Justin Torres' Point of View: "Stop acting like a friend of mine, I don't need you and besides you're just nobody." Huling binanggit niya sa akin at unti unti na siyang naglaho sa paningin ko. Hay nako ka Ms. Sungit kahit na ganiyan ang pakiramdam mo, nakuha mo pa rin magtaray at magsungit. Hanga na talaga ako sa 'yo lalo na sa pagtatago ng nararamdaman mo. Napailing na lamang ako at nagpakawala ng isang bugtong hininga. Umupo muna ako sa bench kung saan kami nakauponh dalawa kanina at sumipol sipol para magtawag ng malakas na hangin. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon na para bang sobrang hina niya at lambot. Ang Trinity na nakita ko kanina ay ibang iba sa nakilala ko kahit na alam kong ayaw niya sa akin, gusto ko pa rin siyang tulungan para mapagaan ang kaniyang loob. Wala si Max a

