Chapter 6
THE CHANCE TO ESCAPE
Ilang sandali pagkatapos lumabas ni Creed sa detention room ay saka lamang ako marahang tumayo. Mapakla akong napangiti nang makita ang sarili kong ayos. Wasak ang suot kong vest at long sleeve polo, at nawala rin sa ayos ang skirt ko. Kahit sino'ng makakita sa akin, siguradong iisipin na napagsamantalahan ako.
It didn't happen, but it scared me. Creed didn't intend to r**e me, at least he was not a p*****t, pero sa ginawa niya, pakiramdam ko'y napagsamantalahan na ako. I was a delinquent, there was no reason to deny that. Madalas akong mapasama sa gulo at makipaghabulan sa mga pulis sa kalye, but I knew how to take care of myself as a woman.
Not anymore.
What happened between Creed and me that night was a big mistake. I regretted it. Lasing ako noon, pero malinaw ang pag-iisip ko, yet I still let him do that. It wasn't r**e and I'm still asking myself what the hell got into me para hayaang mangyari iyon. Perhaps because I was attracted to him. Aminado naman akong naakit talaga ako sa kanya. S'ya ang unang lalaking natipuhan ko, sa totoo lang.
It was wrong because I didn't know him. I didn't know what kind of person he was. I didn't know anything about him. I didn't know he was a devil.
Consider this a warning...
Yeah. I would never get in his way again. I learned years ago that to survive a gangster's life, you must avoid messing with someone you couldn't defeat.
Creed was stronger than I was. My punches and kicks didn't even harm him. Hindi masamang tanggapin na may mas malakas pa sa 'yo at may mas nakakahigit sa kakayahan mo and I admit that Creed was ahead of me. So, I should not mess with him again. That's one of the many ways how to survive a fight.
I heaved a sigh. Hinubad ko ang vest ko at itinakip iyon sa harapan ng katawan ko. It was a mess, but it was better than walking outside with my ruined uniform.
"Hey,"
Nag-angat ako ng paningin nang marinig ko ang boses ni Draven. Nakasilip siya sa pintong maliit lamang ang bukas.
"Hey," ulit niya.
Hindi ko siya binigyan ng sagot kaya naman nagdesisyon siyang tuluyang pumasok. Isinara n'ya ang pinto at humakbang papalapit sa akin. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon at hinintay na lang na tuluyan s'yang makalapit sa akin. Kumislap ang awa sa mga mata n'ya nang mapagmasdan ako.
"Are you hungry?" tanong niya.
Umiling lang ako. "It didn't happen."
I was embarrassed to be seen like this, but I had to tell Draven na walang nangyari. Kailangan kong ibangon ang reputasyon ko kahit papaano.
"I know." He laughed. "Creed would never do such thing."
"That's why you didn't stop him?" I snorted, full of sarcasm.
Draven's smile vanished. "Creed is the person you would never read. Believe me, Temple, what happened was... was..." Draven closed his mouth. Obviously, he was not sure how to defend Creed.
"He is a devil." wala sa loob na bulong ko.
"Yes, he is, pero hindi siya gumagawa ng isang bagay nang walang dahilan."
So, interrupting his business was enough reason to terrify me like that? For God's sake.
Hindi na lang ako nagsalita. Tumayo ako at humakbang patungo sa pinto. Mabigat ang kilos na nagsimula akong humakbang palabas. Ilang hakbang na ang nagagawa ko bago ko naramdaman na may damit na sumampay sa mga balikat ko.
Nakangiting mukha ni Draven ang nakita ko nang lumingon ako. Inayos niya ang coat niyang nasa balikat ko.
"Gamitin mo na," sabi n'ya sabay kindat. Hindi talaga nawawala sa kanya ang nakakalokong reaksyon n'ya. Pero bigla ko ring naisip, he was quite gentleman kahit mapang-asar s'ya.
Unlike Creed Craw, the devil.
"Hey. Come here. Dito tayo daraan," sabi n'ya sabay hila sa akin patungo sa likurang bahagi ng girl's dormitory. Kunot-noong napatingin ako sa kanya, pero ganoon pa man ay sumunod na lang ako. Isa pa, napapagod na rin ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at gusto ko ng magpahinga.
Ilang saglit pa ay nasa likod na kami ng mismong dorm building. Doon ay napansin ko ang mataas na steel ladder paakyat hanggang rooftop ng dorm. Napatingin ako kay Draven. Alam kong iniiwasan n'yang may makakita sa akin, pero nagtaka ako kung bakit alam n'ya ang tungkol sa hagdan na ito.
"D'yan ako dumadaan kapag... alam mo na." mahinang bulong nya. Nakangisi.
Dirty bastard.
Walang salitang nagsimula kong umakyat. Hindi na ako nag-abalang magpasalamat sa kanya.
"Hey!" sigaw ni Draven na ikinalingon ko sa kanya. I saw him standing at the same place where I left him. "Wala bang thank you man lang?"
Hindi ako sumagot. Inalis ko ang paningin ko sa kanya at tuluyang umakyat sa hagdan.
"Okay! Thank you! Ingat pag-akyat!" Narinig ko pa ang sigaw niya na muli'y hindi ko binigyang pansin. Ang gusto ko lang ay makarating sa kwarto at mahugasan ang katawan ko.
Nang makarating ako sa kwarto ay kaagad kong hinubad ang mga suot kong damit habang dumidiretso sa banyo para maligo. Nagbabad ako nang matagal sa ilalim ng shower. I washed every inch of my body. When I saw the red mark on my neck, I gritted my teeth. Creed wounded me... physically and emotionally.
Marahas akong napabuntong-hininga. Pinatay ko ang shower at nagtapis ng tuwalya saka lumabas ng banyo. Bahagya pa akong natigilan nang makita kong nakaupo si Fashia sa kama niya at nakatingin sa akin.
Hindi ko napansin kung sino ang nasa kwarto nang dumating ako. Hindi ko rin naman binuksan ang ilaw kaya hindi ko nakita si Fashia at hindi ko napansin na wala sina Heina at Naami.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at dire-diretsong lumapit sa cabinet ko para kumuha ng pantulog at magbihis. Ayokong tumingin sa kanya kahit nararamdaman kong pinagmamasdan n'ya ako.
"Are you okay?"
Napatigil ako sa pagkuha ang damit nang marinig ko ang sinabi n'ya. Nilingon ko s'ya at tumayo naman s'ya para lumapit sa akin. Tumiim ang bagang ko nang makita ang hawak n'ya: ang sira kong damit.
"I know what happened. I was outside the detention room all the time. S-sorry. Wala akong nagawa," aniya.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi n'ya. She's sorry dahil wala s'yang nagawa? Sino ba'ng may nagawa? Pati nga si Draven na isa sa mga SC ay walang nagawa, hindi ba? Kahit ako. Ano'ng aasahan ko sa isang kagaya ni Fashia na walang ibang alam kundi ang magpa-cute? Ano'ng magagawa n'ya?
Napapailing na hinablot ko ang sira kong damit at inilagay sa isang paper bag na nakita ko saka isinaksak sa basurahan. Ilang sandali akong napatitig doon pagkuwan ay galit kong kinuha ulit 'yon at inilagay sa loob ng cabinet ko.
"Bakit hindi mo pa itapon?" narinig kong tanong ni Fashia.
Tiningnan ko s'ya. "Nothing happened."
"He almost r***d you."
"Nothing happened," I repeated, silently telling her not to mention this to anyone. "You heard me?"
"Don't worry. I won't tell anyone," she said.
Tiningnan ko lang s'ya. I didn't really trust her, pero lihim kong ipinagdasal na sana nga ay tuparin n'ya ang sinabi n'ya, na sana nga ay walang makaalam nito maliban sa aming apat.
Napabuntong-hininga ako na umalis sa harap ng salamin at humakbang papunta sa kama ko saka ako padapang ibinagsak ang katawan ko roon. I loved doing this lalo na kapag may gumugulo sa isip ko. Ewan ko, pero sa ganito, nakakaramdam ako ng kaunting kapanatagan. Wierd, right? I know, pero hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang epekto ng mannerism kong ito sa pagtulog.
I remembered the first time na ginawa ko ito. Noong araw na 'yon. Magdamag, ilang araw, ilang gabi na lagi akong ganito sa kama ko. Noong una, walang tigil ang pag-iyak ko, pero kapag ginagawa ko ito, kusang tumitigil ang pagpatak ng luha ko. Hanggang sa nakasanayan ko na itong gawin.
Ilang sandali pa at nakatulog na ako. Naalimpungatan lamang ako nang bigla akong alugin ng kung sino kasunod ang marahas na paghila sa akin para bumangon.
Noong una ay nairita ako at binalak kong bulyawan ang kung sino mang hudas na gumambala sa akin, pero nang matunghayan ko si Creed ay natigilan ako. Nablangko ang utak ko at nanatili lang na nakatitig sa kanya. Wala namang reaksyon na itinayo n'ya ako sa marahas na paraan pagkatapos ay kinaladkad ako palabas ng kwarto.
Nakamata lamang sa akin sina Fashia, Heina, at Naami. Lahat sila ay nakasuot na ng school uniform. Kumunot ang noo ko. Umaga na ba? Gaano ako katagal na natulog?
Wala silang nagawa kundi panoorin ang ginagawang pagkaladkad sa akin ni Creed. Marami ring nakakita sa amin bago at pagkatapos naming makalabas ng dorm. May nagbulungan, pero kahit isa ay hindi nagtangkang makialam. Lahat ay nanood lang. Asa pa ako na may makikialam.
Nang makarating kami sa likurang bahagi ng school building ay saka ko lang naisipang kumilos. Pagalit kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak n'ya at saka s'ya itinulak.
"What the hell is your problem?" asik ko na matalim ang titig sa kanya. Nakakainis na ngayon lamang ako nakapagreact at ngayon ko rin lang napansin ang Student Council na nakamasid hindi kalayuan. Dakilang alalay talaga sila ng demonyong uwak na ito.
Pinagmasdan ko ang paligid. It was quiet here. There were no students and the place seemed like a haunted forest dahil sa matataas na punong-kahoy. Matataas din ang mga d**o sa paligid at nilulumot na ang mataas na pader. I wondered if this was even a part of the school. If yes, then Rapsodhee High was not that perfect at all.
"Why am I here?" I asked.
"You were here last night?" balik tanong n'ya sa akin. Napakalamig ng boses at blangko ang mapupungay n'yang mga mata.
"Funny question," nakahalukipkip kong sagot sa kanya. Ang lakas ng loob niyang magtanong kung narito ako kagabi samantalang alam niyang nagkulong ako sa detention room pagkatapos ng nangyari. Bigla ba siyang nagkaroon ng amnesia?
Matagal n'ya akong tinitigan. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip n'ya at wala rin akong pakialam kung ano ang nasa isip n'ya.
Ilang saglit pa at marahas s'yang napabuntong-hininga saka itinuro ang isang panig ng pader. Kunot-noong napatingin ako doon. Clueless sa gusto n'yang sabihin.
"There is a door in there," he said. "The intruder used it to escape last night."
I frowned. There was a door in that wall? Where? Perhaps I could not see it, but what was the point of this?
"So, he escaped?" I said as I glanced at the Student Council. "I thought they had him right after you sent him out from the detention. Did they fail to look after him?"
I wanted to praise myself for talking in a very casual tone. Nagsisikip ang dibdib ko dahil kaharap ko si Creed na nagbigay ng malaking takot sa akin kahapon. Gusto ko siyang gantihan, sapakin kaya o pugutan ng ulo. At namangha ako sa sarili kong naging napakakalma ng tono ko na para bang walang nangyari.
Brusky Holland stepped in. "We transferred him to the clinic," he said. "But Dr. Levesque said he escaped."
"With a knife with him," added Kamko Xiao.
"Injuring two students before he fled," Brusky continued.
Lalong kumunot ang noo ko. "At bakit n'yo sinasabi sa akin ito?"
"He escaped after I walked you out from the detention room," si Draven ang sumagot.
"And?"
"Did you help him to escape?"Creed asked.
Ilang sandali akong napatanga bago pagak na tumawa. "Is this some kind of joke? You hurt me for interfering in your goddamn bloody business. You wounded me and scared me to death. After that, I just wanted to take a rest. I wanted to sleep and kill you even in my dream. I was in the room before you drag me here. Why are you accusing me of helping that intruder to escape?"
"Because you care for him," Creed shouted. "You were concern about him. You knew him and you—"
"I didn't know him," I shouted back. "Hindi ko s'ya kilala. It was just curiosity that pushed me to check him. If I knew there was an escape door here, you would never find me sleeping in my room at all."
Silence fell.
I froze. Yes, there was a chance to escape. Bakit ngayon ko lang naisip 'yon? Hindi ko gustong makasama si Creed sa iisang eskwelahan at alam ko ring may kakaiba sa school na ito. Kung ano man iyon ay dapat kong iwasan at may paraan para makaiwas.
Napalingon ako sa pader. Nasaan ang pinto?
"So, you want to escape, huh." Naging mapanganib ang tono ni Creed. Sumingkit ang mapungay niyang mga mata at tila nagbabanta iyon ng kamatayan.
I did not answer.
"Then I'll give you a chance to escape," aniya. "It would be better. Hindi rin naman ang kagaya mo ang papalit sa kanya bilang isang queen."
Tumaas ang kilay ko. Pinapaalis n'ya ako dahil para sa kanya hindi ko kayang maging queen? What the f**k! Ano ba'ng klase ng queen 'yon para hindi ko kayanin na maging ganoon? s**t lang! Minamaliit n'ya ba ang kakayahan ko?
"You think I can't?" naghahamon ang tinig ko nang magsalita.
"You can't replace her," sagot n'ya.
Natigilan ako hindi dahil sa isinagot niya kundi dahil may nakita akong kumislap na emosyon sa mga mata n'ya. Parang pangungulila. Bakit? Sino ba ang dating queen? Ano ang kaugnayan n'ya sa lalaking ito?
Hindi ko namalayan nang umalis si Creed sa harapan ko. Napaunat na lang ako nang mapansin kong mag-isa na lamang akong nakatayo sa gitna ng mga puno at matataas na mga d**o.
Napalingon akong muli sa pader.
Maliwanag na kung sino man ang tumuntong sa Rapsodhee High ay hindi na makakaalis pa hanggat hindi natatapos ang dapat tapusin. It was still unclear to me, but I knew I should not get involved.
But...
I'll give you a chance to escape...
You can't replace her...
Umeko sa pandinig ko ang mga sinabi ni Creed. Nahamon ang pagkatao ko. I said I would never get in his way again, pero tila babawiin ko rin iyon. I was insulted and I didn't like the feeling of it.
Creed considered me as a weak woman. That was unacceptable. I'd prove him wrong.
Inalis ko ang paningin ko sa pader saka humakbang paalis, pabalik sa school. This could get ugly, but I am Temple Strawford. I would never back down again.
Never.