Chapter 8

1600 Words
Ngayon Ang Araw Ng alis ko pauwi sa amin. Magbabakasyon Muna ako kahit ilang Araw lang. Sigurado matutuwa Ang mga magulang ko nito. Ilang buwan din Naman akong hi di nakauwi. Tuwing disyembre ay Hindi ko talaga nakakaligtaan Ang umuwi. Mas gusto Kong kasama Ang mga magulang tuwing bagong taon. Pero sa pagkakataong ito, Hindi pa Naman disyembre. Hindi din nila kaarawan, at lalong walang okasyon sa amin. Medyo nagtataka din ako sa pangungulit ni Mama sa akin para umuwi. Gayunpaman, pinagbigyan ko Sila. Sa katunayan, andito na ako sa airport. Matapos makapagbilin sa head chef at manager kanina ay umalis na ako. Talagang pinaagahan ko Ang pagpa report sa kanila upang Hindi ako ma-late sa flight ko. Mas pinili ko ngayon mag-eroplano kesa sa nakagawian ko. Tiningnan ko Ang suot na relo. Alas otso y medya pa lang, napaaga ako Ng tatlumpong minuto. alas nuwebe pa dapat ang punta ko rito dahil alas nuwebe y medya pa Naman Ang flight ko. pero okay lang. Mas maganda nga iyon. Agad akong pumasok sa entrance ng airport at matapos mag check-in ay dumiretso na ako sa boarding gate. Dun ko na lang hihintayin Ang Oras Ng flight ko. Naupo ako sa Isa sa mga nakahilerang upuan. Tumunog Ang cellphone ko. Hinugot ko iyon Mula sa bulsa Ng pantalon at sinagot. "Hello..?" "Frank.." Tinig ni Papa Ang nasa kabilang linya. "Napatawag ho kayo..?" "Nagpapatanong Ang Mama mo kung Anong Oras ka ba makakarating Dito..?" " Mga dalawang Oras mahigit Po.." "Ah okay.. Sige, sasabihan ko Ang Mama mo.." "Salamat Po.." "Alam mo bang sobrang excited iyon na uuwi ka..? Ipinagluto Niya Ang paborito mong ulam. Tiyak, mapapadami na Naman Ang kain mo nito.." "Siyanga ba, Pa.." Napangiti ako. Hindi talaga nakakalimutan ni Mama Ang paborito ko pagdating sa pagkain. "Oo Naman.. Kilala mo Naman Ang Mama mo.." "Siyempre naman po.." "O Siya, at baka maabala pa kita. Ingat sa byahe mo, Anak.." "Salamat Po, Pa.." Nag-end call na. Humugot na Lang ako Ng hangin at napabuga. Maganda Ang samahan Ng mga magulang ko. Kahit kailan, Hindi ko Sila nakitaan Ng away. Hindi katulad Ng ibang mag-asawa, na palaging nagbabangayan at nagsisigawan, sila Mama at Papa ay tahimik lang. Ni hindi ko nakitang sinigawan ni Papa si Mama. Palagi ko Silang nakikitang naglalambingan. Masasabi ngang, tapat at tunay Ang pagmamahalan nilang dalawa. Maka-sana all na lang ako nito. Kaya nga, kung may tao mang muling magpapatibok Ng puso ko, pipiliin ko Ang kahalintulad ni Mama. Iyong mamahalin ako kung sino ako at Hindi kung Anong mayroon ako. Tulad ni Mama, minahal niya si Papa at tinanggap sa kung ano si Papa at Hindi sa kung anong mayroon Siya. Tulad Ng sinabi noon ni Papa sa akin. "Sa susunod, piliin mo Ang babaeng mahal ka dahil totoong mahal ka. Hindi sa mahal ka lang dahil kaya mong ibigay sa kanya Ang mga bagay na gusto Niya. Piliin mo Ang babaeng handang magsakripisyo kasama mo, at Hindi iyong Ikaw lang Ang nagsasakripisyo. Piliin mo Ang babaeng tunay na nagmamahal at iwasan mo Ang nagpapanggap lang na mahal ka. Iyong tanggap ka, anuman Ang katayuan mo sa Buhay.. Sa madaling Sabi, piliin mo Ang babaeng may malambot na puso, totoo at tunay, at Hindi materialistic.. Tumingin ka sa loob at huwag sa panlabas na anyo. Tandaan mo, Anak, maraming babae Ang nakapaligid sa iyo, pero iilan lang Ang nagmamahal na taos sa puso.." Nabigo man sa unang pag-ibig ko, pero isinumpa ko sa sarili ko, na kung muli Mang iibig Ang puso ko, titiyakin kong sa tamang tao na. Hindi man naging bato Ang puso ko dahil sa nangyari, naging pihikan Naman ako at mapili. Ayaw ko sa babaeng Sila mismo ang nagpapakita Ng motibo. Naputol lang Ang pagmumuni-muni ko nang tawagin na kaming mga pasahero. Oras na raw para pumasok sa eroplano. Kaya binitbit ko ang bagahe ko at luminya na kasama Ang iba pang pasahero. Pagdating sa Bahay, ay Isang mahigpit na yakap ni Mama Ang sumalubong sa akin. Tuwang-tuwa talaga ito sa pagkikita namin. Akala mo ba'y ilang taon na Hindi nagkita. Ganun din si Papa, niyakap niya ako. Pumasok kami sa Bahay at dumiretso sa Sala. Ipinatong ko Ang bitbit na bagahe, di man kalakihan iyon at sakto lang sa bigat. Agad ko iyong binuksan at nilabas Ang mga pasalubong ko para sa kanila. Si Mama, Hindi talaga nawawala Ang ngiti sa mga labi nito habang inisa-isang tingnan Ang mga dala ko. Lalo itong natuwa sapagkat lahat Ng dala ko na para sa kanya ay mga paborito Niya at gustong-gusto Niya. Ganoon din si Papa, tuwang-tuwa sa mga pasalubong ko sa kanila. Magkatabi Ang mga ito sa sofa. Napakaganda nilang panoorin. Tila ba hindi alintana Ang pinagdaanang hirap. Mababakas sa kanilang mga mukha ang kaligayahan. At Ang pagmamahalan nilang dalawa, nakikita pa rin sa mga mata nila. Hindi mababakasan ng problema at anumang alalahanin, kahit pa sinubok din ng matinding panahon noong unang pagsasama nila. "Salamat dito, Anak.." Tinig ni Mama Ang pumukaw sa isip ko. Nakasilay Ang napakagandang ngiti sa mga labi nito. Nginitian ko Sila. "Para Po sa Inyo, ibibigay ko lahat.." "Ahhh.. Maraming salamat talaga, Anak.." "Kulang pa nga iyan eh.." "Naku, anak, marami na ito.. Okay na ito sa Amin Ng Papa mo.. Nagustuhan ko lahat.." "Ako Rin, Anak. Salamat sa pasalubong mo.." Sambit ni Papa. Nakakatunaw sa puso naman Ang mga ito. Sobrang mababait. Tumayo ako at naupo sa pagitan nilang dalawa. Sabay na inakbayan at inihilig Ang ulo sa balikat ni Mama. Sabi Ng marami, bato daw Ang puso ko. Pero pagdating sa mga magulang ko, napakalambot nito. "Gagawin ko ang lahat Ng makakapagpasaya Po sa Inyo.. Ganun ko kayo kamahal.." "Thank you so much, son. Ikaw talaga Ang bumuo sa pamilyang ito.." May ilang minuto din kaming nagyakapan doon. Bumalik ako sa kinauupuan at nag-usap usap lang kami. Mag-aalas dose na ng tanghali Ng tinawag kami ni Manang upang mananghalian. Kung may pasalubong Ang mga magulang ko, siyempre, meron din si Manang. Natuwa pa ito Ng ako mismo ang nagbigay sa kanya. Ito Ang kasa-kasama nila Mama at Papa Dito sa bahay. Siya na Rin Ang nakagisnan Kong kasama namin sa bahay, kaya parang nanay na Rin Ang turing ko sa kanya. Matapos makapananghalian ay agad akong nagpaalam sa mga magulang na magpahinga sandali. Umakyat na ako sa kwarto ko. Pagbukas, napaka maaliwalas itong tingnan. Napakalinis, at para bang palaging may tao sa loob nito. Pumasok na ako, nilibot Ang tingin sa buong silid. Walang nagbago. "Pinaghandaan talaga ni Mama Ang pag-uwi ko.." Natuwa talaga ako. Nakita ko Ang kama, sumampa na ako. Dahil nakaramdam Ng pagod, di ko napigilang mapapikit. Dala na Rin ng mabining ihip ng hangin na pumapasok sa nakabukas na malaking bintana Ng aking kwarto, at tanging huni Ng mga ibon sa paligid Ang naririnig, nakatulog ako. "Frank.. Hindi ko Naman alam na gagawin Niya iyon eh.." "Hindi..?!!" Sa lakas ng pagkakasabi ko ay umalingawngaw sa buong unit Ang boses ko. "Paano mong masabi na Hindi mo alam..!! Mga manloloko kayo..! Niloko Niyo ako.. Ginawa Niyo akong Tanga! Kinuha Niyo lahat Ng Pera ko.. At mas nakakasakit pa, ibinahay mo Ang lalaki mo gamit Ang Pera ko..! Ginawa Niyo akong Gago..! Mga walang konsiyensiya.! Wala kayong mga hiya..!" Naikuyom ko Ang mga palad at mariing tumiim-baga dahil sa sobrang galit. Nagpupuyos talaga Ang dibdib ko at sa kaloob-looban ko, gusto Kong manakit Ng tao. Pero pinigilan ko Ang sarili. Dahil ayoko ring dagtaan Ng dugo Ang kamay ko. Matalim Ang tinging ipinukol ko sa mga kaharap. "Mula sa Oras na to, Wala na tayo.." Buo na Ang pasya ko. Ayokong madagdagan pa Ang mga pinaggagawa nilang panggagago sa akin. Noon pa ako may naririnig tungkol sa kanya. Pero dahil mahal na mahal ko siya, binabalewala ko Ang lahat na balitang dumarating sa akin. Pero ngayon, ako na mismo Ang nakasaksi sa ginawa nilang panloloko sa akin, kaya napuno na ako. Nagpaimbestiga ako, at Hindi ko maatim Ang lahat Ng mga nalaman ko. Sobrang sakit. Dahil sa pagmamahal at sobrang tiwala na binigay ko, Hindi ko akalain na may gagawin Silang masama sa akin. Harap-harapan na pala akong niloloko pero naging bulag Ang mga mata ko sa katotohanan dahil lang sa pagmamahal ko. "Fra-frank.. Ayoko..Pwede Naman nating pag-usapan ito.." "Hindi na.. Tama na to.. Umalis na kayo..!!" Mabilis ko siyang hinablot at kinaladkad palabas ng pinto. Walang nagawa Ang kasama nito kundi Ang sumunod na lang. Saka pabalang na sinara Ang pinto. Nag-iiyak itong humihingi Ng pasensiya habang patuloy na kinakatok Ang pinto. Hanggang sa pinaghahampas na nito iyon dahil hindi ko pinagbuksan. "Manigas ka, mga hayop kayo.." "Haahh!.." Napabalikwas ako Ng bangon. Panaginip na Naman. Marahas akong napabuga Ng hangin Saka umayos Ng upo. It's been years magmula Ng nangyari iyon, pero Hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa rin. Hindi ko na Siya mahal sa ngayon. Nawala Ang pagmamahal ko sa babaeng nanloko sa akin. Sa mag-inang iyon. Nakakainis lang na Ng dahil sa pag-ibig, binigay ko Ang buong tiwala ko, at hindi ko man lang naisip na darating Ang pagkakataong iyon. Inihilamos ko Ang kamay sa mukha. Ayoko na balikan Ang nakaraan. Ang importante ngayon, ay ang kasalukuyan. Hindi na mahalaga Ang nangyari. Past is past kumbaga. Ayoko na isipin iyon. Ang importante, nagising ako sa katotohanan kaya napigilan ko Ang tuluyang paglamon nila sa aking katauhan. Muli akong napabuga Ng hangin. Tiningnan ko Ang suot na relo. Mag aalas kwatro na pala. Aba, mahigit dalawang Oras din akong nakatulog. Hinubad ko na Ang pang itaas na damit at tinungo Ang banyo. Makaligo na nga para maging presko Naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD