"Anooo..?"
Napatayo ako bigla dahil sa narinig. Naroon kaming tatlo Ng mga magulang ko sa loob Ng library. Pagkatapos naming kumain kanina, nag-aya na si Papa upang magkausap kami. At ito na nga. Di ako makapaniwala sa narinig.
"Anak, huminahon ka.." Agap ni Mama sa akin.
"Ma, bakit..? Sa Anong dahilan ba kung bakit Niyo ako ipapakasal sa babaeng iyon..? Sa babaeng Hindi ko man lang nakita..? Sa babaeng hindi ko man lang nakilala.."
Sunod-sunod na tanong ko sa kanila. Nawindang talaga Ang utak ko sa narinig. Ipapakasal nila ako sa babaeng ni anino ay Hindi ko man lang nakita. Porke't anak ito Ng kaibigan nila.
Nilapitan ako ni Mama upang ayain na muling maupo. Pagkatapos ay umupo ito sa tabi ko.
"Anak, makinig ka sa paliwanag ng Papa mo.. Hindi ka sana magagalit sa Amin.."
Sambit nito habang ginagagap Niya Ang kamay ko. Nasa mukha nito Ang pagsusumamo.
Marahas akong napabuga Ng hangin. Sumeryoso talaga Ang mukha ko. Hindi ako Galit sa mga magulang ko. Naiinis lang ako. Dahil Hindi ko alam na may gagawin silang ganito. Mariin akong napapikit at muling bumuga Ng hangin.
"Makikinig ako.. Pero Hindi ko maipapangako na magagawa ko iyon.." Nakatiim-bagang Sagot ko sa mga magulang.
"Anak..--"
"Glenda.." Agap ni Papa sa sasabihin pa sana ni Mama. Tumikhim muna ito Bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Anak, magpapaliwanag ako.. Kung bakit may ganitong kasunduan na nangyari sa pagitan namin ni Eduardo.."
Tiningnan ko si Papa. Hinintay Ang muling pagsasalita nito dahil saglit itong napahinto..
"Si Eduardo ang tanging kaibigan na meron ako. Kaklase ko Siya dati, pero nagkahiwalay kami dahil dinala Siya ng mga magulang niya sa South Cotabato. Doon na Sila nanirahan Hanggang sa nagkaroon Siya Ng sarili niyang pamilya. Maganda Ang pamumuhay nila kumpara sa atin noon. Kahit pa noong nag-aaral kami, mayaman na talaga Siya..."
Tumikhim ulit ito Saka ipinagpatuloy Ang pagkukwento. Nakikinig lang ako pero di ko maiwasang tumaas Ang kilay dahil sa naririnig. Ikinukwento nito Ang mga ginawa nilang magkaibigan noong magkasama pa sa iisang eskwelahan. Ang mga pinagdaanan nilang magkasama, Ang mga kalokohan nilang pinaggagawa, mga katuwaan nila, at Ang ilang bagay na nagpatibay sa kanilang samahan. Kita sa mukha nito Ang ibat-ibang ekspresyon. Dahil ngayon ko lang narinig Ang kuwentong ito, medyo naging interesado akong makinig. Pero tahimik lang ako sa aking upuan. Hinahayaan ko lang na magsalita Ang Ama. Nagkukwento ito tungkol sa naging buhay-buhay nila matapos maghiwalay. Hanggat may signal Ang internet, may komunikasyon pa Rin Silang magkaibigan. Hanggang sa magka asawa na Silang pareho.
"Kaya ayun, nagkaroon Sila Ng anak na babae. Ang cute-cute Ng batang iyon..."
Huminga ito Ng malalim.
"Si Eduardo, Siya Ang tanging kaibigan ko ang tumulong sa amin ng Mama mo para magkaroon Ng negosyo. Binigyan Niya kami Ng pampuhunan sa negosyo. Bigay lang ha, Hindi utang. Gustohin ko mang magbayad, pero Hindi Niya tinatanggap. Ang Sabi Niya sa akin, imbes na ibayad ko daw sa kanya, idagdag ko na lang sa pagpapalago Ng negosyo. Kaya nga, sobrang laki Ng utang na loob ko sa kaibigan ko. At hindi ko Siya binigo, pinalago ko Ang karenderya, Hanggang sa naging sikat na kainan na ito. Hindi na matatawag na karenderya lang, sapagkat nagkaroon na ito Ng sangay sa iba't Ibang Lugar. Nang muli kaming magkita, sobrang saya namin. At doon nga nangyari Ang kasunduan.."
Yumuko ito. Kapagkuwa'y inangat Ang ulo at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Nag-iisang anak lang meron kaming pareho. Kaya, nagkasundo kami na ipakasal kayong dalawa kung makakatuntong na sa legal na edad si Che-che, ang nag-iisang anak na babae ni Eduardo. Ang tanging hangarin Niya lang, ay may taong masasandalan at makakapitan Ang anak Niya balang-araw. Iyon bang may magmamahal sa anak Niya, at alam niyang Hindi sasaktan Ang anak Niya. At iyon Ang inaasahan Niya noong magkita kami. Dahil sa laki Ng utang na loob namin sa kanya, pumayag kami sa gusto niyang mangyari.. Masaya kaming nagkuwentuhan at nagplano kung kailan at saan gaganapin Ang kasalang iyon.. Kahit kami Ng Mama mo, Anak, excited din.. Masaya kami na malungkot sa totoo lang. Dahil inaalala namin Ang damdamin mo. pagkat alam ko kung gaano kasakit Ang ipakasal sa taong Hindi mo mahal. Sa taong kailan man ay Hindi mo pa Nakita at nakilala.. Habang palapit Ang Araw Ng pinagkasunduan namin, Anak, napag-isipan Kong Hindi na ituloy. Na kakausapin ko na lang Ang kaibigan ko para Hindi kayo masaktan pareho. Batid ko namang maiintindihan Niya ako kung maipapaliwanag ko lang Ng maayos sa kanya Ang dahilan.. Pero sa ngayon, nag-iba na Ang sitwasyon, Anak.."
Gumaralgal Ang boses nito. Napatayo ako Ng tuwid, naalarma. Ngayon ko lang Nakita Ang Ama ko na naging ganyan. Sobrang lungkot Ng mukha. Bigla itong yumuko. Kapagkuwa'y nagpahid Ng luha. Sa muling pag-angat Ng mukha nito'y mababanaag Ang sobrang kalungkutan. Ganun din si Mama sa tabi ko, umiiyak na din. Nalito ako bigla. Ang inis ko ay napalitan Ng awa para sa mga magulang ko. Siguro nga, sobrang special sa kanila Ang kaibigan nilang iyon. Tumikhim Muna si Papa Bago nagpatuloy sa pananalita nito.
" Wala na Ang kaibigan ko.."
Tuluyang bumagsak Ng sunod-sunod Ang mga luha ni Papa. Si Mama Naman ay tahimik lang na umiiyak sa tabi ko. Hinaplos-haplos ko Ang likod ni Mama. Tumayo ako at nilapitan si Papa. Hinaplos ko din Ang likod niya. Pati ako tuloy naguluhan. Patuloy ito sa pag-iyak, humagulgol pa nga. Naaawa na ako sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang Ganito sa tanang Buhay ko. Habang lumalaki ako, kahit Anong pagsubok Ang dumating sa Amin, ni Hindi ko nakitaan Ng ganito si Papa. Talagang ngayon lang. Ang astig at dominanteng Ama ko, may side pala na Ganito. Tigre kung titingnan sa panlabas na anyo, pero sobrang lambot Ng puso. Pati si Mama, Ang pag-iyak nila ay tila ba nawalan Sila Ng Isang malapit na mahal sa buhay. Patuloy kong hinahagod Ang likod ni Papa. Hinayaan ko Muna siyang magpalabas Ng sakit sa dibdib. Ilang minuto din iyong nagtagal. At nang medyo kumalma na Siya, iminuwestra nitong bumalik na ako sa upuan ko. Sinunod ko Naman. Suminghot singhot Muna ito at tumikhim Saka lumunok, na animo'y humawi Ng kung Anong nakabara sa lalamunan. Pinunasan Ang mga luha, at sumeryoso Ang mukha. Pero nasa mga mata pa Rin nito Ang kalungkutan.
"Wala na Ang matalik kong kaibigan. Silang dalawa Ng asawa Niya. Kabilang Sila sa mga naging biktima na pinagbabaril Ng mga bandido. Nasa kalagitnaan na Ang seremonya Ng kasal Ng mangyari Ang pagpapaulan Ng bala. Kasama Rin nila Ang anak nila, si Che-che. Pero sa awa Ng Diyos, nakaligtas siya. Iilan lang sa mga panauhin at bisita Ang nakaligtas sa trahedyang iyon. Pati Ang mismong ikinasal at Ang buong pamilya nila ay nadamay.."
Tiningnan ako ni Papa Ng diretso sa mata. Kita Ang lungkot at pangamba sa mga mata nito.
"Anak, ang pinangangambahan ko ngayon, si Che-che. Hindi Siya mahagilap sa ngayon. Wala na siya sa kanilang lugar. Ayon sa mga awtoridad, matapos mailibing Ang mga magulang niya, ipinagbili Niya Ang kanilang Bahay at lupa, at ni hindi ipinaalam kung saan pupunta.."
Tumayo ito at pumunta sa desk nito. May hinugot na kung ano sa ilalim Ng desk. Ng tuluyang malantad, Isa iyong malaking envelope. Saka muling bumalik sa kinauupuan nito.
"Sa loob nito, narito ang ilang papeles na nakuha ko mula sa pulisya. At nasa loob nito Ang litrato ni Che-che.."
Huminto Siya sa pagsasalita. Mukhang nag-iisip ang Ama. May hinugot ito Mula sa loob Ng envelope. At iniabot sa akin. Agad ko namang inabot iyon at tiningnan.
"Sino Po ito.?"
Ang nasa larawan ay Isang lalaki at Isang babae. Nakaakbay Ang lalaki sa babae. Kapwa nakangiti Ang mga ito.
"Ang lalaking naandiyan ay Ang kaibigan ko. Si Eduardo. Kasama Niya Ang asawa Niya. ."
"Ano Ang buong pangalan Ng kaibigan mo, Pa?"
"Eduardo Palermo.."
"Palermo..?? It sounds familiar.." naisaisip ko.
" At Ang asawa Niya, si Anita Adriano.."
Tumango-tango ako.
"Anak, noon ay ayoko kayong ipakasal.. Ngayon, iba na Ang sitwasyon.. Sobrang naaawa ako sa Bata. Siguradong nag-iisa na Lang Siya ngayon. Nangangamba ako sa kanyang kalagayan. Kaya, napagdesisyunan namin Ng Mama mo, na kahit sa ganitong paraan man lang, maibalik namin Ang kabutihang nagawa sa atin Ng kaibigan ko.. "
"Pa..---"
"Patawarin mo kami, Anak. Kung panghihimasukan namin Ang damdamin mo. Kung iyon bang matatawag doon. Ang amin lang, gusto Rin namin mapanatag na sa mabubuting kamay mapupunta si Che-che.."
"Che-che.. Sino ba Kasi iyon..?"
Kahit ako Ang napapatanong na Rin sa sarili.
"Pa, ipapakasal Niyo ako sa taong hindi ko man lang nakilala.."
"Anak, sa katunayan nga, andito sa loob Ng envelope Ang larawan Niya. Baka sakaling Makita mo Siya at mamukhaan.."
"Hindi sa ganun, Pa ---"
"Anak, isinasaalang-alang din namin Ang damdamin mo. Kaya nga, natagalan pa kaming magdesisyon Ng Mama mo tungkol dito. Tagal naming pinag-isipan ito. At ngayon, nais naming Malaman kung sasang-ayun ka ba o hindi.? Iniisip namin Ang kalagayan Ng Bata.."
"Bata..? Pa, ipapakasal Niyo ako sa Bata..?"
Ay puteekkk.. Bata..? Ibig bang sabihin, menor de edad..? Nabigla ako dun ha. Baka makasuhan pa ako niyan eh.
"Anak, Hindi.."
Nagsalubong Ang mga kilay ko.
"Anong Hindi..?"
"Hindi na Siya Bata. Dalaga, Ang ibig Kong sabihin. Dalaga na Siya. Limang taon lang Ang tanda mo sa kanya.."
Agad na sagot ni Papa. Limang taon Ang tanda ko. So, ngayon ay twenty five na ako. ibig Sabihin, twenty years old pa lang ito.
"Dalaga na pala. Akala ko, menor de edad pa lang eh.. "
"Hindi, anak.. So.. Ano Ang masasabi mo tungkol dito..?"
"Pag-iisipan ko Muna, Pa.. Ma.. Dahil sa ngayon, hindi ko pa alam kung Anong magiging desisyon ko ukol Dito.."
Ginagap ni Mama Ang kamay ko.
"Anak, nasa sa iyo na kung ano, kung papayag ka ba o hindi.. Hindi ka namin pipilitin Ng Papa mo.. Irerespeto pa Rin namin Ang magiging desisyon mo. Pero mas mapapanatag, mas sasaya, at mas gagaan Ang pakiramdam namin, kung itutuloy Ang kasal, Ang kasunduan kahit Wala na Ang kaibigan namin.. Sa ngayon, Ang tanging magagawa Muna natin, hanapin Siya.. Tulungan mo kaming hanapin si Che-che.."
"Ma, ---"
"Anak, andito sa loob Ng envelope Ang litrato Niya.."
Agap ni Papa sa sasabihin ko sana. May hinugot ito sa loob Ng envelope at iniabot sa akin. Akmang aabutin ko na sana nang biglang tumunog Ang cellphone ko. Hinugot ko iyon sa bulsa at nagpaumanhin muna sa magulang upang sagutin Ang tawag. Tumango Ang mga ito kaya tumayo na ako at tinungo Ang bintana.
"Hello..?"
"Sir.."
Tinig iyon ni Francine.
"Ano iyon..?"
Nag-umpisa itong magpaliwanag kung bakit napatawag. Nabigla ako sa narinig. At parang ipinako sa kinatatayuan ko. Hanggang sa natapos Ang tawag ay di pa Rin ako makapaniwala. Ipinilig ko Ang ulo Saka marahas na nagbuga Ng hangin.
Binalikan ko Ang mga magulang. Nasa mukha Ng mga ito Ang nagtatanong. Kaya inunahan ko na.
"Sa Cuisine Po.. May nangyari lang.. At kailangang kailangan ako dun, Ma.. Pa.. Kailangan ko Ng bumalik Po sa maynila.. Ang tungkol Po sa napag-usapan natin, pag-iisipan ko Po. At saka, tungkol Naman sa paghahanap, susubukan ko Po.. Pero sa ngayon, uunahin ko Muna Ang Cuisine.."
"Sige, Anak. Salamat.."
"Ahhmm.. Nak, Ibinalik ko na lang sa loob Ng envelope Ang litrato ni Che-che.."
Iniabot Niya sa akin Ang envelope. Tinanggap ko naman iyon.
"Sa iyo na Yan.. Tingnan mo kapag may Oras ka.. At para Naman makilala mo si Che-che kahit sa litrato man lang. Nang sa ganun, maging pamilyar ka sa mukha niya kapag may Oras ka na para hanapin Siya.. Maraming salamat, Nak. Napakabait mo.."
"Sige Po, Ma.. Pa.. Dadalhin ko na lang ito.. Mauna na Po ako. Aayusin ko pa Ang mga gamit na dadalhin ko.."
"Sige, anak.. "
Nagmadali na akong lumabas Ng library. Bitbit Ang envelope ay agad Kong tinungo Ang kwarto upang Mag-ayos. Dahil bukas na bukas din ay babiyahe ako pabalik Ng Maynila.