Elise Rivera's Point of View: Habang kinakanta iyon ay muli kong binalik ang tingin ko kay Trinity na ngayon ay nakangiti sa akin, ang sarap sa pakiramdam na ganoon siya. Nakakaantig ng puso dahil kahit papaano ay napasaya ko siya miski sa aking simpleng awitin lang. Nang matapos ako ay nagpalakpakan ang aking mga kakalse at hiyawan pati na rin pala si Sir. Kenneth ay nakangiti rin habang pumapalakpak kung kaya naman ay naupo na ako sa aking upuan sabay harap kay Trinity. "Ayos ba? Haha" ani ko sa kaniya ngunit inirapan niya lamang ako bilang kasagutan sabay pansin ko naman ang kaniyang pag crossed legs. Napangiti na lamang ako habang umiiling dahil naalala ko kung paano siya tumgin sa akin kanina habang nakangiti, kung may camera lang ako malamang ang dami na niyang shots sa akin ng l

