Chapter Two

1726 Words
Trinity Gonzalez's Point of View: "Nandito na tayo Ms. Trinity." my chauffeur said. He opened the door for me. He smiled at me and swayed his hands as if he is making a way. Today gusto ko maging mabait, that's why I smiled at him. He's too old na kase and I don't want to be rude with him naman. Lumabas na ako ng sasakyan and entered the building. Memorize ko na ang campus na ito dahil dito na ako pumapasok since the beginning of my junior highschool life. Kilala rin ako dito for being mean and... beautiful. Of course no that's why naglipana ang mga two faced bitches dito. Gusto nila makipag kaibigan because I'm famous and then ibabackstab ka. Crazy right? I don't make friends. Yes, I don't have any friends kase mas okay ako na ako lang. I hate dramatic bitches tho. Eversince wala pa akong nagiging kaibigan na maayos. Ayoko makihalubilo, I don't want to socialize with others kaya kasi they are ugly and mababaho. Joke, half meant. Bata pa lamang ako ay taong bahay na ako. Lalabas lang ako because of shopping and school. I met Max naman because he dmed me in ** saying he admires me. He looks cute kaya I didn't snob him. I thank Max for being good-looking and chatting me because if hindi niya ginawa ‘yon, for sure hindi kami ngayon. "Hi babe! What bothers you?" Max asked. Natauhan ako ng bigla akong hawakan ni Max sa balikat. Ohh my baby is here na! Back to normal na ulit ang life hihi. "Nothing. I just need to look maldita lang as always while crossing this lobby. Well kilala mo naman ako, I have no record of being mabait here in campus haha." I jokingly said. He smiled and pinched my nose. "Dahil ang sungit mo palagi! You don't have any friends. Maging friendly ka para mapalitan ang record mo haha! You're so cute." banggit nya. He tapped me on my head at ginulo g**o pa ito sabay sabi ng... "Nah, ain't interested po. Nandito na ako sa room so see you later?" "Yup! See you later baby." cheerful niyang pagkakasabi. He winked at me. Hay Max why are you like that?! Pwede na ako himatayin sa kilig. Ngiting makalaglag panty, hmp! Pumasok na ako sa room at napansin ko namang nagsipagtahimikan silang lahat. I just rolled my eyes at naupo na sa chair na katabi ng bintana. This is my place. "Hi Trinity!" Someone called my name. It's just Jessica, I guess. Siya lang naman kasi ang sipsip sa akin at feeling close. ‘Di ko siya nilingon at sa halip ay sinuot na lamang ang aking airpods. "Talk to yourself loser." sambit ko sa utak ko. Inayos ko ang aking mukha sa harap ng hand mirror ko. Ang pretty mo talaga self, buti na lang ‘di ka mukhang chanak kagaya ni Jessica. Couple of minutes have passed nang magring ang bell. Nagsipagayos na ng upo ang mga pasaway kong classmates kasabay nang pagpasok ng teacher namin. "Okay, so goodmorning class!" Masigla niyang bati sa amin. Binati naman siya pabalik ng mga kaklase ko. Well, hello as if naman maki greet ako sa kanila ng sabay-sabay syempre gusto ko may eksena ako. "Good morning din sir." nahiwalay kong bati with matching tayo pa. Lahat sila nakatingin sa akin dahil sa ka extrahan ko. So what's their pake? Gusto ko lagi ako pansinin, duh. Nagflip muna ako ng aking long shiny hair na mas mahaba pa sa baba ng teacher namin. Hmp, mukha siyang mangga ha. "Okay so class, alam kong karamihan sa inyo ay kilala na ako while others don't. I'm Mr. Sanchez, your new class advisor." pakilala niya sa amin. Ang iba ko namang classmates ay naghiyawan pa. Wow ha, feeling artista eh ang pangit naman niya mas okay pa sa kaniya mag mascot. "Together with me are the transferees.. please introduce yourselves guys." dagdag pa nito. Pumwesto na ang mga bagong students here in campus isa-isa para mag introduce ang self nila. There are two guys and one girl. Ladies first daw kasi kaya ‘yong solong babae ang naunang magpakilala. "I'm Elise Rivera, scholar from MG University. Hoping ako na makaclose kayong lahat." cheerful niyang pakilala. Hmm observing her, she's quite pretty but looking eww at the same time. Using rubber shoes with school uniform is suchhh a dumb idea. Does she even know the proper attire? My Goodness, kadiri ha! Napairap na lamang ako dahil sa fashion niya. Next naman na nagpakilala ay ‘yong dalawang guy. "Gio Opeña mga sis mars! 16 ako looking for hot guy mwah. Scholar din aketch from MGU! Hope makaclose ko rin kayo all hihi." ay panis bakla. Oh my God I like gays y'all! Sarap nila kasama. Wala pa akong experience but looking at them makes me wanna go and hangout kase they are super duper mega ultra hyper pero still ‘wag na lang his style looks ugly as hell. Magbubukid ba siya? Eww ha, pwede na niyang palitan iyong carabao nila. "Ako si Justin Torres, scholar din ako ng MGU kasama sila." Isa pa 'to. Ang jologs din ng look niya pero he got the looks ha! Mukha siyang mabango unlike those dalawang surot na kasama niya, hmp. OMG feeling ko sobrang judgemental ko na. Well I'm sorry, it's part of who I am kasi. "Thank you guys sa pagpapakilala sa sarili niyo. Pwede na kayong maupo. Hmm class, saan ba vacant d’yan?" Tanong ni Sanchez. He began looking all around the room for a vacant chair hanggang sa mapansin ko na ang katabi ko pala ay bakante. No effin way! ‘Di ko pwedeng makatabi kahit sino sa kanilang mababaho sila. Nilagay ko ang Gucci bag ko sa vacant chair sa tabi ko at umayos ng upo. "Ayon sa tabi ni Ms. Gonzalez, pwede ka ro’n maupo Mr. ... Torres." ani niya. Napatingin siya sa akin dahil tinuro ako ni sir. Napataas na lamang ang kanang kilay ko at nag crossed arms. I saw him walking toward this way kaya umubo ako intentionally. "Ehem ehem. This seat is already taken. Look for another na lang ‘no!" mataray kong pagkakasabi at inirapan siya. Binaling ko ang aking tingin sa bintana at tinignan ang bughaw na ulap. It looks so good in the eyes, parang ako, hihi. Pinagmamasdan ko lamang ito ng bigla kong maramdaman at marinig ang paggalaw ng upuan sa tabi ko. Tinignan ko kung baket at nakita ko iyong Torres na umupo. He looked at me and left a smirk. "As what Mr. Sanchez said, Ms. Gonzalez. Dito. Ako. Uupo." He foolishly said. He chuckled. Oh my God. I can't accept this. Masyado siyang epal ha. He's just a scholar lang naman feeling may ari ng school, hmp. "What ever. Just stay kilometers away from me jerk." I rolled my eyes sabay palombaba. He's so epal ha, bago pa lang naman siya rito feeling matapang na yuck. -- "How's class babe?" Tanong sa akin ni Max. Inakbayan niya ako sabay wink. Inirapan ko na lamang siya at nagpout. Well sabi niya kasi last night cute ko raw 'pag nakapout edi ngunguso ako palagi, blep. "It's fine naman po. There are transferees and one of them is so epal. Nakakagigil siya. How about yours?" I answered. "Haha, you looks so cute if you're mad talaga haha!" Kinurot kurot niya ang ilong ko at tumawa-tawa pa. Those damn chinito eyes and thick eyebrows!!! Hays, it makes my heart flutter ha! So cute grr. "Kung yelo lang ako for sure tunaw ako sa ‘yo." mayabang niyang pagkakasabi sa akin. Napangiti na lamang ako at napailing iling. "Silly Max." tangi kong nasabi. Justin Torres' Point of View: "Ang sungit naman no’ng Gonzalez. Ganda nga, may ugali naman." sabi ni Elise. Kita ko ang pagkainis sa kaniyang mukha dahil ang kinakain niyang Adobo na may kanin ay guray guray na. Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil lunch na. Tatlo kaming transferees pero hindi sumasama sa amin si Gio dahil nagkaroon na siya ng ibang kaibigan na kagaya niya rin. "Alam mo, ang daldal mo. Kumain ka na nga lang d’yan." natatawa kong sabi sa kaniya. Napailing na lamang ako habang nakangiti. Kinuha ko ang bottled water niya at binuksan ito ng kusa. "Ayan ka na naman eh, sinasaway mo na naman ako. Eh sorry na, nakakainis lang kaya siya ‘no! Ang arte arte niya baka mamaya 'pag pumunta iyon sa lugar natin ta’s holdupin ng tropahan nila Axel hinding-hindi ko tutulungan ‘yon, leche siya." Gigil niyang pagkakasabi. Ito talaga lahat na pinatulan haha. Sila Axel naman na binabanggit niya ay iyong mga siga roon sa baranggay namin na nabubuhay lang gawa ng pagnanakaw. Ang madalas nilang binibiktama ay ang mga bagong salta o kaya ay ang mga dayuhan. Matagal na kaming magkaibigan ni Elise. Grade 1 pa lamang kami ay magkaklase na. Hindi na nga kami mapaghiwalay dalawa eh miski ang pangalan namin sa top notcher halos magkasama na. Kumpitensya ba naman sa unang place. Pero kahit na gano’n, wala kaming nabubuong feelings sa isa’t isa. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya at gano’n din siya sa akin kahit na minsan pinag-iisipan kami ng ibang tao na magkarelasyon dahil sa sobrang close namin. "Nagugutom ka pa ba? Ano pang gusto mo? Sabihin mo lang at ioorder kita." ani ko sa kaniya nang makita kong ubos na ang pagkain niya. "Hay nako Justin, kilalang-kilala mo talaga ako eh ‘no? Pero shh ka lang ha, nagbagong buhay na ako. Nagddiet na nga ako eh tignan mo nagkakabilbil na naman ako hays." banggit niya. Umayos siya ng pagkakaupo at tinuturo-turo pa ang kaniyang tiyan. "Huh? Eh para ka na ngang stick sa sobrang payat. Kumain ka pa ha. Ano ba ang gusto mo? Hmm ako na nga, iooorder pa kita maghintay ka r’yan, hmp!" "Justin naman eh! Ayoko nga!" ngawa niya. Nakita ko siyang nagdadabog at naiinis. Tinawanan ko lamang siya at dinilaan. "Blep ioorder pa kita ng tumaba ka haha." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naghanap ng masarap na pwede niyang kainin. Wala namang bayad ang mga pagkain dito kaya okay lang kahit damihan namin ang kain kase ang bayad dito kasama na mismo sa Tuition fee. Scholar naman kami kaya okay lang. Sarap na ng pagkain tapos busog pa haha, Sulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD