The Unforgettable Night

3411 Words
Chapter 4 THE UNFORGETTABLE NIGHT Dalawang araw na hindi ako pumasok simula nang mangyari ang gulong 'yon sa cafeteria. Dalawang araw akong nagmukmok sa kuwarto. Actually, kaya ko namang pumasok. Maliit lang ang sugat sa noo ko ngayon kumpara sa mga sugat na nakukuha ko kapag napapatrobol ako noon. Ayoko lang talagang pumasok dahil ayokong marinig ang alingasngas mula sa ibang estudyante. Sabi kasi ni Heina ay paksa pa rin ako pagkatapos ng dalawang araw. But I couldn't stay in this room forever. The boredom was killing me. Yes, I didn't like to associate with people, but I didn't like to be a room prisoner either. I guessed I have to face the fame at all. Huminga ako nang malalim bago ako nagdesisyong lumabas ng kuwarto. Of course, wearing my uniform. Walang emosyon na naglakad ako papunta sa elevator. May ilang estudyanteng nasa loob nang pumasok ako roon. Mayroon ding sumakay mula sa iba pang palapag. Nasa likuran ko silang lahat but I could sense their stares. Calm down, Temple. They are just staring. And that was the point. Why were they staring? It was rude. Naiiritang lumabas ako ng elevator pagkarating sa first floor saka mabilis na humakbang patungo sa main school building. Dapat sana ay sa clinic ako unang pumunta kagaya ng bilin ni Dr. Levesque—para raw malinisan ang sugat ko, pero hindi ko na kailangan 'yon. Kaya kong palitan nang mag-isa ang benda sa ulo ko. Mabilis ang hakbang ko patungong classroom. I ignored everyone and their annoying stares. "She's back." I heard that unexpected reaction nang pumasok ako sa classroom. Parang excited ang boses na 'yon na hindi ko alam kung kanino nagmula. Tahimik akong naglakad papasok at dumiretso sa upuan ko. Nang makaupo ay pinagmasdan ko ang mga tao sa loob. Iilan pa lang sila, pero lahat ay nakamasid sa akin. Napabuntong-hiningang hinanap ng mga mata ko sina Fashia at Heina. Wala sila. Fashia was avoiding me simula nang mangyari ang engkwentro sa canteen. Hindi n'ya ako pinapansin sa dorm, which was unusual because she was usually the loudest. She was not even looking at me. I didn't know why, pero alam kong hindi s'ya galit sa akin. It seemed she was afraid. May cast pa s'ya sa braso n'ya until now. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kanya pagkatapos ko s'yang itulak. Oh well, I didn't even know na s'ya pala ang naitulak ko. It was not my fault. She should have not interfered. Mayamaya ay napapikit ako nang makaramdam ng bahagyang hilo. Nasapo ko ang ulo ko na hanggang ngayon ay may benda pa rin. Two days was not enough to heal the wound. I got six stitches and that was bullshit. I hoped that guy who did this was already dead. Kunot-noong sumubsob ako sa lamesa ko para pawiin ang pagkahilo. Bahala na kung makatulog ako. Hindi ako tumunghay kahit narinig ko ang halos sabay-sabay na pagsinghap ng mga classmates ko. I didn't care kung ano'ng milagro ang nakita nila at kailangan pa nilang sabay-sabay na magpakita ng ganoong klaseng reaksyon. "Ohh. Look who's back." I heard Draven Adkins' mocking voice beside me. "Hey, Temple." I clicked my tongue when he poked my shoulder. "Leave me alone," I growled without looking at him. "So, are you really that badass new kid?" someone asked. I froze. That new unfamiliar voice—no, that very familiar voice. It couldn't be. It was him! Hindi ako maaaring magkamali. Kilala ko ang boses na 'yon. Hindi ko makakalimutan 'yon. But how? Why was he here? Ilang minuto rin ang kinailangan ko para makapag-ipon ng lakas ng loob para tumunghay at hindi ko pa rin napigilan ang panlalaki ng mga mata ko nang makaharap siya, sa pangalawang pagkakataon. Ang mapupungay n'yang mga mata,makapal na pilikmata, parang iginuhit na kilay, matangos at matikas na ilong, at ang labi nya. God! It's really him. Ganoon pa rin ang mga mata n'ya na parang nanghihipnotismo sa pagtitig, pero wala akong nakitang gulat doon dahil sa muli naming pagkikita. Bakit? Hindi n'ya ba ako naaalala? Oh well. Sino ba naman ang makakaalala ng napakaikling sandaling 'yon? Ako lang naman, 'di ba? Ako lang ang hindi makalimot. Wala sa loob na nag-iwas ako ng tingin. That night... Marahan kong dinampot ang bote ng alak na nasa harapan ko saka ko 'yon dahan-dahang tinungga. Masyado na akong maraming nainom ngayong gabi. Sunod-sunod akong napalunok pagkatapos kong muling ibaba ang bote saka wala sa loob na pinagmasdan ang paligid. Maraming tao. Lahat ay halos puro kabataan kagaya ko. Umiinom. Naninigarilyo. Mukhang dumarami na talaga ang mga kabataan ngayon na nahihilig sa mga night life. Disco bar gabi-gabi. Isang grupo ng mga teen-agers na babae ang napansin ko mayamaya. They were four pretty and stunning young girls. Napansin kong may sinusulyapan sila sa isang panig ng bar at halatang nagpapa-cute sila. Wala sa loob na nasundan ng tingin ko ang direksyong tinitingnan nila. I saw a guy na ewan kung ano'ng mayroon sa kanya at parang ayaw umalis ng mga mata ko sa pagkakatitig sa kanya. Mag-isa lang s'yang umiinom at parang walang pakialam sa paligid. He was undeniably handsome at nakadagdag ang epekto ng ilaw sa aura n'ya. Ang tipo n'ya ang hindi kayang balewalain ng isang babae. Ilang minuto pa at naramdaman n'ya yata na may nagmamasid sa kanya at mabilis s'yang nag-angat ng paningin. Malas ko lang dahil sa direksyon ko s'ya tumingin. Gusto kong yumuko o lumingon palayo, pero para akong nahipnotismo sa mga mata n'ya. Damn! Sumilay ang ngisi sa mga labi n'ya. At noon lang ako parang natauhan. Bigla akong nag-iwas ng tingin at kaagad na tumalikod sa kanya. Noon ko rin naramdaman na parang masusuka ako. I drank too much. Napabuntong-hiningang tumayo ako sa kinauupuan ko at humakbang patungo sa exit door ng bar. I wanted to get out of here now not because of this unfamiliar feeling, but because I was already drunk. Kaya siguro kung ano-ano ang kalokohang pumapasok sa utak ko. I swayed at each step. I really wanted to leave, but someone bumped at me. I almost fell kung hindi lang ako nakahawak sa braso ng dumaang waiter, which caused him to drop the tray of wines that he was holding. "Oh," I whispered. "Miss, okay ka lang?" the waiter asked. He tried to help me, but a guy came out from nowhere and grabbed my arm. My head was spinning and I wanted to vomit when I noticed who he was. "Temple, honey. What are you doing here?" he asked. Oh crap! God, please spare me from this person. Andrew Curtis? Jesus! This guy was such a pain in my ass. "Hey, don't tell me na sinusundan mo ako? Oh, Temple, I didn't know you like me that much." Tumirik nang kusa ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya. This guy was totally a jerk. Nahaluan pa ng alak ang kayabangan n'ya kaya wala na akong masabi. Nagpipigil na hinawi ko s'ya sa daraanan ko para makalampas ako, pero hindi ko inasahan ang susunod n'yang gagawin. Naramdaman ko na lang ang labi n'yang lumapat sa balikat ko. Fuck. Awtomatikong tumaas ang nakatikom na kamao ko at lumanding sa kanan n'yang panga. Medyo nag-ekis ang mga paa ko dahil sa kalasingan, pero napangisi naman ako nang makita kong sumubsob s'ya sa sahig. He deserved that. "f**k! What the hell was that?" he yelled. I saw him getting up. He was maintaining his balance. I was drunk, but I knew my punch was not a joke. "What the hell is your problem? You just punched me. Come on, Temple. I know you liked that and I'm your boyfriend." "In your dreams! You're not my boyfriend!" galit kong bulyaw sa kanya. Who the hell was he to yell on my own face that he was my boyfriend? I didn't have one. Well, I would have one soon. Nahagip ng paningin ko ang lalaking 'yon na parang walang pakialam sa paligid. Nakamasid s'ya sa amin, pero walang balak makialam. Nakangisi akong lumapit sa kanya at nang tuluyan akong makalapit, I cupped his face and kissed his lips. Naramdaman kong bahagyang nanigas ang katawan n'ya. Halatang nagulat s'ya sa ginawa ko, but he let me kissed him. Shit! Bakit ba parang ang tamis ng labi n'ya? Lasang alak, but it tasted good. Nakakahilo. Parang ayokong bitiwan. But hell! This was not right. No. Let me do this for more seconds. I was still enjoying it. I slowly closed my eyes at ninamnam ang lasa ng labi n'ya. When he did not kiss me back, binitiwan ko ang labi n'ya at hinila siya patayo. "Hey! Who is that guy?" Narinig ko ang galit na boses ni Andrew sa gilid ko. "This guy is my boyfriend," nakangisi kong sagot sa kanya. "What! No! You can't do this to me, Temple. You are mine." Nagulat ako nang bigla n'ya akong yakapin kaya mabilis na gumana ang katawan ko. Bago pa s'ya makagawa ng sunod na hakbang ay mabilis ko nang pinatama ang tuhod ko ang harapan n'ya kasunod ang mabilis na pagbayo sa kanyang likod. Bumagsak s'ya sa sahig habang namimilipit sa sakit. Hinarap ko ang lalaking hinalikan ko. "Get me out of here! Now!" Napansin kong parang wala s'yang balak kumilos kaya hinawakan ko s'ya nang mahigpit sa braso. I dragged him out to the parking lot and forced him to tell me where his car was. "Miss, I don't have time for this. You better—" "Shut the hell up! Where is your car?!" bulyaw ko sabay hapit sa kwelyo ng suot n'yang damit. Napakunot ang noo n'ya. Tila hindi nagustuhan ang ginawa ko. Pagkatapos ay may diin na inalis n'ya ang kamay ko sa kanyang damit. His grip was hard at parang wala s'yang pakialam na nasaktan ang kamay ko. Wala rin s'yang pakialam na humakbang patungo sa isang big bike. Nakangising sumunod ako sa kanya at kaagad sumakay sa big bike. "Oh? Ano pang tinatanga-tanga mo riyan? Let's go." Puna ko nang mapansing wala pa yatang balak na paandarin ng lalaking ito ang motor. "Where am I gonna take you?" mahinang tanong n'ya. "Take me to your place," mabilis kong sagot without any hesitation. He looked at me over his shoulder as if I murdered someone. "What? I'm tired, okay? I want to rest. Ayokong umuwi sa bahay na ganito ako kalasing. Ayoko ring sumakay ng taxi." "Are you serious?" he growled. Parang gusto n'ya akong ihulog sa motor. "Drive or tell me where your place is and I will drive," nabubwisit kong sagot. He swore. Ilang sandali pa at naramdaman ko ang pag-andar ng makina ng big bike at ang pag-usad noon. I didn't care where we were going. I just needed sleep. That's all I wanted. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nasa kalsada. Hindi ko rin alam kung saan kami dumaan. Ang alam ko lang, buong byahe ay nakapikit ang mga mata ko at iminulat ko lang 'yon nang maramdaman ko ang pagtigil ng motor. Kaagad kong pinagmasdan ang paligid. Parking lot? Hotel? Pinababa ako ng lalaki at sumunod naman ako. I didn't usually go out with a stranger, but this guy was different. His eyes were haunted at mukha namang hindi siya interesado sa akin. "Follow me," sabi n'ya saka nagpatiunang maglakad patungo sa elevator. Wala sa loob na sumunod ako. Nang makapasok sa elevator ay kaagad akong sumandal sa dingding. Umikot ang paligid ko. I heard him clicked his tongue. Alam kong naiirita siya sa presensya ko, pero hindi na mahalaga ng nararamdaman niya. After a decade ay nasa loob na kami ng kuwarto. I didn't ask kung nasaang lupalop kami ng mundo. Walang paalam na hinanap ko ang banyo at nag-shower. Para akong nasusuka, pero hindi naman. Nagbabad ako ng halos isang oras sa loob bago ako lumabas. At naratnan ko ang lalaking nakahiga sa kama. Lumapit ako sa kanya at bahagya s'yang inalog. "Hey! You goddamn stranger! Wake up!" Pero nakailang alog na ako sa kanya ay hindi pa rin siya kumikilos. Fuck! Where the hell I'm going to sleep now? Ayoko sa sahig at ayoko rin sa couch. Nabubwisit na umikot ako sa kabilang side ng kama at nahiga doon. The cold water was not enough para mawala ang kalasingan ko. I really needed to sleep. At kung kailan naman namimigat na ang talukap ng mga mata ko ay saka naman parang bumberong umalingawngaw ang boses ng lalaking katabi ko. "What the hell are you doing here? Get up!" "Shut up!" bulyaw ko na halos nakapikit na ang mga mata. "I don't know who you are, b***h! You better get out of my place bago pa kita sipain palabas!" asik n'ya habang pilit akong ibinangon. "Don't touch me! You bastard!" Malakas kong hinawi ang kamay n'ya saka ako kusang umupo at tinitigan s'ya nang masama. I swear, if only my stares could kill, he was already dead at this moment. Pero ang masama kong titig ay unti-unting napalis habang tumatagal ang titig ko sa kanya. Hell! Where on this Earth could you find a handsome guy like this one? Kakaiba ang presensya n'ya at nakakabato-balani ang mapupungay, pero blangkong mga mata n'ya. God! Ngayon lang ako humanga sa isang lalaki. Ngayon lang. "What are you staring at? I said get up!" kunot-noong asik n'ya sabay hawak sa magkabila kong braso. Pero mabilis ako. I didn't know kung ano ang tumakbo sa isip ko, pero mabilis kong hinuli ang mga kamay n'ya at malakas ko s'yang itinulak. Napahiga s'ya sa kama na sinamantala ko naman. Umupo ako sa tiyan n'ya habang mahigpit na hawak ang mga kamay n'ya like I was a r****t and he was my victim. "Dinala mo ako rito, right? Let me sleep here then or let us play fire if you want." Ngisi ko sa kanya. This was not me. I never did this before, pero parang may sariling isip ang katawan ko. I started to tease him. Gusto ko ang kagaspangan ng ugaling ipinakikita n'ya sa akin. He's not that pa-cute type of guy and that was turning me on. "What the hell are you saying? Let me go and get up!" mariin n'yang utos na tinawanan ko. He's cute doing that. "What? Your rudeness is cute, you know that? It is turning me on," napahagikhik kong sabi habang bahagyang inilalapit ang mukha ko sa kanya. Hmm. Hindi ako magsasawang titigan ang mukhang ito. "Handsome devil, kiss me," tila nahihibang kong sabi. I was enjoying this. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha n'ya. Marahil ay napipikon na s'ya sa akin. I bet he's going to kill me soon. But I was wrong. Nagulat ako nang sa isang iglap ay magkabaligtad kami ng posisyon. Nasa ilalim ako at nasa ibabaw s'ya habang mahigpit n'yang hawak ang mga braso ko. Hindi ko alam kung paano n'ya nagawa 'yon. Basta ang alam ko, kinabahan ako lalo na at matalim ang titig n'ya sa akin. "Let me go! You brute! Let me go!" Suddenly, I was nervous. "Now you're screaming. You told me to kiss you, right?" mariin n'yang bulong saka mabilis na inilapit ang mukha sa mukha ko. The next thing I knew, he was kissing me, violently. s**t! This wasn't right! No one dared to do this to me! No one—no one. Kaagad na naglaho ang naiisip kong panlalaban nang unting-unting magbago ang paraan ng paghalik n'ya. Naging masuyo bagaman at naroon pa rin ang diin. I couldn't help it. I heard myself moaning. Dahil yata doon ay kumalas s'ya sa pagkakahalik sa akin at tumitig sa mga mata ko. Nakatitig rin ako sa mga mata n'ya at napansin kong parang lalo yatang pumungay ang mga matang 'yon. I couldn't name what was there in his eyes, but it was not blank anymore. He was looking at me as if he was my god and I was his goddess. "Uhmm. I-I'm sleepy." Tumikhim ako nang ilang ulit habang sinusubukang itulak s'ya. But he was strong. Parang balewala sa kanya ang ginagawa ko. O talaga lang sigurong kulang sa lakas ang pagtulak ko sa kanya. I almost sighed. "Let me go." "Not so fast. You started it," pabulong n'yang sagot na lalo pang hinigpitan ang hawak sa mga braso ko. I wanted to fight, pero hindi ko magawa. Parang nanghihina ako. At nahihilo rin ako. I knew what happening now wasn't right. This guy was totally stranger to me. But I couldn't find the strength to stop it. It seemed I was in a deep spell and I couldn't find the right potion to cure it. Muli kong naramdaman ang labi n'ya sa labi ko. God! It was sweet. Ganito ba talaga ang lasa ng halik? This guy was my first kiss, damn it! Paano ko malalaman ang kaibahan? All I knew was this kiss was driving me crazy. Lalo na nang maramdaman ko ang init ng katawan n'ya. Nawala na ako nang tuluyan sa aking katinuan. Para akong nanlambot at hinayaan ko na lang s'ya sa mga ginagawa niya. My clothes magically disappeared. This guy was a wizard, I should have known from the very start. Naramdaman ko ang pagdidikit ng hubad naming mga katawan and it felt so good. His kisses and touch were really giving me goosebumps and it was wonderful. The next thing I knew, I felt too much pain down there. I almost cried, but his kiss and gentle move eased the pain slowly. Dahan-dahan hanggang sa tuluyang mawala ang sakit. Hanggang sa matapos. Hanggang sa bumagsak s'ya sa tabi ko. Hanggang sa maramdaman ko ang malalim n'yang paghinga tanda na nakatulog na s'ya. Doon ako parang bumalik sa reyalidad. Mabilis akong bumangon at isa-isang dinampot ang mga damit ko. I saw the bloodstain on the bedsheet habang nagbibihis ako, pero hindi ko na pinansin 'yon. Of course, magkakaroon ng bloodstains doon. He was my first. I was... I was a virgin. Not anymore. Mabilis kong tinapos ang pagbibihis ko saka ko tinungo ang pinto. At isang lingon ang ginawa ko. Ilang sandaling pinagmasdan ang mukha ng gwapong estranghero na kauna-unahang lalaki sa buhay ko. Napangiti ako nang mapakla habang nakatitig sa kanya. Hindi ko makakalimutan ang mukhang 'yan. At pagkatapos ng ilan pang sandali ay lumabas na ako. "Hey! Are you still with me?" Mahinang palakpak sa harap ng mukha ko ang nakapagpabalik sa aking wisyo. Nakita ko ang mukha ng lalaking estranghero sa harapan ko. Halos isang dangkal lang ang agwat sa mukha ko. Awtomatiko akong napatayo at lumayo nang bahagya sa kanya. Shit! The feeling was still the same. His eyes were still—s**t! I should not think about it at all. And besides, why was he here? Why was he wearing the Rapsodhee High's uniform? "Whoa! Chill. Malapit na kayong matunaw, oh. Tama na ang titigan." Narinig ko ang nakakalokong boses ni Draven Adkins, pero hindi ko s'ya nilingon. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa lalaking ito at ganoon din s'ya sa akin. Parang pinag-aaralan n'ya ako. Napansin yata ni Draven na hindi namin s'ya pinapansin kaya nakangisi s'yang umakbay sa balikat ng lalaking estranghero. "Okay, okay. Miss Temple Strawford, let me introduce you to the king of fighters here, the knight, the demon of all demons, Creed Craw. Creed, I guess you already knew her." "Yeah. The badass new kid. I heard what she did to Elric two days ago." Nangunot ang noo ko sa sinabi ng estrangherong lalaki na ngayon ay alam ko na ang pangalan, Creed Craw. So, he was a famous guy, huh. Funny. What a small world! Nakatingin s'ya sa akin na may ngisi sa mga labi. Bakit parang hindi n'ya ako naaalala? Well, maybe sleeping with different women every night was very usual thing for him kaya hindi n'ya na naaalala ang mga babaeng nakakasama n'ya. Great! Hindi ko kailangang mailang sa harapan n'ya. "Hey, would you mind? I want to take my seat now." Mayamaya ay itinuro n'ya ang upuang hinaharangan ko. So, this was his seat. Kaya pala halos sipain ako paalis ng tatlo n'yang alalay palayo nang umupo ako rito. "This is not yours now. This is mine," malamig kong sagot saka ako naupo sa upuan at tumingin sa labas ng bintana. Ayoko nang makipag-usap. Lalo na at sumasakit na naman ang ulo ko. Naramdaman ko ang pag-upo ni Creed sa tabi ko. Awtomatikong lumingon ang ulo ko sa direksyon n'ya. And again, I couldn't take my eyes off him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD