Chapter 7

1523 Words
Kararating ko lang sa tinutuluyan ko. Medyo pagod man ay okay lang. Pagkapasok sa silid, pinatong ko lang Ang dalang bag sa ibabaw Ng lamesita at kinuha Ang litrato sa may aparador. Saka pasalampak na umupo sa gilid Ng katre. Hindi Naman masakit sa puwit iyon Kasi malambot Naman itong mattress. "Mama.. Papa.. What a tiring day today.. pero okay lang Po ako. Sobrang saya ko Po.. unang Araw ko pa lang sa trabaho. At nagugustuhan ko Po iyon. Tiyak, magtatagal Po ako Dito, Ma..Pa.." Bumuntong-hininga ako. Nang may biglang sumagi sa isip ko. Nginitian ko Ang mga magulang ko. Saka excited na parang kinikilig na tumawa na may halong kunting nipis na tili. " Naku.. Naku... Ma..! Pa..! May itsi-chismis Po ako sa Inyo.." Umayos ako Ng upo sa Ibabaw Ng katre. Saka nilagay sa harapan ko Ang litrato. "Alam niyo Po ba.. Ang guwapo Ng boss namin..!" Kinikilig Kong sambit. "Hay naku, kung Nakita niyo lang Po sana Siya..." Nangalumbaba ako. At binalikan sa isip Ang tagpo kaninang Umaga. Nasa staff room kaming lahat kanina. Ganoon daw doon Ang rules, Bago magsimula sa trabaho, ay kailangan Munang magtipon-tipon upang manalangin. Pagkatapos ay i-check lahat Ng staff kung kumpleto na ba at kung maayos na nakasuot Ng kani-kanilang uniporme, nang sa ganun ay presentableng tingnan Ang bawat isa. Naghahanda na ako upang simulan Ang trabaho nang ipatawag kami ni Francine. Head Siya Ng mga waiter at waitress Dito. Pero kahit may posisyon na Siya, ayaw niyang tawagin namin Siya na ma'am, dahil magka level lang daw kami lahat doon. Parang magkakapatid lang Ang turingan. "Michelle, Trina.." Agad kaming lumapit sa kanya nung tinawag Niya kami. "Ano Po iyon..?" "Ipinapatawag kayong dalawa ni Sir Frank. Hali na kayo doon sa opisina niya." "Kaming dalawa lang Po..?" tanong ni Trina sabay turo sa Aming dalawa. "Oo.. Dahil kayo Ang mga baguhan.. Ganito Kasi Dito.. Kapag may Bago, kinikilala Muna Yan ni Sir, Bago magsimula sa trabaho..." Tumango-tango ako. "At nang sa ganun ay makilala Niyo Rin Siya.." "Ah okay po.." "O, Siya, tayo na.." Naunang lumakad ito at sumunod kami. Habang naglalakad ay di ko maiwasang mag-isip. Sa ganitong kaganda at stable na negosyo, maaaring di basta-basta Ang may-ari nito. Katulad lagi sa mga naririnig ko na may-ari Ng mga naglalakihang negosyo Dito sa Pilipinas, I wonder kung ano Ang itsura Ng boss namin. Siguro, matandang mayaman na may mapuputing buhok, kulubot na balat, at may makapal na salamin sa mata. May makapal na balbas, o di kaya'y may tungkod. At sa ganitong klase ng negosyo na namamayagpag kahit saang sulok Ng Pilipinas, siguro, Ang may-ari nito ay Isang dragon. Iyong tipong napaka istrikto at metikuloso sa lahat Ng bagay. Tipong kunting Mali lang Ng staff, buga agad Ng apoy. Tiyak, Hindi lang isa Ang matatasilkan, kundi lahat. Iyon bang tiklop-tuhod Ang lahat kapag andiyan Siya. Tapos ay may dala-dala pa itong tungkod na ginagamit sa pagtuturo-turo Ng mga staff. "In short, dragon na gurang.." Mahinang Napatawa pa ako sa naisip. Napansin siguro ni Trina kaya siniko Niya ako. "Oy, Anong tinatawa-tawa mo diyan..?" Tanong nito sa akin. "Ha? Wala, may naisip lang ako.." "Ikaw ha.. umayos ka diyan.." Nginitian ko lang siya, at itinaas Ang kamay Hanggang dibdib Saka nag-okay sign. Huminto kami sa dulong pinto. Tatlong pinto lang Naman Ang naroon. "Okay.. Andito na tayo sa opisina ni Sir.." sambit ni Francine. Kumatok na Siya sa pinto. Hinawakan ni Trina Ang kamay ko. Nanlalamig Siya, kaya binulungan ko. "Bakit..?" "Kinakabahan ako.." "Naku, okay lang Yan.." "Hindi ka ba kinakabahan..?" Umiling lang ako. Pero sa totoo lang, may kunting kaba din akong nararamdaman, pero kinakalma ko lang Ang sarili. "Pasok..!" Nabigla ako sa narinig. Isang buo at baritonong boses Ang narinig namin Mula sa loob. Lalaking-lalaki Ang dating Ng boses. Binuksan na ni Francine ang pinto at inaya na kaming pumasok. Humugot Muna ako Ng malalim na paghinga bago humakbang papasok. Nang makapasok sa loob, ay di ko napigilang maibuka Ang bibig dahil sa paghanga. Agad Kong inilibot Ang tingin sa buong opisina. "Woooww.. Opisina lang ba to.. o.. kwarto..? Ang ganda..." Napakaganda Ng disenyo sa loob Ng opisinang iyon. Kumpleto din sa gamit. May sofa, may couch na may mga unan at kumot. Sa dingding nito ay nakadikit doon Ang malaking monitor. Makikita roon Ang kuha Ng bawat CCTV sa Lugar. Walang ligtas talaga kung may gagawing Mali, dahil kitang-kita Ang lahat sa camera. Muli Kong inilibot Ang tingin sa paligid. Ang ganda talaga. Nagpapakita Ng yaman Ang mga gamit doon. Napaka elegante. Noon ko naramdaman Ang pagsiko ni Trina sa akin at ininguso Ang kaharap. Narinig ko Ang pagtikhim, kaya otomatikong Natuon Ang pansin ko sa lalaking nakaupo sa harapan namin. Agad akong namatanda sa Nakita. Literal na napaawang ang labi ko. May ilang Segundo din akong napanganga Bago ikinurap-kurap Ang mga mata. Napahiya tuloy ako, Saka napayuko. Sa pagkakataong iyon, parang gusto ko ng lamunin Ng lupa. Kinagat ko na lang Ang ibabang labi. "oh my... ano ba to.. Akala ko ba gurang na Ang may-ari.. shheeeesshhh... makalaglag-panty..! oh my, tingin pa lang, nakakatunaw na eh.. literal na tiklop-tuhod mo Dito.." Narinig ko ulit Ang boses nito Ng magsalita. Tinig na parang humaplos sa buo kong pagkatao, kaya naghatid iyon Ng kakaibang sensasyon. Dahil sakop na nito Ang isipan ko, wala akong ibang maintindihan sa mga sinasabi nito. Basta lng akong nakatingin sa kanya, tinitingnan bawat pagbukas Ng bibig nito. "Mala-adonis nitong anyo.. Kahit nakaupo, kitang-kita Ang kakisigan.. Ang mukha, sobrang gwapo at perpekto, animo'y nililok Ng maayos Ng Isang pintor.. Ang mga mata, abuhin, na kung pagmamasdan Ng maigi ay madadala ka talaga sa mga titig nito.. Ang ilong, Ang tangos.. Ang mga labi, natural na mamula-mula na kung pakatitigan ay tila ba nang-eengganyo. Nakakapatuyot Ng lalamunan. Ang dibdib, talagang malakas. Ang mga braso, kahit nakatago sa suot nitong suit ay mahahalatang batak at may porma. Nakaka excite yakapin, kahit ganyan pa lang Siya. May suot pa nga ito ha.. Ano pa kaya kung---.." Ipinilig ko Ang ulo sa naisip. Saka muling ibinalik Ang tingin sa kaharap. Hindi na Naman napigilang mahipnotismo sa taglay nitong kagwapuhan. "Ang labi Niya, masarap na nga titigan pa lang, ano pa kaya kung mahalikan nito.. Ang mga braso, sarap nito siguro hawakan, ano pa kaya kung mayakap nito.. Haayyy.." "Aray..! Mahinang Sambit ko. Bigla ko na lang naramdaman ang pagsiko ni Trina sa akin. Binalingan ko Siya. "Bakit..?" "Magpakilala daw tayo.." "Ha.?" Muli kong itinuon ang pansin sa kaharap. Nagkasalubong Ang aming mga mata. Nakaramdam ako Ng pagkapahiya, kaya niyuko ko na lang Ang aking ulo. "Aaayyyy.. Nakakahiya.. Tinitingnan ba Niya ako..? Nahuli kaya Niya ako na naka tulala lang..? Aiisshh.." Natampal ko Ang sarili. Hanggang sa palabasin na kami matapos magpakilala ay nakayuko pa Rin ako. Sheesh.. unang Araw Ng training ko pero Nakakahiya na Ang inasal ko. Gayunpaman, Bago tuluyang makalabas sa pinto, kahit sobrang nahihiya ako, di ko nakalimutang magpasalamat sa bagong amo. Dun lang ako nakahinga Ng maluwag Nang nakabalik na kami sa staff room. May ilang minuto pa Naman Ang nalalabi Bago magsimula Ang training, kaya naisipan ko Munang maupo sa gilid. "Haaayy.. kahit sino Naman siguro, matutulala kapag nakaharap Niya.." Hinaplos ko Ang dibdib. Para bang may pumitik doon. Kaba. Kanina pa ako kinakabahan. Pero parang Hindi eh. Parang --- Nanlaki Ang mata ko sa naisip. "Pinana ata ni kupido Ang puso.. Sino ba Naman Kasi Ang Hindi maiin-love sa lalaking iyon.. Kahit sinong babae mahuhulog talaga Ang -----" "Ay Kabayo..!!" Nagulat ako sa narinig. Sobrang lakas Ng lagabog. Dahilan para bumalik ako sa kasalukuyan. Agad Kong tinalon Ang pagitan Ng katre at Ng bintana upang tingnan Ang pinagmulan Ng ingay na iyon. Sa ibaba, sa gawing kanan Ng kalsada, nag-uumpukan Ang mga tao. May banggaan na nangyari. Napatutop ako sa bibig nang Makita ko Ang nakahilatang tao sa gilid Ng kalsada. Agad akong tumalikod at umupo na sa gilid Ng katre. Grabe Ang kabang umahon sa dibdib ko. Tila ba ilang kabayo Ang tumatakbo sa loob. Taas-baba Ang ginagawa ko upang kontrolin Ang kaba. Ang mga ganoong pangyayari, sa tuwing makakakita ako, ay muling binabalik ako sa nakaraan. Sa aking nasaksihan. Mga pangyayaring nakapanghihina sa akin. Agad Kong dinampot Ang litrato namin kasama Ang mga magulang sa tabi ko at niyakap iyon. Nang sa ganun ay maibsan kahit papano Ang kaba sa dibdib ko. Mariing ipinikit Ang mga mata upang mas makontrol Ang sarili. Muli lang iminulat nung maramdaman kong umaayos na Ang aking dibdib. Saka tiningnan Ang larawan at ngumiti. Sa ngayon, iyon lang magagawa ko. Di ko man makakalimutan Ang nangyari, makakaya ko Namang kontrolin Ang sarili. Wala akong ibang magagawa kundi pasayahin at ingatan Ang sarili. Dahil Wala Naman akong ibang makakapitan kundi sarili ko lang din. "Haaayyy.. Tingnan mo nga Naman, Ma.. Pa.. Natigil tuloy Ang pagdi-daydreaming ko.." Umismid ako. "Ah.. Basta, balang Araw Po, makikilala Niyo Rin Ang super duper to the max level na napaka guwapong amo ko..." At nangingiting hinalikan Ang larawan Saka muling ibinalik sa kinalalagyan nito sa aparador. At animo'y nananaginip na niyakap Ang sarili. "Ito ba Ang sinasabi nilang 'love at first sight'..?" Haaayyyy... Siguro nga..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD