Justin Torres' Point of View: "I love you, pangit" ani ni Trinity sa akin habang kita kong papalapit ng papalapit ang kaniyang mukha sa akin. Totoo ba talaga 'to? Gusto niya rin ako? Dalang dala ako ng sensasyon kung kaya naman ay pinikit ko ang aking mga mata dahil nararamdaman kong magtatagpo ang aming mga labi ng biglang ... "Kuya!" Nagising ako dahil sa tawag sa akin ni Jamie. Ano ba 'yan?! Minsan na nga lang managinip ng maganda, masisira pa. Napailing na lamang ako at napaungot dahil sa nangyari. Padabog akong tumayo sa aking kinahihigaan at napa sabunot sa aking ulo. "Bakit?!" Pagalit na tono kong sigaw dito. Naglakad na ako patungo sa aking pintuan upang buksan ito. Agad na bumungad sa akin si Jamie na pusturang pustura pati si Nanay Linda kaya naman nagtaka ako kung bakit g

