KABANATA 31

2507 Words
MAINGAY ang naging hiyawan sa loob ng isang Club. Marami ang mga taong nakikisaya habang may isang star dancer na sumasayaw. Busy ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa, walang pakialaman at ang iba naman ay nakatutok sa star dancer na sumayaw sa stage. Nandoon din si Regor, nanunuod ng show, nakauwi na siya mula sa States. Wala namang may sumampa sa kaniya ng kaso kaya pinili niyang umuwi na lang. Malayang-malaya pa rin siya. He hates life in States. At mas gusto niya rito sa Pinas dahil para sa kaniya dito ang kaniyang teritoryo. Napapakagat-labi siya sa tuwing gumigiling-giling at naglalaro ng sayaw sa pole ang babaeng star dancer ng club. Maputi, sexy at makinis ang balat nito kaya kinuha niya ang atensyon ni Regor. Ganito ang mga tipo niyang babae ngunit nagtaka siya ng kaunti dahil natatakpan ang mukha nito ng isang maskara. Habang sumasayaw ito ay talagang sinasadya nitong ipakita kay Regor ang legs at cleavage niya. Nilapitan nito si Regor at basta-basta na lang umupo sa harap ni Regor. Pagkatapos ay tumayo ulit at sumayaw sa harapan niya. Napangisi naman ng abot tenga si Regor dahil sa ginagawa nitong babae. "Hey, miss beautiful. Pwede ba kitang ma-i-table mamaya?" tanong niya sa babae dahil hindi na niya mapigilan na mahawakan iyon. Umandar naman ang pagka manyak niya. Lumapit ulit ang babae sa kaniya at bumulong. "Sure, handsome. Just wait until the end of the show," sagot nito, habang unti-unting bumabalik sa may stage saka nag-flying kiss pa sa kaniya. "I like her," wika ni Regor habang ngingisi-ngisi. Sumayaw nang sumayaw ulit ang babae at napangisi naman si Regor pero ng matapos ang musika ay basta na lang dumilim ang stage at pagkabalik ng ilaw ay wala na ang babae. Napatayo si Regor at napahawak sa kaniyang sentudo sa pagkadismaya. Bigla siyang nagalit ng hindi na nakita ang star dancer. Pumunta siya sa may counter at hinanap agad ang manager ng bar. "Mr. Manager nasaan na ba ang star dancer ninyo kanina. I like her. Magbabayad ako ng malaki makasama ko lang siya," sabi niya sa manager na kanina pa namumutla. "E—si.. sir, just wait. Hindi kase tumatable ng customer si Mariposa, tanging dancer lang talaga siya rito," namumutla na talaga itong manager. Hindi niya alam ang isasagot. "What? Imposible!" Napalakas na ang boses ni Regor. "It's okay sir, para sa special customer ninyo, sasamahan ko siya, pwede rin sa private room na lang kami. Mas mainam doon walang disturbo," singit ng babae. Mabuti na lang at lumabas na ito dahil kung hindi ay tuluyan nang nangisay sa takot ang manager. "No need. Doon na lang sa table ko. I prefer na doon na lang tayo mag-usap Miss Mariposa,"nakangising wika nito saka inakbayan agad ang babae. Ngumiti naman pabalik ang babae. Naging tuso na si Regor at ayaw na niyang kumuha ng private room dahil baka maulit muli ang nangyari sa kaniya noon. Mga pulis pala ang mga nagpanggap na bayarang babae. "Tara na handsome," malambing na wika ng babae saka iginiya siya nito sa mesa niya. Nagpakawala naman ng ngiti si Regor sa babae. "I think, Miss Mariposa, pwede mo namang tanggalin ang maskara mo para makita ko talaga ang ganda mo, sayang naman takpan ang maganda mong mukha." "Handsome, you know hindi pwede. Paano na ang identity ko kapag nakikita nila ang mukha ko. Nahihiya akong makita ng mga kamag- anak ko. Baka sabihin pa nilang isa na akong bayarang babae. In fact, hindi naman. Dancer lang talaga ako rito. At dahil nakita kita kanina nahuli mo agad itong puso ko," malambing na sabi nito sa kaniya. "Oh, come on Miss Mariposa, talaga ba?" nagniningning ang mga mata ni Regor habang nagtatanong. Feel na feel niya ang sinabi ng babae. Ewan ba niya kung totoo nga o hindi. Ang pinakamalaking kahinaan ni Regor ay iyong madali siyang mapaniwala lalo na kapag magaganda at sexy ang umaakit sa kaniya ay natagang bumibigay siya. Lumapit si Regor sa babae at muntik niyang halikan ang babae pero inilagan nito ang halik niya. "Why? May magagalit ba sayo? May boyfriend ka na siguro Miss beautiful, ano?" "Wala naman pero hindi pa ako nahahalikan ng kahit na sino. Kumbaga virgin pa itong lips ko," mahinang wika ng babae. "Talaga? Eh, iyong nandito oh, virgin pa din kaya?" tanong ni Regor habang hinihimas ang hita ng babae at itinuturo ang sa gitna ng dalawa niyabg hita. Tinapik naman ng babae ang kamay ni Regor. Ngumiti ang babae at nagsalita. "Don't do it again. Yeah, I'm physically virgin, why you ask me about that handsome? Hindi ka ba kumbinsido?" Malambing na wika ng babae. Ipinagmamalaki niyang virgin pa siya. Sino ang maniniwala sa kaniya? Sa klase ng trabaho meron siya ay walang maniniwala kahit totoo ang sinasabi niya. Natawa naman si Regor saka nilagok ang isang baso ng alak. "Talaga? So, pwede ba tayong lumabas na tayong dalawa lang Miss Mariposa?" tanong nito sa babae. Halata nang lasing si Regor. "Hindi pwede. Uuwi ako agad maya-maya lang. Baka mag-alala ang nanay ko," sagot nitong babae. "Okay, sige. Edi, ihahatid na lang kita," sumisikdong sabi nito. Lasing na nga nagpresenta pa. Kahit kailan ogag si Regor. "No need handsome. Sige, alis na ako. Sila na ang bahalang maghatid sa'yo. Bye!" agad na paalam ng babae. Dali-daling lumabas ng bar ang babae at sumakay agad sa may kulay itim na kotse. "AYOS! Napakagaling mo naman Sapphire. Akalain mo iyon, sumayaw ka pa talaga at nang-akit ng husto sa demonyong iyon," agad na bungad ng babaeng sumundo rito. "Patikim pa lang iyan Astra. Nasiguro ba ninyong walang mga kasamahan si Regor?" paniniyak ng babae. "Wala naman. Marami akong pinakalat na mga tauhan at natitiyak nilang wala siyang mga kasamahan," sagot ni Astra. "Welcome back Sapphire," sabat ng babaeng nasa backseat. "Oh, Trisha nandiyan ka pala. Thanks. Pero alam mo mahirap pala ang sumayaw kaysa sa pumatay ng tao. Nakakainis bakit pa ba natin ito naisipan? Sige na. Umuwi na tayo. Napagod ako sa kasasayaw nang ewan basta sinunod ko lang naman lahat ng itinuro ng bakla sakin," sagot ni Sapphire kay Trisha. "Ang bastos talaga ni Regor, dati noong binigyan ko ng misyon ang mga kasamahan ko muntik nang makuha ni Regor ang perlas nang isa dahil nawala sa sarili niya ng hinalikan siya nito. Magaling daw magromansa kaya muntik siyang madali," pahayag ni Trisha. "Talaga ba? So, anyare? Hindi ba nila nadakip ang demonyong iyon?" natatawang tanong ni Sapphire. "Nadakip nila pero siyempre malaki ang mga koneksyon nito sa taas kaya kinabukasan nakalabas din. Nagagalit nga ako sa lalaking iyan eh. Ang dami na naming isinakrispisyo madakip lang siya pero hanggang ngayon wala, nasa labas parin siya at patuloy na naghahasik ng kasamaan." "Calm down. May araw rin siya. Sa ngayon ay pipilayan lang natin siya ng mga galamay para unti-unti na siyang panghinaan. Alam mo ang mga kagaya niya ay hindi naman dapat patayin o ikulong agad. Ang dapat na gawin sa katulad niya ay pahirapan ng husto," wika ni Sapphire saka nagkiller smile. "Tama! Kaya tara na. Umalis na tayo," sabat ni Astra saka pinaandar na ang kotse. "Si Jasmine tumawag pala sa'kin kanina. Sa susunod na araw ay babalik na rin daw rito sa Maynila," sabat ni Trisha. "What?" sabay na naibulalas nina Astra at Sapphire. "Oh, ano naman ang masama dun? Bakit parang big deal sa inyong dalawa, ha?" "Wala naman," unang sagot ni Sapphire. "Eh, kasi hindi siya ligtas dito sa Maynila!" sunod na wika ni Astra na nag-aalala kay Scarlett. "Sige, sasabihin ko sa kaniya na huwag na muna. Maganda naman ang takbo ng mga plano natin," sabad ni Trisha. "Magaling itong naisip mong paraan Sapphire kaso ang manyak naman pala ni Regor, 'di yata't mapapasubok ka sa kaniya?" "Siya lang ba? Siyempre hindi makakatikim sa'kin kahit kailan ang ulol na iyon. Gagamitin ko lang naman ang aking alindog para maisakatuparan ko ang aking binabalak sa kanya," sagot ni Sapphire habang naka killer smile. "Tama. Dapat talaga na hindi. Asa pa siya, siguro meron ka na nang minamahal ano?" walang tuon na na tanong ni Trisha sa kaniya. "Hindi ko pa masasabi na boyfriend ko na nga siya, Basta ang alam ko, mahal namin ang isa't-isa," seryoso niyang sagot. Nahalata naman ni Astra na nagmukhang malungkot ang babae matapos iyong sabihin. "May problema ba Sapphire?" "Ah...wala naman, huwag mo na akong pansinin. Magfocus ka na lang sa pagmamaneho. Mamaya ko na lang sasabihin ang totoo. Ang lahat ng katotohanan," sagot nito sa tanong ni Astra. Matapos niyon ay hindi na sila nagkaimikan hanggang sa makarating sa hideout. Nagsalita lang ulit si Sapphire dahil may iniutos siya sa kay Astra. "Ipatawag mo ang lahat ng mga miyembro ng OMARE CORPs, gusto ko kayong lahat makausap ng harapan," tumango si Astra. "Maghihintay lang ako sa loob," sabi nito saka tumalikod naat pumasok sa silid na pinagtipunan nila. Tinawag na naman agad ni Astra ang lahat ng mga kasamahan maliban sa mga hindi pa gumagaling sa kanilang mga sugat. Nagsipagtungo naman agad ang mga ito matapos malaman na si Sapphire ang nagpatawag at muli na itong bumalik. Siya ang kanilang kinikilalang pinuno. Nakatalikod ito nang magsipagdatingan ang mga miyembro nila. "Magsipag-upo muna kayong lahat," wika nito habang nakatalikod pa rin. Umupo na ang lahat dahil narinig niya ang ingay na gawa ng pagsisi pag-usog at pag-upo sa mga silya. " Kumpleto na ang lahat? Kamusta na kayo?" sunod niyang tanong. "Hindi po kami kompleto, may sampo pa pong nagpapagaling ng kanilang mga sugat sa ngayon. Okay lang naman po kami, Sapphire," sabay-sabay na sagot ng mga kasamahan niya. "Pagpasensyahan niyo na ako, dahil sa akin may napapahamak na mga kasamahan natin, paumanhin," sabi na naman nito habang nakatalikod pa rin. "Wala po kayong kasalanan. Ginawa lang po namin ang aming sinumpaang tungkulin. Kung tutuusin ay malaki ang aming mga utang na loob sa inyo Sapphire. Kung hindi dahil sayo ay namatay na kami noon pa. Salamat sa lahat. Salamat dahil tinulungan mo kaming maging isang matapang na mga kababaihan," sagot ng isang miyembro na sinang-ayunan naman ng lahat. Dumating din si Astra kasama si Dindo. Isinama rin niya ang lalaki. May alam na rin ito tungkol sa kanila kaya isinama na lang niya sa pagpupulong. Umupo sila sa bandang likuran. Unti-unting humarap sa kanila si Sapphire. "Maraming salamat sa uulitin. Kung 'yan ang inyong naging basehan para ako'y tulungan. Tinulungan ko kayo noon hindi upang ipaghiganti niyo rin ako kundi ang ipagtanggol ninyo ang inyong mga sarili laban sa mga taong mapang-api. Kaya hinahangaan ko kayong lahat." "Salamat din sayo Sapphire," sabad ng isa pa nilang kasamahan. Ngumiti naman si Astra habang si Dindo na nasa gilid niya ay kakitaan ng buong pagtataka sa mukha nito. "Naguguluhan ka ba? Makinig ka na lang. Huwag mo nang pagtakhan Dindo," wika ni Astra kay Dindo ng makita siya nito sa kaniyang ekspresyon. "Okay!" Napatingin naman sa dako nila si Sapphire kaya tumahimik silang dalawa. Ngumiti sa kanila ang babae kaya nginitian din nila. "Hindi ba kayong lahat naku-curious sa totoo kung pagkatao at sa totoo kung mukha?" walang tuon na tanong niya sa lahat. Nagsipag-bulungan naman sa mga katabi nila ang mga kasamahan niya. "Ano ang ibig mong sabihin Sapphire?" agad na tanong ni Trisha na nakaupo sa harap niya. "Now, I'm going to reveal my half identity. Foremost, this face you saw already was not totally my real face. I used prosthetics to hide my own personality and now I want you all to know and see my real face. And also my real name as well," sabi nito saka unti-unting tinatanggal ang prosthetics niya. Nagulat silang lahat sa sinabi niya. Hindi nila inaasahan na fake pala ang pinakita nitong mukha sa kanila simula ng naging parti sila ng kanilang samahan. "Sapphire anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Astra. Nababahala siyang may makaalam na iba sa real nitong identity. Hindi ito nagsalita sa halip ay tuluyan na nitong kinuha ang prosthetics. Nanlaki ang mga mata nila. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita. Mas maganda pa pala sa totoong mukha nito si Sapphire. At ang mas hindi mas makapaniwala ay si Dindo. Napatayo siya mula sa kaniyang kinauupan. Guess who? Isa itong malaking rebelasyon para sa mga kasamahan niya. "Amore!" ang mahinang naibulalas ni Dindo na napaupo ulit sa kaniyang inuupuang silya. "I think, marami sa inyo ang nagulat sa naging revelation ko ngayon. It's my real face. My real name is Amore Miller. Sana ituring ninyo pa rin akong kasamahan kahit matagal na akong nag lihim. 'Di rin ba kayo nagtataka kung bakit tinawag na OMARE CORPS ang ating samahan?" "Bakit nga ba Amore?" Pakli ni Trisha. "Mula sa pangalan ko. Scrambled words siya ng name ko, Omare o Amore, di ba? Nakuha niyo na ba?" "Ah, kaya pala," sagot ng mga kasamahan niya na panay ngisi. "Ang ganda mo Amore," sigaw ni Astra sa kaniya. Kumunot naman ang noo ni Dindo ng marinig na pinuri ni Astra ang kapwa babae ng ganoon. Nang makita ulit ni Astra ang ekspresyon ni Dindo ay siniko niya ito kaya hindi na lang ito umangal pa. Baka mapahiya pa siya 'pag gumawa siya ng eksena. Wala siya sa modong magsungit lalo na't nakita na niya ang kaniyang kaibigan. "Salamat Astra, ikaw din," sagot ni Amore sa babae. "Hindi ka namin ituturing na iba. Mas mabuti nang makilala ka namin sa totoo mong pagkatao. Dahil inilabas na ni Sapphire o Amore ang kaniyang true identity. This time, we need to reveal our identities too," sigaw ng isa pa nilang kasamahan. "Tama, let's reveal our identity!" Sigaw ng iba pa nilang kasamahan. "Pwede namang hindi na. Nasa inyo na ang pasya. Ginawa ko lang ito para sa inyong kaalaman pero sana ito'y nasa loob lan ng hideout. Sa labas balik tayo sa dati at sa hidden identity natin, maliwanag ba?" "Yes," sabay na sagot ng mga kababaihan. Naging masaya ang lahat. "Guys, agree ba kayo na sabay-sabay nating tanggalin ang mga mask natin?" Tanong ni Astra na masayang-masaya. Si Dindo naman ay nag-aabang na makita ang susunod na mangyayari. Gusto na niyang lapitan at yakapin si Amore pero nahihiya siya. Nakukuntento na lang muna siyang pagmasdan ang kaibigan niya. Masaya siya dahil ligtas ito. Siya ang may kasalanan kung bakit ito muntik na mapahamak sa kamay ni Regor. "Ready na ba kayong lahat? Isa, dalawa, tatlo---" wika ni Astra saka sabay-sabay na nilang tinanggal ang mga maskara. Napanganga ng bahagya si Dindo ng makitang ang ganda ni Astra. Mas maganda pa ito kay Britney na kasintahan niya. Sandali niya itong naalala kaya nagkibit balikat siya. Hindi tama na ibang babae ang pinagtutuunan niya ang pansin sa halip na ang girlfriend niya. "Wow, ang gaganda niyo lahat. Ang galing ng girl power!" Puna ni Amore sa lahat ng kaniyang kasamahan. Girls are beautiful and get more beautiful when they have a good heart and good deeds. Mabuhay ang mga kababaihan! *****Mabuhay din kayo mga readers ko! Sana suportahan ninyo po ako. Baguhan mn ako sa Dreame sana makasabay ako sa iba. Marami salamat po. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD