Elise Rivera's Point of View: "Sis, kanina ka pa nakabusangot diyan. Ano ba kasi ang pinuputok ng buchi mo? Tulaley ka rin minsan, bilisan mo kumain para balik na us sa classroom." Ani ni Gio habang inaayos ang kaniyang make up sa hawak hawak niyang hand mirror. "Baka nagseselos si madam, paano ba naman kasi si papa bols mo Justin ay ayon lumalandi yata roon kay sopistikadang gerlalu " ani ng isa pang bading na kaibigan ni Gio na si RJ. "Ay pinagpalit 'yong best friend doon sa magandang masungit? Kabog!" sagot naman ni Gio at nag apir silang dalawa. "Paano ba naman kasi itong si ate mo Rivera ay kulang ng limang ligo para mapansin ni Justin haha! Mag-ayos ka kasi sis para hindi ka pagpalit doon sa maarteng iyon, tignan mo naman kasi girl mukha ka na ngang lalaki, kilos lalaki ka pa hay

