She's Trinity Gonzalez, ang dakilang spoiled brat ng Campus Sourire. Madami ang naiinggit sa kaniya dahil sa ganda, talino at yaman niya. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya miski yan pa ang brand new bag ng Louis Vuitton at Gucci. Shopping ang stress reliever niya at wala siyang pakialam sa ibang taong mababangga niya.
Si Justin Torres naman ang kabaliktaran ni Trinity. May kaya sila sa buhay at nakapasok sa Campus Sourire dahil sa scholarship nito. Marunong siya magpahalaga sa pera at importante ang kaniyang pagaaral.
Sila ay biglang pinaglapit ng tadhana sa hindi magandang simula pero tadhana din kaya mismo ang gumawa ng paraan para matutunan nilang mahalin ang isa't isa? Ang isang nobody na si Justin Torres na nga kaya ang magpapabago sa isang Trinity Gonzalez? o mananatili sila sa hindi magandang ugnayan at araw araw may bangayan?
--
Free Completed Story
Taglish