Justin Torres' Point of View: "Tara na, Elise. Bilisan mo r'yan" sabi ko sa kaniya habang hinihintay siyang ayusin ang gamit niya. Sinabi ko kasi sa kaniya na pupunta akong mall para ibili si Jamie ng libro at sinabi naman niyang gusto raw niyang sumama kaya pumayag naman ako. "Wait lang kasi, atat ka ba ha? Excited lang Justin?" nangaasar niyang tugon at naglakad na papalapit sa akin. "Hindi ako excited, sadyang ang bagal mo lang kumilos. Halika na nga!" tanging sinabi ko na lamang at lumabas na kami ng silid. Hindi na kami nagtagal pa at agad naghanap ng jeep para sakyan namin papuntang SM. Nang makahanap kami ng hindi punong jeep ay agad namin itong pinara, pinauna kong sumakay si Elise dahil nakapalda siya at sumunod naman na ako ng upo. "SM ho manong, dalawang estudyante." ani k

