niya kanina. Wala kasi itong kaalam-alam sa totoong trabaho ni Scarlett. "Nay, iwanan mo muna kami, paki kuha po muna si Amore ng maiinom." "Sige, mag-usap lang kayo diyan." Agad namang patakbo sa kinauupan ni Amore si Scarlett at walang prenong hiyakap at pinupog ng mga halik si Amore. "Ano ba Scarlett, itigil mo na ang ginagawa mo, nakikiliti na'ko oh, sige ka pag ako nakaganti magsisi ka!" Natawa siya. "Sorry na-miss lang kasi kita ng subra. Alam mo naman noong nakaraang pagkikita natin ay kulang tayo sa oras kaya ngayon ko na nandito ka ay itutudo ko na ang pagkasabik kong makayakap ka ulit.." Nagkayakapan sila ng mahigit limang minuto. "Ahem!" tikman ng ina ni Scarlett. "Salamat nay, ilagay niyo na lang iyang inumin sa mesa." "Sige, iiwan ko na muli kayo dito, magkuwentuhan lang kayo dito. Maghahanda lang ako ng tanghalian. Hija, dito ka na rin kumain ha" "Sige po, salamat," nakangiting sagot ni Amore. Umalis naman agad ang nanay ni Scarlett at pumuntang kusina. "Hmm. Bakit ka nga pala pumunta dito sa bahay ha? I think may binabalak ka na naman kaya gusto mo akong kausapin tungkol diyan ano?" nakataas ang kilay ni Scarlett habng nagtatanong kay Amore. "Yes, exactly! I need your opinion about this." "Ganun ba? So, huwag muna ituloy ang plano mo!" pakli nito agad. "Aba? Huwag agad? Okay, ay ano na muna ang mga balita tungkol kina Regor?" "Hmm. His not in the Philippines, his hiding in States. Iyan ang sabi nina Astra sakin, bakit mo naitanong? Hmm. So, you mean you want to go back in Manila this evening?", Agad nitong sagot ng mahinuha agad ang plano ng kaibigan. "Yes, kaya nga ako nandito eh, para ipaalam sayo. Hindi naman kita isasama pabalik ng Maynila. Dito ka muna at alagaan mo muna ang nanay mo" "Huwag na. Sila na muna ang bahala doon, kaya na nila iyon, at isa pa may tiwala ako kina Astra. Siya nga pala marami-rami na din silang mga galamay ni Regor na nasumpo kaya huwag ka na umalis," pigil na pahayag ni Scarlett sa kanya. "Ito nga ang mabuting pagkakataon na kumilos ako dahil wala siya. I need to think the best plan. Hindi ko pa naman siya agad papatayin eh, kukuhanan ko lang muna siya ng mga mahahalagang bagay na unti-unti niyang ikakabagsak," wika ni Amore saka nag-killer smile. "Naku, sige. I know you already. Kahit pa sasabihin ko sayo na huwag kang umalis ay aalis ka pa rin naman. Sige, papayag na ako. Pero mag-ingat ka dun ha. Bumalik ka sa hideout at humingi ng tulong kina Astra pagkarating mo ng Maynila. Ligtas ka doon at huwag ka nang bumalik sa bahay mo. Okay? Ipapaalam ko rin ito kina Astra na babalik ka na." "No need, I want to surprise them. Kaya huwag mo nang ipaalam sa kanila na babalik na ako. Hmm", saway niya kay Scarlett. "Okay, so pagkatapos mong mananghalian dito saan ka agad pupunta?" "Hmm. Sa mga department store at sa supermarket may bibilhin ako para kina Liam at tiyo. Aalis ako mamaya kaya dapat ko silang bilhan ng mga gamit" "Speaking of Liam, siya ba iyong lalaking tinulungan mo?" nakangiting wika ni Scarlett. "Oy, crush mo iyon noh?", sunod nitong sabi. Tinutukso niya si Amore. "Hi- Hindi ah, ako? No, never!" tanggi niya. "Weeh? Never daw. Crush mo iyon, or siguro lumevel up ang feelings mo. Hindi lang crush kundi mahal mo na siya, di ba?" sunod pa nitong wika na hindi inaasahan na marinig ni Amore. Natigilan naman si Amore sa sinabi ni Scarlett. Napangisi at napaisip na talaga si Scarlett dahil nakita niya itong pinamulahan ng pisngi. "Aminin mo na kasi, mahal mo na iyon no? Hehehe. Wow, kinikilig ako sa inyo ah, hmmm. Sana nga ganun din siya sayo Am, ayie!" ulit nitong panunukso sa babae. "Tama na iyang ginagawa ninyo. Ang ingay mo Scarlett, ano ba ang pinagsasabi mo sa kaibigan mo? Kakabisita lang sayo eh, anong daldal mo na. Sige na, halina kayong dalawa at kakain na tayo," singit ng ina ni Scarlett. Tapos na pala itong magluto ng pananghalian. "Opo nay, sige susunod na kami sayo," tugon ni Scarlett sa kanyang ina. Pagkatapos ay hinarap naman ni Scarlett si Amore at sinabihan. "Pasalamat ka at dumating si Nanay, lagot ka na sana sakin Amore, by the way sasamahan kita mamalengke mamaya, okay lang ba?" "Okay, sige na. Tara na kumain na tayo, bawal pinaghihintay ang grasya", sabi ni Amore saka tinungo ang kusina nina Scarlett at aba parang alam na alam niya iyon ah. Buong lugod din siyang pinagsilbihan ng nanay ni Scarlett. Nag-iisang anak lang din niya ang babae at nang dumalaw si Amore ay parang nagkaroon ulit siya ng bagong anak. "Kumain ka pa hija, marami akong niluto. Huwag kang mahihiya ha. Alam mo laking tuwa ko talaga na unuwi muna dito sa bahay si Scarlett. Subrang na miss ko kasi talaga eh," pahayag ng ina ni Scarlett. Ngumiti naman siya sa pabalik sa matanda. Naalala niya tuloy ang ina niya. Sana kung hindi ito namatay agad sa sakit eh hanggang ngayon kasama pa rin niya ito. "Salamat po auntie, opo hindi po ako mahihiya sa inyo. Ituturing ko pong pangalawang bahay itong bahay ninyo," nakangiting sagot niya sa ina ni Scarlett. "Tama, sana nga palagi kang nandito. Sa susunod na taon baka palagi na ka na dito kapag makauwi na rin ako ulit. Di ba nay, ang saya pala kapag may ibang tao dito sa bahay. May makakausap ka kasi pag nandito ako panay tulog lang ang inaatupag ko. Sorry nanay." "Asus, huwag mong sabihin iyan. Okay lang na tulog ang inaatupag mo kaysa gumawa ka nang masama sa kapwa mo" Napaubo naman si Scarlett sa sinabi ng kanyang ina. Medyo na guilty kase siya eh, parang ganun na nga ang ginagawa niya at maging ang trabaho niya sa Maynila. "Anong nangyari sayo Scarlett? Heto, tubig. Ikaw talaga hindi nag-iingat kung kumakain kase naman puro dada eh" "Si nanay naman, sorry na po" Tumawa lang si Amore dahil alam niya ang dahilan kung bakit naubo si Scarlett. Agad na niyang tinapos ang pagkain dahil kailangan na niyang umalis. Mamimili pa siya ng mga gamit at mga pagkain na iiwan niya sa yate niya. Napansin siya ng nanay ni Scarlett kaya tinanong siya nito. "Busog ka na ba? Marami pa ang mga pagkain hija" "Busog na po ako auntie at saka may mahalaga pa po akong pupuntahan mamayang gabi. At nitong hapun ay kailangan ko munang mamili ng mga gamit at pagkain na dadalhin ko sa pupuntahan ko. Sige po, maraming salamat ulit, sa susunod po babalik ako at mananghalian ulit dito", wika ni Amore saka tumayo na sa kinauupan niya. "Ah, sige. Mag-ingat ka sa pupuntahan mo. Bumalik ka lang dito kapag hindi ka na busy at laging bukas ang aming pintuan para sayo" "Nay, sasamahan ko na muna siya pumunta sa supermarket nay, may bibilhin din naman ako", sabat ni Scarlett na tumindig na din. "Sige. Ikaw na lang ang bahala sa kaibigan mo Scarlett. Magliligpit pa ako ng mga pinagkainan. Sige na umalis na kayo agad para makapamili na siya" "Sige nay, magbibihis lang muna ako", sagot nito saka hinatak na si Amore palabas ng kusina. Nagpalit muna ito ng damit at nagsuot ng jacket na may hood. "I'm ready, let's go Am", wika nito ng lumabas ng kuwarto. "Okay let's go. Kailangan na hindi ako mahuhuli sa pag-alis. Mga alas otso ako aalis ng bahay mamaya." Saka pumanaog na sila sa bahay. "Talaga. Pero sino ang maghahatid sayo sa may pier?" "Siguro papaki-usapan ko si Liam na ihatid ako. Sana nga pumayag na ihatid ako at hindi ako mahuhuli ng tiyo ko dahil kung nagkataon ay papagalitan ako noon na aalis ako na walang pasabi sa kanya." "Ah. Sana makaalis ka ng matiwasay mamaya. Nanghintay na sila ng tricycle sa labas ng bahay nila. Malapit lang kasi sa kalsada ang bahay nina Scarlett. Pumara na nang tricycle si Scarlett ng makita na may paparating at agad silang nagpahatid sa may department store. Namili si Amore ng mga personal belongings niya at sunod ipinabili ni Liam sa kanya. Natawa ulit siya sa inilista nito. Paano ba kasi niya ito bibilhin na hindi siya mahihiya na magbayad sa counter? "OMG, ha ha ha. Ano kaya ang best way na gagawin ko mamaya, hmmm?", Usal niya na napansin naman siya ni Scarlett dahil na kita siya nito na tumungo sa mens wear. Sinundan siya nito na hindi niya namamalayan. Sinilip siya nito kung anong pinipili niya. Napangisi ito ng makitang kumuha si Amore ng isang kahon ng underwear, sunod 1 shades, 1shaver, 5 boxers at mga polo at pantalon. "Hmm. Para kanino iyan? Huwag mong sabihin na para kay Liam, ayiee. Para ka niyang asawa Amore. Ang sweet naman", wika ni Scarlett mula sa kanyang likuran. Nagulat siya at muntik na mabitawan ang mga pinamili. "Ah, eh. Oo, pero ipinabili lang niya sakin kaya huwag kang ano diyan," pagdadahilan niya na ayaw naman paniwalaan ng babae. "Weeeh? Eh, sa tiyo mo wala kang bibilhin? Bilhan mo na rin ng mga bagong gamit para fair. Hindi iyong may priority ka, ayiee. Sige na huwag Kang mag-alala tutulungan kita sa pamimili. Expert ako diyan." "Sure, thanks!" Mabuti na lang at huminto na si Scarlett sa panunukso sa kanya. Tinulungan nga siya nito na makakapamili at nagbayad sa counter. Napangisi pa ang cashier na nakatingin sa kanya. Eh, ano? Hindi ba pwedeng bumili ng mga gamit ng lalaki kung babae ka? So, anong paki nila at least binabayaran mo kaysa ninakaw mo iyan di ba? Engot lang iyang mga natatawa at nadidire. "Thank you miss, come again," sabi ng cashier saka iniabot ang lahat ng mga pinamili niya. Pagkatapos nilang mamimili ay tumungo na sila sa may supermarket at bumili ng mga gulay, prutas at karne. Sunod nilang ginawa ay nagpahatid na sa may tricycle papunta sa may pier. Sinamahan na muna ni Scarlett si Amore para matulungan niya itong bitbitin ang mga pinamili nito at malaman kung saan ito bumababa at sumasakay sa bangka papunta kabilang pampang patungo sa isla nila. "Wow, ito na iyong yate mo? Maganda pa rin pala. Minsan ko lang ito nakita dati. Sige, tutulungan muna kitang ilagay sa loob ang mga pinamili mong pagkain na dadalhin mo mamaya. I think hindi na iyan kulang siguro subra pa nga." "Salamat ha. Pagkatapos nito pwede ka na ring umuwi ha. Mag-ingat ka sa pag-uwi. Diretso na kasi akong babalik ng isla kaya hindi na kita maihatid pabalik sa inyo " "Sos, nakalimutan mo na siguro na magaling ako kaya sila ang dapat na mag-ingat sa akin," pagmamalaking Sabi ni Scarlett. Natawa naman si Amore sa sinabi niya. Natapos na nila ilagay sa loob ng yate ang mga dadalhin ni Amore mamaya kaya lumabas na sila. "Siya-siya. Pwede mo na akong iwanan dito Scarlett at maari ka nang umalis para bumalik sa bahay ninyo. Siguro nag-aalala na si nanay mo" "Okay. Mag-ingat ka mamaya ha. Don't worry next month babalik na din ako sa Maynila. Huwag ka rin mag-alala at may prosthetic ako at fake passport kaya huwag ka nang mangamba para sakin, safe ako. Sige, mauuna na ako. Don't forget to call me when already you get there in Manila. Bye, mag-iingat ka," sabi sa kanya ni Scarlett. Kumaway lang siya dito at saka tumalikod n agad. Nagpatulong siyang buhatin ang mga pinamili niya at isinakay sa bangka. "This is it, kunting oras na lang at makakaalis na ako dito sa isla. Sana mapatawad ako ni Tiyo Gusting kapag umalis akong walang paalam mamaya",usal niya habang paalis ang bangka na sinakyan niya. Nakarating na siya sa may pampang ng isla. Walang may nagpapasada ng motor kaya nag-antay na lang siya na baka sunduin siya ni Liam. Hindi nga siya nagkakamali. Natatanaw na niya ang bulto ni Liam na papalapit sa kinauupan niya. "Aba, ang dami mo namang pinamili. Wala pala ang mga driver dito ng mga motor kaya tayo na ang magbubuhat ng mga ito. At don't worry may mga back up ako," agad nitong wika ng makarating sa harapan niya. Agad namang nagsipaglapit ang mga bata at tumulong. Mabuti na lang at maraming mga kabataan ang napapalapit kay Liam kaya anytime na hihingi ito ng tulong ay talagang sasaklolo ang mga ito. "Thank you," sabi niya sa mga bata. "Bakit ba ang dami na naman ng mga pinamili mo. Parang pinakyaw mo na yata lahat ang mga paninda sa bayan Am, hay naku. Wala pang tricycle driver dito dahil pumunta sila bayan. Tatatlo na nga lang ang mga may tricycle dito, naku napakahirap talaga ng buhay dito kapag hindi ka madiskarte." Natawa siya. "Eh, wala lang. Binili ko lang naman ang mga ipinabili mo. Sige na alis na tayo. Ang mga Bata siguro nakarating na sa bahay eh tayi hindi pa nakakaalis dito sa tinatayuan natin oh." "Oo nga. I'm so sorry. Gutom ka ba?" "Hindi, nakapagpananghalian ako kanina kina Scarlett kaya busog ako." Mabilis naman silang maglakad Kaya mabilis din silang nakarating sa bahay nila. Pinakain ni Amore ang mga bata at binigyan ng mga prutas kaya tuwang-tuwa ang mga iyon. Binigyan din sila ni Amore ng tig-20 pesos bawat isa kaya nagsipagpasalamat na ang mga ito at nagpaalam nang umalis. "Liam, nasa blue na paper bag ang mga ipinabili mo sakin at sa brown na man ang kay tiyo. At itong nasa pink ay para kay Lita. Nasaan ba silang dalawa ha?" "Si tiyo ayon sa bahay ng kaibigan niya. Naimbitahan kaninang tanghali na mag-inuman daw dahil birthday ng inaanak niya. Si Lita naman ay hindi pumarito dahil may inasikaso sa mga requirements niya para sa pasukan." "Eh, so ikaw lang ang nag-iisang umasikaso sa karenderya ngayon? I'm so sorry na umalis ako. Sige na kunin mo na at tingnan ang mga pinamili ko para sayo. Sa kuwarto lang ako", Sabi nito saka pumasok ng kuwarto. Inayos niya ang bag na pglalagyan niya ng kanyang baril at palaso na dadalhin mamaya. Samantalang si Liam naman ay pinagtitignan ang mga pinamili ni Amore para sa kanya. Okay, lahat ng mga ito ay nagustuhan niya. Kinatok niya ang pinto ng kuwarto nila dahil gusto niyang magpasalamat sa babae. Binuksan naman agad ni Amore ang pintu at pinapasok siya nito. "Am, salamat sa mga binili mo. Binilhan mo pa talaga ako ng mga bagong damit at pantalon. Thank you so much", pasasalamat nito sa kanya. " Oh, Tika lang bakit nandiyan ang bag mo? Huwag mong sabihin na aalis ka na mamaya?" gulat na nagtanong ito sa kanya. Ayaw naman niyang magsinungaling pa. Kaya sinagot na niya ito ng totoo. "Yes, aalis ako mamayang alas otso ng gabi. At may ipapakiusap sana ako sayo Liam." "Ano iyon Am?" "Huwag mo sanang ipaalam ito kay tiyo Gusting na aalis ako mamaya. At isa pang pakiusap ihatid mo sana ako sa kabilang pampang at sa pier. Doon ko iniwan ang yate ko. Sana tulungan mo ako ngayon. Sana tuparin mo rin ang hinihiling kong pabor sayo," malungkot na wika niya saka tumalikod kay Liam. Ayaw niyang makita siya nito na napapaluha. "Pero Am, huwag mo na sanang ituloy ang plano mo. Magagalit ang tiyo mo. At mamimiss kita," malungkot din na sagot ni Liam sa kanya. Nagpatuloy silang nag-usap at sa katagalan ng kanilang pag-uusap ay napapayag din nito ang lalaki na sumang-ayon sa plano niya. Dumating naman ang kanyang tiyo Gusting na lasing kaya wala na itong matinong pag-iisip kaya pinatulog na lang muna nila. Kumain muna sila ng hapunan dahil naghanda si Liam ng mga pagkain. "Kumain ka na, dapat na hindi ka magugutom mamaya. At huwag mong kakalimutan na huminto muna ng paglalayag pag mas lalong gumagabi na. Total tulog naman ang tiyuhin mo at sa palagay ko bukas na iyan magigising kaya ihahatid na kita pagkatapos nating kumain. Mabuti at alas siyete pa lang naman kaya eksakto na alas-otso ka makakaalis doon sa may pier." "Sige. Thank you. Oy, huwag kang malungkot ha. Tatawag naman ako paminsan-minsan dito. At mag-iiwan naman ako ng sulat para kay tiyo at siyempre tutulungan mo din akong magsinungaling kapag nagtanong siya. Sabihin mong ipinababalik na ako ng amo ko sa restaurant kaya ako umalis at sabihin mo din na tulog siya kaya hindi ko na lang siya ginising. Basta ikaw na ang bahala sa kanya. Promise mo iyon ha. Alagaan mo siya at ang karenderya, maipapangako mo ba?" Ngumiti naman ng pilit si Liam at saka tumango. Labag ito sa kalooban niya at heto na ang araw na kinatatakutan niya ang umalis ang babae na hindi pa man lang niya naipapahayag ang damdamin. Pagkatapos nilang kumain agad na silang nag-ayos at umalis. Ihahatid ni Liam si Amore gamit ang bangka ng tiyo. After an hour nasa pier na sila. Akma na sanang aakyat sa yate si Amore ng pigilan siya ni Liam gamit ang mga bisig nito. Niyakap siya ng lalaki na hindi niya inaasahan. "Liam, ano ba? Magkikita pa tayong dalawa no. Hahaha. Ano ba bitawan mo na ako, aalis na ako" "Kahit sandali lang Am, gusto kitang makayakap. Sana bumalik ka ulit. Mag-iingat ka doon ha. At kapag may masamang mangyari sayo ay talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko" "Oo, mag-iingat ako. At ikaw rin mag-ingat ka rin dito. Paki-alagaan ng tiyo ko ha. Sige, aalis na ako", sabi nito saka kumalas sa pagkayakap ng lalaki. Tumalikod na siya at sa hindi niya inaasahan ay muli siya nitong hinablot na lang basta at hinalikan. Nanlalaki ang mga mata niya sa pagkagulat at nang lumaon ay napapikit na rin siya dahil sa ninamnam niya rin ang mga halik ni Liam sa kanya. Wala na siyang magawa kundi ang tugunin ang mga halik nito. Ito na ba ang good bye kiss nila sa isa't-isa? Kumawala naman siya sa paghahalik ng lalaki dahil alam niyang hindi siya makakaalis kapag manatili pa sila ng gunuon. "Bye, did you kiss me Liam?" pamaang niyang tanong. "I love you Am and I don't want to lose you in my sight pero kung hindi na talaga kita mapipigilan na umalis, sige umalis ka na. Maghihintay ako sayo. Mag-iingat ka," sabi nito saka tumalikod agad at naglakad palayo sa kanya Ang sakit-sakit ng nararamdaman niya o sabihin nating pareho sila ng nararamdaman. "I love you too Liam at pangako mag-iingat ako para sayo. I'm so sorry kung aalis ako ngayon. Sana maintindihan mo ako. Paalam," pahabol niyang wika at kahit masakit ang kalooban ay pumasok na siya sa yate at agad itong pinaandar. Huminto pala si Liam sa may madilim na porsyon ng pier. At narinig nito ang sinabi niya. Kahit nasasaktan ito ay napangiti din naman siya kahit papaano dahil narinig niya ang sinabi nitong mahal din pala siya ng babae pero wrong timing. Pinanood niya ang yate hanggang sa mawala sa kanyang paningin saka bumalik ng isla. Nasasaktan man siya pero hindi ganuong sakit ang kanyang nadarama lalo na't narinig niya na mahal din siya ng babaeng minamahal niya. Masakit man ang magkahiwalay ng ganuon para kay Amore pero masaya pa rin siya kahit papaano dahil narinig din niya mismo na sinabi ni Liam na mahal siya nito. Kahit sabihing wrong timing man dapat huwag silang mawalan ng pag-asa na ang kanilang pag-ibig ay hahantong sa happy ending....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD