Trinity Gonzalez's Point of View: "Ano 'yang hawak mo pangit?" Tanong ko sa kaniya at muling ibinaling ang aking tingin sa kaniyang mga mata. "A-ah wala 'to haha" Ani niya sa akin at itinago ang kaniyang hawak sa may bandang likuran niya. "Ano ngaa" Pangungulit ko sa kaniya at pilit inaabot ang box na nasa likuran niya. "Wala 'to baliw" Ani niya sa akin pero alam kong kasinungalingan lamang ito. "Weh, hindi ako naniniwala sa 'yo epal ka" Tugon ko sa kaniyang kasagutan sa sinabi ko at dinilaan siya. "Aish, may sasabihin ako sa 'yo sungit" Ani niya ngunit hindi ko lamang siya pinansin dahil kunwari ay naiinis ako. "Trinity gusto kita, gustong gusto. Matagal palang ay alam ko na agad sa sarili ko na may nararamdaman ako para sa 'yo haha, pasensya na kung natagalan bago ko aminin pero to

