Panibagong Araw na Naman. Muling nagising dulot Ng mga ingay sa paligid. Kinusot-kusot Muna Ang mga mata Bago inot-inot na bumangon. Pagkaupo sa gilid Ng katre ay agad tiningnan Ang suot na relo. Alas singko y medya pa lang. May Oras pa Siya para sa pagnilay-nilay.
Ngayon Ang unang Araw Ng trabaho Niya sa Frank's Cuisine bilang waitress. Agad tinanggap Ang trabaho, dahil sa panahon ngayon, mahirap na makahanap Ng mapagtatrabahuhan. Bukod sa Hindi Siya nakapagtapos Ng pag-aaral, ay Wala pang experience sa trabaho. Maswerte na nga kung maituturing Ang nangyari sa kanya. Dahil Siya Ang inalok Ng trabaho, Hindi na ko nahirapan pa. Kaya, grab na agad kesa maibigay pa sa iba.
Ang pagiging waiter o waitress ay marangal na trabaho. Okay Naman Ang sweldo, ayon sa sinabi Ng kahera sa akin. Kaya di ko na kailangan pang maging mapili pagdating sa trabaho. Tatanggapin at tatrabahuhin kung ano Ang meron at di na kailangan pang hanapin Ang Wala.
Bumuntong-hininga Muna ako Bago tumayo at tinungo Ang aparador, kinuha Ang litrato at itinapat Muna sa dibdib Bago inilapit sa labi at dinampian Ng halik. Pagkatapos ay pinakatinitigan Ang mukha Ng mga magulang. Sumilay Ang ngiti sa aking mga labi. Kapagkuwa'y napalitan iyon Ng mapait Na ngiti at tila ba tutulo na naman ulit Ang mainit na likido sa aking pisngi. Itinaas ko Ang ulo at tumingin sa kisame. Ikinurap-kurap Ang mga mata upang pigilan Ang paglandasan Ng mga iyon. Kinalma Ang sarili Bago muling itinuon ang pansin sa litratong hawak.
"Good morning..Ma..Pa.. Ngayong Araw na ako mag-uumpisa sa pagtatrabaho..."
Ngumiti ako.
"Ma, maobra na gid Unica iha mo.. Tii, Pa.. Masugot ka man..? Sang buhi bala kamo, Indi gid kamo sugot nga mag obra ako... Pero subong, Wala ko mahimo.. kundi maobra gid ko para mabuhi ko..."
Kinagat ko Ang pang-ibabang labi ng sa ganun ay mapigilan Ang pag-alpas ng samut-saring emosyon.
"Ma.. Pa.. Ano man ini man.."
Saka pinahiran Ang luhang tumulo na.
"Agang dako pero naga emote emote takun diri oh.. Pabay e lang ko ninyo ha, sobra ko lang gid kamo na-miss eh. Di ba, kapag naga amo ko sini, Ma, Ara ka dayon sa tupad ko, Gina hug mo ko dayon.. Tapos, Pa, pakadlawon mo ko.. Para di na ko ma sad.. Haaayyyy... Kahilidlaw na gid kamo ya.."
Muling pinahiran Ang mga luha sa mga mata, Saka suminghot-singhot.
"Oo Gali.. Dugay-dugay, mahimos na ko. Kay first day ko subong. Ti, budlay na ma-late ko, kay basi maakigan ko. Sige, Ma.. Pa..Maligo ko anay ha..."
Ipinatong na muli Ang litrato sa aparador.
"Diri lang kamo anay.. Love you so much po..."
Nagmadaling kinuha Ang tuwalya na nakasabit sa dingding at lumabas Ng pinto upang maligo sa banyo.
Kakapasok ko lang Ng opisina nang may kumatok sa pinto. Umupo Muna ako sa swivel chair Bago pinapasok Ang nasa labas. Pagbukas ay pumasok Ang isa sa mga tauhan ko sa Cuisine. Si Francine, ang namumuno sa mga waiter/waitress.
"Sir..?"
"Ano iyon..?"
"Gusto ko lang Po ipaalam na tatlo sa mga waitress Ang hindi nakapag report ngayong Araw. Pero iyong dalawang baguhan po, nakapag report na.."
"Ganun ba..?"
"Opo, Sir.."
Tumango-tango ako.
"Sige, bago sila mag-umpisa, pakisabi sa kanila na pumunta muna rito.."
"Okay po, Sir.."
Tumalikod na ito at lumabas Ng opisina. Nakatutok Ang pansin ko sa malaking monitor. Diretso sa mukha Ng babaeng nakikita sa Isang camera. Sa katunayan, marami Sila Ang naroon. Pero agaw-pansin talaga Ang anyo nito. Kakaibang taglay na kagandahan.
"Pinag-aaralan mo pa talaga ha.. "
Tabinging ngiti Ang sumilay sa aking labi.
"Nakita ko na Naman Ang tanging babae na siyang sumagot Ng malakas na sampal sa halik ko.."
Saka inalis Ang mata sa Monitor, at hinarap Ang ilang papeles na nasa mesa. Ilang sandali lang sandali lang Ang nakalilipas Ng muli Kong narinig Ang mga katok sa pinto.
"Pasok!"
Bumukas iyon at nagsipasukan Ang mga ipinatawag ko. Nasa binabasa ko pa Rin Ang aking pansin.
"Sir...", ani Francine. "Andito na Po Sila."
Noon lang umangat Ang ulo ko. At pinagmasdan bawat isa. Parehong nakasuot Ang mga ito Ng puting t-shirt at pantalon na itim. Ito Ang rules sa mga new hired o trainee, magsuot Muna Ng puting t-shirt at itim na pantalon habang tinuturuan pa lang. Pagkatapos ng isang linggong training, ay Saka na Sila bibigyan Ng sarili nilang uniform. Pero siyempre, may sweldo na Yan Sila.
Iba-iba Ang ekspresyon sa mga mukha Ng mga ito. Ang Isa ay parang nahihiya na natatakot na ewan.
"Hindi Naman ako nangangain Ng Buhay na tao eh.."
Dumako Ang tingin ko sa Isa.
"Heto na Naman Siya..."
Nagtagis Ang mga bagang ko habang pinagmamasdan ko Siya. Ang kabuuan Ng mukha nito, Lalo na Ang medyo nakaawang na mamula-mulang labi. Namamangha ba ito o naeengkanto? Kita sa mga mata nito Ang parang di makapaniwala sa nangyayari at sa nakikita. Iginagala nito Ang paningin kung kaya't Hindi nito pansin na pinag-aaralan ko Siya. Natuon lang Ang pansin nito sa akin Ng tumikhim ako.
"Sila na ba Ang mga new hired.?"
Tumango si Francine.
"Opo, Sir.." Binalingan nito Ang dalawang kasama. "O, Siya, gusto Kong ipakilala sa Inyo Ang nag-iisang anak Ng may-ari Ng Frank's Cuisine, si Sir Frank Matthew Gulliven, or Sir Frank... Sige na, magpakilala na Rin kayo.."
Ngumiti Ang mga ito. Napansin ko Ang paglitaw Ng pantay-pantay na mapuputing ngipin nito.
"Magandang Umaga Po, Sir.. Ako Po si Michelle.."
"Ako Naman Po si Trina, Sir.."
Tumango Siya.
"Buweno, ngayong Araw Ang umpisa Ng training Niyo. Si Francine na Ang bahala magpaliwanag sa Inyo Ng mga dapat at Hindi dapat gawin. Kung may mga katanungan kayo, sumangguni lamang sa kanya at ipapaabot Niya Yun sa akin. At nawa'y magustuhan Niyo Ang magtrabaho dito.. Iyon lang, pwede na kayong bumalik sa pwesto Niyo.."
Tumalikod na Ang mga ito at isa-isang lumabas. Bago tuluyang lumabas, nilingon Siya ni Michelle. Ngumiti ito. Kayganda Ng pagkakangiti nito. Masayang tingnan, o sadyang nasisiyahan lang talaga Siya.
"Maraming salamat Po, Sir.."
Yumuko pa ito, tanda Ng pasasalamat. Saka nito isinara Ang pintuan. Nabigla ako. Naitutok ko pa Ng ilang sandali Ang mata sa nakapinid na pintuan. Di ako makapaniwala, na sa dinami-rami Ng mga new hired staff na dumaan at nakausap ko, tanging Siya lang Ang nakagawa niyon sa akin. Kadalasan Kasi, simpleng 'salamat sir' lang Ang natatanggap ko.
Kapagkuwa'y ngumiti ako. Nasiyahan ako sa Nakita. Saka ipinilig Ang ulo. At humugot Ng malalim na hininga.
"Kakaiba ka ring babae ka ha.. Nakakainis ka.. pero nasisiyahan din ako.. Haayy.."
Sumandal ako sa swivel chair. Hinilot Ang sintindo.
"Hay naku, Frank, babae lang yan.."
Ayan tuloy, nalito pa ako. Ke aga-aga, naguluhan pa Ang utak ko.
Tumunog Ang aparato ko sa ibabaw Ng mesa. Dinampot ko iyon at inilapit sa tainga.
"Hello..?"
"Anak.."
Ang Ina Ang nasa kabilang linya.
"Ma.. napatawag ka.."
"Ang papa mo.."
"Ano pong tungkol sa kanya..?"
"Ipinagbilin sa akin na tawagan ka upang Sabihin na bilhan mo daw Siya Ng pasalubong.."
"Pasalubong..?"
"Oo, Anak.."
"Ano Naman Po Ang gusto Niya..?"
"Eh di siyempre, Ang paborito Niya.."
"Chocolates.." agad pumasok sa isip ko.
"Ahh.. okay po.."
Nag-aalangan din akong bumili.
"Ahmm, Ma.."
"Oh.."
"Hindi na ba bawal Yun Kay Papa..? Matatamis Po Kasi.. baka makasama sa kalusugan Niya.."
"Hay naku, anak.. Bawal nga sana eh.. kaya lang, pagdalhan mo na. Wag mo lang damihan ha.. At Ng hindi magtampo sa iyo.."
malumanay na Sabi ni Mama.
Napabuntong-hininga na Lang ako.
"Hay naku.. Si Papa talaga.. Kung ano Ang bawal, Yun pa Ang gusto.."
Tumikhim Muna Siya.
"O, sige Po, Ma.. Dadalhan ko Po Siya.. pero kunti lang ha.. at baka Atakehin Ng sakit Niya.. naku, ako pa masisi Niyo.."
"Anak.. okay lang.. wag kang mag-alala.. Kilala mo Naman Ang papa mo..."
"Opo.."
Agad din nitong tinapos Ang aming pag-uusap dahil may gagawin pa daw ito. Habang nakasandal ay nagbalik-tanaw Siya sa nakaraan ayon sa kwento Ng mga magulang niya.
Isang simpleng pamumuhay lang Ang meron Sila noon. Si Papa ay di nakapagtapos Ng pag-aaral sapagkat maagang nabuntis nito si Mama. Itinakwil Ng mga magulang nito dahil hindi sumunod sa kanilang gusto. Pero dahil mahal na mahal ni Papa si Mama, mas pinili Niya ito. Sa karenderya lang dati Sila nagtatrabaho, Hanggang sa nagsumikap si Papa. Simula nung namatay Ang tiyahin niya, sa kanya ipinamahala Ang karenderya. Hanggang sa lumago ito. Magkatuwang Sila ni Mama sa paglalago niyon. Hanggang sa nakapag-aral si Mama Ng culinary. Lahat Ng mga natutunan Niya, ginamit Niya sa pagpapalago Ng karenderya. At ngayon, Hindi na basta-bastang karenderya lang Ang napatayo nila, kundi Isang food chain, na may sangay na sa ibat-ibang Lugar Dito sa Pilipinas. At Ang pangalan, ito, ipinangalan sa akin. Dahil nag-iisang anak lang daw nila ako. Sa kagustuhan ko ring matulungan Ang magulang, kumuha at nakapagtapos ako sa kursong naaayon sa negosyong mayroon kami. Mahirap man Ang nag-iisang namamalakad sa lahat Ng ito, Masaya ako. Dahil Dito, napapasaya ko Ang mga magulang ko.
Napabalik ako sa kasalukuyan nang sunod-sunod na mga katok sa pinto Ng opisina Ang narinig ko.
"Pasok..!"
Agad Naman itong bumukas at pumasok si Tristan. Ang Chef ng kainan.
"Sir.."
"Ano yun, Tristan.."
"Sir, dumating na Po Ang delivery Ng mga stocks natin. Nasa labas na Po.."
Nangunot Ang noo Niya.
"Eh, bakit Ikaw Ang pumunta rito? Asan si Angelo..?"
Si Angelo, Ang may hawak Ng stocks, tagalista at taga bili Ng mga kakailanganin.
"Hindi Siya nakapagreport, Sir. May emergency daw ata sa kanila.."
"Ganun ba..?"
"Opo.. Tanungin Niyo na lng Po si Francine, Sir. Siguradong alam Niya iyon. Magpinsan Po Ang dalawang iyon.."
Oo nga pala. Muntik ko na makalimutan.
"Oo nga pala.. Sige, Tatanungin ko na lang Siya mamaya.."
Tumayo na ako.
"Halika na, ako na mismo Ang mag-iinspect Ng mga stocks.."
Nagpatiuna na akong lumabas.