Habang nag-aantay sa oras Ng flight ko, Hindi ko maiwasang makapag-isip tungkol sa mga sinabi ni Papa. Gusto nila akong ipakasal sa babaeng hindi ko man lang nakita at nakilala. Nung una ay nainis talaga ako. Bakit nila ako pangungunahan sa pagpili Ng babaeng makakasama ko habang buhay. At worst, sa babaeng hindi ko naman mahal.
Gusto na nga nila akong ipakasal, ipapahanap pa sa akin Ang magiging asawa ko. Hay.. Buhay nga naman. Pero sa totoo lang, matapos marinig kahapon Ang paliwanag ng mga magulang ko, Hindi ko na tuloy matukoy kung ano nga ba Ang mararamdaman ko. Magagalit o maiinis o maaawa o matatawa. Ayun tuloy, pati isip ko naguguluhan at nalilito sa gustong ipagawa sa akin Ng mga magulang ko.
Hindi ko alam kung ano Ang gagawin ko. At Isa pa, Ang ipinagtataka ko lang, bakit Hindi alam ng mga pulisya Ang eksaktong Lugar na pinuntahan nung babae. Siguro nga, nagtago talaga ito. At kung ganun nga, aba'y, magaling Naman pala magtago nung babae kaya Hindi mahanap-hanap ng mga pulisya. O baka Naman, eh, sobra itong nasaktan sa pagkawala Ng mga magulang nito kaya nagpakalayo-layo na muna.
Dagdag isipin pa Ang pinapagawa ng mga magulang ko.
"Puteekk talaga.. Paano ko Naman hahanapin Ang Isang babae sa napakalaking lugar gaya Ng Maynila..? Paano kung Wala Naman Siya doon..? Paano kung nagpa surgery ito Ng mukha..?"
Sa naisip ay naihilamos Ang kamay sa mukha.
"Oo nga pala.. Paano ko Yun mahahanap eh mismong mukha niyon Hindi ko Naman Nakita..?"
Saka ko naalala Ang sinabi ni Papa. Na nasa loob Ng envelope Ang litrato nung babae. Hindi ko na natingnan kagabi dahil nagmadali na akong mag-empake Ng mga gamit ko. Nangunot ang noo ko.
"Pero teka.. Nadala ko ba Yung envelope..?"
Natanong ko sa sarili. Akma ko na sanang bubuksan Ang maleta ko nang ipatawag na Ang lahat Ng pasahero sa flight na kasama ko.
"Di bale, sa unit ko na lang titingnan kung nadala ko ba o hindi.."
Bitbit Ang maliit na maleta ay agad akong tumayo at luminya na kasama Ang ibang mga pasahero.
Pagdating sa loob Ng eroplano ay agad Kong hinanap Ang upuan ko. Economy lang Ang nakuha Kong available ticket Ng Araw na iyon. Kinuha ko na lang kesa maghintay pa. Kunsabagay, ayos naman ang ganito, para makabalik agad ako sa Maynila.
Tatlumpong minuto na Ang nakakalipas pero Hindi pa din umaalis Ang eroplano. Nagrereklamo na Ang ilang pasahero. Nag-iingayan na Ang mga ito. Mayroon ding nabahala na, may mga umiiyak na bata, at may sumigaw pa. Akala nila nasa palengke lang Sila sa sobrang ingay. Kaya tumayo ako at lumapit sa isang stewardess na naroon upang humarap sa mga pasahero.
"Excuse me, Ma'am.. Bakit Hindi pa umaalis Ang eroplano..? Is there something wrong..?"
Ngumiti Muna ito bago sumagot.
"Yes sir.. Sorry for the inconvenience.. Nagkaroon lang Po Ng problem Ang parating na eroplano. Madedelay lang Po Ang flight natin to give way to an emergency landing.."
"Ganun ba..?"
"Yes sir.."
Tumango ako. Saka bumalik na sa kinauupuan ko. Hinarap Naman nito Ang iba pang pasahero. Kakaupo ko lang sa upuan nang marinig Ang boses Ng piloto. Nagbigay ito Ng anunsiyo at humingi na din Ng dispensa sa nangyaring aberya.
Nanatili lang ako sa aking kinauupuan. Kaninang maingay na mga pasahero, ngayon ay tahimik na sa kani-kanilang upuan. Nagkanya-kanyang kilos na Ang mga ito, na tila ba naghahanap Ng paraan upang Hindi ma-bored sa tagal ng pagkakaantala Ng aming biyahe. At upang may mapaglibangan habang hinihintay ang pag-andar Ng eroplano.
Muling sumagi sa isip ko ang pinag-usapan namin ng mga magulang ko. Sinabi ko lang na pag-iisipan ko Ang iminungkahi nila, para Hindi nila ako mapipilit sa gusto nilang mangyari. Sa akin Naman, ayokong ikasal sa babaeng Hindi ko pa Nakita at mas lalong Hindi ko mahal. Ayokong tikisin Ang sarili ko at isakripisyo Ang sarili Kong kaligayahan sa Isang kasunduan lamang. Dahil malamang sa malamang, Hindi magiging maganda Ang kalalabasan Ng pagsasama na iyon kung sakaling matuloy man. Pero sa ngayon, Ang malaking problema, nawawala Ang babae, at ako pa Ang maghahanap. Napasimangot ako.
"Anong klaseng laro ba ito..? Ako pa maghahanap sa magiging bride ko. Iisang babae laban sa napakaraming tao sa buong Pilipinas.. Saang lupalop Naman kaya Ng bansa ko hahanapin Ang babaeng iyon..? Parang maghahanap ng maliit na karayom sa Isang gabundok na lupa... Haaayyy.. "
Napabuga ako Ng hangin. Napaka imposible Naman sa gustong mangyari ni Papa. Makakadagdag stress pa talaga. Dagdag trabaho at gastos kung ganun. Hay naku.. Dagdag sakit sa ulo talaga. Hinilot ko ang noo pati ang batok. Maya-maya ay muling nanawagan ang piloto na umayos na sa kani-kanilang upuan Dahil anumang Oras ay pwede na Silang bumiyahe. Hinihintay na lamang Ang tawag o signal Mula sa taas.
Mahigit dalawampung minuto pa ang nakalipas bago ko naramdaman ang pag-andar ng eroplano. Napabuntong-hininga ako. Medyo lumuwag Ang agam-agam ko na makakaalis agad kami sa airport na iyon. Hindi din kami nagtagal sa himpapawid, nakarating kami sa NAIA Airport. Paglapag Ng eroplano ay nagsitayuan na Ang mga pasahero. Pinauna ko munang pinababa Ang ibang pasahero Bago ako tumayo para makaiwas sa pagsisiksikan. Pagkalabas ng exit, agad akong pumara Ng taxi na masasakyan papuntang unit. Magpapalit na muna ako ng damit bago tumungong Cuisine. Pagkababa sa harapan Ng building ay agad akong nagbayad sa drayber at bumaba. Sakay Ng elevator paitaas Ng building, tumunog Ang cellphone ko. Agad ko iyong hinugot Mula sa bulsa Ng jacket ko at sinagot.
"Hello..?"
"Sir..?"
Tinig iyon ni Francine.
"O, Francine, napatawag ka.."
"Magandang Araw Po, Sir. Ihahatid ko lang Po sana Ang report sa inyo, tungkol Po sa Isa sa mga kasamahan ko.."
"Kanino..?"
"Kay Michelle Po.."
Pagkarinig sa pangalan Ng babae ay parang may sumundot sa dibdib ko. Ewan ko ba kung ano at bakit nagkaganito. Sa katunayan nga ay Siya Ang dahilan kung bakit lumuwas ako agad Ng Maynila dahil sa balitang natanggap ko tungkol sa kanya. Tumikhim muNa ako Bago nagsalita.
"Anong tungkol sa kanya..?"
"Sana ay nasa mabuting kalagayan lang Siya. Kahit naiinis ako dahil sa ginawa Niyang pagsampal sa akin noon, ay nangingibabaw pa Rin Ang awa ko sa kanya bilang empleyado ko.."
"-----yung paa Po Niya.."
Naguluhan ako. Kasi iyon lang Ang narinig ko sa sinabi nito. Tumaas pa Ang Isang kilay ko.
"Anong paa..?"
Saglit na natigilan si Francine. Kapagkuwa'y nagsalita din ito.
"Ahhmm.. Sir, Ang Sabi ko Po, si Michelle Po Ay kailangang manatili na Muna sa ospital dahil namamaga Yung paa Po Niya.."
",Namamaga..?"
Napatanong ako sa sarili.
"Gaano ba kalakas Ang pagkabagsak Niya at bakit namaga talaga Ang paa Niya..?
"Ahhmm.. Sir..?"
Untag ni Francine. Napakurap ako. May kausap pa pala ako pero muntik ko na namang makalimutan dahil nahulog ako sa pag-iisip.
"Francine, may sasabihin ka pa ba..?"
"Yes sir.. ahhmm.. about Po pala sa food na nasayang. Gusto ko lang Po Malaman kung ano Ang masasabi Niyo Po.. Itsa-charge Po ba sa kanya iyon o Hindi na..? Nasa ospital pa Po Siya ngayon, so, do we have to implement the rules..?"
Napaisip ako.
"Ako na lang Ang kakausap sa kanya.."
Iyon lang Ang nasabi ko. Dahil mag-iimbestiga pa ako kung talagang aksidente Ang nangyari o Hindi. Hindi sa nagdududa ako sa employees ko, minsan kasi may mga ganung nangyayari, lalo na't baguhan. Iyan Ang Isa din sa napag-aralan ko. Hindi malayong may gumagawa ng ganun. Bullying kung tinatawag. Magkaganunman, malalaman iyon pagkatapos Ng imbestigasyon. Walang dapat makaalam.
"Ah okay, Sir.."
Nag-end call na ito.
Matapos makapag-ayos ay bumaba na ako na sa parking lot. Balak Kong dumaan sa ospital upang Makita Ang kalagayan ni Michelle. Pagkasakay Ng kotse ay agad ko itong pinaandar at minaniobra palabas Ng building. Habang-daan ay sumagi sa isip ko na Naman Ang mga sinabi ng magulang ko. Napahinto ako dahil traffic. At sobrang mahaba pa.
"Sa katulad nitong Maynila, na sobrang laki at lapad, paano ko makikita Ang nag-iisang babaeng iyon..? Napakaimposible talaga Ng pinapagawa nila Mama at Papa. At sino ba Kasi Ang Che-che na iyon. Bakit ganun na lang kalaki Ang kagustuhan Ng mga magulang ko na ikasal sa kanya. Kahit na ulila na iyon, at kahit pa matalik na kaibigan ni Papa ang ama nito.."
Marahas akong napabuga ng hangin. Dagdag alalahanin pa talaga.
"Pero, baka sumama iyon sa lalaki..?"
Parang may ilaw na biglang lumiwanag sa aking utak.
"Tama.! Hindi iyon imposible.. Sa ganoong kalagayan, na nag-iisa na Lang at walang malapitan, malay ba naming sumama na nga iyon sa Isang lalaki. Nakipagtanan... kaya siguro Hindi na mahanap.."
Tumpak! May idadahilan na ako sa mga magulang ko kung sakaling magpursige sila na hanapin ko Ang babae.
Nag-green light na siguro dahil nagsigalawan na Ang mga sasakyang nasa unahan ko. Kaya gumalaw na Rin ako. Tinugpa Ang Daan patungong ospital. Sisilip lang man ako para malaman kung totoong nasa ospital pa nga siya. Kapag makumpirma ko na, didiretso na ako sa Cuisine. Walang nakakaalam na bumalik na ako.