Justin Torres' Point of View: From Trinity: 'Morning din Pangit' 'No a*s remember?' Natanggap kong reply kay Trinity na labis kong ikinatuwa dahil hindi ko inexpect na magrereply pa siya sa sinabi ko. Labis na labis ang aking ngiti pati na rin ang mabibilis na t***k ng aking puso, nahuhulog na nga yata ako sa babaeng ito. To Trinity: 'Sorry bumili lang ako, kamusta ka pala?' Reply ko sa kaniya habang wala pa ring kupas ang ngiti sa aking mga labi. Walang hiya, nalintikan na. "Gusto mo siya?" Rinig kong tanong sa akin ni Elise. Nalimutan kong nandito nga pala siya kaya naman pinatay ko ang aking cellphone at humarap sa kaniya. Siya ang bestfriend ko kaya naman okay lang siguro na sabihin ko sa kaniya ang totoong nararamdaman ko 'di ba? Wala naman sigurong mali kung sasabihin ko sa

