Unang Gabi na Hindi ako nakauwi sa boarding house. Pano Naman Kasi, Hindi ako pinauwi Ng doktor na umestima sa akin. Kailangan ko pa daw magpalipas Dito Ng Isa pang Gabi para mabantayan Ang kalagayan ko.
Sa ngayon, Wala na akong ibang iniindang sakit. Ang balakang ko, medyo ok na. Ang paa ko na lang, namamaga. Ang bilis Naman mamaga nito. Kaya pala, masakit iapak dahil may bali. Wala akong dextrose, dahil Wala Namang ibang naapektuhan sa akin. Pinanatili lang ako Ng doktor para maobserbahan pa. Katatapos lang akong painumin Ng nurse Ng gamot na pain reliever at anti biotic na din.
Nahihirapan pa akong igalaw Ang kanang paa ko. Bagama't naka benda na ay dama ko pa Rin Ang sakit. Iyon nga lang, di na masyadong masakit Hindi tulad kanina na sobrang sakit.
Wala ngayon si Trina, nagpaalam Muna Siya sa akin na uuwi lang saglit. Magpapalit Ng damit at magdadala Ng makakain namin. Dumalaw din si Francine at ilang mga kasamahan ko kanina. Nangumusta. Pero kinailangan ni Francine na umuwi Ng maaga dahil may sakit din Ang tatay nito, nangangailangan din Ng aruga. Naiintindihan ko iyon. Maswerte pa Rin ako dahil nakatagpo ako Ng mga kaibigan na tulad nila. Si Trina naman, nangungupahan lang din Dito sa maynila. Nasa probinsiya din Ang mga kamag-anak nito. Kaya, libre itong bantayan ako dito sa ospital.
Kahit nag-iisa sa buhay, Hindi Naman ako nag-iisa sa ward na iyon. Marami akong kasama, kaya kahit papano ay may makakausap pa rin ako at ayos lang kahit umuwi saglit si Trina.
Nakita ko ang hinog na saging sa bandang paanan ko. Pinilit Kong makaupo kahit di maipinta Ang mukha ko dahil sa nararamdamang sakit. Nagugutom ako. Mabuti na lang, may dalang saging Sila Francine kanina. Okay na ito kahit papano'y may ilalaman Ang tiyan ko habang hinihintay Ang pagbalik ni Trina. Habang kumakain Ng saging, nakatanaw ako sa paligid, na siyang makikita lamang sa labas Ng nakabukas na malaking bintana ng ward na iyon. Swerte namang doon ako nailagay sa gilid Ng bintana. Kaya tanaw ko Ang nasa labas. Bumuntong-hininga ako.
"Ma...Pa... Ubayi ko ninyo ha.. Kung Ari lang kamo sa tupad ko kuntani, hindi gid ako mag-amo sini. Hindi ko mabudlayan. Hindi ko masakitan. Kag Indi ko gid ini maagyan.."
Di ko na naman maiwasang Hindi umiyak sa tuwing naaalala Ang mga magulang. Na siyang tanging sandalan ko sana sa tuwing may nararamdaman ako o may karamdaman.
"Hidlaw na gid ko sa Inyo Nga duwa.."
Nakatutok Ang mga mata ko sa tanawin sa labas pero Wala Naman doon Ang isip ko.
"Kung pwede ko lang Tani kamo maupod liwat. Kung may pwede lang Tani nga pamaagi nga Makita kag maistorya ko kamo liwat, bisan ano pa na kamahal, pangitaan ko gid paagi para mahimo ko na.. Mama, hidlaw na ko sa mga hakos mo sa akon. Sa paghalok-halok mo sa akon, ilabi na sa parte sang kung diin ko mabatyagan Ang sakit. Kay siling mo, Isa mo lang ka halok, maumpawan na ko.. Papa, Hidlaw Naman ko sa pagbantay mo sa akon. Kung may sakit ako, pulaw-bugtaw kamo ni Mama para bantayan ako, asikasuhon, paimnon bulong, kag pakadlawon kung nagakuriit ako.."
Pinahid ko Ang mga luhang nalalaglag sa aking pisngi. Saka suminghot-singhot.
"Mama.. Papa.. budlay-budlay gid tana. hidlaw hidlaw na ko sa Inyo.. Gusto ko na mabatyagan Ang pagpalangga Niyo sa akon.."
Muli na namang nag-unahan sa pagbaba Ang mga luha ko. Ganito na Lang ako palagi kapag naaalala Ang mga magulang ko. Ang trahedyang naging dahilan ng paghihiwalay namin. Galit ako sa mga bandido. Galit ako sa sarili ko dahil Hindi ko man lang natulungan Ang mga magulang ko. Sa lahat Ng naroon Ng Araw na iyon, iilan lang kami Ang nakaligtas. Kaya nga, sobrang takot Ang naramdaman ko noon. Takot, kaba, pangamba, awa, sakit, Galit, lahat na. Halo-halong emosyon Ang lumukob sa akin. Lalo na nung nalaman Kong pati Ang mga magulang ko ay Hindi nakaligtas, para akong tinakluban Ng langit at lupa. Na Hanggang sa ngayon, laman lagi Ng panaginip ko, Ang mukha Ng Mama ko at Ang pagtama Ng bala sa katawan nito. Gusto ko siyang tulungan pero Hindi ko nagawa. Dahil nataranta na Rin ako.
Amin ko, may guilt ako sa sarili ko. Kaya siguro, hanggang ngayon, Hindi iyon nawawala-wala sa isip ko.
"Mama..."
Marahang tapik ang naramdaman ko sa aking balikat na siyang nagpabalik sa aking isip sa kasalukuyan. Nilingon ko Siya. Si Trina, mababanaag sa mukha nito Ang pagkaawa sa akin.
"Chelle, umiiyak ka na Naman. May masakit ka bang nararamdaman? Sabihin mo lang, at Ng masabi ko sa mga nurse at doktor para mabigyan ka agad Ng gamot.."
Halata sa boses nito Ang pag-aalala. Umiling-iling ako Saka pinunasan Ang mga luha. Suminghot na din at tumingala upang pigilan Ang muling pagbagsak Ng mga luha.
"Salamat, Trina, ha. Pero, okay lang ako. Kaya ko pa Naman Ang sakit eh. At saka, nakainom na ako Ng pain reliever. Siguro, Maya-maya lang, magiging okay na din to.."
"Sigurado ka..?"
Ngumiti ako sa kanya.
"Oo naman.."
Umupo ito sa gilid Ng hospital bed. Kinuha Ang mga dala at nilatag sa bed.
"Kung ganun, kumain ka na. Ipinagluto kita nitong sinabawan na isda at pritong itlog. Saka, pagpasensiyahan mo na ha, ito lang nakayanan ko.."
Ngumiti ako.
"Ano ka ba, Trina, okay lang sa akin. Laki nga Ng pasasalamat ko sa iyo eh. Nag-abala ka pa.."
"Siyempre naman, kaibigan kita nuh.. Alangan Naman pabayaan lang kita.. Hindi ko kaya iyon.."
Nagsasalita ito habang binubuksan Ang mga dala.
"Ay, siyanga pala, sorry ha kasi natagalan ako. Tumawag kasi sila Nanay sa probinsiya. Alam mo naman, ako Ang breadwinner sa amin. Kaya lahat Ng pangangailangan nila dun, ako Ang nagbibigay.."
Napatitig ako sa kaibigan. Bigla akong napaisip. May pamilya ito, at Siya Ang bumubuhay sa kanila. Mag-isang kumakayod para sa pamilya. Pero heto,t Hindi man lang makitaan ng kahinaan. Laging aktibo at may tiwala sa sarili. Malakas at laging positibo. Bagama't nag-iisa, may nakakausap pa siyang kapamilya niya. Kaya, maswerte pa Rin ito kahit na mag-isa lang na kumakayod para sa pamilya niya.
Samantalang ako, nag-iisa na Lang din, Wala pang pamilya. Ulilang lubos na talaga. Mabuti pa Silang mga kaibigan ko, kasama pa Ang pamilya nila. Samantalang ako, heto.. Parang babagsak na Naman Ang mga luha kaya muli akong tumingala upang mapigilan Ang pagbagsak niyon, at ikinurap-kurap Ang mga mata. Sa tuwing pag-uusapan Ang pamilya, agad talaga ako bumibigay.
"Naku, okay lang iyon, Trina. Walang problema sa akin. Ako pa nga dapat Ang humingi Ng sorry eh.."
"At bakit Naman..?"
"Eh, Kasi, naabala pa kita..?"
"Chelle Naman.. okay lang iyon.. What's friends are for..?"
Tumawa ito.
"Siyanga pala.. Naitawag mo na ba sa mga magulang mo Ang kalagayan mo..?"
Napamulagat ako sa kanya. Hindi ko inaasahan Ang ganung tanong. Kaya sunod-sunod akong napalunok. Oo nga, pala. Wala ni Isa man sa kanila Ang nakakaalam sa tunay na nangyari sa akin. Kahit mga kaibigan ko na Sila, Wala pa akong lakas Ng loob na Sabihin sa kanila Ang totoo. Dahil Hindi ko pa kaya, baka mag breakdown lang ako. Tumikhim muna ako Saka nag-isip Ng maidadahilan.
"Ahhmm.. Wala pa.."
"Bakit..?"
"Trina, hindi nila dapat Malaman Ang nangyari. Na Ganito ako. Kasi.. Ayoko na mag-alala sila sa akin.. May edad na Ang mga magulang ko, kaya ayoko na magdagdag pa sa mga alalahanin nila.."
Tanging nasabi ko na lang. Dalangin ko na sana ay kagatin Naman nito Ang dahilan ko para Hindi na ito magtatanong pa ulit tungkol sa mga magulang ko. Siguro, sa susunod, kapag makahanap ako Ng tamang tiyempo, sasabihin ko sa kanila Ang totoo. Pero sa ngayon, wag na muna. Ang pagkakaalam nila, taga probinsiya din ako.
Bumuga ito Ng hangin Saka tumingala. At tiningnan ako sa mata.
"Sa katunayan nga, Tama ka, Chelle. Ako nga din dati, nagkasakit ako. Pero hindi ko ipinaalam sa mga magulang at mga kapatid ko. Dahil ayoko din na mag-alala sila sa akin. Tama na ang pagkakaalam nila na palagi akong okay. Ayos lang ako parati, iyon bang nakikita nila na Wala akong karamdaman. Na Masaya ako palagi. Maayos Ang trabaho araw-araw. pero Ang totoo, unti-unti tayong kinakain Ng lungkot, pangungulila, pagkasabik, pagkapagod.. Pero lahat Ng iyon, dapat kakayanin. Dahil Wala Silang ibang inaasahan kundi ako lang. Kaya ako Naman sa sarili ko, Isang motibasyon na dapat maging positibo lang sa araw-araw. Mas maging matatag at malakas para sa pamilya. Sila Ang pinagkukuhanan ko Ng lakas upang harapin Ang bawat hamon sa Buhay. Ang bawat umaga, na kahit lamunin man ako Ng lumbay, kainin man ako Ng lungkot, hinding hindi ako padadaig.."
Itinaas nito Ang nakakuyom na kamao.
"Dahil ganyan tayo.. Matapang tayo eh.. Di ba..?"
Mahabang litanya nito. Napangiti ako. Tama nga naman siya. Tumango-tango ako.
"Tama.."
"Kaya Ikaw, Kumain ka Ng marami. Para gumaling ka agad.. At saka, ganyan.!"
"Oh..?"
"Ganyan.. Smile lang lagi.."
At sinadya nitong palaparin Ang ngiti. Kaya napahalakhak ako. May pagka kwela talaga itong kaibigan ko.
Pinagsaluhan na namin Ang dala nitong pagkain. Dahil sa kanya, medyo gumaan Ang pakiramdam ko. Kaya magana akong kumain.