Chapter 13

1541 Words
Habang nasa parking lot ng ospital, Hindi na Muna ako bumaba Ng kotse. Nagpalipas pa Muna ako Ng ilang sandali Bago bumaba. Isang malalim na buntong-hininga Ang ginawa ko Bago lumabas Ng kotse. Dire-diretso sa entrance hanggang sa room na pinaglagyan Kay Michelle. Sa ward. Sumilip ako sa pintuan. Mayroong anim na bed na nasa loob. Halos lahat ay may nakahiga. Punuan. Sa ganitong pampublikong ospital, expected na talaga iyon na punuan, sapagkat Ang mga taong Hindi kayang magpagamot sa mga pribadong ospital ay dito iyon dudulog. Hinanap Ng mata ko kung nasaan si Michelle. Base sa sinabi ni Francine, Bed C. Hayun, Nakita ko Siya pero nakahiga ito patalikod. May benda Ang kanang paa. Wala itong kumot kaya kita agad ang paa nito. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Nakita Kong may papalabas na mga tao sa pintuan kaya umatras ako. "Hay naku.. Sobrang init talaga.." Sabi nung unang lumabas habang pinapaypay Ang damit sa likod. "Sinabi mo pa.." Segunda Ng kasama nito habang pinupunasan Ang pawis sa noo. "Sana maglagay Naman Sila Ng Isa pang electric fan. Iyong malaki na para maabot Naman Ng hangin Ang lahat Ng pasyente.." "Sana nga.. Hindi tulad ngayon, may electric fan nga, sinolo lang Naman Ng Isa.. Hay naku.. " "Oo nga eh.. Akala Niya, Siya lang Ang pasyente.." "Oo.. Kainis nga eh.." Hindi ko na Sila narinig dahil lumiko na Ang mga ito. Sa lakas ba naman ng mga boses nila, bingi lang Ang Hindi makakarinig. Bumuntong hininga ako saka lumapit sa pintuan. Agad natuon ang mata ko sa nag-iisang electric fan sa loob. Nakatutok lang ito sa iisang bed. Tama nga Naman Ang Sabi nung dalawa, pwede namang paikutin iyon para makabenepisyo Ang lahat na nasa loob. At muling itinutok Ang mata sa taong nasa Bed C. Nakaupo na ito sa gilid ng hospital bed. Nakatalikod pa Rin sa akin. Pero bigla itong lumingon at tumingin sa pintuan. Hindi ako nakagalaw kaya nagkatinginan kami. Matagal siyang nakatitig sa pintuan. Makalipas Ang ilang minuto, nagbawi ito Ng tingin. Kumilos ito, tumayo, at paika-ikang naglakad. At Ang tinutumbok nito ay Ang pintuan. Agad akong lumayo sa harapan ng pintuan. "Hindi niya ako dapat makita.. Tama na'ng nakita mismo Ng mga mata ko na andito talaga Siya sa hospital. Confirmed." Nagmadali na akong umalis at tinungo Ang kotse sa parking lot. Habang nakahiga, feeling ko may nagmamasid sa akin. Napatihaya ako at tiningnan Ang mga kasama ko. May kanya-kanyang kausap naman Ang mga ito. Dahil Wala Naman akong nakitang nagmamasid sa akin, nanatili ako sa pagkakahiga. Mag-isa lang ako ngayon dahil nagtrabaho si Trina. Ayos lang Naman sa akin dahil Bago Siya umalis ay nabili na nito Ang mga gamot na inireseta sa akin. Nakaramdam ako ng pag-ihi. Kaya kahit masakit pa Ang balakang, ay pinilit kong makabangon. Umupo Muna ako sa gilid Ng hospital bed upang makarelax panandali at nang di gaano maramdaman Ang sakit. Naroon na Naman Ang pakiramdam na parang may nakamasid sa akin. Bigla akong lumingon sa pintuan. Nakasara Ang pintuan, sa may parteng salamin nito, maaaninag na may tao. Pinakatinitigan ko talaga at baka makilala ko pero may kalayuan Ang pinto at blurred Ang nakikita ko. Hindi ko mamukhaan Ang itsura nito. Kahit anong paglaki o pagliit Ng mata Ang gagawin ko, Hindi ko talaga makikita Ng malinaw Ang mukha na nakatayo sa labas Ng pintuan. Matagal ko iyon pinagmasdan. Kung hindi lang nagparamdam ulit Ang puson ko, Hindi ako titigil sa pagtanaw sa taong iyon. Binawi ko na lang Ang mGa mata dahil Hindi ko Naman iyon Kilala. Tumayo ako at paika-ikang tinungo Ang banyo upang umihi. Matapos makaihi ay dahan dahan akong nagbalik sa higaan ko. Masakit itapak ang kanang paa ko pero sinusubukan Kong itapak. Namaga bunsod ng bali at naipit na ugat. Kuwento Ng katabi naming bed, Siya dati ay natapilok din. Namaga Ang paa, pero gumaling din. Kailangan lang hilutin. Pero doon magpahilot sa marunong lang para di na masyado lumala ang maga. Sabi ko na lang na kapag makalabas na ako, pupunta ako dun sa sinasabi niyang magaling na manghihilot. May kopya na din kami ng address ng taong iyon. Nakangiwi man at di maipinta Ang mukha sa paglakad ay pilit na kinakaya upang makarating sa higaan. Pasalampak na umupo sa gilid Ng hospital bed. Masakit pa Naman Ang balakang ko, pero kunti na lang. At saka, mabuti na lang eh malambot yung kutson, kaya kahit pasalampak na maupo ay di gaano mararamdaman Ang sakit sa balakang. Nang makaayos na Ang upo ay marahas akong napabuga Ng hangin. Napatingin ako sa tanawing nasa labas Ng bintana. Maraming sasakyan, malalaki at maliliit, paroo't parito sa kalsada. Ang iingay. Kaliwa't kanang busina ang maririnig. At dahil Mamaya pa darating si Trina, magpapahinga na muna ako. Kaya Kumilos ako upang mahiga. Naalala ko na Naman Ang mga magulang ko. "Ma..Pa.. Kamusta na ayhan kamo dira sa boarding house? Mag duwa na ka gab i nga indi ko kamo makita.. Tani, okay lang kamo dira nga duwa ha.. Indi kamo magkabalaka sa akon ah, kaya ko ni.. Wala man ko sing iban nga ginabatyag maluwas sa nagbanog ko nga tiil.. Miss you so much na gid tana.. Palangga ko gid kamo ya.." Ipinikit Ang mga mata, na para bang maluluha na Naman sa pagkaka alala sa mga magulang. Sakay ng kotse na tinutunton ko ang daan papuntang Cuisine. Nang bigla na lang may malakas na pagsabog akong narinig, kasunod niyon ang paggiwang-giwang ng aking kotse. Mabuti at mabagal lamang Ang aking pagpapatakbo kung kaya ay agad ko iyong nakabig sa gilid ng daan at nakontrol upang tuluyang huminto. Swerte naman na walang nakasunod na sasakyan sa akin. At Wala ding nasa harapan. Kaya wala akong nasagasaan o nasugatan o nasaktan. Bumaba ako ng kotse. Tiningnan ko kung ano Ang dahilan ng pagsabog. Inikot ko ang kotse, nakita ko ang panghulihang gulong sa kanan banda, na-flat. Nilapitan ko, niyukoan at sinuring maigi. "Ito pala Ang dahilan.. tsk.. tsk..tsk.. Napakamalas Naman oh.. Kung kailan may aayusin pa ako eh.. Haayyy.." Napatayo ako bigla at nameywang. Marahas na napabuntong-hininga. Nag-isip saglit. "Oo nga pala.. Si Jun.." Sa naisip ay agad na umikot sa kotse papuntang driver's seat, binuksan Ang pinto at kinuha Ang cellphone sa loob. Pagkatapos ay nagtipa na sa aparato. Makalipas Ang ilang beses na pag-ring ay may sumagot na Rin Ng tawag. "Hello..?" "Hello.. Sino Po Sila..?" Tinig ng isang bata ang nasa kabilang linya. Naisip kong baka ay anak ito ng kaibigan. "Ahh.. Hi.. Andiyan ba si Papa mo..?" "Sino Po Sila..?" "Kaibigan ako Ng Papa mo.." May mga tinig akong naririnig sa background nito. Tila ba nag-uusap usap. "Ay ganun Po ba.. Sandali lang Po ha.. tatawagin ko lang Po Siya.." "Sige.." Naghintay ako Ng ilang sandali Bago ko narinig Ang tinig Ng kaibigan. "Hello.." "Pare.." "Oy, pare, napatawag ka..?" "Emergency pare eh.." "Anong maitutulong ko..?" "Nasiraan ako sa daan.. Pumutok Ang Isang gulong ko. May tauhan ka ba diyan na pwedeng kumuha Ng kotse ko Dito..?" "Sige.. Saan ka ba banda..?" Luminga-linga ako sa paligid. "Malapit ako sa kanto ng intersection ng Boni ave at Katipunan ave. Malapit sa isang Bar and Grill Resto.." "Sige.. Medyo malapit na din Naman sa Isang pwesto ko diyan.. Papapuntahin ko Ang tauhan ko diyan sa'yo.." "Sige, pare.." "Okay.. Hintay ka lang Ng ilang sandali. At tatawagan ko Ang tauhan ko diyan malapit sa kinaroroonan mo.." Tumango-tango ako. "Sige.. Salamat, pare.." Matapos Ang tawag ay agad Kong ibinulsa Ang cellphone. Sumandal sa uluhan Ng kotse habang naghihintay sa mga tauhan ng kaibigan ko na kukuha Ng kotse ko. May-ari Ng vulcanizing at repair shop Ang kaibigan. Ito Ang palagi niyang kinokontak kung magkaaberya Ang sasakyan. Kahit nasaan man ako ay handa ito palaging tulungan ako. Costumer na talaga ako ng shop niya, dahil sa kanya lang ako palagi nagpapaayos Ng kotse. Pati na iyong mga sasakyang ginagamit sa Cuisine. Sa shop niya lang dinadala sa tuwing masisira o may dapat ayusin. Sampung minuto lang Ang hinintay ko nang dumating na Ang mga tauhan ni Jun. May dala silang sasakyan upang humila sa kotse ko. Agad akong nilapitan ng pinaka puno Ng mga ito. Nakangiti ito. "Sir, magandang hapon po.." Tumango lang ako bilang sagot. "Tumawag sa amin si Sir Jun.. Nagkaproblema ka daw Po sa kotse Niyo..?" "Ahh.. Oo.. Pumutok ang isang gulong eh.." "Ganun Po ba.." Umikot ito sa likurang bahagi ng kotse, at tiningnan Ang sira. "Tsk.. tsk.. tsk.." Napailing-iling ito. "Bakit..?" "Naku, Sir, kailangan palitan ang gulong mo.." "Matatagalan ba Yan..?" "Opo.. Kung makakapaghintay ho kayo.." "May aasikasuhin pa ako eh.." "Ganun Po ba.. Eh di, ganito na lang Sir.. Tulad na lang din Ng dati.." "Sige.." Saka kinuha ko Ang ilang gamit sa loob Ng kotse at ibinigay Ang susi sa kausap. Kapag sinabing tulad Ng dati, ibig sabihin, Sila na Ang bahala magdala Ng sasakyan sa shop at mag-aayos. Pagkatapos ay dadalhin na lamang nila doon sa Cuisine. "Kayo na Ang bahala.. Pakaingatan lang Ang kotse.." "Sige Po, Sir.. Makakaasa ka Po.." Isang tango lang Ang ginawa ko. Agad na pumara ng taxi upang magpahatid sa Cuisine. At naisip kong sa backdoor ng kainan ako papasok. Malapit iyon sa aking opisina. At walang makakahalata na dumating na ako kapag doon ako dadaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD