The necklace

3032 Words
"Thank you talaga girl" She giggled after saying that. In this position naaaninag na namin ang museum. "Art covenant museum" pabulong kong ani. "Tara na girl!" at hinila na nga ako nito papasok sa museum. Hinde ko man lang namalayan na nakapasok na kami. Ganon pa din, magagandang arts at makahulugang mga bagay na animo'y pinakaingat- ingatan sa mahabang panahon. "Where is he na ba?" pabalik- balik lang kami sa pwesto punta roon babalik nanaman dito malapit sa pintuan. Inilibot ko naman ang paningin ko and there i saw a bunch of high school student who was taking picture sa kung anong madadaanan nila. I guess they were friends? "THERE tara girl ayun na siya oh" hinila ako nito pero nandon pa rin ang paningin ko sa isang pinta, napakaganda at doon din pala ang tungo namin. "Kunwari you're taking me pictures alright?" i turn my gaze at her naguguluhang kinuha ang phone nito at sinimulan na siyang kunan ng litrato katabi ang napakagandang pintang si Queen Mary I. "May plano ka bang i full storage itong phone mo?" I am now starting to get annoyed but it stopped when i heard a voice- a man's voice. "Hey, Amora right?" napahinto ako sa boses nito, familiar. "O-oh uhm hi? Philip right?" So he is phi- handsome. Yun ang agad na pumasok sa utak ng bumaling ang atensyon ko rito kulang pa nga ang salitang gwapo para ikumpara ito sa kanya. Matangos na ilong, mapang akit na mata, hugisang panga, mapupulang labi at magulong buhok na mas lalong nagpaganda ng tinding nito. 1 2 3 Tatlong hakbang palikod ang ginawa ko ng makalapit na ito. "Oh girl na amused ka rin ba?" ang bunganga talaga ng isang to. "A-ano ang tangkad kasi, nagmumuka akong kaliit-liit dito." Bat ba ako nauutal?! "Ok sabe mo eh." she smiled, pakiramdam ko ay iba ang kahulugan ng ngiting iyon. "So, kamusta ka?" tanong nung philip sa kanya pangiti-ngiti pa. "Ito ok lang naman ikaw?" Pabebe ang bruha. "I'm good at.... Ikaw naman miss?" "A-ako? Ok n-naman." Maria kalma. "uh i mean anong pangalan mo?" ngiting ngiti nitong tanong. "She's Maria friend ko yan interested ka? Sige sayo na iwan ko na ba siya dito?" Napatawa ito sa sinabe ni Amora. Sinamaan ko ito ng tingin pero ang bruha ngumiti lang ng makahulugan at nag peace sign. "Ow no thanks i am more interested knowing you, Amora." pagtanggi nito at tumingin pa mata sa mata kay Amora. Nainis naman ako dun i don't know why, i leave them ng walang paalam at kunwaring nag titingin sa mga magagandang bagay na nakapalibot rito. "Ayy bitter" i didn't bother to look back when i heard Amora's murmured. "Pinaglihi ba sa ampalaya iyang kaibigan mo?" rinig ko pang tanong nung philip, liningon ko ito at inikutan ng mata kumulo talaga ang dugo ko sa dalwang to. I need fresh air kahit na fresh na ako. "Sungit." He added but i just shrugged and continue looking at the things here. "Ang ganda naman nito." bulong ko habang hinimas pa ang cover ng napakagandang koronang ito. "That is the queen mary's crown, ganda diba?" sumunod talaga siya? "Mas gaganda kung ako ang sumuot niyan no." bulong ko at hinde ko naman akalaing maririnig niya pa iyon, pang elepante ba itong tenga nito? "Nagpapatawa ka ba? HAHAHA kailangan ng matinding pagsasanay sa pagbalanse kahit na sa pagsuot lang ng koronang iyan." napataas naman ang dalawang kilay ko, really? "Well, sabi ni tita sakin." bumaling ang atensyon ko sa kanya, siya naman ay nakatingin lang sa kulay gintong korona at ng balakin nitong tumingin sakin ay umiwas agad ako at hinde maiwasang mamula, ang gwapo niya. "Ang gwapo ko talaga, wala pa ngang ginagawa kilig ka na agad?" he chuckles, a manly one pati ba naman boses? I just stayed my gaze at the crown. Gwapo siya oo pero hinde ako kinilig ano, ang taas naman ng tingin nito sa sarili niya. Malayong malayo sa ideal man ko. "Oyy nag momoment yung dalawa." And here she comes. "Nag cr lang ako saglit ganto na madadatnan ko?" I know Amora well. Madali siyang kiligin pero hinde ibig sabihin non na gusto ka na agad niya, kahit sakin nga ay namumula ito eh. "Mas mabuti na yan kesa makita mo kaming nagpapatayan rito HAHAHA." Masayahin siyang tao ano? Pansin ko lang kanina pa ito pangiti-ngiti eh. "Oo nga ano?" And they both laugh. Anong nakakatawa? "So Amora? Tapos na yung gagawin mo rito? Baka pwede na tayong umalis?" i asked "What? Kakarating niyo lang right?" bakas sa muka ni philip na ayaw niya pa kaming paalisin or should i say AYAW NIYANG PAALISIN SI AMORA?! "That is life." then i shrugged "Nako wag mong pansinin yan kahit papansin." sinamaan ko ito ng tingin pero umiwas lang siya. "Oo nga may gagawin pa pala ako, how about soon? Babalik na lang kami rito if we have some time na lang." abot tenga ang ngiti ni philip ng marinig iyon. Tsk "Sure, so see you soon?" Hinde pa rin niya inaalis ang paningin kay Amora, akala mo naman mawawala. "Nako philip ha bat ba kanina pa ka tingin ng tingin sakin, hmm why don't you try to look at my friend Maria." taas baba pa ang kilay nito ng sambitin iyon habang naka tingin kay philip. Dahil sa sinabe ni Amora ay mukang napilitan si Philip na bumaling sakin, agad naman itong umiwas ng tingin ng magtama ang mga mata namin at hinde nakailag sa paningin ko ang pamumula ng tenga nito na agad ding nawala, ngyare? "Ang ganda ko talaga, wala pa nga akong ginagawa kilig ka na agad?" panggagaya ko sa sinabi nito kanina. Tinaasan ako nito ng kilay at nginiwihan ayy maatitude siya. "Tss asa ka." reklamo nito. "May pag uusapan pa pala tayo Philip diba?" pinanlakihan nito ng mata si Philip at hinde na ito nakatanggi ng hablutin nito ang kamay niya at hilahin sa ibang bahagi ng museum. Nakita ko namang nagsimula na silang mag usap. Tumalikod na ako at pinagpasdan ang napakagandang maniubrang si Queen Mary I. Ngayon ay may oras na ako upang pagmasdan ito ng maayos, may kwentas pala ito na hinde ko nakita noong pumunta kami rito, isa itong marble na hugis puso at kulay dug- katulad ng kwentas ko! Dali- dali ko namang kinuha ang kwentas ko at itinabi sa maniubra doon mismo sa katabi ng kwentas. Magkasing tulad nga sila, akala ko ba nag iisa lang itong kwentas katulad ng sinabe ni mama? Oo si mama ang may bigay nito sakin, nakalimutan ko na kung kailan. Palapit na ng palipit ang kamay ko ay biglang umilaw ang kwentas ko at kwentas na nasa maniubra, kasabay nitong lumantad ang maliliit na letra kaya't dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at kinunan ito letrato, tama lang ang ginawa ko dahil matapos mawala ang mga letra ay tinawag na ako ni Amora. "Tara na girl maghahapon na oh." napatingin naman ako sa b****a ng museum, tagiktik ang init sa labas. "So i guess bye na?" tanong ni philip. "Ano ka ba were going back here soon maghintay ka lang madadala ko ulit si Maria dito." ang nararamdaman ko lang ngayon ay kuryosidad. Gusto ko ng umuwi, hinde gusto ko ng makita kung ano ang mga lumantad na letra sa pintang iyon. "Tara na." hinde na ako nakapag hintay na sumagot ang dalawa sa kanila, hinigit ko na si Amora. "Your'e not nagmamadali naman ano?" I didn't answer her, bagkos pumara ako ng taxi. "Kanina ka pa may hinahanap, ano ba yun?" "Hinde ko din alam, basta i feel like may kulang sakin." i answered honestly totoo yun. "Humarap ka nga sakin." i followed her. "Hmm let's see." ang dalawang kamay nito ay nasa magkabila kong braso. Inilihis nito ang mga mata sa damit ko at bumaling naman sa aking leeg at doon naman nanlaki ang mga mata nito. "Nasaan ang kwentas mo?!" histerikal na tanong nito. Napahipo naman ako sa aking leeg, ng mapagtantong wala na ang kwentas ko ay bigla akong nag panick hinde pwedeng mawala iyon. "So were na yun?" nagpanick rin si Amora dahil alam naman nito na importante ang kwentas na yun. "Uhm nasa museum siguro." "Tara balik tayo dun." She then panickly pick a taxi, pumasok agad kami ng may humintong taxi sa harapan namin. "Andito lang yun eh." i panickly said while finding my necklace. Were here again at the museum at mag gagabi na. "Ma'am magcoclose na po kami." napatinging naman ako sa relo ko, seven o'clock. "Girl we better come back tommorow." napaisip naman ako saglit. "How about Philip? Baka nakita niya rito." i said desperately. "Oo nga ano? Ah miss may kilala ba kayong philip? Matangkad, gwapo, matipuno ma-" "Si sir philip ma'am? Umalis po eh next week pa daw babalik." Pano kung nasa kanya nga? Mag hihintay pa ako ng next week? "Sige po salamat were going na din po." andaming po ah. "Thank you." matipid na pasasalamat ko. "Pano kung nasa kanya nga? Maghihintay pa tayo ng next week? Nako Amora maliit lang ang pasensya ko." Saad ko at sinapo ang noo ng wala sa oras. "Hintayin na lang kasi natin, or babalik tayo rito araw- araw i heard that this is his tita's museum." I didn't know. "Sige tara na baka mapagalitan kapa dahil sa akin." "Mama, papa i'm home." Lumantad naman sakin ang mga mukha ng magulang ko na animo'y naluluha. "O my sweetheart alalang- alala na kami sayo." "Are you ok? Hinde ka ba napahamak bakit ngayon ka lang naka uwi?" Nako papa kung alam niyo lang. "Nothing po uhm gumawa lang po ng project." I lied, i guess that was a whit lie? Ayaw kung mag alala sila ano. "But you didn't text us man lang." "Sorry mama nakalimutan ko po." nakayukong pagpapatawad ko. "Buti pa kumain na tayo ng hapunan." 8 o'clock na rin pala. "Huwag mo na ulit gagawin yun nak ha nako kung nakita mo lang nanay mo kanina malapit na talagang mag wild." natatawang saad ni papa habang nasa hapag kainan kami. "Yeah, and to think na parang papatay na itong tatay mo." tinawanan rin ni mama si papa. Then our dinner became fast, tapos ko na rin hugasan ang mga utencils. "Nak kunin mo nga yung marker ko sa taas, yung black doon sa library, thank you." agad naman akong pumunta sa taas at iniwan ang ginagawa. Ok marker..... Markerr.... Here you go. Aalis na sana ako ng mahagip ng mga mata ko ang naiibang libro. Kung ang iba ay plain color at plain ang shape ito naman ay pula at may mga disenyong numero, kukunin ko na sana ito ng marinig ko ang sigaw ni mama, kailangan niya na ang marker. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at bumaba. Nandito na ako sa kwarto ko at hinde pa rin maalis sa isip ko ang libro. At dahil doon ay agad kong naisip ang maniubra kaya't kinuha ko ang aking cellphone sa maliit na mesang katabi ng higaan ko. Ok so asan naba yun, pagbukas ng gallery ay puro mukha ni Amora ang lumantad rito. To open the portal you need to answer and give for what was written below.... The book of past..... The necklace of suffering..... When is her birth?..... What is the name of the queen?..... Who was her child?..... Give me the blood of BLOODY MARY..... Isa lang ang naisip ko, kahibangan, bat kailangan ng dugo? Sa ilalim ng mga iyon ay ang iba't ibang larawan. The book of past, magkasing tulad ng librong nakita ko sa library ni mama, and the necklace of suffering katulad iyon ng kwentas ko. Malaki ang art ng Queen Mary I kaya makikita mo talaga ang mga lawaran, pero ang ipigtataka ko lang ay kung bakit dalawa lang ang pinakita. Sino ba kasi si her? Siya ba si Queen Mary? Kasi diba siya ang nakaukit roon sa paint? Pumunta ako sa library ng masigurong tulog na ang mga magulang ko, nakuha ko naman ang libro ng walang kahirap-hirap. Pero wala namang laman? Pano ito mabubuksan? Nakita ko naman ang hugis puso sa harapan ng libro at ang lalim ng hugis nito pwede kong ilagay ang daliri ko. Ginawa ko pero hinde na umabot papasok sa hugis ng may marinig akong kaluskos. "Nak gising kapa ba?" Itinago ko naman agad ang libro sa ilalim ng unan ko at nagkunwaring tulog. "Tulog na." rinig ko pang bulong nito kaya mas inigihan ko ang pagpapanggap nagkunwari pa akong nasisilawan ng buksan nito ang ilaw kaya nagkaroon ako ng pagkakataong ilagay ang unan sa mukha ko para hinde mahalatang natatawa na ako rito. Ang hirap talagang magpanggap, nako. "Hayy tulog na nga talaga." ramdam kong umalis na ito at pinatay ang ilaw ng kwarto ko. Dahil dun hinde ko namalayang nakatulog na pala ako. Week pass by ng ganon kabilis... Dumadaan kami ni Amora sa museum bago pumasok ng paaralan ganon pa din wala pa siya. Pano na yan? Pano na ang kwentas ko? Pano ko na magagawa ang pinaplano ko? Hayystt.... "Tapos na ang isang week ah bat wala pa siya?" tanong ni Amora habang nakatunganga sa arko ng museun, ganon din ako. Pumasok na kami ng ganon pa rin ang dinatnan, mga taong tumitingin sa magagandang obra at kumukuha ng litrato nito. "Libot na lang tayo, isang oras pa naman bago magsimula ang klase natin eh." Akala mo talaga ang lapit ng school dito ano? Nagpatianod na lang ako ng hilahin ako nito papunta sa kasuluksulukan ng museum. "Wow" Yan lang ang masasabe ko, si Amora nga ay nakabukas pa ang bunganga dulot ng pagkamangha sa mga alahas na nasa harapan namin. Iniwan na ako ni Amora at naglibot- libot, ako naman ay sinuri ng maayos ang mga alahas, saan ko nga ba nakita ang isang to? "Kay mama." bulong ko habang nakatingin sa isang maliit na korona. Kay mama nga, mula sa kailiit liitan nitong disenyo. Aabotin ko na sana ito ng biglang may kumalabit sa akin. Si Amora lang pala at mabuti na lang hinde ako napasigaw dun. "Tara na, baka ma late na tayo." "Wala siya?" I said refering to Philip. Umiling ito na animo'y bigo. "Tara na." Nauna na akong lumakad palabas ng museum. "I heard your finding me?" I know that voice kahit sa maikling panahon ay kilalang kilala ko ang boses na iyon. "Philip?! Ikaw nga." Then she hugged him, ay wow sige multo lang ako dito ah? "Ah oo, nakita mo ba ang kwentas ko?" i said directly, ayaw ko ng magpaligoy- ligoy pa. "Anong kwentas?" tanong nito habang nakakunot ang noo. "Yung heart shape tapos parang creepy yung kulay kasi dugo tapos yung thread ng kwentas red din." hinayaan ko na lang si Amora na sumagot, gusto niya eh. "Oh necklace? Saan ko nga ba ah" parang may umilaw naman sa utak nito ng bigla niyang itaas ang hintuturo na galing lang sa paghimas ng baba niya. Cute "Nasa bahay." Abot tenga pa ang ngiti nito, yun pala nasa bahay nila?! "Kailan ko pwedeng kunin?" Aba hinde yun pwedeng matagalan ano. "Tommorow? Or after your classes." I nod at umalis na, dali- dali namang sumunod si Amora at siya na ang nagpasalamat kay Philip. "Gosh Maria your so rude." tinaasan ko ito ng dalawang kilay. "Rude? Pasalamat ka ginawa ko yun kung hinde wala tayong grades sa P.E" Nanlaki naman ang mga mata nito at hinde na nakapaghintay na higitin ako papunta sa waiting shed. Wala na kasing oras para mag cab. "MANONG PARA PO." natawa naman ako dahil sa napakalakas na sigaw ni Amora, akala mo naman binge ang mga driver rito. "Oh mga iha, sasakay kayo?" "Hinde po manong magtatanong lang kami kung driver kayo." sagot ko rito at pumasok na sa taxi kasunod ni Amora. "Grabe muntik na yun." Nandito na kami ngayon sa school, mukhang hinde pa sila nagsisimula. Nakabihis na ang lahat, ngunit hinde pa nakapag start, so we both rushed to our locker to get our p.e clothes then nagbihis na sa banyo. Nagsimula na kaming maglaro ng kanya- kanyang sport, Volleyball ang pinili namin ni Amora. "GO TEAM TREXIE." "KAYA NIYO YAN TEAM AMORA BEAT THEM WHOOO" They shouted the both leaders, well magaling si Amora pagdating rito kaya why not? Kahit na hinde patas kung lumaban ang team nila trexie ay napapanalo pa rin niya, oo siya lang hahaha mga daga lang kami rito. "BOOO, madaya." Pupuntahan ko na sana si Amora ng matumba ito sa lakas ng pag kill ni trexie sa bola, kahit kailan madaya pa rin. Pero hinde pwede, kapag may na injure ay deritso sa clinic at tuloy ang laro. Ok Maria inhale exhale na sakin na ang bola at nag hihintay na lang silang i serve ko. I kicked the ball, ofcourse using my hand mataas nga lang then dahil nandon ang attention nila palapit na ang bola sakin then i didn't serve it instead i killed, tama lang ang tansya ko natamaan si trexie. Karma yan bruha ka. "GO MARIA." "TALUNIN NIYO YAN" Hangang sa pag cheer lang ang mga studyanteng nandito dahil kapag tapos na ang laban ay sila na naman ang kawawa. Trexie is such a brat kaya nagiging bully eh kinukunsinte ng mga magulang kahit na siya naman talaga ang mali. Spoiled din ito, kung gusto niya then gusto niya dapat ay mapapasakanya ito. Natapos ang laro at kami ang panalo, himala pa nga at ako lang ang nakapuntos samin. Bat pa nga ba ako magtataka eh si Amora ang trainor ko pagdating dito? Pagtapos ng laro ay tinakbo ko agad ang clinic, hinde na ako nagbihis pa, humanda iyang trexie kapag may mangyaring masama sa kaibigan ko matatrashtalk ko talaga yan. Aba magaling ako sa trashtalkan ano, kaibigan ko mismo ay hinde makapagpigil sakin pagdating sa ganiyanan. "Okay nga lang ako ano ka ba HAHAHA." May gana pang tumawa ang bruha. "Ok fine" nagtatampong sagot ko. "Oyy panalo kami, galing naman ng kaibigan ko." Puri nito sakin kaya bumaling ako sa kanya at ngumit ng napakalapad. At doon ko na nga kinwento ang nangyari. Natapos ang napakahabang pag aaral ay makakauwi na din kami. To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD