Demon of All Demons

3072 Words
Chapter 5 DEMON OF ALL DEMONS Sa lahat ng eskwelahang napasukan ko, there was a certain guy na crush ng lahat. It's either because he was a good-looking guy or because he came from a rich family. If he holds both, he would be an ultimate catch. Creed Craw, however, was famous in Rapsodhee High because he was the knight, which meaning was still unclear to me. I was secretly watching him since he came back four days ago. Lahat ng estudyante ay nangingilag sa kanya. Napaka-intimidating naman kasi ng presensya ng uwak na ito. Halatang crush s'ya ng maraming babae, pero hindi nila magawang ngitian o batiin man lang si Creed. Tumitili lang sila kapag wala na s'ya sa paligid. Parang natatakot silang makipaglapit, parang gano'n. Napabuntong-hiningang iniwas ko ang aking paningin sa panig ng cafeteria kung saan ay naroon si Creed kasama ang tatlong alipores n'ya. Nahagip ng paningin ko sina Fashia at Heina na lumampas sa cafeteria at nakaramdam ako ng bahagyang guilt nang makita ko na naman ang cast sa braso ni Fashia. She was still avoiding me. Perhaps she was waiting for me to apologize, but I would never do that. I didn't tell her to interfere. It was her careless action and every action has a consequence. Hindi dapat siya nakialam kung hindi n'ya naman pala kayang panindigan. At bakit ba inawat n'ya ako? So, pwede akong saktan ng ibang estudyante, pero hindi ko pwedeng ipagtanggol ang sarili ko? Gano'n ba 'yon? "Pwede ba akong umupo rito?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa aking gilid. I saw Naami Stones when I turned my head, smiling shyly and holding her snack. "I mean, you're alone. Is it okay?" "It's up to you. I don't own this place," walang pakialam na sagot ko sabay balik ng tingin sa labas. Wala na sina Fashia at Heina. Sinulyapan ko ang pag-upo ni Naami sa harapan ko. Napakainosente talaga ng mukha n'ya. "Ate Temple," tawag n'ya mayamaya na ikinatingin ko sa mga mata n'ya. "May itatanong sana ako. Kung pwede?" "What is it?" sagot ko. "Would you fight for us?" sabi n'ya na ikinakunot ng noo ko. Lumaban saan? Nagpatuloy siya, "Sigurado kasi akong pagkatapos ng ginawa mo kay Elric, ilalagay ka nila sa board lalo na at nawala na ang queen namin. Ikaw ang napipisil nilang pumalit sa kanya." "Queen?" 'Yon lang tangi kong naisagot. "Ilang linggo na rin kasing walang queen ang Rapsodhee High. Walang maglakas-loob na pumalit sa pwesto n'ya at wala ring deserving. Ikaw ang—" "What the hell are you talking about?" Lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. "I don't have any idea what do you mean. Is it about the chess game?" Of course, it was. They were talking about chess pieces since I came here. Mr. Hontraver mentioned a fight. Perhaps it was a chess competition and I'm not good at it. Why would I fight? "This school is different from your previous schools, Ate Temple. You can't escape from here anymore. We're calling it underground school dahil sa mga nangyayari sa loob nito. We have gangsters here, but we are calling them pieces. At sa mga pyesa na 'yon ay may dalawang nangingibabaw: ang queen at ang itinuturing naming king of fighters; ang knight, si Kuya Creed." "You're saying this school is a chessboard?" "The Underground is the chessboard, Ate Temple, a giant chessboard. We are the pieces. But the different thing is I'm just one of those pawns and you, you are going to be the queen, the new queen." Hindi ako nakasagot sa sinabi n'ya. So this is it? Ito ba ang ibig sabihin ng nag-iisang rule sa eskwelahang ito. Kaya ba touch move, place move ang rule dahil isa itong chessboard. Hindi lang basta gangsters ang narito. Hindi lang basta simpleng laban ang nagaganap dito. May mas malalim. At ngayon ay parang sinasabi n'ya na kabilang na ako sa laban na 'yon. Queen? What the hell? "Wait? What is Underground?" naitanong ko. "It is the place kung saan ay naglalaban-laban ang mga pyesa." Pasimpleng lumingon sa paligid si Naami na tila ba sinisigurong walang makakarinig sa kanya. Pabulong na nang muli s'yang magsalita. "I am not allowed to tell you this information, but I want to warn you, Ate Temple. This could get ugly." Bumuka ang bibig ko para magtanong, pero kagyat na nawala sa isip ko kung ano ang gusto kong itanong nang makita ko ang marahas na pagtayo ni Creed Craw mula sa kinauupuan n'ya. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang madilim n'yang mukha nang magsimula s'yang humakbang palabas ng cafeteria. Mabilis akong tumayo at sumunod sa kanya. Tinawag ako ni Naami, hindi ko na siya pinansin. Hindi ko rin alam kung bakit, pero walang pakialam sa paligid na tinalunton ko ang daan na pinupuntahan ni Creed. Mabibilis ang mga hakbang n'ya at nakasunod sa kanya ang tatlo n'yang alipores. Mukhang natatakot ang mga estudyanteng nakakasalubong n'ya kaya tila hinawi sa gilid ang mga ito. What was his problem? He suddenly transformed and the transformation was not in a good way. Kanina lang ay parang wala s'yang pakialam sa paligid. Tapos ngayon, parang gagawa s'ya ng malaking gyera. I was not certain where we were going, pero sa tingin ko, patungo sila sa detention rooms. Ano'ng gagawin nila roon? Teka... Hindi ba't naroon ang intruder? s**t! I almost forgot. Bigla kong napagtanto kung bakit biglang nagbago ang aura ng lalaking ito. Ano kayang gagawin n'ya? Pumasok sila sa isa sa mga detention rooms. They were about to close the door, pero naging mabilis ako. Naagapan ko ang pagsara ng pinto. Gumuhit ang gulat sa mukha ng tatlong Student Council dahil sa ginawa ko, pero hindi ako umimik at diretsong pumasok sa loob. "You shouldn't be here." I heard the husky voice of Brusky Holand. I looked at him but didn't say anything. "Hayaan mo na s'ya. It's fun na makita n'ya ang mangyayari ngayon." Tawa ni Draven Adkins. "Oo nga. Isa pa, sooner or later naman magiging isa na s'ya sa atin kaya dapat na ngayon pa lang magsimula na s'yang makialam," segunda ni Kamko Xiao. Hindi ko na pinansin ang mga sinabi nila sa halip ay tiningnan ko si Creed. Nakatalikod s'ya sa akin at pinagmamasdan ang intruder na ngayon ay natutulog. Gaano na ba katagal ang lalaking ito rito? Wala ba silang planong pakawalan s'ya? Oo nga at naghilom na ang sugat n'ya, pero nananatili pa rin s'yang nakakulong dito. For God's sake. This room was terrible. Hindi ganito ang detention room sa mga eskwelahang napasukan ko. This was like an empty box. No chairs, no tables, no fan, and the light was fuckin' red. Kahit saan ako tumingin, nagmimistulang dugo ang nasa paligid ko. Nakakakilabot ang ambiance. Bakit ganito rito? Ilang minuto pa kaming nasa ganoong posisyon bago humarap si Creed sa tatlong lalakeng nasa kabilang banda ko. Hindi s'ya tumingin sa akin na para bang hindi n'ya napapansin na narito ako. "Wake him up," utos n'ya. Humakbang naman patungo sa intruder si Draven. Ilang segundo n'yang tinitigan ang lalaki at nagulat na lang ako nang malakas n'yang sipain sa tagiliran nito. Nagising ito na umuubo sa sakit. "Now you're awake," sabi n'ya na yumuko para hablutin ang buhok ng lalaki at pilit itayo. "Let me go, bastard." Tiim-bagang naman ang intruder na halatang tinitiis ang sakit na narararamdaman. "Not so fast. Someone wants to talk to you." Ngisi ni Draven. Ihinagis n'ya ang intruder papunta sa direksyon ni Creed. Paluhod itong bumagsak sa mismong harapan nito. This was scary, but the intruder didn't seem threatened. Nakita ko kung paano siya ngumisi nang makita si Creed. Parang natutuwa pa sa mga nangyayari sa halip na matakot sa maaaring mangyari sa kanya. "Creed Craw, nice to see you." Tumawa ang intruder na halata namang may dinaramdam pa rin na sakit. Dahan-dahan siyang tumayo upang magkatapat ang mukha nila ni Creed. Ilang minutong nanatili silang nakatitig sa mata ng isa't isa. Parang nagsusukatan kung sino ang mas matatag at kung sino ang unang susuko. "What are you doing here?" tanong ni Creed. "To warn you," sagot ng lalaki. "Naghanda sila ng kakaibang laban para sa 'yo, Craw. They are very much certain na mapapabagsak ka nila. They have their alas." "Funny. Alas doesn't exist in a chess game," sabad ni Kamko na bahagya pang natawa. "Who says? Nakalimutan mo na bang wala namang batas sa larong ito? They can do whatever they want. They can use whatever they want to use to win the fight... even playing with your emotions." Ang huling pangungusap ng intruder ay tila ibinulong n'ya na lang habang nakatingin kay Creed. "Don't listen to him, Creed. He is just messing with you," Draven said. "No, I'm not. They know your weakness, Craw. They know how to leash you," tuloy-tuloy na sagot ng intruder habang hindi inaalis ang paningin kay Creed. "And why are you telling me this?" tanong ni Creed. I didn't know kung ako lang ang nakapansin, pero unti-unting naging blangko ang mga mata n'ya. Unti-unting nawala ang reaksyon ng mukha n'ya. Parang unti-unti, nagbago ang aura n'ya. "Because I want you to win the fight. I want you to avenge her death. I want you—" Hindi na naituloy ng intruder ang sinasabi nito nang malakas s'yang suntukin ni Creed sa sikmura. Napasinghap ako nang bumagsak ang lalaki habang namimilipit sa sakit. Hindi pa nakontento si Creed at hinablot n'ya ang lalaki sa damit nito saka sapilitang ibinangon. Muli niya itong sinuntok, sa mukha naman. Muling bumagsak ang lalaki. Akala ko ay titigil na si Creed, but I was wrong. Inibabawan n'ya ang lalaki at sunod-sunod na sinuntok sa mukha. Para akong nangilo sa tuwing naririnig ko ang tunog na nililikha ng bawat suntok n'ya. "What the hell are you doing? Don't just watch it! Stop him!" bulyaw ko sa tatlong Student Council nang mapansin kong pinapanood lang nila ang ginagawa ni Creed sa intruder. Sanay akong makakita ng ganito, pero ngayon ay parang bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit. Mukhang balak patayin ni Creed ang intruder. It was a normal thing sa mga gangsters na magbugbugan at magpatayan pa kung minsan, pero bakit parang tutol ako sa ginagawa ni Creed? Hindi ko nga alam kung bakit parang kinilabutan ako nang makita ko ang dugo sa mga kamao niya galing sa mukha ng intruder. Damn! He was really going to kill him. Tiningnan ko nang masama ang tatlong SC. I was trying to tell them na hindi na maganda ang nangyayari, pero umiling lang sila na para bang sinasabing wala silang magagawa. "Stop!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis akong humakbang papalapit sa kanila at sinalo ang kamao ni Creed. Nanlaki pa ang mga mata ko nang matangay ang aking katawan dahil sa lakas ng pwersa ng braso n'ya. Napaupo ako sa sahig, pero sinikap kong hindi bitiwan ang kamao n'ya. Bumaling sa akin ang paningin n'ya. Blangko nang una at unti-unting napalitan ng galit habang nakatitig sa akin. Ilang segundo s'yang nakatitig sa akin bago s'ya biglang kumilos para bawiin ang kamao n'yang hawak ko. Sa lakas ay nabitiwan ko s'ya at bahagya pa akong humagis palayo sa kanila. Damn! He was scary. I knew that the man's physical strength was always ahead of the woman's, but Creed was scary not just because of his strength but also because of his anger. He was like a demon in a human form. Pagkatapos n'yang makawala sa akin ay muli n'yang binalingan ang hindi na gumagalaw na intruder at muling pinaulanan ng suntok. "Don't get yourself involve," sabi sa akin ni Brusky. "Hindi mo magugustuhan kapag ikaw ang napagbalingan ng galit n'ya." Hindi ko siya pinansin. Nakatuon kay Creed ang atensyon ko. "I said stop! Are you going to kill him?" sigaw ko. Nang hindi pa rin s'ya tumigil ay saka pa lang ulit ako kumilos. Sa pagkakataong iyon ay ginamit ko na ang lakas ko. Hindi pa rin sapat laban sa lakas ni Creed, pero nagawa ko s'yang itulak at ilayo sa intruder na tuluyan nang nawalan ng malay. "You bastard! Balak mo ba talaga s'yang patayin?" asik ko sa kanya. Matalim na titig ang isinagot n'ya sa akin bago binalingan ang tatlo n'yang alipores na nanonood lang kanina pa. "Get him out of here and wait for me outside," aniya. At first ay hindi ko kaagad nahulaan ang sinabi n'ya. Nakita ko na lang nang lapitan ni Brusky ang walang malay na intruder at buhatin ito saka humakbang palabas ng pinto kasunod sina Kamko at Draven. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang naaawang tingin ni Draven sa akin bago n'ya tuluyang isara ang pinto. Narinig ko pa ang pagsara noon mula sa labas. Naiwan kaming dalawa ni Creed sa loob at noon ko lang narealize kung ano ang nangyayari. Kinabahan akong bigla. Matalim ang tinging ipinukol niya sa akin. "What is he to you, the intruder, what is he to you?" he asked. "Masyado kang concern sa kanya sa simula pa lang. Is he that special to you?" My brow furrowed. I wanted to tell him na hindi ko kilala ang intruder na 'yon, but his deadly glare stopped me. I saw death in his eyes as if he was here to kill me for interrupting his bloody business. My instinct kicked in. I ran to the door to escape, but Creed was faster than any human being I met before. He was not just a wizard, he was also a vampire. "Let me out of here," mariin at galit kong sabi kahit deep inside ay nakaramdam ako ng kaba. Leaving me alone with this man was hell. Sa nakita kong ginawa n'ya kanina sa intruder, posibleng gawan n'ya rin ako ng masama dahil sa pakikialam ko. "Leaving me without even saying a single word again?" asik n'ya na nakapagpatameme sa akin. Again? Ano'ng ibig n'yang sabihin? Hindi kaya— Hell, no! Naaalala n'ya ba ako? "What do you mean?" ganoon pa man ay tanong ko. "I thought you came here dahil nagustuhan mo ang mga halik ko and you're trying to seduce me again," Creed said, unaware that what he said made me blush. I tried to deny it, embarrassed that he really remembered me, but his eyes narrowed, and said, "So, tell me, who was he to you?" "I don't know him," naiinis kong sagot. "Then tell me why you stopped me," "You're about to kill him, for God's sake. Do you want to go to jail?" He smirked. "I killed four people already and I am still here. Free." Natigilan ako. Hindi ko alam kung seryoso ba s'ya a sinabi n'ya o tinatakot n'ya lamang ako. "Fine," I said. "Kill him if you want. I won't stop you at all." I shoved him away. I was too stupid to interfere, I just realized. Bakit ba kasi ako sumunod dito? Bakit ko pinigilan si Creed? Ano bang pakialam ko kung magpatayan ang uwak na ito at ang intruder na 'yon? Hawak ko na ang seradura ng pinto nang marahas akong hawakan ni Creed sa braso at hilahin pabalik. Nag-ekis ang mga paa ko at muntik nang bumagsak. "What the hell—" At hindi ko inasahan ang sunod n'yang gagawin. Mabilis n'yang inilapit ang mukha n'ya sa mukha ko saka ako marahas na hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko. Shit! What the hell was he doing? Marahas ko s'yang itinulak para kumawala, pero hindi s'ya natinag. Sa halip ay isinalya niya ako sa pader at hinawakan sa magkabilang balikat. "Bitiwan mo ako," sabi ko sabay tulak sa kanya. Nagmistula akong paslit na natatakot sa dilim. Hindi niya ako pinakinggan. Sa halip ay galit niyang hinablot ang buhok ko at muli akong isinalya sa pader. Napangiwi ako sa sakit. Isang huling aksyon ang naisip ko at hindi ako nag-atubiling gawin 'yon. Walang pagdadalawang isip na tinuhod ko ang harapan n'ya. Ipinagpasalamat kong nabitiwan n'ya ako. Sinamantala ko 'yon para makatakas. Tinakbo ko ang pinto at binuksan 'yon, but it was locked outside. "Open the door! Anyone! Open this goddamn door!" I shouted. No one seemed to hear me. Kinalampag ko ang pinto, pero walang nagbukas noon. Muli ay marahas akong hinila ni Creed. Sa lakas ay nawasak ang damit na suot ko. Natanggal ang butones ng vest ko at tumalsik iyon sa kung saan. Kasunod ay naramdaman ko ang pagkapunit ng manggas ng long sleeve na suot ko. Shit! "Stop!" Pinilit kong magpakita ng galit kahit ang totoo ay natatakot na ako. He was going to r**e me at hindi ko hahayaang mangyari 'yon. I pushed him as hard as I could and ran to the door once again. "Let me out! Somebody help me!" Creed covered my mouth with his palm. I tried to punch him, kick him, I tried everything I could to stop him, but he was already out of control. He grabbed my arms and pinned me at the wall. I heard a loud thud as the back of my head hit the concrete wall. My vision blurred. "You fuckin' bastard." I pushed him and kicked his stomach. He blocked my attack effortlessly. Then he grasped my throat, firmly and violently. I choked. "Stop, please." I coughed. Creed ignored my plea. His face was no human at all as he tore my dress apart, which exposed my upper body. I hurriedly covered it. Noon biglang bumukas ang pinto at pumasok si Draven. Lumarawan ang gulat sa mukha n'ya nang makita ang sitwasyon ko, pero kaagad ding nawala 'yon nang matalim s'yang titigan ni Creed. Gumuhit ang awa sa mga mata n'ya nang muling tumingin sa akin. Napasigaw na lang ako nang isinara n'yang muli ang pinto. Tuluyan nang gumapang ang takot sa buong katawan ko. Pinigilan kong umiyak, pero hindi nagpaawat ang mga luha ko. Napakatagal nang panahon nang huli akong umiyak. Napakatagal nang panahon nang makaramdam ako ng takot na ganito. Marahas na umungol si Creed at nanginig ang mga laman ko nang lumapat ang labi n'ya sa leeg ko. He was not kissing me, he was biting me. I felt his teeth onto my skin and it was painful. Then he moved and stepped back. I fell on my knees the moment he let me go. I was shaking so badly. "Consider this a warning," Creed said, his voice cold and dead. "Don't ever interfere with my business again."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD