"Akala ko talaga hinde na kayo sisipot." Pambungad ni Philip samin ng dumating kami sa park malapit sa bahay namin.
"How long did you waited ba?" tanong ni Amora sa kanya.
"Asan na yung kwentas?" hinde na ako pwedeng mag paligoy- ligoy pa ano, kailangan ko yun.
Well curiousity kills....
"Oh wait, let's buy something to eat bago ko ibigay sayo iyong kwentas mo." abot tenga ang ngiti nito ng sambitin ito, ano ba ang meron sa ngiting yan at hinde ako makapag hinde?!
Hinde na ako nakapalag pa ng siya na mismo ang umalis patungo sa isang stall na bilihan ng chichirya at juice.
"Here." Unang inabot nito ang isang chips at isang coke na nasa lata kay Amora.
"And.... Here's yours." Inabot naman nito ang isang icecream na nakalagay sa malaking cone.
Kahit nagtataka kung bakit naiiba yung sa akin ay tinanggap ko na lang malay ko ba kung gusto nilang mag pair.
"Magkano to?"
"Nako naman Maria minsan na nga lang ako makakatanggap ng libre eepal ka pa." nagtatampong ani ni Amora, ano pa nga bang magagawa ko?
Ibinalik ko na ang pera sa wallet at ipinasok sa bag ko. Galing pa kasi kami ng school, at dumaan lang dito para kunin ang kwentas ko.
"Yung kwen—" Hinde ko na naituloy ang sasabihin ng putolin ito ni Philip.
"Ubosin mo muna yung icecream." Nakangiting ani nito.
Hinde pa nga ako nakakalahati eh tapos na sila? Edi sana sinabe niyo na lang na gusto niyo ng time.
Hinde na ako nagsalita pa at dagling inubos ang icecream, bahala na kapag nagmumukha akong dugyotin dito, kailangan ko ang kwentas at kailangan na rin naming umuwi dahil mag gagabi na.
Hoo ang ginaw sa ngipin, feeling ko malapit ng mataktak lahat ng ngipin ko dahil sa icecream na to.
"Yung kwentas kasi bigay mo na para makapag loving loving kayong dalawa diyan." naiinip na sabi ko dahil hinde ko na talaga kayo itong icecream nato.
Napansin naman ata yon ni Philip at dagling kumuha ng... Tissue sa bag niya? Inabot din niya ito sakin.
"Anong gagawin ko diyan?"
"Kwentas ang kailangan ko hin—" dugtong ko pa ngunit hinde rin natapos.
"Mukha ka ng dugyotin, pupunasan mo? O pupunasan ko?" Kinuha ko naman agad ang tissue at pinahid sa bunganga ko, andami nga.
"Oh akin na?" sabay lahad ng isang kamay ko sa kanya.
"Hmm pano mo masasabing sayo to?" He asked.
Hinde na ako nagsalita pa at kinuha ang cellphone ko sa bag si Amora naman ay nakatingin lang samin ni Philip, mukhang masaya pa ang bruha.
Nilahad ko kay philip ang cellphone at makikita ron ako habang naka wide smile pa at suot suot ang kwentas.
"Sigurado ka bang hinde edited to? May iba ka pa bang pic?" He asked with full of curiousity.
"Slide mo na lang." At ginawa nga niya.
Mukha ko lang naman ang nakikita dahil ginawan ko ng album ang gallery para ma seperate ang mga selfies ni Amora at ang sakin.
"Ganda." Rinig ko pang may binubulong ito.
"Anong sabi mo?" Bumaling naman ang atensyon nito sakin at marahas na umiling, may narinig talaga ako eh.
"Oh baka matunaw ang cellphone ni Maria niyan." Hinde pa pala nauubos ang pagkain ng isang to.
"Hinde naman siguro."
"May plano ka bang ibigay ang kwentas ko?" tanong ko rito.
"Oo naman, share mo muna lahat ng pictures mo sakin." Napanganga naman ako sa sinabe nito.
"Crush mo ko no?" Deritsahang tanong ko rito, obvious naman eh. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Amora at pagsinghap ni Philip.
"H-hinde no, maganda kasi ang cuality ng pictures tapos hinde blurd, eh t-try ko lang kung maganda eh paint." Nahiya naman ako dun. At ang bruha tinawanan na naman ako.
"A-ah edi share mo na may shareit naman yan, nasakin ba ang phone ko?" sarkastikong sabi ko rito, para naman mabawasan ang pagkapahiya ko.
Nakitingin naman ako sa cellphone nito, at napabaling sa maugat nitong kamay at kitang kita mo ang paggalaw nito kasabay ng pagtipa niya ng cellphone, napaiwas naman ako ng tingin ng wala sa oras.
At kung minamalas ka nga naman sa mapanghusgang mga mata pa ni Amora ito napunta, tinaasan ko ito ng kamay at bumaling ulit sa phone ni Philip, pinipilit na hinde ulit mapunta sa hinde dapat mapuntahan.
"Ayan tapos na" Nakangiting inabot nito ang phone ko.
"Ako ba hinde mo rin eh p-paint?"Pabirong tanong ni Amora dito.
"A-ano sa susunod ka nalang."
May hinanap pa ito sa kaniyang panglalaking shoulder bag at linuwa nito ang kwentas kong hawak hawak niya.
"Oh ayan na." Hinablot ko naman agad ito sa kanya buti nalang at hinde naputol. Sinuot ko na ito.
"Sige, tara na Amora." Buti na lang at medyo malayo silang dalawa sakin, at hinde naman ata nila napansin na nasa sukdolan na ako ng upuan.
"Wala man lang bang thank you dyan crush?" He jokely mimick for what i've said minutes ago, i blushed.
"E-edi thank you."
"Bat ka nauutal?"
"Ehem, Thank you." napatikhim pa ako bago magpasalamat, kasi naman bat ba ako nagkaka ganito?
"Wellcome, crush." Rinig ko pang bulong nito at mas lalo naman akong namula, hinigit ko na si Amora.
"Grabeh hahaha, siya na ba girl?" sinamaan ko naman ito ng tingin, effective naman.
"Your so maganda kaya girl, try mo mag boyfriend kahit minsan."
"Pwede bang mag boyfriend parati?" sarkastikong sagot ko rito.
"Oo kung forever na kayo." Natatawang ani nito.
"Tsk, bat ako mag bboyfriend? Edi parati ka ng thirdwell niyan?" Natatawang tanong ko rito.
"Nye nye nye."
Nagtatawanan pa kami habang naglalakad, mag gagabi na pero worth it naman, nakuha ko na ang kwentas ko.
"Oh pano ba yan dito na lang girl bye." Nag beso beso pa kami at nagpaalam na sa isa't isa.
Medyo malayo rin ang daan papunta sa kanila ni Amora pero kaya niya naman yun at kilala na siya rito dahil nga matagal na rin silang nakatira dito.
"Nanay, Tatay gusto kong tinapay." pagkanta ko habang papasok sa bahay, oh walang tao?
Walang katao tao ang bahay ng dumating ako, ipinagkibit balikat ko na lang ito at pumunta sa taas upang tignan kung nandon lang sila mama at papa sa kanilang kwarto. Walang ring tao, nalibot ko na lahat pati na ang kasulok- sulokan ng bahay pwera na lang sa garden.
"Nak, baka umiyak si tatay ng dahil sayo." Natatawang ani ni papa, pinahid ko naman ang mga luhang pumapatak pa rin kahit na anong pigil ko rito, gamit ang kamay ko.
"Wala ka bang panyo? Oh ayan ang cheap mo naman." Teka, bat nandito siya, hinde ko man lang siya napansin kanina.
"Bagong lipat lang sila rito nak, atsaka napag alaman rin naming magkaibigan kayo kaya inimbitahan na rin namin sila." Tumango- tango na lang ako sa sinabe ni mama at tinanggap na ang panyo.
"Salamat." Ngumiti naman sakin ito ng napakatamis, at tumabi na sa isang babae, ito na siguro ang tita niya? Hinde naman kasi sila magkamukha medyo lang.
"Ako na." Usap ko sa nurse na nakakapit sa handle ng wellchair ni lola.
"Ilan ka na nga apo?"
"20 na po lola." sagot ko sa tanong nito.
"Mana talaga ang kagandahan niyo ng nanay mo sakin." Pabirong ani ni lola, napangiti naman ako ron.
"Oo naman po, kaso nga lang mas maganda ako." Napatawa naman ako sa sarili kong biro, pati na rin si lola.
"Pano ba yan kainan na." kukuha na sana si Amora ng lumpia ng bigla itong tapikin ni mama, ayan nanaman po sila.
"Hinde pa nakakapagpasalamat."
Sita ni mama rito.
Ngumiti naman si Amora sa kanya.
"Salamat po tita." At kukuha nanaman sana ito ulit ng lumpia ng tapikin nanaman ulit siya ni mama.
"Hinde pa tayo nakakapagpasalamat sa maykapal huwag kang magmadali, nakakahiya sa mga bisita natin." At nagsimula na ngang mag dasal si mama.
Pumikit naman kaming lahat at ng matapos ay kumuha na ng kanya- kanyang pagkain.
Napatingin naman ako sa palibot ng garden, ang ganda may napakalaking mesa at sampong upuan, walo lang naman kami rito.
"Si mareng Carmen ba Amora bat hinde mo sinama?" rinig kong tanong ni mama kay Amora.
"Hayaan niyo na po iyon, baka maubos lang ang pinaghirapang handa niyo." Sagot naman ni Amora rito.
"Ikaw talagang bata ka, sumagot ka ng maayos."
"Ito namang si tita hinde mabiro, pumunta po kasi iyon sa kanila ni kuya, mamaya pa po siguro darating iyon." Napatango naman si mama roon at inasikaso ang dalawang panauhin.
"Kay ganda mong binata apo, ganiyan din ako ka gwapo nung kabataan ko." Nakinig naman ako sa mga sasabihin pa ni lolo.
"Salamat po." Nasa pagkain lang ang atensyon ko ngunit ramdam ko ang pagbaling nito sakin.
"Ilang taon ka na ba iho?"
"21 ho"
"Kailan naman ang debut mo iho?" grabe talaga ang utak ni lolo, hinde pa rin nakakalimot ng ganoong bagay.
"Sa susunod na buwan ho."
"Anong petsa?"
"Kensi rin ho."
"Abay magaling, bagay kayong dalawa." narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Amora dahil ron.
"Oo naman po hahaha, hintayin na lang nating magkatrabaho ako." Kahit na hinde kapani paniwala ay nagawa ko pang mamula sa sinabe nito.
"Aray naman miss." Binatuka pala ito ng tita niya.
"Pagpasensyahan niyo na itong pamangkin ko, kulang kasi sa lumpia." At sinalpakan nito ng lumpia ang bunganga ni Philip.
"Dito po ba kayo matutulog lolo?"
"Uuwi agad ako apo, pagpasensiyahan mo na sa susunod babawi ako sayo, magpapalakas muna si lolo ha?" Nakangiting tumango naman ako rito, hinde na ako makapag hintay sa araw na iyon.
Natapos ang pagcelebrate ng kaarawan ko ng puno ng kwentohan at tawanan, nakisama na rin ang tita ni Philip. Mukhang magkasundo naman sila ni mama? Ano ba itong iniisip ko.
"Ako na ho dyan." Pag presenta ni Philip kay mama habang aghuhugas ng plato katabe ko, nandito na kami sa loob ng bahay. At ang isang to ay mamaya pa raw uuwi.
"Osige, iho magp paturo ka na lang kay maria kapag hinde mo gamay iyan ha baka mabasag." Iniwan na ni mama ang pagsasabon ng mga plato, tagabanlaw kasi ako.
"Turuan na kita?" tanong ko rito.
"Hinde na kailangan, gamay ko na to ako rin kasi ang taga hugas sa amin." napatango na lang ako dun.
"Wala kayong kasambahay?"
"Wala." at nagpatuloy ang katahimikan sa pagitan namin.
"Babalik ko na lang siguro bukas ang panyo mo." Pagbasag ko sa katahimikan.
"Kahit sayo na, hinde ko na rin tatanggapin dahil sinipunan mo na yun." Nandidiring sabi nito.
"Lalabhan ko naman kung yan ang gusto mo." Naiinis kong singhal rito.
"Hinde na sayo na." Pagtanggi ulit nito.
"Edi papalitan ko." Pilit ko pa.
"Huwag na hahaha, panyo lang naman iyon." Nakangiti pa ito kahit na nakatingin sa hinuhugasang pinggan.
"Hmm sige." Napangiti rin ako ng wala sa oras.
"Ay iba, may hugas date rin pala?" Panira ka Amora.
"Meron, gusto mong ma feel? Dali ikaw maghugas ng pinggan dito." Pag anyaya ko rito.
"No thanks." Napatawa naman ako sa kanya, narinig ko rin ang mahinang pagtawa ni Philip.
Nagpatuloy pa rin kami sa paghugas habang si Amora naman ay nagmamasid lang samin, walang kahit ni isa ang nagsalita.
Napansin ko ring parang madali lang kay Philip ang ginagawa, marunong pala talaga siya sa gawaing bahay.
Hinde ko naman naiwasang pagmasdan siya ng umalis si Amora dahil raw naiinip na ito, Ang tangos talaga ng ilong niya hahawakan ko na rin sana ang ilong ko ng mapagtanto kong basa pala ang kamay ko.
Ang tangkad niya rin, grabe hangang balikat niya lang ako nagmumuka talaga akong kaliit- liit pag sasama ako sa kanya, at bakit ko naman naisipang sasama ako sa kanya?
"Hinde matatapos ito kapag titingnan mo lang ako." Naramdaman niya pa yun?
"Hinde naman kita tinitingnan ah?" Pagmamaang maangan ko rito.
"Sige, sabi mo eh." At hinugasan na nga nito ang panghuling hugasin.
Natapos ko na ring banlawan kaya nilagay ko na ito sa lalagyan upang ipawala muna ang natitirang tubig bago ilagay sa lalagyan ng mga pinggan.
"Nakakapagod naman, dahil diyan samahan mo ako bukas bumili ng necktie ko." Aba?
"Hinde ka naman sinabihang maghugas ka diyan ah?" Tinaasan ko ito ng kilay.
"Malay ko bang mapapagod pala ako?" Nakita ko naman na parang inaantok na ito.
"Osige, umuwi ka na." Kailangan niya ng umuwi, gagawa pa ako ng eksperimento.
"Hinde nga? Payag ka?" Parang nabuhayan naman ito at agad akong niyakap habang tumatalon pa.
"EHEM" Ng makarinig ng tikhim ay agad itong huminto, nako po papa hinde ako yun ah.
"S-sorry po." Parang takot na takot naman ito kay papa pero si papa naman ay nakangiti naman pala. Aba happy yan pa?
"Iho, kung boyfriend ka ng anak ko sabihin mo lang sakin ipapakasal ko agad kayo." Parang ako naman ang nahiya sa sinabe ni papa. Binugaw pa talaga ako?
"Wala pa po yan sa plano ko pero kung siya rin naman bakit hinde?" Gusto kong kiligin pero alam ko namang nagbibiro lang siya, bat ko pa gugustohing kiligin kung namumula nako ako rito? Dulot ng hiya at kilig.
"Kabataan nga naman." Nakangiting umiiling pa si papa.
"Hinde lang po kami kabataan tito, pag- asa rin kami ng bayan."
"Kailan mo pa naging tito si papa?" Tanong ko rito.
"Bakit anong gusto mo papa?" Hinde ako magpapatalo no.
"Bakit naman hinde?" i smirk at him, akala mo ikaw lang?
"Sure, why not? Diba papa?" Ang kapal ng mukha.
Padabog naman akong umalis ng kusina at dumeritso sa sala, nandito pala ang bruha.
"Kamusta ang Hugas date natin girl?"
"Pukpokin ko kaya iyang bote ng soju sayo?"
Natatawang inangat naman nito ang kamay at kunwaring nag zipper ng bibig.
"Ano yan, horror?"
"Yes conjuring." Sagot nito habang kumakain ng chichirya.
Ang bobo ng bida nasa likuran niya na si Annabelle, palapit na ng palapit ng biglang.
"Ano yan?" Sabay na napatili naman kami ni Amora dahil sa gulat.
"Papatayin mo ba kami?" Sabay na tanong namin.
"Kalma, nagtatanong lang eh." Tinaas pa nito ang dalawang kamay na animo'y sumusuko sa pulis.
"Pwes nakakamatay ang pagtanong mo." At nanood na ulit ito, inangat ko na lang ang isang unan sa tabi ko at pinatong sa aking hita, mahirap na baka may biglang lumabas.
"Conjuring? Interesting." Naramdaman ko naman umupo ito sa tabi ko.
Hinde ko naman namalayang nakatulog na pala ako sa panunuod ng conjuring, hinde ko pa nagawa ang plinano ko.
"Kay gandang umaga, kay gandang ako." Nagising naman ako sa boses na iyon, kay Amora panigurado.
"Ang ingay mo." Sita ko rito.
"Kung hinde pa kita ginising, edi sana nakatulog ka pa rin sa balikat ni Philip." Seryoso?
Pagtingin ko sa gilid ko ay natutulog na mukha ni Philip ang agad na bumaling sakin, ang bango naman grabe kahit bagong gising.
"Matutunaw yan." Bigla naman akong natauhan ng marinig ang boses ni mama.
"Bat nandito pa kayo?" Bakit nga ba nandito pa ang dalawang ito?
"Kasi po mahal na reyna nakatulog ka po eh."
"Tapos po baka magising ka kapag kinuha iyang head mo sa shoulder ni papa Philip, tapos po nandito po ako kasi po inaantok na rin po ako kagabi po." Wow ang galang ha, at bakit naman niya gagawin iyon?
"Nak, lutuan mo na lang iyan bilang pasasalamat."
"Pwede naman niya akong gisingin ah? Hinde ko na kasalanan iyon." Pinag cross ko ba ang braso ko at umalis na sa mahabang sofa.
"Hinde mo ba naisip na hinde siya nakauwi kagabe para lang hinde ka magising nak? Tapos malay natin nginangalay na pala siya pero dahil nga iniisip niyang magigising ka kapag umalis siya ay hinde niya ginawa tapos—" mahabang lintaya ni mama kaya pinutol ko na ito.
"Fine, kinonsenya pa talaga ako." Reklamo ko habang padabog na pumunta ng kusina.
Hinde pa pala ako nakapag sepilyo ngayon kahit na kagabe, ambaho na ng hininga ko.
Pagkatapos magluto ng sinigang at adobong baboy ay pumunta na ako sa aking kwarto. Nagpaalam rin kanina sakin si Amora na babalik ito, maliligo raw muna siya.
Tulog pa rin si philip sa sala kaya naman nag ayos na ako. Nahagip naman ng mga mata ko ang kama ko, kaya naman kinuha ko ang unan at hinde nga ako nagkakamaling dito ko inilagay ang libro, bago buksan ay kinandado ko muna ang pintuan ng kwarto ko.
Kinuha ko muna ang cellphone sa bag at hinanap ang picture ng painting na merong mga letra. Salita.
Nandito na ang kwentas at ang libro. Inpormasyon na lang ang kulang bubuksan ko na sana ito ngunit walang laman. Wala nga pala itong laman, bakit ko ba nakalimutan? Binalik ko na ito sa ilalim ng unan ko at lumabas na.
"Gising ka na pala." Napabaling naman ang atensyon nito sakin.
"Nagugutom na ako." Nakangiwing sabi nito.
"Tsk, oh bat nandito ka pa? Nandon sa kusina ang pagkain."
"Wala kasing katao- katao baka mapagkamalan akong magnanakaw HAHAHA." Oo nga no.
"Eh nandito na ako diba? Mauna ka na sa dining area ako na magdadala ng pagkain dun." Nauna na akong maglakad.
"Tulungan na kita." At kinuha nito ang lalagyan ng sinigang, sakin naman ay kanin sumunod pa talaga.
"Si Amora nasaan?" Nagtatakang tanong nito.
"Sa bahay nila, babalik rin yun maya-maya." nginitian ko ito ng tipid.
"Hi people."
"Oh ayan na pala siya." Napabaling naman ako kay Amora na bagong dating, bat nakapanlakad to?
"Saan punta mo sis?" I sound sarcastic but in the same time i sound like joking.
"Oh girl, sabi kasi ni Philip may pupuntahan tayo." Pupuntahan?
"Kung gusto mong tayong dalawa lang sure why not?" Ah naalala ko na. Bibili pala siya ng necktie?
"Mabuti na nga at tatlo tayo, kaso nga lang ikaw na lang ang hinde handa." Biro ko pa.
"Lumalabas akong bagong gising para bumili ng paninda kaya hinde na bago sakin yan." Wow.
"Ako hinde ko kaya yan, magpapalamon na lang ako sa lupa imbes na gawin yan." Tinawanan naman ni Amora ang sariling biro kaya napatawa rin ako dun, hinde ko rin kasi kayang gawin yun.
"Same." dugtong ko pa na mas lalong nagpalakas sa tawa nila.
To be continue.....