Chapter 9

1527 Words
Pangatlong Araw ko na dito sa amin. Napakaaliwas Ng panahon. Tanging huni Ng mga ibon at mga hayop sa paligid Ang naririnig. Tunay ngang nakakakalma Ng damdamin Ang kabukiran. May presko, sariwa, at mabining hangin sabayan pa Ng napakagandang tanawin. Kaygandang pagmasdan Ng paligid Lalo na kung Umaga, sumisikat pa lang Ang Araw. Umagang-umaga, hayon ako, nasa balkonahe Ng kwarto, nakaupo lang at tinatanaw Ang buong paligid na naaabot Ng mga mata. Tamang kape at tinapay lang sa Umaga. Tama nga Ang Sabi Ng mga magulang ko, kapag napagod at na-stress ako sa maynila, uwi lang ako Dito sa Amin. Tiyak, gagaan Ang pakiramdam. Totoo nga.. Nakakarelax at nakakagaan sa pakiramdam Ang mga tanawin. Lalo na Ang mga tunog sa paligid tuwing Gabi. Tahimik. Payapa. Tanging huni Ng mga kulisap, palaka, at iba pang hayop Ang maririnig. Malayong-malayo sa siyudad, napakaingay na nga, madumi pa Ang hangin, polusyon dulot Ng mga sasakyang paroo't parito. Mga plantang nagbubuga Ng maruruming usok sa hangin. Kaliwa't kanang basura Ang makikita sa paligid, sa mga estero at mga kanal, na tinatapon lang basta-basta Ng mga tao. Dagdagan pa Ng mga tao na animo'y Hindi na uso Ang pagtulog dahil laging gising sa gabi. Isang katok Ang narinig ko sa pinto. Agad akong tumayo at pinagbuksan iyon. Si Manang pala. "Oh, Manang, Ikaw pala.. Bakit Po..?" "Handa na Ang agahan. Ipinapatawag ka na Ng Mama mo." "Sige Po.. Susunod ako.. Salamat.." Tumango lang ito at tumalikod na. Binalikan ko Ang iniinom. Dinampot Ang tasa Ng kape, at lumabas na Ng kwarto. Pagdating sa kusina, nakaupo na sa harap Ng hapag-kainan Ang mga magulang ko. Otomatikong sumilay Ang ngiti sa labi ni Mama pagkakita sa akin. '"Good morning, Anak.." I smiled back. "Good morning too, Ma..Pa.." Naupo na ko sa naroong silya. Tiningnan Ang mga pagkain sa harap. Puro masasarap. May pritong itlog, hotdog, tuyo, ham, tortang talong, boneless bangus, nilagang okra, at hiniwang hilaw na mangga na may bagoong sa gilid. Natakam tuloy ako, naglalaway pa. Andaming mapagpilian. At Ang sasarap pa. Tiyak mapaparami na Naman Ang kain ko nito. Kumuha na ako Ng kanin at ulam. Matapos manalangin ay nagsimula na kaming Kumain. "Hope you like the dishes.." Narinig Kong Sabi ni Mama. Inangat ko Ang ulo at tiningnan Siya, Saka nginitian. "Of course, I do, Ma.. Ito pa ba.. Eh, mga paborito ko din to.." Nginuya at nilunok Muna Ang laman Ng bibig Bago muling nagsalita. "Sa maynila, bihira lang ako makakakain ng mga ganito. Kung ano Yung mga luto sa Cuisine, iyon din Ang kinakain ko. Nagpapaluto lang ako ng mga ganito kapag gusto kong kumain. O di kaya, ako na lang Ang nagluluto sa mga gusto ko.." "Really.?" "Yes, Ma.." Sumubo pa ako Ng ilang ulit. Nakatatlong pinggan din ako Ng kanin. Sobrang sarap kumain. "Oh, before I forgot, Son, can we talk after this..?" Tinig iyon ni Papa. Tiningnan ko siya Saka tumango. "Yeah. About what.?" "You'll know later.." "Okay.." Ipinagpatuloy na nila Ang pagkain. Nalito na Lang ako bigla, at naguluhan. Naisaisip ko kung ano ba Ang pag-uusapan namin ni Papa. Nakangiti ito pero kita sa mga mata nito Ang pagkaseryoso. Mukhang malalim na usapan Ang mangyayari. "Ahhmm.. Anak, kamusta Naman Ang maynila..?" Tanong ni Mama. "Hmm.. okay Naman Po, Ma.." "May katagalan na Rin Mula nung huli naming pagpunta doon.." "Oo nga Po.. Iyon ay noong nagpunta kayo sa kasal Ng kaibigan ko.." "Oo nga.. Ninang at ninong kami Ng Papa mo nun.. Naku, alam mo ba, Anak, nung time na nalaman Kong bibiyahe kaming maynila, naku, excited talaga ako. Hamakin mo, mahigit Isang taon din kaming nalagi Dito Mula nung magretiro na Ang Papa mo.. Eh, siguro, na-miss ko lang Ang gumala.." Mahinang humalakhak ito. Sadyang masayahin talaga Ang Mama. "Ay, siyanga ba..? Ay naku, hayaan Niyo Po, at maglalaan ako Ng panahon para igala kayo sa maynila. Kapag hindi na ako busy.. At tila ba namangha ito. "Talaga..?" "Opo.." "Ay naku, Salamat anak kung ganun.. Tatandaan ko Yan ha.." Tumawa na lang ako habang tumatango-tango. "Ang Mama talaga, kahit kailan.." Kinuha ko Ang Isang basong may laman na lemon juice at ininom. Sinaid Ang laman. Napakasarap talaga kapag fresh fruit. Ito talaga Ang kagandahan sa probinsiya. Makakakain ka ng preska at sariwang gulay at prutas. Napipitas lang sa bakuran, o di kaya ay sa taniman. Kaya naisip kong gumala Mamaya pagkatapos Ng aming usapan ni Papa. Kung anuman man iyon, sana di Yun makakaapekto sa gala ko Mamaya. "Aaaaahhhh...!!" Napasigaw ako ng malakas. Nadulas ako kaya bigla akong napaupo. Nakita ni Francine ang nangyari kaya agad Niya akong dinaluhan. "Michelle..!!" Kita sa mga mata nito Ang pag-aalala. "Oy, okay ka lang..?" Sumasakit Ang puwitan ko at balakang. Dahil sa biglaang pagkabagsak. Nakangiwi akong pinipilit gumalaw. Pinipilit na makatayo. Pero mas masakit pala Ang paa ko, Hindi ko lang namalayan. Natapilok pala ako at nadulas. Dun ko lang napagtanto nang sinubukan Kong itapak Ang paa ko upang tumayo pero muling naupo dahil sa naramdamang kirot at sakit dito. Di maipinta Ang mukha ko sa sobrang sakit. Nagsilapitan din Ang ilang mga kasama ko. Hinawakan ako ni Trina sa braso, samantalang sa bewang ko Naman humawak si Francine, inalalayan nila akong makatayo at upang makaupo sa silya. Nang makaupo na, ay tiningnan ko Ang nagkalat na pagkain sa sahig. Order iyon Ng costumer na isi-serve ko sana. Kaya lang, aksidente akong nadulas. "Naku, Ang mga pagkain.. Ang kostumer--- Mas inaalala ko pa Ang pagkain kesa sa kalagayan ko. Pano na Ang kostumer, Hindi Sila makakakain sa saktong Oras. Kanina pa iyon naghihintay. "Hay naku, Michelle.. Yan pa ba Ang iisipin mo kesa diyan sa kalagayan mo..?" Agad na sabat ni Francine. "Pero paano Sila ----.." "Wag mo silang isipin. Ako na Ang bahala..." Nilingon nito Ang kostumer na may order Ng pagkain. Saka muling ibinalik Ang tingin sa akin. "Tingnan mo, nakatingin Sila sa atin. Siguro Naman, alam nila at Nakita nila kung ano Ang nangyari. Ako na kakausap sa kanila.." "Salamat ha.." "Sige na, tiyak na nabalian ka.. Ipapadala kita sa ospital.." "Naku.. wag na.. Magiging okay din ako.. Ipapahinga ko lang to.." "Anong wag na..? Tingnan mo nga sarili mo.. Halos di ka makatayo.." "Mawawala din to, Frans.." "Ay naku, kailangang magamot ka.." "Pero ---.." " Bakit? Ano ba Ang inaalala mo..?" "Wala akong kasama.." "Pasasamahan kita Kay Trina.." "Makakaabala lang ako --" "Naku, hindi! Okay lang sa akin na samahan ka, Chelle.." Agad na sambit ni Trina. Tiningnan ko siya. "Okay lang ba talaga sa'yo..?" Tanong ko. Tumango ito. Huminga ako Ng malalim. "Sige.." "Okay.. Tatawag lang ako Ng ambulansiya.." Tango lang Ang naging sagot ko. Tinungo na nito Ang counter at dinampot Ang telepono. "Chelle.." Kuha ni Trina Ng pansin ko. Binalingan ko Siya "Ohh..?" "Kukunin ko lang Ang mga gamit natin sa locker. Dito ka lang, wag mong subukang gumalaw para Hindi mo masyado maramdaman Ang sakit..." May pag-aalalang sambit nito. Kita iyon sa mga mata Niya. "Salamat ha.." Tumango lang ito. Saka tumayo at tinungo na ang staff room. Medyo gumaan Ang pakiramdam ko, dahil nararamdaman ko Ang sinserong pag-aalala sa akin Ng mga kasama ko, na naging kaibigan ko na rin. Simula nung mag-umpisa akong magtrabaho dito, Silang dalawa Ang naging malapit sa akin. Si Francine, na kahit may posisyon na sa Cuisine, ay Hindi ginagamit Ang posisyon upang makapanlamang sa kapwa empleyado, kundi nanatili itong mapagkumbaba sa lahat. Dahil ayon sa kanya, pare-pareho lang kaming mga empleyado Dito kaya dapat Pare-parehas din Ang pagtrato. Walang Mataas, walang mababa. Kaya ko Siya nagustuhan at nakagaanan ng loob. Masaya ako dahil sa muli Kong paglabas galing sa pagkukulong Ng sarili ko dulot Ng pagkawala Ng mga magulang ko, ay Sila Ang natagpuan ko. Ang kalungkutan na namumuhay sa puso ko, ay unti-unting napupuno ng kasiyahan. Hindi man nito magagawang tuluyang mabura Ang lungkot at pighati, gayunpama'y nababawasan man lang kahit kunti. Lalo na kung magkasama kaming nagkakatuwaan at nagsisiyahan, kahit papano, hindi ko na nararamdamang nag-iisa na Lang ako. Maswerte pa Rin akong nakatagpo Ng mga kaibigan na tulad nila. Ilang minuto lang Ang lumipas nang dumating Ang ambulansiya. Pinagtulungan nila akong maisakay sa stretcher. Nangingiwi man ay kinakaya ko Ang sakit. Kinakagat ko na lang Ang ibabang labi upang pigilan Ang pag-iyak. Sobrang napalakas talaga Ang pagbagsak ko. At ito Ang pinakaunang beses na bumagsak ako Ng Ganito. Sa loob Ng ambulansiya, nung kaming dalawa na lang ni Trina Ang magkaharap, ay tuluyang bumagsak na Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mahigpit na hinawakan niya Ang kamay ko. "Chelle..." Kahit sa boses nito ay dama Ang sobrang pag-aalala Niya sa akin. Humikbi ako. Naglalandasan Ang mga luha sa aking pisngi. "Chelle, kaya mo to.. Gagaling ka.." Pinupunasan nito Ang mga luha ko. "Pikit mo lang Ang iyong mga mata, at manalangin.. Pray kay God na sana gagaling ka na.. Tiyak, malalampasan mo to.." Ipinikit ko Ang mga mata. Tama Siya, Wala akong ibang malalapitan kundi Ang Panginoon. Tanging Siya lang ang may kapangyarihan na pagalingin Ang lahat Ng may sakit, lahat Ng may karamdaman, at lahat ng nasaktan. "Kaya mo Yan, Chelle.. Tiwala lang.." Iyon Ang huli Kong narinig Mula Kay Trina Bago ako ibaba sa ambulansiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD